Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Daga at Ang Singaw na kalabaw

Sa Isang maliit na pook sa malayong nayon nakatira Sina Daga at singaw na kalabaw si Daga ay Isang
napakasipag madiskarte at walang sinasayang na oras. Samantala si Singaw na kalabaw ay isang tamad at
walang pake alam.
Isang Araw naglakbay si Daga upang magimbak Ng makakain sa pag araw Araw maghapon sya
nagtrabaho para dito. Ngunit nakita ito ni singaw na kalabaw naisip nyang kunin na lang Ang mga
naimbak na pagkain ni Daga upang hindi na sya magutom at hindi na sya magtrabaho upang maghanap pa
Ng makakain.
Habang busy busy si Daga sa paghahanap napagtagumpayan Naman ni singaw na kalabaw na kuhanin
ang mga pagkain at iuwi sa kanilang bahay. Habang si Daga ay pabalik sa kung saan nya iniwan Ang mga
pagkain na kanyang na imbak ay agad nya napansin na wala na ito nanlumo at maiyak-iyak na si Daga
dahil hindi nya alam kung saan na punta ang kanyang mga naimbak na pagkain sa pang Araw Araw nya.
At habang naglalakad si Daga na malungot nadaan nya Ang bahay ni singaw na kalabaw nagtaka sya?
Bakit ang daming pagkain sa bahay ni singaw na kalabaw ! E hindi naman sya naghahanap Ng pagkain
umaasa sya lang sya sa ibang hayop. Kinabukasan ay may pumuntang Isang hayop kay Daga at sinabi ang
lahat Ng kanyang inimbak ng pagkain ni daga. Subalit kinaumagahan si Daga ay naghahanap ng
makakain Nakita pala ng hayop na Yun si singaw na kalabaw na kinuha ang lahat Ng pagkain ni Daga
galit na galit na sinugod ni Daga si singaw na kalabaw at pinagsabihan Ng masasakit ni Daga. At
denedenay pa ito ni singaw na kalabaw. Samantalang kinagabihan ay napagisip isip ito ni singaw na
kalabaw napagisip isip nya ang lahat ng sinabi sakanya ni Daga kaya nagplano syang puntahn si Daga .
Kinabukasan ay agad ng pinuntahan ni singaw na kalabaw si Daga upang humingi ng tawad sakanyang
kahit na hindi nya ito inamin noong Gabi sinabihan sya ni Daga.
Kinaumagahan ay nagkabati Sila at naging matalik na magkaibigan naging masipag at madiskarte na den
si singaw na kalabaw tumutulong na den saibang hayop. Dahil sa ginagawa ni Daga na pagkompronta
Kay singaw na kalabaw ay nagising sa katutuhan si singaw na kalabaw na hindi lahat ay makukuha sa
mga Maling paraan kaya naging mas masipag at nagtutulungan na Sila ngayon. At dyan nagtatapos Ang
kwento.

Sa kabuuan, ang kwento ay naglalaman ng mahahalagang aral ukol sa pagkakaroon ng mabuting asal,
pag-unawa, at pagpapahalaga sa kapwa.

You might also like