Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Epekto ng Kaisipang Liberal sa
Pag-usbong ng Damdaming
Nasyonalismo

1
Araling Panlipunan – Ikaaanim na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Epekto ng Kaisipang Liberal sa Pag-usbong ng
Unang Edisyon, 2020 Damdaming Nasyonalismo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Hasmina A. Dinas


Editor: Acremah M. Balayanan
Tagasuri: Ritchel S. Wong, Maria Runa C. Orbe, Ruth E. Lacasandili
Tagaguhit: Hasmina A. Dinas
Tagalapat: Jim Ryan S. Dela Cruz
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Carlito D. Ricafort, CESO V – Regional Director
Rebonfamil R. Baguio, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM
Johnny M. Sumugat - REPS, Araling Panlipunan
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada- EPS, ADM
Haron C. Kartil – EPS, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - SOCCSKSARGEN Region XII


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
Alamin

Magandang araw sa iyo!

Ang modyul na ito ay nagpapaloob ng mga siniping kasaysayan ng


Pilipinas sa panahon ng kolonyalismong Espanyol at nang buksan ang mga
daungan ng bansa para sa kalakalang pandaigdigan at pagkaroon ng
pagkakataon ng mga Pilipinong makapag-aral sa ibang bansa. Binibigyang
halaga ang dalawang uri ng mamamayan sa lipunan, ang uring mestiso at
ilustrado. Dito rin nagsimulang maliwanagan at umusbong ang damdaming
nasyonalismo.

Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo upang mapag-aralan at


matamo ang layuning masuri ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong
ng damdaming nasyonalismo (AP6PMK-Ib-4).

Galingan mo at paghusayan ang pag-aaral!

Subukin

Bago mo umpisahan ang paglalakbay sa araling ito, hayaan mong subukin ang
iyong kakayahan sa pagsagot sa mga tanong.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng


tamang sagot. Gawin ito sa iyong sanayang papel.

1. Ito ay tawag sa mga anak ng mag-asawang magkaiba ang lahi.


a. Mestiso c. Indiyo
b. Ilustrado d. Espanyol

2. Ito ay nabuksan at nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na


magaral sa ibang bansa.
a. Kanal Ehipto c. Ilog Panama
b. Ilog Mississippi d. Kanal Suez

3. Anong kilalang kalakalan ang namayani ng daan-daang taon sa


panahon ng kolonyal?

1
a. Kalakalang Galeon
b. Kalakalang Frances
c. Kalakalang German
d. Kalakalang Amerikano
4. Ang salitang nasyonalismo ay isang sistema ng paniniwala ng pagiging
______________.
a. makabansa c. makaDiyos
b. makatao d. makakalikasan

5. Ang _________ ay tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa


at magaling sa wikang- Espanyol.
a. Mestiso c. Indiyo
b. Ilustrado d. Espanyol

6. Sa gitnang bahagi ng siglo-19, maraming Mestisong Pilipino ang


__________.
a. nagiging katipunero
b. yumaman at nakapag-aral
c. naging marahas
d. naging makasarili
7. Ito ang kilusang nabuo nina Dr. Jose Rizal at iba pang ilustrado na
naglalayong ipaabot sa pamahalaang Espanyol ang ninanais na
reporma.
a. La Liga Filipina c. Katipunan
b. Propaganda d. Himagsikan

8. Ang mga simbolo tulad ng pambansang watawat at pambansang awit


ay naglalarawan ng ________ ng isang bansa.
a. pagsakop
b. pagkakabuklod-buklod
c. pagkahiwa-hiwalay
d. pagdadalamhati
9- 10. Ito ang mga karaniwang kurso ng mga unang Pilipino na
nakapagaral sa labas ng bansa. Pumili ng dalawang sagot.
a. guro c. sundalo
b. doktor d. abogasya

Kung ikaw ay nakakuha ng 5 pababa, huwag mag-alala at tutulungan ka ng


modyul na ito upang lalo mo itong matututunan.

2
Aralin Epekto ng Kaisipang Liberal
sa Pag-usbong ng
1 Damdaming Nasyonalismo

Mahal mo ba ang bansang Pilipinas? Paano mo maipakikita ang iyong


pagmamahal sa iyong bansa? Halika at sabay nating tuklasin ang mga taong naging
tanyag dahil sa pagmamahal sa ating bansang Pilipinas.

Balikan

Balitaan
Magkakaroon tayo ng balitaan ukol sa ating kinalalagyan sa panahon
ngayon. Maaring sagutin ang mga katanungang:

1. May kakilala ka bang anak ng Pilipino at ibang lahi?


2. Ipinagmamalaki mo ba ang iyong lahing Pilipino? Ipaliwanag ang
sagot.

3
Tuklasin

Gawain 1: Hulaan Mo!

Panuto: Ayusin ang mga letra upang makabuo ng sagot. Gawin ito sa iyong
sanayang papel.

1. Mahalaga para sa kinabukasan ng tao. Ano ito?

2. Unang dayuhang sumakop sa bansa. Ano


ito?

3. Buhay sa hinaharap. Ano ito?

Madali mo bang naayos ang mga salita sa unang pahina? Magaling!

Ang mga salitang ito ay mahalaga para sa araling ito. Dahil sa


edukasyon o pag-aaral ng mga Pilipino sa kolehiyo sa loob at labas ng bansa
nasilayan nilang mayroon palang magandang kinabukasang makakamit ang
mga Pilipino. Handa ka na bang pag-aralan ito?

Suriin

Ano ba ang nararamdaman mo kung ikaw ay may nakikitang mga taong may
mataas na pinag-aralan? Gusto mo rin bang maging katulad nila? Halika, kilalanin
natin ang mga natatanging Pilipino noong panahon ng kolonyalismo na ginamit ang
pinag-aralan upang mapausbong ang damdaming nasyonalismo.

4
Pagbasa ng Teksto

Mga Uring Mestiso at Ilustrado

Source:www.readtiger .com Source: www.steemit.com

Ang anak ng magkaibang lahi ay tinatawag na isang Mestiso. Ito ay


isang uri ng mamamayan sa lipunan na may kaugnayan sa Tsino o Espanyol
ang isa sa magulang (ama o ina).

Ang pagsasama ng magkaibang lahi ay karaniwan lamang sa panahon


ng Espanyol. Sa katunayan, simula pa taong 1750 kinilala ang mga mestiso
na isa sa mahalagang uri ng mamamayan sa lipunan. Subalit, higit na mataas
pa rin ang tingin sa lahing Espanyol o Tsino. Iniuugnay ang mga mestiso sa
uri ng mga Pilipino o Indiyo. Indiyo ang tawag ng mga Espanyol sa mga
Pilipino.

Bago ang ika-19 na siglo, ang mga anak ng Tsino at Pilipino ay


tinatawag na “Mestizo de Sangley”. Ang mga mestisong Tsino ay madaling
nakasasalamuha sa mga katutubong Pilipino o Indiyo. Nang buksan ang mga
daungan ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dumami na ang Mestisong
Espanyol. Ito ay marahil sa napadaling paglalakbay ng mga Espanyol sa
Pilipinas lalo na sa pagbukas ng Kanal Suez, ang artipisyal na daanang tubig-
dagat kung saan dumadaan ang malalaking barko mula Europa patungong
Asya. Dito rin napabilis ang paglalakbay ng mga mangangalakal.

Sa gitnang bahagi ng ika-19 na siglo, marami na sa mga mestiso ang


lumago ang kalakalan. Dagdag pa rito ang nagmay-ari ng lupa, nakapag-aral,
at nagkaroon ng posisyon sa pamahalaan. Tumaas ang pagkilala sa kanila sa
lipunan at naging aktibo sa mga gawaing may kinalaman sa pagpapatalsik sa
pamahalaang Espanya. Ilan sa kanila ay kaanib ng sekularisasyon ng mga
parokya, kilusang propaganda at himagsikan. Ang ating pambansang bayani
na si Dr. Jose Rizal ay anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo na
pawang mula sa pamilyang mestiso at naging ilustrado.

5
Mga Ilustrado
Source: www.asiatatler.com

Ilustrado naman ang tawag sa Pilipinong may mataas na pinag-aralan,


nakababasa at nakapagsasalita ng wikang Espanyol. Karamihan sa kanila ay
mula sa mga pamilyang mayayaman at nakapag-aral noong mga panahong
1835. Kursong medisina at abogasya ang kanilang pinag-aralan sa mga
kolehiyo ng Pilipinas at Europa. Dito rin nagmula ang mga lider ng Kilusang
Propaganda at namuno sa Himagsikang 1896. Ang mga ilustrado ay pawang
mga matatalinong Pilipinong nag-aral at nanirahan sa Espanya.

Nagsama-sama ang mga ilustradong nag-aaral at mga naninirahang


Pilipino sa Espanya. Bumuo sila ng grupo at inilunsad ang Kilusang
Propaganda. Isa sa mga layunin ng kilusang ito ang ipaabot sa pamahalaang
Espanya ang hangaring magkaroon ng reporma sa Pilipinas at pigilin ang
pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino.

Ano ang nasyonalismo at paano ito umusbong?

Ang salitang nasyonalismo, mula sa salitang German na nationalismus,


ay nilikha ni Johann Gottfried Herder noong ika-17 siglo. Ito ay isang sistema
ng paniniwala o ideolohiyang politikal ng kamalayang makabansa,
pagkakilanlan nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at
paghahangad ng pambansang pagsulong. Ayon kay Benedict Anderson, isang
iskolar na Irish, ang pagkalat ng mga limbag na teksto at ang pag-unlad ng
sistema ng palimbagan sa kabuuan ang lumilikha at pumupukaw ng
kamalayang makabansa ng mga tao.

Sa Pilipinas, ang nasyonalismo ay nagsimula lamang sa ika-19 na siglo,


resulta ng mahigit tatlong siglong pananakop ng mga Espanyol. Bunga ito ng
mahahalagang salik tulad ng pagbabagong pang-ekonomiya at pagkabuo ng
mga uring ilustrado.
Sa ika -18 siglo, umusbong ang Rebolusyong Pranses, isang pagaaklas
ng mga Pranses laban sa mapang-abusong pananakop sa kanilang bansa.
6
Naging matagumpay ang rebolusyong ito na naglayon ng kalayaan,
pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran. Ito ang nagpamulat sa kaisipang
liberal ng mga ilustradong nakapag-aral sa Europa at naging inspirasyon nila
upang bumuo ng samahang naglalayong makamit ang reporma sa kanilang
lupang sinilangan.
Sa pamamagitan ng panulat nina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez
Jaena, Jose Rizal, at iba pang ilustrado ay lumawak ang nasyonalismo sa
loob at labas ng Pilipinas. Isang pahayagan ang inilimbag nila sa wikang
Espanyol, ang La Solidaridad na naging instrumento nila upang maiabot ang
kanilang layuning pangreporma. Kinikilalang ang mga nailimbag at naihayag
ng mga ilustrado ay nakatulong nang malaki sa pagmulat ng mga Pilipino sa
kamalayang nasyonalismo.
Ang La Líga Filipína ay isang samahang itinatag ni Jose Rizal sa
panahong umuusbong ang nasyonalismo. Hindi kalayaan ang nais ng mga
kasapi nito kundi hangad lamang nila na magkaroon ng reporma o pagbabago
sa pamamalakad ng mga Espanyol. Ito ay naglayon ng pagkakaisa ng buong
Pilipinas, pagtaguyod ng mga reporma, pagbigay ng suporta sa edukasyon,
agrikultura, at komersiyo, paglaban sa anumang uri ng karahasan o di
makatarungang gawain, at pagbigay ng proteksiyon at tulong sa bawat
mamamayan.

Sagutin Mo

1. Bakit naging maunlad ang mga Pilipinong mestiso?


2. Ano ang naging layunin ng mga ilustrado sa paglimbag ng pahayagan?
Makatuwiran ba ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Nasasagot mo ba ang mga katanungan base sa iyong binasang teksto sa


itaas?

Magaling! Halika at dumako tayo sa susunod na mga pahina upang


linangin ang iyong galing sa iba’t ibang gawain. Galingan mo ha?

7
Pagyamanin

Gawain 1 Mestiso o Ilustrado

Panuto: Ilarawan ang dalawang gitnang uri ng mamamayan sa panahon ng


kolonyalismong Espanyol. Gamitin ang venn diagram upang maisulat ang
kanilang pagkakapareho sa gitnang bahagi at pagkakaiba sa magkabilang
bahagi. Pumili ng mga sagot sa loob ng kahon. Sagutin ito sa iyong sanayang
papel.

 matatalinong nakapag-aral sa Europa


 anak ng mag-asawang Pilipino at ibang lahi
 magagaling sa wikang Espanyol
 lumago sa larangan ng kalakalan at nagmay-ari ng mga lupain
 nakapag-aral at tumaas ang pagkilala sa lipunan
 nagsama-sama upang bumuo ng isang kilusan sa ibang bansa
 anak ng mayayamang Pilipino
 mga lahing Pilipino na may pagpapahalaga sa pag-aaral o
edukasyon

Mestiso Ilustrado

Nakilala mo na ba nang buong husay ang mga mestiso at ilustrado?


Magaling! Kung ikaw ay isang ilustrado, sasali ka ba sa La Liga Filipina? Bakit?

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8
Gawain 2: Mga Kataga, Pahalang o Pababa

Panuto: Punan ang crossword puzzle ng mga salitang may kaugnayan sa


mga ibinigay na talahulugan. Sagutin ito ng pahalang o pababa sa iyong
sanayang papel. May ibinigay na halimbawa sa pahalang 2.

Madali mo bang nakuha ang mga salita? Ang galing mo naman! Halika
na sa susunod na pagasasanay! Galingan mo!

9
Gawain 3: Itambal Mo, Epekto Nito

Panuto: Pagtambalin ang mga pangyayaring naganap sa bansa sa panahon ng


kolonyalismong Espanyol at ang naging epekto nito sa bansa. Gumamit ng
linyang pana ( ) sa pagtatambal. Gawin ito sa iyong sanayang papel.

Natutunan mo ba nang buong husay ang mga epekto ng mga


pangyayaring naganap sa ating bansa? Ang galing mo naman! Napahanga mo
ako!

10
Isaisip

Ngayon ay susubukin naman natin ang kahusayan mo


sa pagsusulat ng sanaysay kung saan magkakaroon ka ng
pagkakataon na maipahayag ang iyong sariling pananaw.

Sinasabing ang nasyonalismo ay isang paniniwala o ideolohiyang


politikal ng kamalayang makabansa, pagkakilanlan nang may pagmamalaki
sa kultura at tradisyon ng bansa.

Gawain 4: Kultura, Ipagmamalaki Ko

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kultura o tradisyon ng ating


bansa na maaari mong maipagmalaki sa panahon ngayon. Sagutin ito sa iyong
sanayang papel.

Halimbawa: bayanihan, piyesta, katutubong sayaw, laro ng lahi,


pagpapahalaga sa pamilya, mabuting pakikitungo sa bisita at iba pang maaari
mong maipagmalaki.

Mga Salitang Dapat Tandaan sa Pag-usbong ng Nasyonalismo

Kanal Suez – isang artipisyal na daanang tubig dagat sa Ehipto. Ito ay


nagdurugtong sa Red Sea at Mediterranean Sea kung saan ipinatayo ni
Ferdinand de Lesseps, isang Pranses. Dito dumaan ang mga halos
karamihang mangangalakal sa buong mundo at mga Pilipinong nag-aral sa
Europa.

Rebolusyong Pranses – pag-aaklas noong ika- 18 siglo (taong 1701-1799)


kung saan ang mga Pranses ay nakipaglaban sa mga mapang- aping
pamamahala, matagalang pananakop ng mga hari at kasakiman sa
pananalapi. Naging inspirasyon ng mga Pilipino upang matamo ang
pagbabago sa bansa.
11
La Solidaridad – isang pahayagan nailimbag sa taong 1889- 1895 sa wikang
Espanyol na naglayong maiparating sa pamahalaang Espanya ang tungkol sa
ninanais na reporma o pagbabago sa pamamahala. Ang mga nailimbag dito
ang pumukaw sa kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino.

Isagawa

Pinaniniwalaang ang nasyonalismo ay isang pangyayaring kamakailan


lamang naganap at nangangailangan ng mga kondisyong estruktural ng mga
modernong lipunan. Ang mga pambansang watawat, pambansang awit, at
iba pang simbolo ng mga pagkakakilanlang pambansa ay itinuturing na
mahalagang sagisag ng pagkakabuklod-buklod.

Handa ka na ba sa gawaing ito? Sariwain ang iyong alaala.

Gawain 5: Sagisag Kultura


Panuto: A. Sumulat ng sampung simbolo o sagisag kultura ng pagkakakilanlan
ng ating bansa. Sagutin ito sa iyong sanayang papel.
(Halimbawa: pambansang bahay-bahay kubo)

1. pambansang prutas - ________________________


2. pambansang isda - ________________________
3. pambansang dahon - ________________________
4. pambansang bayani - ________________________
5. pambansang sayaw - ________________________

12
Gawain 6: Bayan Ko, Mahal Ko

Ayon sa ating bayaning si Dr. Jose P. Rizal, ‘Ang Kabataan ay pag-asa ng


Bayan.’ Ipinakita niya rin na ang pag-aaral ay susi para sa kinabukasan.

Panuto: Sumulat ng isang tula na magpapakita ng pagmamahal sa bayan.


Sagutin ito sa iyong sanayang papel.

Bayan Ko Mahal Ko

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________________________

13
Tayahin

Ngayong araw ay masusubok ang iyong kaalaman sa araling ito.


Galingan mo ang pagsagot!

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik lamang.
Sagutin ito sa iyong sanayang papel.

1. Ano ang tawag sa taong ipinanganak mula sa lahing Pilipino at


lahing Tsino?
a. Mestiso de Sangley c. Mestiso Indio
b. Mestiso Espanyol d. Mestiso Mexicano
2. Ano ang nabuksan at nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino
na makapag-aral at malinang ang kaisipang liberal?
a. Kanal Ehipto c. Ilog Panama
b. Ilog Mississippi d. Kanal Suez

3. Ano ang damdaming umiiral kapag iniisip mo ng kapakanan ng


iyong bansa laban sa mananakop?
a. makaDiyos c. makabansa
b. makakalikasan d. makatao

4. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nag-aral sa ibang bansa at


magaling sa wikang Espanyol?
a. Mestiso
b. Indiyo
c. Espanyol
d. Ilustrado
5. Ang mga sumusunod ay naging epekto nang buksan ang mga
daungan sa bansa maliban sa isa. Ano ito?
a. Dumami ang angkat na mga produkto.
b. Nakapag-aral ang mga Pilipino sa ibang bansa.
c. Naliwanagan ang mga Pilipino sa kaisipang liberal.
d. Ibinigay sa mga Pilipino ang kalayaan.

14
6. Ano ang naging inspirasyon ng mga ilustrado na pumukaw sa
kanilang damdaming nasyonalismo?
a. Rebolusyong Hapon
b. Rebolusyong Amerikano
c. Rebolusyong Pranses
d. Rebolusyong Espanyol

7. Ano ang kilusang nabuo nina Dr. Jose Rizal at iba pang ilustrado
noong sila ay nasa Espanya?
a. La liga Filipina
b. Katipunan
c. Himagsikan
d. Propaganda

8. Ano ang naging layunin ng kilusang propaganda?


a. pakikipagtalo sa mga pari
b. pakikiramay sa nagdadalamhati
c. pakikipagdigmaan laban sa mga Espanyol
d. pagpapaabot sa pamahalaang Espanya ang hangaring
reporma

9. Alin dito ang inilalarawan kung ang bansa ay may sariling


pambansang watawat at pambansang awit?
a. Ang bansa ay malaya at umiiral ang nasyonalismo.
b. Ang bansa ay sakop ng ibang lahi.
c. Ang bansa ay walang sariling pagkakakilanlan.
d. Ang bansa ay hindi malaya.

10. Paano nabuo ang kaisipang liberal sa mga Pilipino?


a. sa pamamagitan ng pakikipagtalo
b. sa pamamagitan ng pakikipagdigmaan
c. sa pamamagitan ng pagdami ng mestiso
d. sa pamamagitan ng pag-aaral at panulat ng mga ilustrado

15
Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang kuwento tungkol iyong karanasan na maaring


nagpapakita ng diwa ng kabayanihan, katapangan, pagkakaisa, at
pagmamamahal sa inyong lugar sa panahon ngayon.

Rubriks para sa Paggawa ng Kwento


5 3 1 Puntos

Kaugnayan sa Ito ay Ito ay Ito ay


Paksa nagpapakita nagpapakita nagpapakita
nang mahusay nang nang hindi
na pag- digaanong mahusay na
uugnay sa mahusay na pag-uugnay
paksa. pag-uugnay sa paksa.
sa paksa.
Mensahe ng Buo ang Di- gaanong Hindi
Karanasan mensahe ng buo ang nagpapakita
karanasang mensahe ng ng mensahe
isinulat. karanasan. ng
karanasan.
Pagkamalikhain Nakalikha ng Nakalikha ng Halos lahat
Orihinal na Orihinal na ay kinopyang
karanasan at karanasan. karanasan.
malinis ang
pagkakasulat.

16
Susi sa Pagwawasto

17
Sanggunian
Almario, Virgilio S. Ilustrado. Sagisag Kultura (Vol 1) .
2015. https://philippineculturaleducation.com.ph/ilustrado/
Almario, Virgilio S. Mestiso. (Sagisag Kultura (Vol 1). 2015.
https://philippineculturaleducation.com.ph/mestiso/
Almario, Virgilio S. Nasyonalismo. (Sagisag Kultura (Vol 1).
2015.https://philippineculturaleducation.com.ph/nasyonalismo/

Asuncion, Justiniano. “Mestizos Sangley y Chino.” 1845.


https://readtiger.com/img/wkp/en/Mestizos_Sangley_y_Chino_by_Justiano_Asun cion.jpg.
Hill, Aine Marie M. Ang Pagbubukas ng Suez Kanal. Dece mber 15, 2015.
https://www.slideshare.net/hillainemarie/ang -pagbubukas-ng-suez-canal-theopening-of-
suez-canal.
Jabian, Juvy. “Chinese Mestizos During the Spanish Era in The Philippines.” July 2016.
https://steemit.com/travel/@juvyjabian/chinese-mestizos-during-thespanish -era-in-the-
philippines.
Piedad-Pugay, Chris Antonette and Peter Jaynul V Uckung. “A Closer Look on the
More Human Side of National Hero Dr. Jose Rizal.” April 21,
2020.https://ph.asiatatler.com/society/a closer look on the more human side ofnational
- - - - - - - - -

hero-dr-jose-rizal.
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

18

You might also like