Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MarSU milestones sa Midyear term ngayong Hunyo 17 hanggang Huly 26

Saksi ako sa landas na tinahak ng Marinduque State College upang maging Marinduque State
University mula noong 2010 hanggang ngayong taon. Sa loob ng anim na linggo, ngayong
midyear term ay masasaksikan ng lahat ang mga panandang pangkasaysayan sa paglalakbay ng
MarSU mula sa Marinduque School of Arts and Trades (MSAT) noong 1952, Marinduque
Institute of Science and Technology (MIST) noong 1983, MSC noong 1992 at MarSU noong
2018.

Bagong lipat at nagbabalik ako sa Marinduque nang pumasok sa MSC noong 2009, ang una
kong posisyon ay puno ng Knowledge Information Management System (KIMS) sa
panunungkulan ni Dr. Romulo Malvar. Inabutan ko ang pagpupunla ng mga pamantasan nang
2010. Sa pamumuno ni Dr. Leodegario Jalos Jr, ang naging university focal person at naging
officer-in-charge ay nilatag na ang daan upang makamit ang status ng pagiging unibersidad. Sa
mga panahon ito ay tinatapos ko ang Masterado ko sa Unibersidad ng Pilipinas, tungkol sa
Independent Media Center sa paggitan ng 2009-10 ngunit 2012 ko lang natapos ang mga
modelo ng pag-unlad sa isla.

Taong 2014 ay nagpasya ako bumalik sa post-gradwadong pag-aaral, sa Pamantasang De La


Salle naman bilang faculty scholar. Ang una kong balak ay mga info shop sa kapuluan, pero
nauwi ako sa pag-aaral ng mga bahay-saliksikan sa Luzon, Visayas at Mindanao. PInalad naman
akong matapos sa loob ng dalawang taon at kalahati o pintong termino sa DLSU Manila.
Pagbalik ko sa MSC ay si Dr. Merian Mani na ang pangulo. Sa panahon niya naisakatuparan ang
RA 11334 (2018) ang batas na sinulong ni dating ispeker Kgg. Lord Allan Velasco upang ma-
convert ang MSC sa MarSU.

Sa pagpapatuloy, bumalik si Dr. Mani sa Romblon at si Dr. Verna Liza Capiña ang nagtuloy ng
proseso ng kumbersiyon ng MSC sa MarSU. Hanggang sa mailipat ang baton kay Pangulong Dr.
Diosdado Zulueta at sa panunungkulan niya ngayong 2024 ay naganap na ang pangarap ng
bawat taga-Marinduque. Sa bisa ng ika-635 na En Banc na pulong ng Commission on Higher
Education, pinagtibay ng Resolution no. 276-2024, sa pagiging compliant sa mga sumusunod na
area of compliance: enrollment and programs, faculty, research, learning resources and support
structures at linkages and outreach.

Noong June 11, nakadalo ako sa joint meeting ng MSC Academic Council, Administrative Council
at Management Committee sa MSC gymnasium upang pag-usapan at i-endoso sa Board of
Truestees ng MSC sa darating na June 21 ang sumusunod na agenda: MarSU rebranding
elements, kasama ang official logo/seal, core values, mandate and motto/ tagline,
Implementing rules and regulation ng RA 11334 at proposed budget sa University inauguration
at investiture ceremonies sa darating na July 4. Bilang suporta sa MarSU, ipagpapatuloy natin
ang nasimulan ng MSC Publication at MarSU Press sa pamamagitan ng National Book
Development Board (NBDB) hanggang Abril 2025. Nakapaglimbag na tayo sa Amazon Kindle,
nakakuha ng ISBN sa National Library at copyright sa Intellectual Property Office of the
Philippines (IPOPHIL).
BCAEd, BA ELS x BAC proposal defense tungkol sa Araling Marinduque: Pag-aaral sa Sining,
Wika/ Salin at Midya ng Isla
Pagkatapos ng regular na semestre, dumulo sa “hell week” o final examination sa paggitan ng
Mayo 22 at 24 ngayong taon. Sinimulan noong Mayo 21 ang huling depensa ng mga mag-aaral
ng BCAEd (Bachelor of Culture and Arts Education). May isang grupo na ako ang nagsilbing
adviser, tungkol sa paghihiwalay ng lalawigan ng Quezon at Marinduque. Ang nalalabing mga
pangkat ay iba-ibang paksa sa kultura at pamana sa isla ng Marinduque.

Ang sumunod na set ng mga mag-aaral kumukuha ng BA English Language Studies (BA ELS),
noong Mayo 27. Bago magsimula ang depensa ng mga mungkahing pag-aaral ay may pa-
welcome sa akin bilang nagbabalik pagkatapos ng halos 10 buwan na pagkakaratay sa sakit. Na-
aksidente kami mag-anak, noong Agosto 20, isang araw bago ang simula ng unang semestre ng
2023-24. Mula Agosto 21 hanggang Disyembre 7 ay nasa Lucena city lang kami mag-asawa para
sa mga follow-up check up sa mga doctor. Nang makabalik sa Marinduque, ay unti-unti
nagpalakas hanggang sa makabalik sa trabaho ang asawa ko at magsimula sa physical therapy
para makalakad uli dahil sa pinsala sa katawan dulot ng aksidente. Buti na lamang ay pinayagan
naman akong mag-work from home at kahit paano, nakaupo na ako sa mga pinal na depensa sa
pamamagitan ng virtuwal na paraan.

Ngayon ay personal na, kinailangan kong umakyat sa hagdan, tatlong palapag at magbyahe sa
tricycle. Bumabalik na sa siklo ng mungkahing mga papel tungkol sa araling wika at salin. Isang
araw ang paggitan ng BA ELS at BA Communication, kung kalahating araw umupo para sa
komento at suhestiyon ay maghapon na ang kasunod na araling midya ang mga paksa. Noong
mayo 29, nasa 14 na mga mungkahing pag-aaral ang tinulungan naming ma-aprubahan.

Ang Marinduque State College ay tagumpay na sa kumbersiyon nito upang maging ganap na
Pamantasan, sa bisa ng RA 11334 noon pang Abril 26, 2019. Pero nito lamang Mayo 20,
nakompleto ang mga kahingian ng teknikal na komite sa Kongreso at isang linggo ang lumipas
ay nadesisyonan na sa Commission on Higher Education (CHED) en banc ang status ng MSC.
Inaantay na lang sa darating na pulong ng Board of Trustees ang resolusyon sa Hulyo 15 para
maging Marinduque State University (MarSU). Kaakibat nito ang dekalidad na saliksik ng mga
Kolehiyo dating mga Paaralan kagaya ng College of Arts and Social Sciences nagmula sa School
of Liberal Arts o Arts and Sciences.
100 days after ng pag-alis ng Ilizarov fixator
Simula ng Marso 1 ay tinanggal na ang mga fixators sa kaliwa kong paa, imbis na isemento o
lagyan ng metal plates ang mga buto ko. Hindi ko pa natutupi ang tuhod ko, hindi pa rin ako
nakakabalik sa orthopedic kong doktor dapat noong Marso 22 pero hindi pa ako handa
magbiyahe. Bumalik kami ng Mayo 3, pero kasamaang palad ay nagkansela ang doktor at hindi
kami naabisuhan. Noong Agosto 20, 2023 nabangga kami ng truck sa Tiaong, Quezon pabalik sa
Marinduque galing sa Mindoro at Davao. Hindi na napakinabangan ang crosswind na sasakyan
namin. Naputol ang mga buto ko sa paa (femur, tibia at fibula) at braso (ulna, radius at
humerus) may tama sa gilid ng mata at panga si tatay, at si mrs ay lumabas ang buto sa paa at
tumama ang ulo sa maleta. Halos tatlong linggong walang malay ang asawa ko, nasa ospital siya
sa Candelaria mula Agosto 21 hanggang Setyembre 18. Habang ako kasama ang tatay ko ay
nasa Quezon Memorial Hospital mula Agosto 20 hanggang Setyembre 4 bago lumipat sa
pribadong ospital sa Lucena. Sa paggitan ng Setyembre 4 at 29 ay binuksan ang tuhod ko,
tinanggal ang closed reduction external fixator at pinalitan ng ilisarov fixator kasama ang metal
plates sa kaliwang braso at kamay ko. Halos apat na buwan kami sa Lucena para makabalik sa
mga follow-up visit. Sobra ang hirap ng magpaalaga, lalo na kung may edad ang mga magulang.
Kahit simpleng may mga bagay tulad ng pagdumi at pag-ihi, kahit pagkain at paglinis ng
katawan ay kailangan may caregiver. Disyembre na kami nakauwi ng Marinduque. Binuno ko
ang tatlong buwan pagkatapos bawasan ng dalawang bilog ng fixator ko sa paa. Nitong Marso 1
na lang tinanggal ang natitirang lima pang bilog ng fixator ko. Marso 22 ako pinabalik ng doktor,
sabi ko sana ay makasimula ako ng physical therapy at maitupi ko ang tuhod ko ng 90 degrees.
Lumipas ang unang 30 araw ay nakakasaklay na ako. Hindi na naka-wheel chair at nakakaligo na
na ng nakatayo. Sa sunod na 30 araw ay dalawang beses na ako nakakalakad gamit ang saklay.
Sa huling 30 araw ay salitan na ng saklay sa umaga, tungkod sa hapon. Nakakalabas na rin ako
nitong Mayo 20 para sa isang hybrid na webinar tungkol sa tradisyon ng tubong. Bilang
pasasalamat sa pagkakaligtas sa aksidente at paggaling sa sakit, ginagawa din ang putong sa
pagtanggap ng bisita at pagbibigay ng halaga sa mga nagdiriwang ng kaarawan. Nitong June 9,
naka-100 araw na ako pagkatapos ng pagtanggal ng lahat ng fixator ko, mahigit sa 50 degrees
na ang tupi ng tuhod ko, nakaka-akyat na ako ng hagdan at nakakalakad ng minimal na ang
saklay o tungkod. Buti na lamang, na-aprubahan ang sabbatical leave ko mula Abril 1 hanggang
Setyembre 30 para matapos ko ang saliksik ko tungkol sa araling isla at pangkapuluan.
Nakapagsimula naman na ako noong Enero hanggang Mayo 2023 at magpaparenew dapat sa
darating na pasukan ng unang semestre, Agosto hanggang Disyembre. Salamat na lang sa Hulyo
ay ganap nang uniberisad ang Marinduque State College na dumaan na sa kongreso at
Commission on Higher Education. Sa awa ng Diyos ay may pagkakataon pang bumawi sa mga
taong tumulong at naglaan ng tulong sa amin. May misyon pa tayo maaaring matapos at
makamit.

Phil. Environmental Month

You might also like