Mga Sangkap at Proseso NG Komunikasyon at Ibat Ibang Tungkuling Pangwika

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

SANGKAP AT PROSESO NG

KOMUNIKASYON
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Fili
May mga elementong bumubuo sa
proseso ng komunikasyon. May
mga komponent upang magkaroon
ng komunikasyon o talastasan. Ang
unang elemento o sangkap
ay ang konteksto.
Konteksto
sitwasyon o kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon. Ang konteksto
ay may limang dimensyon. Ito ay may dimensyong pisikal, sosyal, kultural,
historikal at sikolohikal.

1. Pisikal
Sa dimensyong pisikal ng konteksto ay nabibilang ang lugar na
pinangyarihan ng komunikasyon at ang kondisyon ng kapaligiran. Malaki
ang epektong nagagawa ng dimensyong pisikal sa uri ng
talastasangmagaganap. Kabilang sa mga salik ng dimensyong pisikal ay
ang temperatura, liwanag, pook kung saan nag-uusap, lebel ng ingay,
agwat o espasyo sa pagitan ng dalawang nag-uusap at maging ang oras.
temperatura
Malamig ba? Alinsangan o sobrang init o dili kaya' y labis ng lamig?
liwanag
Madilim ba o maliwanag? Nakasisilaw, sapat lamang ang liwanag o
naaaninag ba sa dilim at halos hindi na nagkikita ang kasangkot sa
komunikasyon?
lebel ng ingay
Matahimik na pook ba o labis ang gulo? Marami bang nag-uusap at
nagkakagulo ang ibang tao sa pook kung saan nag-uusap?
pook
Saan nagsasalita o nag-uusap? Sa loob ba ng silid-aralan, sa simbahan, sa parke,
sa pormal na miting o sa piknikan sa bukid nag-uusap?
agwat sa pagitan ng dalawang nag-uusap
Magkaharap ba sa mesa o nasa magkabilang ibayo? Nasa
pormal na ayos ba ang kinauupuan ng nag-uusap o may
nakaupo, may nakatayo, at mayroon bang palakad-lakad
habang nagaganap ang talastasan?
oras
Ginaganap ba ang talastasan sa katanghaliang tapat, o
umagang umaga o dapit hapon? Ang pagtatalakayan ba ay
simula ng pagkaklase o malapit nang matapos ang oras ng
pagkaklase
2.Sosyal

Sa dimensyong sosyal na konteksto ay pumapasok ang epekto ng


komunikasyon batay sa uri ng relasyon ng dalawang nag-uusap o ng mga nag-
uusap. Iba ang takbo ng usapan ng magkakaibigan, ng dati nang magkakakilala,
ng magkakapatid, ng mag-ina o mag-ama, ng estudyante sa kapwa estudyante
o ng estudyante at guro. Naaapektuhan ang bunga ng proseso komunikasyon
batay sa uri ng relasyon ng mga kalahok sa komunikasyon.
3. Kultural
Sa dimensyong kultural ng konteksto ay naoobserbahan sa kung minsan ay di
pagkakaunawaan sa komunikasyon sanhi sa pagkakaiba ng pananalig sa
Poong Maykapal o pagkakaiba ng relihiyon. Gayon din ang pagkakaiba ng
kinagisnang kultura. May epekto rin ang magkaibang pagpapahalaga,
magkaibang uri ng pamumuhay at pagtanaw sa buhay.

4. Historikal
Sa dimensyong historikal ng konteksto ay magkakaroon ng tuwiran at di-
tuwirang impluwensiya sa pag unawa ng kasalukuyang pag-uusap o
talastasan ang naunang usapan o pakikipagtalastasan.
5. Sikolohikal
Ang damdamin at emosyong taglay ng taong nag-uusap o ng mga taong
kasangkot sa usapan ay nakakaapekto sa uri, proseso at bunga ng usapan o
komunikasyon.

Mensahe
ideya o kaisipang isinalin o inilipat ng kalahok sa pag-uusap sa isa pang
kalahok na siya namang tumanggap ng ideya o kaisipang isinalin. Ang
mensahe ay ang mga bagay o paksang pinag-uusapan na isinalin at inilipat sa
pamamagitan.ng isang makahulugang koda tulad ng mga salita sa isang wika,
o ng mga makahulugang kilos o galaw.
Kalahok
mga taong nag-uusap na naghahatid at tumatanggap ng mensahe ay isa rin
sa mga sangkap ng komunikasyon. Ang kalahok o partisipant sa
komunikasyon ay bumubuo, naghahatid, at tumatanggap ng mensahe kaya
nagkakaroon ng proseso ng talastasan o komunikasyon. Higit na madali ang
proseso ng talastasan ng partisipant kung magkatulad sila ng mga katangian:
sosyal, intelektwal, kultura, at sikolohikal.
Channel o daluyan

Sa anong daluyan o channel ipahahatid ang mensahe? Ito ba ay sasalitain,


isesenyas, iguguhit, isusulat, ipadarama o iba pang uring daluyan. Ang iba-
ibang bahagi ng katawan ay mahalagang sangkap sa daluyan. Kung sasalitain,
ginagamit ang bibig, dila, labi, babagtingang tinig at iba pa. Kung isesenyas
ang mensahe magagamit ang kamay, paa, mata, balikat o ang tainga, ilong at
iba pa sa mga tatanggap.
Feedback o ganting-tugon
Ang ganting-tugon o ang feedback ay tugon sa natanggap na mensahe. Ito ay
nagpapahayag sa taong naghatid ng mensahe kung paano tinatanggap at
pinahalagahan at naunawaan ang hatid na mensahe ng taong kausap. May
pagkakataon na ang hatid na mensahe ay hindi narinig, hindi ganap na
naunawaan, hindi nabigyan ng wastong pagpapakahulugan. Kaya ang gagawinng
taong naghahatid ng mensahe ay uulitin o re-incoding ng mensahe upang
maibigay ito sa pagpapakahulugang ninanais ipaunawa. Ang re-incoding o pag-
uulit ng pahayag sa mensahe ay feedback rin o ganting-tugon.
ang ingay
Ang pagkakaroon o kawalan ng ingay ay sangkap din sa proseso ng
komunikasyon. Maaaring ito ay panlabas na ingay o panloob na ingay.

panlabas na ingay
maaaring tunog na narinig sa kapaligiran at maaaring biswal o mga bagay at
tanawing nakakakuha ng atensyon.

panloob na ingay
maaaring sa pag-iisip o anumang damdaming nagdudulot ng sagabal sa
proseso ng talastasan.
Iba't Ibang
Tungkuling Pangwika
1. Nalilinang ang pakikipag- 2 .Nagbibigay kakayahan
ugnayan. Sa pamamagitan ng na makipagpalitan ng
wika at komunikasyon, kabatiran o maghatiran
nagkakaroon ang tao ng mga ng impormasyon. Isang
kakilala, mga kaibigan, tungkuling pangwika
kapangkat, mga kasamahan. ang pagpapalitan ng
Nalilinang ang ugnayan at kaisipan, ng
pagsasamahan. Sa impormasyon at mga
pamamagitan ng kabatiran. Nagkakaroon
pakikipagtalastasan, dumarami ang tao ng kakayahan sa
at nagiging maayos ang pagbuo ng desisyon.
pagsasamahan ng tao.
Iba't Ibang
Tungkuling Pangwika
3. Tungkuling gampanan ang mga 4.Tungkuling makaimpluwensya ng
obligasyong sosyal. Naiuugnay ng kapwa o ng ibang tao
tao ang sarili sa ibang tao o sa Ang mga taong magaling sa sining
kanyang kapwa at sa lipunang ng pakikipagtalastasan, malimit ay
kinabibilangan niya sa mga taong matagumpay sa buhay.
pamamagitan ng komunikasyon. Karaniwang sila ay matagumpay sa
Likas at ugali na ng tao ang kanilang propesyon.
magbatian.
Iba't Ibang
Tungkuling Pangwika
5.Tungkuling pangwika. 6.Tungkulin ng komunikasyong matugunan ang
Upang magkaroon at pang-araw-araw na pangangailangan ng
mapanatiling buo ang pakikipag-ugnayan.
pagkilala sa sarili, Sa araw-araw na buhay, kailangan ang
naipapahiwatig ang komunikasyon o talastasan. Ito'y sa anyong
pagkatao ng isang pagbabatian, pagtatanong, pagbabalita, pag-
indibidwal sa uri ng uutos, pakikipag-usap, pagbibigay at paghingi ng
pakikipagtalastasang impormasyon at iba pang uri ng komunikasyon sa
isinasagawa niya. araw-araw.
MARAMING
SALAMAT

You might also like