Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
WEST FAIRVIEW HIGH SCHOOL
Austin St. Brgy Fairview, Quezon City
Diagnostikong Pagsusulit sa Filipino 8

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra nang wastong sagot sa
iyong sagutang papel.

A. Piliin ang tamang baybay ng salitang tinutukoy sa bawat bilang.


1. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinaka-matandang anyo ng panitikan na ginamit ng
ating mga ninuno upang ituro ang kagandahang asal sa mga kabataan?
A. Alamat B. Epiko C. Karunungang-bayan D. maikling kuwento
2. Ito’y mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng
pangunahing tauhan.
A. tula B. epiko C. maikling kuwento D. alamat
3. Alin sa mga islogan ang pinakaangkop na maiuugnay sa mga
karunungang- bayang umusbong at lumaganap sa Panahon ng Katutubo?
A. “Dunong ng Kahapon, Di na Mababakas Ngayon”
B. “Dunong ng Kahapon, Di na Mababakas Ngayon”
C. “Karunungang-bayan, Epekto’y Habambuhay”
D. “Karunungang Lipas, Di na Kailangan Nang Lumakas"
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kakikitaan ng sanhi at
bunga?
AMagdamagang di nakatulog ang mga magka-kaibigan sa dalampasigan kahit sariwa
ang hangin.
B. Hitik sa bunga ang punong mangga at papaya nina Aling Cora dahil sa paglalagay ng
mga pataba.
C. Ang pagpapamalas ng positibong saloobin at determinasyon ay humahantong sa
tagumpay.
D. Labis ang pasasalamat ng ama’t ina sa Diyos dahil naging masunurin ang lima nilang
supling.
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may pina-kamalapit na
kahulugan ng salawikaing “Kapag malakas ang agos, mababaw ang
ilog”?
A. Mababaw man ang ilog, mag-ingat pa rin sa pagtawid lalo na kung malakas ang agos.
B. Mababaw ang ilog kung malakas ang agos sapagkat maraming bagay na naiipon dito.
C. Higit na makabuluhan ang buhay kung tuloy-tuloy na umaagos ang karunungan.
D. Masalita at maingay ang taong walang sapat na dunong sa paksang pinag-uusapan.

II. PANITIKAN
B. Piliin ang letra ng tamang sagot na tinutukoy sa mga sumusunod na pangungusap
6. Lumipat ng tirahan ang mag-anak na Ferrer dahil di na maganda ang
sinasabi ng mga taong nakapalibot sa kanila. Halos sa araw-araw na
ginawa ng Diyos, puro nakasusugat-puso ang maririnig sa mga tao laban
sa pamilyang ito. Alin sa mga sumusunod na sawikain ang pinakaakma sa
sitwasyon ng pamilyang ito?
A. “ngiting-aso” b. “nagtataingang-kawali” c. “basa na ang papel” d. “itaas ang
watawat”

7. Nang dahil sa dayaang nangyari, nagpalitan ng masasakit na salita ang


magkabilang koponan. Umabot ito sa puntong kailangang mamagitan ang
mga pulis at ilang opisyal ng barangay upang ito’y mabigyang-solusyon.
Anong sawikain ang iyong mabubuo na may pinakamalapit na kaugnayan
sa natukoy na sitwasyon?

A. “nagkahalo ang balat sa tinalupan”

B. “habang may buhay, may pag-asa”


C. “lintik lamang ang walang ganti"
D. “mapaglubid ng buhangin”
8. Ito ang bahagi ng maikling kwento na nagpapakita ng resolusyon o kahihinatnan ng kwento.
A. simula B. kasukdulan C. katapusan D. tunggalian
9. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
A. banghay B. suliranin C. tagpuan D. tauhan
10. Tumutukoy ito sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
A. sanhi B.bunga C.epekto D.resulta
11. Tumutukoy ito sa kinalalabasan o dulot ng isang pangyayari
A. sanhi B. bunga C.dahilan D.ugat
12. Kathang-isip na tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo.
A. parabula B. alamat C. kuwentong bayan D. pabula
13. Uri ng panitikan na ang pangunahing layunin ay magturo ng kabutihang-asal kaya ang gumaganap na
tauhan ay mga hayop na may katangiang tulad ng sa tao
A. epiko B. kuwentong-bayan C. maikling kwento D. pabula
14. Isang maikling salaysay na pasalin-saling ikinukuwento ng mga tao na walang katiyakan kung sino ang
kumatha; ito ay naglalaman ng mayamang kultura at tradisyon ng lugar na pinanggalingan
A. epiko B. kwentong bayan C maikling kwento D. pabula
15. Alin sa mga sumusunod ang hindj kabilang sa katangian ng kwentong-bayan?
A.Kabayanihan B. Makatotohanan C. Pakikipagiaban D. Supernatural

C. Basahin at unawaing mabuti ang akda sa loob ng kahon. Sagutin at isulat ang letra ng tamang sagot.
(A) “Naku, huwag naman, kaibigan. Parang awa mo na. Malulunod ako. Huwag mo akong ihagis
sa ilog.”

(B) “Aha, kung gayon, ihahagis talaga kita sa ilog,” nakangising sagot ni Matsing. Mabilis niyang
dinaklot si Pagong at agad inihagis nga ito sa ilog.

(C) Nagulat man, nagawa pa ring sumisid ni Pagong matapos maihagis. Muli siyang sumisid at
masayang lumangoy. Natuwa siya nang makitang gulat na gulat si Matsing. “Kaibigan, nalimutan mo
bang dito ako nakatira sa ilog?” Napakamot na lamang sa ulo si Matsing nang marinig ang sinabi ni
Pagong. oi :

(D) Tuso man si Matsing, napaglalalangan din.


Halaw ito mula sa “Ang Pagong at ang Matsing”

16. Ang binasang teksto ay halimbawa ng isang ________________.


A. epiko B. kwentong bayan C. maikling kwento D. pabula
17. Ang pahayag ng pangunahing tauhan sa Pangungusap A ay may layuning ___________.
A. linlangin si Pagong C. magmakaawa kay Matsing
B. lituhin si Matsing D. takutin si Pagong

18. Ang tunggaliang ipinakita sa bahaging ito ng akda ay _______________ .


A. tauhan laban sa kalikasan C. tauhan laban sa sarilj
B. tauhan laban sa lipunan D. tauhan laban sa tauhan

19. Ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay nangangahulugang ______________ .


A. binuhat B. hinila C. sinabunutan D. sinaktan
20. Napakamot sa ulo si Matsing dahil _______________.
A. napahiya siya kay Pagong C. natalo siya ni Pagong
B. naalala niyang taga-ilog si Pagong D. lahat ng nabanggit

(1) Naglaban sina Tuwaang at ang binata ng Pangumanon gamit ang kani-kanilang sandata. (2)
Ngunit magkasinlakas silang dalawa at nasira ang kanilang mga sandata. (3) Tinawag ng Binata ng
Pangumanon ang kanyang patung na isang mahabang bakal. (4) Ito’y kanyang ibinato at pumulupot kay
Tuwaang. (5) Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kanyang kanang bisig at namatay ang apoy.
Tinawag ni Tuwaang ang kanyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito kaya namatay ang binata.
Pagkat.pos ng labanan, binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ang kanyang laway at dinala niya
ang sa kanyang bayan sakay ng kidlat.

Mula sa: “Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit”

21. Ang binasang akda ay bahagi ng _______________ .


A. epiko B. kwentong bayan C. maikling kuwento D. pabula

22. Alin sa mga sumusunod na paksa ang HINDI sa akda?


A. kakayahang supernatural na gawa ng bayani
B. kamatayan at muling pagkabuhay ng isang bayani
C. katapangan at pakikipaglaban ng bayani
D. paglisan at pagbalik ng bayani sa kanyang bayan

23. Nananalig ang ating mga ninuno sa kakayahang supernatural ng mga bayani sapagkat ______.
A. mayroon silang tapat na pananampalataya sa Diyos
B. naniniwala sila sa mga anting-anting
C. sila ay pinili at pinagpala ng kanilang bathala at mga anito
D. totoong makapangyarihan ang mga katutubo

24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sa kakayahang supernatural ng tauhan?


A. pagpatay sa apoy sa pamamagitan ng pagtas ng kamay
B. pakikipaglaban gamit ang sandata
C. pagpatay sa apoy sa pamamagitan ng pagtas ng kamay
D. kakayahang sumakay sa kidlat

25. Alin sa mga sumusunod na pang-ugnay na ginamit sa akda ang naghuhudyat ng bunga?
A. At B. Kaya C. Na D. Ngunit

D. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa akda. Isulat ang A, B, C, D at E.


A. Ang Batang Paruparo (26-30)

____________ “Huwag ka masyadong nagmamadali anak. Sa pagtatagal mo riyan sa loob ay iyan din ang
igaganda ng iyong mga pakpak paglabas mo” pagpapaliwanag ng amang paruparo sa kanyang anak.
Walang nagawa ang batang paruparo kung hindi ang manatili sa pupa nito, ngunit nadismaya ito.

____________ Nang makaalis ang kanyang magulang ay marahan siyang gumalaw sa loob ng kanyang bahay
kahit masikip. Nilakasan nito. Binilisan niya ang pagyugyog hanggang sa lumuwag ang kapit ng bahay nito sa
sanga.

____________ Sa isang sanga, may dalawang mag-asawang paruparo. Ang babaeng paruparo ay kulay rosas at
pula ang mga pakpak, habang ang lalaking paruparo naman ay may puti at dilaw na pakpak.

____________ Binilisan niyang ilantad ang kanyang mga pakpak ngunit hindi niya ito maigalaw dahil sa
pagkakahampas nito sa bato. Hindi rin siya nakakatayo dahil sa bali na kanyang natamo.

____________ Malakas ang kanyang pagkahulog. Matagal din siyang hindi nakagalaw. Ramdam niya ang
paghampas ng kanyang pupa sa mga bato. Nasaktan ang batang paruparo, ngunit sa kabila ng nangyari ay
nagtagumpay siyang mabuksan ang pupa nito.

E. Basahin ang ilan sa mga pangyayari sa kuwento. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. Ang Munting Ibon
A. Noong unang panahon, may mag-asawang nanininrahan sa malayong bayan ng Agamaniyog. Sila sina
Lokes a Babay at Lokes a Mama. Pangangaso ang ikinabubuhay ng mag-asawa subalit hindi lang ang
lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso kundi maging ang kanyang maybahay na si Lokes a Babay. Bago
sumapit ang takipsilim ay inilalagay na ng mag-asawa ang kani-kanilang bitag sa gubat at ang mga ito’y
kanilang binabalikan sa madaling araw.

B. Isang gabi, habang nahihimbing si Lokes a Babay ay dahan-dahang lumabas ng bahay si Lokes a Mama
upang tingnan ang kanilang mga bitag.

C. Likas siyang tuso at walang pagpapahalaga sa asawa kaya hanggang sa maubos ang usa ay hindi niya
binigyan si Lokes a Babay na nanatiling walang kibo sa kabila ng ginagawa ng asawa.

31. Lumalabas ang mag- asawa tuwing takipsilim upang mangaso. Sa salitang may salungguhit, alin sa mga
sumusunod ang may pinakamalapit na kahulugan?
A. madaling araw B. Dapit-Hapon C. Hatinggabi D. tanghaling tapat

32. Sa salitang may salungguhit, alin sa mga sumusunod ang may pinakamalapit na kahulugan? Kitang kita sa
kanya ang pagiging Tuso.
A. taksil B. madaya C. mapagbigay D.traydor

33. Gumagamit sila ng bitag upang makaakit ng mga hayop. Anong iba pang kagamitan ang maaring gamitin ng
mag-asawa sa pangangaso?
A.patibong B. pana C. pagkain D.sibat

B. Natalo rin si Pilandok

34. Ang paligsahan na isinagawa ni Pilandok at Suso.


A. Karera B. tagu-taguan C.tumbang preso D.pagbinit ng palaso

35. Naloko ni Pilandok si Buwaya dahil sinabi niya na ang sinunggaban ng buwaya ay _____________ hindi
paa ng pilandok.
A. bato B.bakal C. patpat D. pamalo

III. GRAMATIKA /RETORIKA


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Letra lamang ng tamang sagot ang isulat sa
sagutang papel.
A. Pagtukoy sa Pang-ugnay
36. "Totoo na delikado pa rin ang paglabas ng bahay dahil sa nakahahawang sakit." Anong pang- ugnay na
nanghihikayat ang ginamit sa pangungusap?
A. delikado B. dahil sa C. Totoo D.sakit
37. “Ang pagsusuot ng mask ay tunay na makatutulong upang hindi tayo madaling madapuan ng sakit" Anong
pang-ugnay na nanghihikayat ang ginamit sa pangungusap?
A. na B.upang C. tunay D.tayo
38. "Makakapasa ako sa pagsusulit kung mag-aaral ako nang mabuti." Anong pang-ugnay na panubali/pag-
aalinlangan ang ginamit sa pangungusap?
A. kung B. mabuti C. nang D. ako
39. Kapag hindi ka makararating sa ating tagpuan, tumawag o di kaya’y mag-text ka na lamang nang mas
maaga. Ang pang-ugnay ang nagsasaad ng kondisyon o pasubali ay ___________.
A. ating B. di kaya C. kapag D. lamang
40. Matatamo ninyo ang inyong pinapangarap sa buhay kung magsisikap lamang kayo, tiyak ang iyong
tagumpay. Ang pangatnig na kondisyon o panubali sa pangungusap ay ___________.
A. kung B. na C. ninyo D. tiyak
41. Dahil sa mga basurang itinatapon sa kung saan-saan, agad na pagbaha ang dulot sa kaunting pagulan. Ang
salitang naghuhudyat ng sanhi sa pangungusap ay ___________.
A. agad B. dahil sa C. kung D. kaunting
42. Malinis na ang Divisoria at ang iba pang lugar sa Maynila sapagkat desidido si Mayor Isko Moreno na
tuparin ang kanyang ipinangako. Ang salitang naghuhudyat ng sanhi o dahilan ay
A. iba B. kanya C. malinis D. sapagkat
43. Aling pangungusap ang may maling gamit ng pang-angkop?
A. Lumaging masigla at matatapos ang gawain mo nang hindi mo namamalayan.
B. Kailangan ng lagi tayong may ngiti sa labi at masiglang makipag-usap.
C. Nararapat na magsalita ka nang masaya at umarte nang masaya.
D. Kung ang iniisip mo ay magaganda at masasaya tiyak na magiging masayahin ka.
44. Ano ang pang-angkop na bubuo sa diwa ng pangungusap? “Mukha__ masarap ang ulam mamaya sa
bahay.”
A. na B. –g C. –ng D. ang
45. Palagi niyang ipinamalas sa kaniyang katapatan, bunga nito marami ang nagtitiwala sa kanya. Ang pang-
ugnay na naghuhudyat ng bunga ay __________.
A. bunga ito B. ipinamalas C. marami D. sa kanya

B. Piliin ang kasingkahulugan/kasalungat ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.


1. Marami pa ring mga kabataan ang nanggigilalas kapag nakapapanood o nakababasa ng ating mga
katutubong epiko. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang _________________.
A. nagdadalawang-isip B. nananahimik C. nagugulat D. natatakot
2. Tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ang Marawi. Kabaligtaran ng salitang may salungguhit
ang ________________.
A. alipin B. banal C. makapangyarihan D. manggagawa
3. Ang Mindanao ay sagana sa likas na yaman. Ang kasalungat ng salitang may salungguhit ay
A. dukha B. kulang C. mahirap D. mayaman
4. Ang katawagang Tausug ay nangangahulugang “tao ng agos” na tumutukoy sa kanilang lupang tinubuan,
ang kapuluan ng Sulu. Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit ay _____________.
A. iniwan B. nilipatan C. pinuntahan D. sinilangan
5. Makulay at mayaman ang katutubong kultura ng Mindanao. Ang salitang may salungguhit ay
kasingkahulugan ng _____________.
A. makabago B. makakalikasan C. makaluma D. makatao

You might also like