Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

KABANATA I

Ang suliranin at kaligiran nito

Panimula

Sa pagdaan ng panahon, parami nang parami at palawak nang palawak ang mga

naiimbentong mga makabagong teknolohiya para sa mga makabagong henerasyon.

Ang teknolohiya o aghimuan ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga

kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan

at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng

tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na

ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon

man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento katulad

ng gulong.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya

bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin

ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang

maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa

teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito. Isa na dito ay ang mga gadyets.

Sa pag usbong ng mga ito. Masasabing nakakatulong ito sa tao kagaya ng mga mag-aaral

at sa kalauna’y masasabing ito’y ay nakakasama.

1
Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang mga kabataan ay

napapagod na sa kanilang pag-aaral, dalawa ang maari nilang gawin. Una ay ang

magpahinga para malakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ang pangalawa ay maari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang kai

bigan at kaagapay sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon.

Ayon kay Bertillo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag

ng teknolohiya. Sa katunayan ito ay ito ay isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang

pag-aaral ay nagiging madali at mabisa kung kaya naman napakamaraming mag-aaral

ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.

Ang gadyets ay isang maliit na gamit pang teknolohiya, isang bagay na madaling

gamitin at nakakatuwang teknolohiya, at maituturing na mamahalin kapag ang gadyet ay

maraming gamit. Masasabing ang gadyets ay higit na nakakatulong sa mag-aaral sa

kanilang pag aaral. Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay

napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagre-rebyu na ilang halimbawa sa kanilang pagsu-

sulit, may mga maaari na sila ngayong pagpilian sa dami ng mga makabagong kagamitan

ngayon.

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang gadyets ay nakakabuti o

nakakasama sa mga mag-aaral. Marami ang naniniwala na ang gadyets ay may

masamang epekto sa pag-aaral, pero marami rin ang pabor sa pag unlad ng gadgets dahil

ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pag-aaral nila.

2
Paglalahad Ng Suliranin

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa

a. Edad

b. Kasarian

2. Anong gadyets ang madalas gamitin ng mag-aaral?

3. Ano ang kahalagahan ng gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

4. Paano makatutulong sa pag-aaral ng estudyante ang paggamit ng gadyets?

5. Paano makakaapekto sa pag-aaral ng mag-aaral ang paggamit ng gadyets?

6. Paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa pag-aaral ng mag-aaral?

Layunin

Ang pangkalahatang layunin ng mga mananaliksik ay malaman kung paano

nakakaapekto ang paggamit ng gadyets sa mga mag-aaral. At kung paano makakatulong

at makakasama ang mga ito.

Ang ilan pang layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Matutukoy ang gadyets na madalas gamitin ng mag-aaral.

2. Matutukoy ang kahalagahan ng gadyets sa pag-aaral ng mag-aaral

3. Mababatid kung paano makatutulong sa pag-aaral ng mag-aaral ang paggamit ng

gadyets.

3
4. Mababatid ang mabubuti at masasamang epekto sa pag-aaral ng mag-aaral ang

paggamit

ng gadyets.

5. Matutukoy kung paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa pag-aaral ng

Mag-aaral.

Kahalagahan Ng Pag-Aaral

Para sa mga estudyante:

Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-

aaral na ito upang makatulong sa administrasyon sa wastong paggamit ng gadyets.

Magsisilbing daan ito sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-

aaral sa tamang paggamit ng gadyets.

Para sa mga guro:

Makakatulong ito sa mga guro upang malinang at magabayan ang mga mag-aaral

sa wastong paggamit ng gadyets.

Para sa mga mananaliksilk:

Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-

aaral na ito upang makatulong sa administrasyon sa wastong paggamit ng gadyets.

Magiging batayan din ng iba pang mananaliksik na naglalayong magsasagawa ng may

mas malalimang pag-aaral ukol sa Epekto ng Gadyets sa mga mag-aaral.

4
Batayang Konseptwal

Ang mga gadyets ang madalas ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pang

araw-araw na gawain. Naglalarawan ang pag-aaral na ito tungkol sa epekto ng gadyets sa

pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa madalas na paggamit ng gadyets kagaya ng Cellphone,

Computer, Tablet at Laptop ay may dalang naidudulot at ito ay ang epekto sa mag-aaral.

PINAGBATAYAN PROSESO KINALALABASAN NG


PAG-AARAL
A. Pagsasagawa A. Matutukoy ang
gadyets na
ng sarbey madalas gamitin
ng mag-aaral.
B. Pagkonsulta sa B. Matutukoy ang
kahalagahan ng
mga naunang gadyets sa pag-
aaral ng mag-aaral
Epekto ng gadyets sa pag-aaral o C. Mababatid kung
paano
mga mag-aaral thesis makatutulong sa
pag-aaral ng mag-
C. Pagpunta sa aaral ang paggamit
ng gadyets.
mga silid D. Mababatid ang
mabubuti at
aklatan masasamang
epekto sa pag-
aaral ng mag-aaral
D. Pagsangguni sa
ang paggamit ng
gadyets.
mga media
E. Matutukoy kung
paano napapadali
Paggamit ng
ng mga gadyets
ang komunikasyon
Internet
sa pag-aaral ng
mag-aaral.

5
Saklaw At Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Epekto ng gadyets sa pag-aaral ng mga

estudyante. Kumuha ang mga mananaliksik ng 50 respondente mula sa iba’t-ibang

seksyon ng ika-apat na taon sa hayskul ng Baesa High School.

Ang unang mga respondente ay magmumula sa lupon ng mga mag-aaral sa

mataas na seksyon. Ang susunod na lupon ay manggagaling sa gitnang seksyon, at ang

huli ay manggagaling naman sa mababang seksyon.

Terminolohiyang Ginamit

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit dito sa pag-aaral.

Cellphone- ay isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain

lalong-lalo na sa komunikasyon.

Computer- ay isang uri ng gadyet na nagbibigay ng mga impormasyon sa

pamamagitan ng internet.

Internet- ay medium na pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng impormasyon.

Teknolohiya- ay isang napakabagong makina o gadgets na kung tawagin ng iba ay

awtomatik na proseso hindi manu-mano

Agham at Inhinyeriya- ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang

Organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng

pamamaraang nito.

You might also like