Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

FILIPINO

I. Tuntunin sa Wika
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga tanong:

1. Ang gamit o “function” ng wika ay upang manatili ang pakikipagkapwa- tao ay


a. interaksyonal b. instrumental c. representasyonal d. personal
2. Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan ay
a. pantig b. katinig c. morpena d. ponema
3. Ang palatandaan sa pagbasa na nagbibigay ng kaayusan ng mga salita sa loob ng pangungusap
a. semantiko b. sintaktika c. sehematiko d. morpema
4. Ang tawag sa dalawa, tatlo o higit pang mga wikang natutuhan ng mag- aaral ng una o katutubong wika ay
a. bernacular b. pangalawang wika c. banyagang wika d. katutubong wika
5. Ang hindi kabilang sa mga katangian ng isang guro sa epektibong komunikasyon ay
a. May malawak na kaalaman sa panitikan
b. Mahusay na tagapagsalita ng wika
c. Mahusay makipag- interak sa mga mag- aaral
d. Palagiang nakatuon sa mga ideyang nasa teksto

II. Wastong Gamit

6. Mas magiging masaya ang pagdiriwang kung makakadalo _________ Luisito at Clara.
a. sila b. kila c. sana d. sina
7. Wala na _________ pag- asa pang mabago ang kanyang pasya.
a. din b. rin c. daw d. raw
8. Si Binibing Reyes ay umaawit at sumasayaw __________.
a. din b. rin c. daw d. raw
9. Kinuha ____________ pulis ang mga pangalan ng mga taong nakita sa pook ng krimen.
a. ng b. nang c. ang d. ni
10. Ang Rizal Park ay __________ kaysa Bonifacio Park.
a. mas malawak b. magsinlawak c. pinakamalawak d. napakalawak
11. Aking _________ ang pinya upang matikman mo.
a. papatalupan b. patatalupan c. ipinatalop d. tatalupan
12. Ang koponang De La Salle at koponang Ateneo ay ___________ sa basketbol.
a. magsinhusay b. magsin- husay c. magsinghusay d. magsing- husay
13. Magkasama sa rally sa Mendiola _________ Marlo at Lita.
a. kila b. sila c. sina d. kina
14. ___________ bagong proyektong pabahay ang Sangguniang Panglungsod para sa mahihirap.
a. mayroo. b. mag- isang c. may d. pag- iisang
15. Nagdiwang ang buong paaralan dahil nakamit ni Joselito Ramos ang ___________ gantimpala.
a. ika- isang b. unang c. pang- unang d. pang- isang
16. Alas kuwatro ng hapon __________ bawian ng buhay si Pedro.
a. nang b. nuong c. ng d. ang
17. Tuwang- tuwa ___________ ng mangingisda ang maraming nahuhuling isda sa mga mamamakyaw sa pamilihan.
a. ipinagbili b. binili c. bumili d. nagbili
18. Nang makasakay ko si Danilo sa dyip ______ niya ako ng pamasahe.
a. bunayad b. ipinagbayad c. nagbayad d. ibinayad
19. Ang maysakit sa hospital ay magaling ________ totoo bago pa man dumating ang kanyang ina na galing sa lalawigan.
a. ng b. nang c. din d. rin
20. Isang kaaya- ayang tanawing _________ ang paglubog ng araw sa Look ng Maynila.
a. napakaganda b. mas maganda c. magandang- maganda d. pinakamaganda
III. Mga Patalinghagang Pananalita
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang kahulugan ng mga patalinghaga.

1. Ipinagtanggol ng lider ng union ang mga anak- pawis.


a. mahihirap b. manggagawa c. manlalaro d. manglaro
2. Parang natuka ng ahas si Rita ng makita niya ang lalaking mahal niya sa piling ng iba.
a. natigilan b. natuklaw c. nakagat d. nalason
3. Marami na naming nasagap na alimuon si Rosalie nang magtungo siya sa plasa kahapon.
a. masamang hangin b. bali- balita c. uri ng sayaw d. mga paligsahan
4. Ang buhay ni Jose Rizal ay bukas na aklat sa mga Pilipino.
a. makasaysayan b. lingid sa madla c. alam ng lahat d. itinatago
5. Ang damit ni Ara ay palasak na.
a. pangkaraniwan b. luma na c. hindi uso d. mumurahin
6. Si Carlos ay bugtong na anak ni Don Jose.
a. kaisa- isang anak b. kambal na anak c. lalaking anak d. panganay na anak
7. Kumukulo ang dugo niya tuwing makikita niya ang taksil niyang nobyo.
a. nagagalit b. nagtatampo c. naninibugho d. nananalangin
8. Ang taong iyan ay kahit hindi mayaman ay bulang- gugo.
a. maramot b. kuripot c. ayaw gumasta d. laging handing gumasta
9. Ang mga sinasabi ng taong iyan ay bulaklak ng dila at huwag kang maniniwala.
a. pagyayabang b. pagmamalaki c. pangungusap na hindi taimtim d. pagkainis
10. Huwag ninyong bilugin ang ulo ng batang iyan at kawawa naman.
a. lokohin b. pagtawanan c. tuksuhin d. kaawaan
11. Bahag ang buntot ni Jose Primo dahil mayaman ang ama ni Jose.
a. dukha b. mapagbigay c. takot d. tamad
12. Sa bahay na iyan nakatira ang mga kalapating mababa ang lipad.
a. mga babaeng masasama c. mga inang walang anak
b. mga babaeng walang asawa d. mga kalapating walang pakpak
13. Si Anita ay hindi makabasag pinggan.
a. pino kung kumilos c. magaspang ang ugali
b. mayabang kung magsalita d. padaskul- daskul kung kumilos
14. Kaututang dila ni Mely ang katulong ni Merly.
a. kaibigan b. kadaldalan c. kaaway d. kapatid
15. Kabagang ni Ginoong Diaz ang kanyang kapit- bahay.
a. kapalagayang- loob b. kaaway c. kausap d. kapantay
16. Si Ruben ang payaso sa pamilya.
a. ama b. nagpapasaya c. pinakabida d. panganay
17. Si Crispin ay isinilang na may kutsarang pilak sa kamay.
a. may dignidad b. may kayamanan c. may pag- ibig d. may handang pagkain
18. Ang ama ni Dan na sundalo ay nabuwal sa digmaan sa Bataan.
a. natumba b. napatid c. natalo d. namatay
19. Kahit saan magpunta si Nardo ay nakikiindak sa sayaw.
a. nakikibagay b. nakikipagsayaw c. nakikipagsaya d. nakikipag- usap
20. Ang nakataling- puso ni Carmelita ay isang mabait na hapon.
a. napangasawa b. nakasama c. nagging kaibigan d. nagging nobyo
IV. Mahalagang Tala

1. Ang itinuturing na ama ng katipunan ay si


a. Marcelo H. del Pilar b. Andres Bonifacio c. Emilio Aguinaldo d. Dr. Jose Rizal
2. Ang sumulat ng titik ng Pambansang Awit ay si
a. Rafael Palma b. Julian Felipe c. Jose Corazon de Jesus d. Marcelo H. del Pilar
3. Ang kumatha ng himig ng Pambansang Awit ay si
a. Rafael Palma b. Levi Celerio c. Julian Felipe d. Graciano Lopez
4. Ang pahayagan ng katipunan ay
a. Kalayaan b. Herald c. and Demokrasya d. Tribyon
5. Ang Filipinong tumuklas ng limbagan sa Pilipinas ay si
a. Carlos del Rosario b. Tomas Pinpin c. Jose Reyes d. Tomas Peña
6. Ang Ama ng Tulang Tagalog ay si
a. Francisco Balagtas b. Pedro Caluya c. Francisco Dagohoy d. Andres Bonifacio
7. Ang Ama ng Wikang Pambansa ay si
a. Jose Rizal b. Lope K. Santos c. Andres Bonifacio d. Manuel L. Quezon
8. Ang nagtatag ng Diaryong Tagalog ay si
a. Apolinario Mabini b. Marcelo H. del Pilar c. Jose Rizal d. Andres Bonifacio
9. Ang nagtatag ng La Solidaridad ay si
a. Andres Bonifacio b. Marcelo H. del Pilar c. Jose Rizal d. Graciano Lopez Jaena
10. Ang utak ng himagsikan ay si
a. Apolinario Mabini b. Andres Bonifacio c. Jose Rizal d. Emilio Aguinaldo

Panuto: Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Agad na sumigaw ang bata __________ makitang dumating ang kanyang kapatid.
a. ng b. nang c. subalit d. agad
2. ang mga mag- aaral ay nagkakasundo _________ sa iminungkahi ng guro.
a. din b. rin c. raw d. daw
3. Ang bawat tao _______ ay kinakailangang isakatuparan ang kanyang mithiin sa buhay.
a. daw b. raw c. rin d. din
4. Ang kirot ay unti- unti ________ nawawala.
a. ng b. nang c. kong d. kung
5. Ayon kay Jose Rizal, ang mga bata ____________ ang siyang pag- asa ng bansa.
a. daw b. raw c. rin d. din

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

6. Narinig ko ang alawat ng mga bata sa silid ng mag- asawang Jose at Ana.
a. ingay b. mahinang alingawngaw c. sigaw d. tawanan
7. Ang Itay ay alimbuyaw nang dumating kanina.
a. aburido b. masaya c. patakbo d. sumigaw
8. Si Jose ay isang anluwagi nang mapangasawa ni Maria.
a. guro b. katulong c. karpintero d. pulis
9. Kakarampot ang nakuha kong ulam sa mesa.
a. marami b. katiting c. malalaki d. mahahaba
10. Alumpihit ang Itay habang hinihintay ang Inay.
a. kabang- kaba b. siyang- siya c. di- mapalagay d. tuwang- tuwa
11. Iyon ang kinamihasnan ng babaeng iyon sa bundok kaya di makaunawa sa iyo.
a. natutuhan b. kinagawian c. napag- aralan d. nagustuhan
12. Ang alipustahin ang mga dukha ay di kanais- nais na pag- uugali.
a. layuan b. apilain c. talikdan d. kagalitan
Panitikan
Panuto: Ibbigay ang tamang kasagutan sa mga tanong.

13. Tinaguriang Jose Batute ng Pilipinas.


a. Jose Garcia Villa b. Francisco Baltazar c. Jose Corazon de Jesus d. Modesto de Castro
14. Pinakabantog at pinakamahalagang awit na nasulat ni Francisco Baltazar.
a. senakulo b. Epiko c. Duplo d. Florante at Laura
15. Ang kauna- unahang Pilipinong manlilimbag
a. Marcelo del pilar b. Tomas Pinpin c. Jose Maria Panganiban d. Emilio Aguinaldo
16. Ang taong may “memorya fotograpica”.
a. Jose Maria Panganiban b. Jose Garcia Villa c. Jose Corazon de Jesus d. Jose Rizal
17. “Ama ng Dulang Pilipino”.
a. Julian Cruz Balmaceda b. Severino Reyes c. Lope K. Santos d. Emilio Jacinto
18. Siya ay tinaguriang “Joseng Sisiw”.
a. Jose Villa Panganiban b. Pedro Paterno c. Jose de la Cruz d. Modesto de Castro
19. Ama ng Wikang Pambansa.
a. Emilio Aguinaldo b. Manuel Quezon c. Aurelio Tolentino d. Apolinario Mabini
20. Ang “Orador ng Pagbabago”.
a. Graciano Lopez Jaena b. Mariano Ponce c. Urbana at Feliza d. Jose Buhain
21. Isang dulang tinaguriang obra- maestro ni Severino Reyes.
a. Medusa b. Banaag at Sikat c. Urbana at Feliza d. Walang Sugat
22. Ang may akda ng “Ang Cadaquilaan ng Dios”.
a. Emilio Aguinaldo b. Marcelo H. del Pilar c. Julian Felipe d. Lopez Jaena

Bugtungan
Panuto: Turingan ang mga sumusunod na bugtong.

23. “Ang anak ay nakaupo na, ang Inay gumagapang pa.”


a. Kalabasa b. Saging c. Sanggol d. Aso
24. “Kung araw ay bubong, kung gabi ay dahon.”
a. Unan b. Banig c. Atip ng bahay d. Payong
25. “May ulong walang mukha, may katawan, walang sikmura. Namahay ng sadya.”
a. Pako b. Palito ng posporo c. Upo d. Talong
26. “Tubig sa ining- ining, di mahipan ng hangin.”
a. Ilog b. Balon c. Ulan d. Dagat

Panuto: Piliin ang tamang baybay ng mga sumusunod:

27. a. istadyum b. stadium c. estadyum d. stadium


28. a. matematika b. mathetica c. matimatika d. matemateka
29. a. comentarista b. komentarista c. komintarista d. comintarista
30. a. kumersiyal b. komersiyal c. commercial d. comersyal

Panuto: Iba’t- ibang tuldik at kahulugan sa English.

31. Ang kahulugan niya ay “flower pot”


a. pasò b. pasô c. pakò d. bagó
32. Ang kahulugan ng “live charcoal”
a. bagâ b. bagà c. baga d. paso
33. Ang kahulugan ay “smoke”.
a. asò b. asô c. dalà d. bagà
Panuto: Ibigay ang wastong panghalip na pananong sa loob ng panaklong.

34. (a. Sino b. Ano c. Alin d. Ikaw)


ang iyong mga kapatid?

35. (a. Kailan b. Gaano c. Magkano d. Ilan)


ang pagkakabili mo sa iyong sapatos?

36. (a. Alin b. Kailan c. Saan d. Sino)


sa apat ang pinakamagandang damit na bagay kay Marvin?

37. (a. Gaano b. Ilan c. Magkano d. Saan)


kabilis ang mga taong iyan tumakbo?

38. (a. Alin b. Kailan c. Saan d. Sino)


ang nagputol ng mga mahahabang buhok niya?

39. (a. Bakit b. Paano c. Saan d. Gaano)


niya lantarang sinabi ang mga nakita niya?

40. (a. Gaano b. Ilan c. Magkano d. Ano)


ang timbang ng labing- apat na mansanas?

41. Ang isa sa mga katangian ng maikling kwento pambata ay__________?


A. may kaunting tauhan C. Naiiba ang panahon
B. may iba’t ibang tagpuan D. nakakaaliw sa kanila
42. ‘”Kung sa langit ay nabubuhay , ang sa lupa’y namamatay. Ano at kinatatakutan , ang oras ng kamatayan.”Ang
saknong ay nagpapahayag ng damdaming _________?
A. maging matatag C. maging mapagbigay
B. maging mapagpasinsya D, maging matapang
43. Ano ang nagpamali sa pahayag na ito?
May iba’t abang paraan upang mapaunlad ang husay sa pagbabasa.
A B C D
A.D B.A C.B D.C
44. Sa taas ng mga bilihin ngayon , kahit” kahig ka ng kahig” ay wala paring maipon. Ano ang ibig sabihin nito ?
A. Hindi bumili B. Hanap ng hanap C. Bawasan ang bili D. Gastos ng gastos
45. Manunulat ang tatay ko kaya sa personal mung kagustuhan makasunod sa kanyang mga yapak , magsulat ka. Ano
ang kahulugan ng pagsusulat?
A. Proseso na nagsimula sa idea o karanasan
B. Makalikha ng mga salita, pangungusap , talata
C. Kakayahan ng tao na malinaw na makapagtalao makapagimprenta
D. Pagpili ng paksa at pagsasaliksik
46.”Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha”. Ito ay isang ___________.
A. Bugtong B. Salawikain C. Kawikaan D. Palaisipan
47.”Sanay umulan na para matubigan ang bukirin”. Magdilang anghel ka sana.” Sagot ng kausap. Ang ibig sabihin ay
___________?
A. Magsimba ka para umulan C. Sumamba ka sa anghel
B. Maging totoo ang iyong sinabi D. Maging manghuhula ka
48. Ang tambal na salitang’matang-manok’ ay may ibig sabihing _____________?
A. Nakakatakot B. Nanlalabo C. Nanlilisik D. Matalas

49.”Nadurog ang kanyang puso sa tindi ng dalamhati.” Ano ang ipinatatalastas dito?
A. Pagpapalit-tawag B. Pagmamalabis C. Nanlilisik D. Personipikasyon
50. Alin pinakatamang pahayag? ___________ niya ang langit.
A. Tinitingala B. Tinitignan C. Sinulyapan D. Tinitigan
ANSWER KEY

I. TUNTUNIN SA WIKA II. WASTONG GAMIT

1. a 6. d 11. b 16. a
2. c 7. d 12. c 17. a
3. b 8. b 13. c 18. b
4. b 9. a 14. c 19. b
5. d 10. a 15. b 20. a

III. MGA PATALINGHAGANG PANANALITA

1. b 6. a 11. c 16. b
2. a 7. a 12. a 17. b
3. b 8. d 13. a 18. d
4. c 9. c 14. b 19. a
5. a 10. a 15. a 20. a

IV. MAHALAGANG TALA

1. b 6. a
2. a 7. d
3. c 8. b
4. a 9. d
5. b 10. a

1. 6. 11. 16.
2. 7. 12. 17.
3. 8. 13. 18.
4. 9. 14. 19.
5. 10. 15. 20.

21. 26. 31. 36.


22. 27. 32. 37.
23. 28. 33. 38.
24. 29. 34. 39.
25. 30. 35. 40.

41. C
42. C
43. D
44. D
45. C
46. D
47. B
48. B
49. A
50. A

You might also like