Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LOMBOY ELEMENTARY SCHOOL

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Araling Panlipunan 4
Ikaapat na Markahan, Unang Linggo

Pangalan: ___________________________________ Petsa: __________

Baitang at Pangkat: :_________________ Iskor: __________

Ang Pagkamamamayang Pilipino

I. Kasanayang Pampagkatuto

Natatalakay ang konsepto at prinsipyo ng pagkamamamayan. AP4KPB--IVa-b-1

II. Panimula (Susing Konsepto)

Pagkamamamayan – ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda


ng batas.
• Hindi lahat na naninirahan sa isang bansa ay matatatawag na mamamayan sa bansang ito.
Halimbawa: ang mga dayuhang naninirahan sa ating bansa upang mag-aral, mamasyal, o
makipagkalakal at hindi nasasaklaw sa Artikulo IV, seksyon 1 ng Saligang Batas ay hindi maituturing na
Pilipino dahil sila ay mamamayan ng ibang bansa.

Ang Mamamayang Pilipino

Ayon sa Artikulo IV, seksyon 1 ng Saligang Batas ng 1987, maituturing na mamamayang Pilipino ang
sumusunod:
• Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987.
• Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino
• Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na pinili ang
pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang.
• Mga dayuhang nagpasyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng naturalisasyon.
Saligang Batas ng 1987, seksyon 4 – ayon dito, ang isang mamamayang Pilipino na nakapag-asawa ng isang
dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan
ng kanyang napangasawa.
Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong
Setyembre 17, 2003, ang dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa
pamamagitan ng Naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino.
Sa Dual Citizenship kailangan lamang na aplayan niya ito at patunayan sa pamamagitan ng kanyang
sertipiko ng kapanganakan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang kanyang mga magulang o isa
man sa kanila ay mamamayang Pilipino kahit saan man siya ipinanganak.

Uri ng Mamamayang Pilipino


May dalawang uri ng mamamayang Pilipino. Ito ay ang Likas o Katutubong mamamayan at Naturalisadong
mamamayan.
1. Likas o Katutubong Mamamayan – ito ay ang mga anak ng isang Pilipino.
• Maaaring isa lamang sa kanyang mga magulang ang Pilipino o sila ay kapwa Pilipino.
-
2. Naturalisadong Mamamayan – ang naturalisadong Pilipino ay mga dating dayuhan na naging
mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon.
• Ayon sa Commonwealth Act No. 475, ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino
sa pamamagitan ng naturalisasyon.
• Naturalisasyon- ay isang legal na paraan para sa isang dayuhan na nais maging mamamayan ng
isang bansa na sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman.Kapag nabigyan na ng pagkamamamayang
Pilipino ang isang dayuhan, kailangan niyang sumunod sa mga batas at kultura ng bansa. Matatamasa niya
ang mga karapatan ng isang mamamayang Pilipino maliban sa
mahalal sa mataas na posisyon sa pamahalaan ng bansa.

Mga Katangian ng isang dayuhan na nais maging Naturalisadong Pilipino


• Siya ay dalawampu’t isang taong gulang na at pataas.8

1
• Siya ay naninirahan sa Pilipinas nang tuloy-tuloy sa loob ng sampung taon at ito ay magiging limang
taon na lamang kung:

a. Ipinanganak siya sa Pilipinas;


b. Nakapag-asawa siya ng isang Pilipino;
c. Nakapagturo siya ng dalawang taon sa pribado o pampublikong paaralan; at
d. Mayroon siyang bagong industriya o nakagawa ng isang bagong imbensyon sa Pilipinas.
• Siya ay isang mabuting mamamayan.
• Naniniwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas.
• May matatag siyang hanapbuhay at ari-arian sa Pilipinas.
• Nakapagsasalita at nakasusulat siya ng wikang Pilipino.
• Tinatanggap niya ang kulturang Pilipino.
• Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang nagtuturo ng kultura at kasaysayan ng
Pilipinas.Kapag nagawaran na ng pagkamamamayan ang isang dayuhan,kailangan na niyang itakwil ang
kaniyang dating pagkamamamayan at manumpa ng katapatan sa ating bansa.

III. Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang makabuo ng isang salita na may kinalaman sa
pagkamamamayang Pilipino. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Nangangahulugan ito ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas. –
Gapakamamamnay ________________________________
2. Nakasaad dito ang mga katangian ng isang mamamayang Pilipino. - Gangilas tabas ng 7819 __________
3. Ito ay ang pagkakaroon ng dalawang pagkamamamayan. - Luad pishentizic ___________________
4. Proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas. - Noysasilarutan ________________
5. Ang mga magulang ay parehong Pilipino o isa man sa kanila. - sakil o tutukabo ________________

Gawain 2
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa unahan ng
bilang.
_______1. Ang isang mamamayang Pilipino na nakapag-asawa ng dayuhan ay mananatiling Pilipino maliban
kung pipiliin niya ang pagkamamamayan ng napangasawa.
_______2. Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 9225 tungkol sa pagkamamamayan ng
Pilipinong nakapangasawa ng dayuhan.
_______3. Likas o Katutubong mamamayan ang mga ipinanganak na parehong Pilipino ang mga magulang o
isa man sa kanila.
_______4. Lahat ng naninirahan sa bansang Pilipinas ay mamamayang Pilipino.
_______5. Ang mga dayuhan ay maaaring maging isang mamamayan ng Pilipinas

Gawain 3
Panuto: Iguhit sa kuwaderno ang masayang mukha kung ang pahayag ay tumutugon sa
pagkamamamayang Pilipino at malungkot na mukha naman kung hindi.

_____1. Si Alvin ay anak ng isang Ilocano at isang Cebuano.


_____2. Ang iyong ama ay Amerikano at ang iyong ina ay Pilipino.
_____3. Nagbabakasyon tuwing pasko sa Pilipinas si Michaela na isang Amerikana
_____4. Isang mamamayang Pilipino na piniling maging naturalisadong mamamayan ng Korea.
_____5. Mamamayang Pilipino pa rin ang iyong ate na nakapag-asawa ng dayuhan.
_____6. Ang isang Pilipinong kasapi sa hukbong sandatahan ay napatunayang tumakas at kumampi sa
kaaway sa panahon ng digmaan.
_____7. Si Pedro ay ipinanganak bago sumapit ang Enero 17, 1973.
_____8. Mga dayuhang naging naturalisadong mamamayan ng Pilipinas.
_____9. Itinakwil ni Alma ang kanyang pagkamamamayan at nag-angkin ng pagkamamamayan ng ibang
bansa.
_____10. Ang iyong ama at ina ay mga Pilipino.

2
3

You might also like