Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING

PANLIPUNAN 5

I – Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Malalaman ang kahulugan ng klima at panahon.
b. Natutukoy ang pagkakaiba ng klima at panahon.
c. Mabigyang halaga ang paghahanda sa panahon ng sakuna.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Mga Salik na may kinalaman sa klima ng isang bansa
Sanggunian: https://www.slideshare.net/RitchenMadura/mga-salik-na-nakakaapekto-sa
klima-ng-bansa-250335857
Mga Kagamitan: mga larawan tungkol sa klima, laptop, dlp
Values: Paghahanda sa sakuna
Mga Kagamitan: Powerpoint presentation, plaskards,

III. PAMAMARAAN:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
 ________, pangunahan mo ang ating  Opo, Binibini (sa ngalan ng ama,
panimulang panalangin sa araw na ito. anak, at Espiritu santo, Amen….)
2. Pagbati:
 Magandang umaga mga bata!  Magandang umaga rin po Binibini!
3. Pagtala ng Liban:
 Lahat ba ay nandito?  Opo Binibini.
 Muli aking pianapaalala na laging tutupdin
ang mga tuntunin sa loob ng ating silid-
aralan.

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak
Bago tayo magsimula sa ating talakayan, sagutin
muna natin ang mga sumusunod. Maaari mo bang basahin
ang panuto, Alex?  Ayusin ang mga letra upang
makabuo ng isang salita.

Salamat, Alex.
Pagmasdan ang mga letra at ayusin ang mga ito.
Bibigyan ko kayo ng limang minuto para ito’y masagot
 Opo, Binibini.
ninyo. Handa na ba kayo?

Kung ganon ay maaari na kayong magsimula.


(Magsisimula ng magsagot ang mga
bata)

a g n i n h 1.

2. h i y m t u d i

3. a t i l t d u

4.
l t a i u t d
d m i a g n 5.

l u n a
Tapos na ang limang minuto. Sagutin na natin ang
inyong gawain.
Ano ang sagot sa unang bilang, Ana?  Ang sagot sa unang bilang ay
Tama! Hangin.

Ano naman ang pangalawa, Mila?  Ang sagot ay Humidity.


Tumpak!

Josh, ano ang iyong sagot sa ikatlo?  Ang sagot sa ikatlong bilang ay
Magaling! altitud.

Ang ikaapat na bilang naman ay, Jason?  Ang aking sagot sa ikaapat na bilang
Tama! naman ay latitud.

At ang panghuli, Nikki? Ano ang iyong sagot?  Ang sagot sa ikalimang bilang ay
dami ng ulan.

Magaling mga bata at inyong nasagutan ang lahat


ng mga tanong. Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili. (Ang mga bata ay papalakpak ng tatlong
beses)
Alam niyo ba ang mga salitang inyong sinagutan
ay ang ating tatalakayin ngayong araw.
Handa na ba kayong matuto mga bata?  Handa na po.
Magaling!

2. Pagtatalakay:
Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa, na ang
ibig sabihin ay mayroon lamang dalawang uri ng panahon
sa ating bansa. Ito ay ang tag-araw o tag-ulan.
Ngayon ating tatalakayin ang iba pang
karagdagang impormasyon ukol sa lokasyon ng Pilipinas
at ang iba’t ibang salik na may kinalaman sa klima ng
bansa. Maaari nyo bang basahin ang mga salitang?

Salamat mga bata.


Ating unang talakayin ang klima at panahon.

Klima Panahon
Ang klima o climate ay ang pangmatagalang
kalagayan ng panahon sa isang bansa, samantalang ang
panahon o weather naman ay ang kondisyon ng
atmospera, gaya ng temperatura at hangin sa isang takdang
panahon. Maaari itong magbago anumang oras.

Sa bawat bansa, iba’t ibang uri ng klima at panahon Temperatura


ang nararanasan. Ito ay nakabase sa kapaligiran at
lokasyon nito.
Sunod ay temperatura. Ano naman ang
nararamdaman ninyong temperatura tuwing Disyembre?

 Ang nararamdaman na temperatura


sa buwan ng Disyembre ay malamig.

 Ang temperatura na nararamdaman


natin sa buwan ng Marso hanggang
Maaari mo ba itong sagutin, Jane? Abril ay mainit.

Ano naman ang temperatura na nararamdaman natin


sa buwan ng Marso at Abril? Alex.

Magaling mga bata.

Ang temperatura ay ang sukat ng kainitan o


kalamigan ng isang bagay, katulad ng mula sa katawan ng
 Ang Climate Change ay ang hindi
isang tao at lagay ng panahon. Ang karaniwang
pangkaraniwang pangyayari sa
pinakamataas na temperatura ay umaabot lamang sa 31° C,
kalikasan. Ang pagbabago sa klima
at ang pinakamababa naman ay 23°C. Ngunit dahil sa
ay pinaniniwalaang sanhi ng mga
Climate Change, tumaas ang temperatura at umaabot sa
gawain ng mga tao na maaaring
37°C hanggang 40°C o higit pa.
makapagbabago sa komposisyon ng
Maaari mo bang basahin kung ano ang
climate change, Melanie atmospera. Maaari itong maranasan
Maaari mo bang basahin kung ano ang ibig sabihin sa loob ng ilang panahon.
ng Climate Change, Alex?

Halumigmig
Alam nyo ba na nakapagtala ng pinakamainit na
temperatura sa Dagupan City na umabot sa 52°C noong
Mayo 12, 2021, at ang pinakamababa naman ay sa Atok
Benguet na umabot lamang sa 7.7°C

Magpatuloy tayo sa halumigmig o humidity. Ito ay


tumutukoy sa dami ng tubig sa atmospera. Kapag mataas
ang halumigmig sa isang lugar nagreresulta sa mainit na
lugar at kapag mababa naman ang halumigmig
nagreresulta ito sa malamig na lugar.

 Ang hanging
amihan ay malamig na hangin na
nagmumula sa hilagang-silangang
Samantala, ang monsoon naman ay ang direksyon
bahagi ng Siberia na nakakaranas ng
ng hangin. Ito ay dalawang uri, ang hanging amihan at
taglamig.
hanging habagat.
Ano kaya ang hanging amihan?
Hanging Amihan
Pakibasa kung ano ang kahulugan nito, Max.
Salamat, Max.
Narito ang isang larawan na nagpapakita ng
hanging amihan.

Ang nakikita ninyong arrow mula sa hilagang-


silangang bahagi ng Pilipinas ang tinatawag na Amihan o
Hanging amihan.

  Ang hanging habagat ay


Ano naman ang hanging habagat? Marco.
mainit na hangin na buhat sa Timog-
Kanluran na umiihip sa buong Asya.
Ito ay nagdadala ng malakas na pag-
ulan na nararanasan sa buong
kapuluan.

Salamat, Marco.
Hanging Habagat
Ito naman ang itsura ng hanging habagat.

Ang susunod ay ang Latitud.


Ang latitud ay ang mga lugar na malapit sa
ekwador ay nakakatanggap ng diretsong sikat ng araw na
nagbibigay ng mainit na panahon. Ang nasa taas naman ng
ekwador ay nakatatanggap ng palihis na sikat ng araw, sila
ang mga bansang may apat na uri ng klima.
Maaari ba kayong magbigay ng mga bansang
malapit sa ekwador?
Ikaw ang sumagot, Tina.

Tama!
Ano pa? Ed.
Magaling!

Ngayon tumungo tayo sa salik ng altitud.


Ang mga lugar na makikita sa nasa mataas na bahagi
ng bansa ay karaniwang nakararanas ng malamig na klima
dahil mas manipis ang hangin sa matataas na lugar kaysa
sa mga lugar sa kapatagan.
Narito ang ilan sa mga lugar sa Pilipinas na may
malamig na temperatura.
Ang una ay Baguio.

At Tagaytay.
Kabilang din sa mga salik ang Dami ng ulan. Ito ay
nababatay sa dami ng presipitasyon at bakit nabuo ang
presispitasyon. Ito ay maaaring mauri sa masyadong
mahinang ulan, katamtamang ulan, malakas na ulan,
masyadong malakas na ulan at sobrang malakas na ulan.

Nakabatay sa natatanggap na dami ng ulan ng isang


lugar ang klima ng isang bansa.

Sa kabilang banda, matutukoy ang iba’t ibang klima


ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas gamit ang mapang
 Isa sa mga bansang malapit sa
pangklima. Ito ay isang uri ng mapa na nagpapakita ng
iba’t ibang klima ng lugar sa isang bansa.
Narito ang itsura ng mapang pangklima.

May apat na uri ng klima sa Pilipinas. Maaari mo ekwador ay ang Pilipinas.


bang basahin ang unang uri, John?

 Indonesia.
Salamat, John.
Ang ilan sa mga lugar na nakakaranas ng ganitong
klima ay Kanlurang Visayas, Mindoro, Palawan, Panay, at
Negros.

Pakibasa ang pangalawa, Renz.

Iba’t iba namang lugar ang nakararanas ng ganitong


klima gaya ng Catanduanes, Sorsogon, Silangang Albay,
Silangang Quezon, Leyte, at Silangang Mindoro.

Ano naman ang ikatlong uri? Marissa.

Ang mga lugar na nakakaranas ng ganitong klima ay


Lambak ng Cagayan, Silangan ng Mountain Province,
Masbate, at Timog Quezon.

At ang panghuli, pakibasa ito, Diego.

Laging dinadalaw ng ulan ang mga lugar gaya ng


Batanes, Hilagang-Silangang Luzon, Timog-Kanlurang
Camarines Sur, Albay, Marinduque, Kanlurang Leyte at  Ang unang uri
Bohol. ay maulan
mula Hunyo
3. Paglalahat:
Bago tayo magpatuloy sa mga gawain, maaari
niyo bang sabihin kung ano ang ating tinalakay ngayong
araw?
hanggang Nobyembre at tuyo naman
Ano nga ulit ang mga salik na ito? mula Disyembre hanggang Mayo.

Magaling.
 Ikalawang uri ay tag-ulan mula
Disyembre hanggang Pebrero, halos
walang init at pinakamaulang buwan
4. Paglalapat:
ay mula Nobyembre hanggang
Pangkatang gawain (4 na pangkat). Batay sa
Enero.
inyong natutunan ngayong araw. Ilarawan kung ano ang
mga sumusunod na salik at ilagay sa bilog na katapat ng
salita ang iyong paliwanag.

 Ang ikatlong uri ay tag-init mula


Nobyembre hanggang Abril at tag-
ulan ang natitirang buwan.

 Ikaapat na uri ay tag-ulan halos


buong taon.

 Ang ating tinalakay ngayong araw ay


ang mga salik na may kinalaman sa
klima ng bansa.
 Temperatura, Halumigmig
(Humidity), Monsoon, latitud,
6. Pagtataya: altitud, Dami ng ulan.
Isulat sa patlang ang tamang sagot sa bawat
bilang.
1 _______ ay ang sukat ng kainitan o kalamigan ng isang
bagay, katulad ng mula sa katawan ng isang tao at lagay ng
panahon.
2. ______ ay mainit na hangin na buhat sa Timog-
Kanluran na umiihip sa buong Asya. Unang Pangkat:
3. ______ ito ay tumutukoy sa dami ng tubig sa atmospera.
4. ______ ay isang uri ng ap ana nagpapakita ng iba’t
ibang klima ng lugar sa isang bansa.
5. ______ ito ay nababatay sa dami ng presipitasyon at
bakit nabuo ang presipitasyon.
6. ______ ay ang uri ng panahon na nakararanas ng tag- Ikalawang Pangkat
ulan buong taon.
7. ______ ay ang pangmatagalang kalagayan ng panahon
sa isang bansa.
8. _____ ay ang malamig na hangin na nagmumula sa
hilagang-silangang bahagi ng Siberia.
9. ______ ay ang kondisyon ng atmospera sa isang lugar
na maaaring magbago anumang oras.
10. _____ ay ang uri ng klima sa Pilipinas kung saan Ikatlong Pangkat
nararanasan ay maulan mula Hunyo hanggang Nobyembre
at tuyo naman mula Disyembre hanggang Mayo.

7. Takdang-Aralin:
Gamit ang mapang pangklima bilang basehan,
kulayan ang iba’t ibang parte ng Pilipinas base sa uri ng Ikaapat na Pangkat
klima mayroon ito.

1. Temperatura

2. Hanging Habagat

3. Halumigmig

4. Mapang pangklima

5. Dami ng ulan

6. Ikaapat na uri

7. Klima

8. Amihan

9. Panahon

10. Unang uri

Inihanda ni;
Jessica Galicia Buella

You might also like