Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa mga kawani ng Kagawaran ng Edukasyon, lalong higit sa Schools Division

Superintendent ng Oriental Mindoro, Madam Susana M. Bautista, sa District Supervisor ng


Socorro, Dr. Jocelyn A. de Castro, sa ating butihing ina ng Paaralang Elementarya ng ---------
Gng./G.-------- sa mga guro, mga magulang, mga kapwa ko magsisipagtapos, at mga
kaibigan.

Pagbati ng isang magandang araw sa atin pong lahat. Tunay nga pong
napakaraming bagay ang dapat nating ipagpasalamat, at bilang batang naatasan na
magpaabot ng pasasalamat, hayaan nyo pong ipahatid ko ito sa inyo sa aking murang
isipan. Salamat, tatlong katagang tila mahika na sa tenga ninuman, na kapag nakatanggap
ka nito ay makapigkas na ngiti ang karampatang maisusukli… Pasasalamat, unang-una sa
Poong Maykapal, sa lahat ng blessings, sa bawat paggising sa umaga, sa mga hindi
mabilang na lungkot at saya at sa pagkakaloob sa akin ng samut-saring karanasan kasama
ang mga taong nakapalibot sa akin. Salamat po Ama sa walang sawang pag-gabay saaming
lahat. Sa aking buong pamilya, kina mama at papa at sa aking kapatid, syempre kayna lolo
at lola at mga titos at titas, heto na ako ang inyong kapamilyang kwela na ngayon hawak
ang mikropono sa entablado at nagbabahagi ng aking inaasam na talumpati. Salamat
salamat, salamat sa inyo, umasa po kayong tutuparin ko ang matayog na pangarap nyo
para sa akin. Sa mga guro na tumatayong pangalawang magulang sa atin, Thank you, for
you made us as good fruits of your labor, Hindi po matatawaran ang pinakita at
ibinahaging dunong sa amin, lalong higit saaming gurong tagapagpayo Sir/ Ma’am ----------
na talagang inihanda kami para sa buhay Sekundarya at paglalaan ng panahon upang
magkaroon ng ganitong uri ng pagtatapos. Salamat din, sa inyo mga kapwa ko
magsisipagtapos, sa aking mga matatalik na kaibigan, napakadami na rin ng ating
napagsamahan na talagang hinding hindi natin malilimutan hanggang sa ating pagtanda…
Kita-kits pa rin tayo sa susunod na hakbang ng ating pag aaral. Sa ating Inang Paaralan,
-------- Elementary School, salamat sa pagbubukas ng pinto sa aming lahat para sa aming
huwarang paglago… Muli, may ngiti sa aking labi… SALAMAT SALAMAT SALAMAT po…(name
nung student po) Batch 2023, may Mataas na Karangalan.

You might also like