Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ako si Andres Bonifacio, naging Supremo ng Kataas-taasan, Kagalang-galangan, Katipunan ng

mga Anak ng Bayan.

Ako si Gregoria de Jesus, kilala bilang Oriang, Lakambini ng Katipunan, kabiyak ng puso ng aking
minamahal na si Andres.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Andres Bonifacio : Kailangan kong lumahok sa magaganap na pulong sa Tejeros, Cavite.

Gregoria de Jesus : Andres, kinakabahan ako.. lalo na’t may hidwaan ang grupong Magdalo at
Magdiwang.

Andres Bonifacio : Umaasa akong maaayos ko ang kaguluhan sa pagitan ng mga katipunero.. Hindi
maaaring hindi, hindi magwawagi ang ating laban para sa kalayaan kung mismong tayong mga
Pilipino ang walang pagkakaisa.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Gregoria de Jesus : Andres ! Anong nangyari?! Bakit nila ginawa sa’yo ito?

Andres Bonifacio : Akong laki sa hirap ay kanilang minaliit ! Pinagtaksilan para sa kapangyarihan sa
pamahalaan !

Gregoria de Jesus : Mahal ko, lalaban tayo.. Hihingi ako ng tulong sa ating mga kaibigan sa
Maynila. Sisiguraduhin kong makakalaya ka.

Andres Bonifacio : Oriang, mahal ko, umalis ka na.. Magmadali ka, nag-aalala ako sa iyo. Baka pati
ikaw ay madamay sa sinapit naming ito ni Procopio.

Gregoria de Jesus : Huwag mo akong alalahanin mahal ko. Mag-iingat akong lagi at sisiguraduhin
kong makakalaya ka at makakamit natin ang katarungan.

Andres Bonifacio : Oriang, kung ang araw ay hindi ko na masilayan pa.. Makamit nawa ng Pilipinas
ang tunay na kalayaan at kapayapaan. Oriang, tandaan mong lagi, mahal na mahal kita..

Gregoria de Jesus : Andres, huwag kang mawalan ng pag-asa. Magkasama pa rin tayong
makikipaglaban para sa kalayaan ng ating Inang bayan.. Andres, paki-usap, magpakatatag ka, mahal
na mahal din kita.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

You might also like