Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Southern Luzon State University

Kolehiyo ng Inhinyero
Ikalawang Semestre
Akademikong Panuruan: 2022-2023

AGRI-NNOVATION: Pagdidisenyo ng Makabagong Seed-Sowing Machine gamit


ang Natural na Enerhiya mula sa Araw

Isinumite nina:

Delin, Jun Manuel, Perez

Garcia, John Patrick, De los Reyes

Jasmin, Rupert Jay, Manatiga

Martinez, Edrein, Tiñana

Oriacel, Nova Jane

Reyes, Lhervin, Remolona

Bachelor of Science in Mechanical Engineering

Isinumite kay:

Ms. Jonahbelle Abas


I. Rationale
Ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng
Pilipinas, na naglilingkod hindi lamang sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain
para sa bansa, kundi pati na rin sa kabuhayan ng libu-libong magsasaka. Gayunpaman,
mula sa datos ng Philippine Statistics Authority (2020), sinasabing ang sektor ng
agrikultura sa Pilipinas ay patuloy na iniinda ang kakulangan o kawalan ng modernong
kagamitan at teknolohiya na maaaring magdulot ng limitadong produksyon at pagtaas ng
gastos sa pagsasaka. Bilang tugon sa hamong ito, isinagawa ang pananaliksik na ito na
may layuning lumikha at magdisenyo ng isang makabagong Seed-sowing Machine na
gumagamit ng natural na enerhiya mula sa araw na magpapahusay sa paghahasik ng
binhi.

Ang pag-iinkorpora ng makabagong teknolohiya upang matugunan ang pag-


usbong ng iba't ibang hamon sa sektor ng agrikultura ay kritikal na kinakailangan ng
bansa. Isa sa mga hamon na kinahaharap ng mga magsasaka ay ang kakulangan sa lakas-
paggawa na maaaring matugunan kung sapat lamang ang kanilang mga makinarya.
Malaki ang epekto ng makinarya o kawalan nito sa produksyon, sapagkat ang mano-
manong paggawa ay hindi nakasasabay sa rami ng kinakailangang matapos na gawain,
mula pa lamang sa pagtatanim. Sa kabilang banda, ang mga makinarya na sa ngayo'y
available sa mga sakahan ay gumagamit ng fossil fuels, bagay na may masama ring
epekto sa kalikasan at kalusugan ng tao. Ang paggamit ng renewable na enerhiya tulad ng
solar power ay malaking tulong sa pagsagot sa problemang pangkalikasan, at isa ring
magandang adaptasyon at batayan sa pagbuo ng makabagong kagamitan (Pama, M. C., &
Javier, L. P., 2019). Nangangahulugan ito na ang paggamit ng mga renewable na
enerhiya ay hindi lamang kalamangan sa sektor ng agrikultura, kundi isa na ring paraan
upang maisalba ang kalikasan at kalusugan. Tampok sa pananaliksik na ito ang
makabagong disenyo ng Seed-sowing Machine na naglalayong mapaalwan at mapabilis
ang proseso ng pagtatanim ng mga binhi sa sakahan. Sa pamamagitan din ng paggamit ng
natural na enerhiya na mula sa araw, ang mga makinaryang gumagamit ng tradisyunal at
mapanganib na fossil fuels ay maaari nang mapalitan na hindi naaapektuhan ang
kahusayan nito sa paggawa. Makikitang ang bagong disenyo ng Seed-sowing Machine ay
makatutulong hindi lamang sa mga magsasaka upang mapabilis ang kanilang pagtatanim,
kundi pati na rin sa kalikasan sapagkat ang paggamit ng solar power bilang
mapagkukunan ng enerhiya ay nakababawas sa greenhouse gas emissions. Isinaad din sa
plano ng Government of the Philippines (2017) na malaki ang kahalagahan ng paggamit
ng renewable na enerhiya sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura dahil napalalakas nito
ang produksyon at nakatutulong ito sa kalikasan at kalusugan.
Malaking sakop ang ginagampanang bahagi ng agrikultura sa pagpapalago ng
ekonomiya ng isang bansa dahil hindi lamang ito ang inaasahan sa pangunahing
pangangailangan kundi pati na rin sa pagkuha ng mga hilaw na materyales na gamit sa
industriya. Bagama't kilala ang Pilipinas bilang isang bansang sagana sa likas na yaman,
ang kakulangan sa modernong kagamitan at teknolohiya ang naglilimita sa malawakang
produksiyon sa pagsasaka. Datapwat, ang inobasyong layon ng pananaliksik na ito sa
makinarya, partikular na ang Seed Sowing Machine ay makatutulong hindi lamang upang
mapabilis ang paggawa kundi para na rin sa malawakang pag-aangkat ng mga suplay at
materyales. Bukod dito, dahil sa paggamit nito ng natural na enerhiya mula sa araw,
makababawas ito sa emisyon ng mga gas na mapanganib sa kalusugan ng tao at
kalikasan.

II. Mga Layunin


1. Makalikom ng mga datos hinggil sa negatibong naidudulot ng paggamit
ng fossil fuels sa mga makinarya sa pagtatanim.
2. Makabuo ng epektibong disenyo ng Seed-Sowing Machine na may
kakayahang magamit ang natural na enerhiya mula sa araw.
3. Masubok ang bisa at kalidad ng bagong disenyo ng makinarya sa
pagsasaka.
III. Paradigma ng Pananaliksik

INPUT PROSESO AWTPUT


1. Datos mula sa mga
literatura at akademikong
journal na may kaugnayan
sa epekto ng paggamit ng
fossil fules sa mga
makinarya na gamit sa
pagsasaka.

2. Materyales sa Paggawa ng
Makabagong Seed-Sowing
Machine: 1. Pagsusuri sa mga
negatibong epekto ng
 Solar Panel paggamit ng fossil fuels
 DC motor bilang enerhiya sa mga
makinang pangsaka
 Baterya
 Connector Seed-Sowing Machine na
2. Paglalapat ng mga Mapatatakbo ng Natural na
 Wiring materyales at pagbuo ng Enerhiya Mula sa Araw
 Switch isang makabagong seed-
sowing machine na
 Plough mapatatakbo ng natural na
enerhiya mula sa araw.
 Structural Frame
 Gulong
3. Pagsubok ng bisa at
 Seed Sowing Disc
kalidad ng nagawang
 Seed Chamber makina gamit ang
makabagong disenyo.
 Seed Bucket
 Seed Storage Tank
 Sand Cover

3. Talaan ng mga
kinakailangang
datos(kahusayan sa
pagtatanim, epektibo ng
makina) sa pagsasagawa ng
eksperimento gamit ang
bagong disenyo ng makina.
Pigura Blg 1: Paradigma ng Pagdidisenyo

Ang pigura sa itaas ay nagpapakita ng isang modelo o paraan ng pag-aaral na


magiging gabay sa pagdidisenyo at pagbuo ng makabagong Seed-Sowing Machine. Ito ay
kinabibilangan ng tatlong bahagi o elemento (input, process, awtput) na kinakailangan
upang mas maisalarawan ang mga kinakailangang datos at mga hakbang na dapat gawin
sa bawat bahagi ng pananaliksik. Sa unang parte ng konseptwal na balangkas na ito ay
makikita ang input o ang mga kinakailangang datos at materyales upang maisagawa ang
kinakailangang proseso. Kabilang dito ang mga literatura mula sa mga akademikong
journal hinggil sa epekto ng paggamit ng fossil fuels sa makina, mga gamit na
kakailanganin sa pagbubuo ng bagong disenyo, at tala ng mga impormasyon upang
masukat ang bisa ng gagawing makina. Ang mga kinakailangang hakbang naman at
pamamaraan ng pagsusuri ay nakapaloob sa proseso ng dayagram. Dito nakasaad ang
pagsusuri ng mga impormasyon, paglalapat ng mga materyales, at pagsubok ng kalidad
ng nagawang disenyo. Panghuli ay ang awtput o ang inaasahang resulta na matutuklasan
sa pag-aaral na ito. Matatagpuan dito ang kahalagahan ng ginawang pag-aaral at disenyo
kahambing ng nakagawiang makina na gumagamit ng fossil fuel, mga tala ng katangian,
limitasyon, at kahusayan, at ang nagawang seed-sowing machine gamit ang bagong
disenyo.

IV. Metodolohiya

Ang metodolohiyang ginamit sa pananaliksik na ito na may layuning makabuo ng


makabagong Seed-Sowing Machine ay ang kwalitatibong metodo. Ito ay anyo ng pag-
aaral na itinuturing na "nonnumerical" o "hindi nabibilang". Ang mga datos ay itinatala at
binibigyang-interpretasyon gamit ang "nonnumerical" na pamamaraan (Trochim,
Donnelly, at Arora, 2014). Sa pananaliksik na ito, nangolekta ng datos ang mga
mananaliksik hinggil sa negatibong epekto ng fossil fuels sa pagpapatakbo ng mga
makinarya sa kapaligiran. Sa ilalim nito, nagsagawa ang mga mananaliksik ng pagsusuri
at pagsisiyasat sa mga literatura, akademikong journal, at pagsasaliksik online upang
bigyang-suporta ang pananaliksik na ito, at upang makakuha ng impormasyon tungkol sa
mga negatibong epekto ng paggamit ng fossil fuels sa mga makinarya sa pagtatanim.
Bukod dito, nangalap din ang mga mananaliksik ng mga datos at estadistika na
nagpapakita ng epekto ng fossil fuels sa kalikasan, ekonomiya, at kalusugan.

Matapos ang ginawang pangongolekta ng datos, nagbuo naman ng epektibong


disenyo ng Seed-Sowing Machine. Kabilang dito ang pagsasagawa ng pagsusuri sa mga
teknolohiya ng pagkuha ng natural na enerhiya mula sa araw. Binasa at pinag-aralan ng
mga mananaliksik ang mga naunang pananaliksik at teknolohiya na may kaugnayan sa
paggamit ng solar power o iba pang paraan ng pagkuha ng enerhiya mula sa araw sa mga
makinarya sa pagsasaka. Pinag-aralan din ang mga best practices at mga teknikal na
detalye ng mga umiiral na disenyo ng mga solar-powered na makinarya. Itinakda rin ang
mga kinakailangang katangian ng Seed-Sowing Machine, tulad ng kapasidad ng
pagtatanim, mga kinakailangang bahagi, at mekanismo ng operasyon.

Para sa malinaw at epektibong pagpaplano, gumawa ng mga teknikal na dibuho o


blueprint ng disenyo ang mga mananaliksik, na makikita sa itaas (Pigura Blg 2: Disenyo
ng Seed-Sowing Machine). Naglalaman ang disenyo ng mga detalye sa sukat, tibay, mga
komponente, at iba pang mga kinakailangan. Sa metodong ito, kinakailangan din na
masubok ang bisa at kalidad ng bagong disenyong makinarya sa pamamagitan ng
pagpaplano at pagsasagawa ng field test, pagsasagawa ng eksperimento, at pagsusuri ng
magiging resulta nito.

V. Mga Inaasahang Bunga at Resulta

Sa bahaging ito, inaasahang ang mga layunin ng pag aaral ay matutugunan batay
sa datos na malilikom at gagawing pagsasaliksik. Kaugnay nito, matapos na makalikom
ng malalim na kaalaman hinggil sa negatibong epekto ng paggamit ng fossil fuels sa mga
makinarya sa pagtatanim, sa pamamagitan ng pagsusuri at pagsaliksik sa mga datos at
estadistika, inaasahang mabibigyang-diin ang mga isyung pang-kapaligiran, pang-
ekonomiya, at pangkalusugan na kaugnay ng paggamit ng fossil fuels. Ito ay magbibigay
ng malinaw na pagsasaayos at pang-unawa sa mga negatibong epekto ng kasalukuyang
sistema ng enerhiya sa sektor ng agrikultura. Dagdag pa rito, sa pamamagitan naman ng
pagsasagawa ng pagsusuri sa mga teknolohiya ng pagkuha ng enerhiya mula sa araw,
matapos na mapag aralan ang tamang sukat, tibay, at mga kinakailangang bahagi ng
makinarya, at masubok ang bisa at kalidad ng magiging awtput sa pamamagitan ng
paghahambing sa tradisyunal na pamamaraan ng paghahasik ng binhi at ang bagong
disenyo ng Seed-Sowing Machine, inaasahang masusubok ang kahusayan at kalidad ng
solar-powered Seed-Sowing Machine sa aspeto ng pagtanim, paglago ng mga halaman, at
pagtaas ng produktibidad sa pagsasaka. Sa pangkalahatan ay inaasahang ang mga
mananaliksik ay makabubuo at makakapagdisenyo ng makabagong Seed- Sowing
Machine na nagpapahintulot sa paggamit ng solar power para sa malakas na operasyon at
may kakayahan na maghatid ng mga binhi sa tamang lalim, pagkakalat, at oras ng
pagtatanim.

VI. Sanggunian
Philippine Statistics Authority (2020). Agriculture. Retrieved from:
https://psa.gov.ph/agriculture Government of the Philippines. (2017). Philippine

Development Plan 2017-2022. Retrieved from: https://www.neda.gov.ph/wp-


content/uploads/2017/05/Philippine-Development-Plan-2017-2022.pdf

Pama, M. C., & Javier, L. P. (2019). Climate Change and Philippine Agriculture:
Impacts,

Adaptation and Resilience. International Journal of Climate Change Strategies and

Management, 11(1), 132-149.

You might also like