Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: VII QUARTER: 2 WEEK: 8 DAY: 1

Competency Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa Asya
& Objectives
(AP7KSA-IIh-1.12).
:
Naiisa-isa ang mga mahalagang kontribusyon ng Kabihasnang Sumer,Indus at Shang

Content : Ang mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya.

Learning SLM Wk 8 ADM AP7_Q2_M8


Resources :
Mga larawan at pantulong biswal

Procedure: A. Paghahanda: (Preparation)

Start Here.

1. Panalangin

2. Checking of attendance

3. Paalala sa Health Protocol

B. Pagganyak: (Motivation)

Start Here. Imbensyon mo, kapakinabangan ko! Batay sa mga larawan, ibigay ang
kapakinabangan ng imbensyon na ito.

1. Mobile Phone 2. Jeepney

Pamprosesong tanong.

1. Ano ang kapakinabangan ng nasa larawan?

2. Paano imo nakatulong sa mga tao?

3. Mahalaga ba ang mga ito sa buhay ngayon?

C. Paglalahad: (Presentation)

Start Here.

Pagpapakita ng mga piling larawan sa mga kontribusyon ng mga Sinaunang kabihasnan

1. Cuneiform 2. Ziggurat
Pamprosesong mga tanong:

1. Ano ang masasabi ninyo sa nakitang larawan?

2. Ano kaya ang gamit nito noon?

3. Mahalaga ba ito?

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Start Here. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya at ang mga mahahalagang kontribusyon:

KABIHASNAN KONTRIBUSYON

 Cuneiform-sistema ng pagsulat sa pagtatala ng mga


mahahalagang pangyayaring nagaganap;

 Gulong- sa pagkakatuklas nito, nagawa nila ang unang


karuwahe;

 Epiko ng Gilgamesh-katunayan ng kanilang kabihasnan;

 Araro at kariton na may gulong-teknolohiya sa pagsasaka;

 Paggamit ng toro sa pag-aararo;

 Paggawa ng palayok;

 Paggamit ng perang pilak;


SUMER
 Organisadong puwersa sa pagpapatayo ng mga dike-sila ang
unang nagtatag nito;

 Paggamit ng lunar calendar at decimal system;

 Kasanayang pangmatematika tulad ng multiplikasyon, dibisyon,


paggamit ng square root at decimal;

 Paggawa ng dome at vault;

 Ziggurat- ang pinakamalaking gusali sa Sumer tatak ng


kapangyarihan ng haring- pinuno ang ziggurat o tore ng temple
ng Sumeria.

INDUS  Pictogram-unang ginamit na sistema ng pagsulat ng Indus;

 Parisukat na seal carving (seatite seal) na yari sa soapstone,


isang uri ng polbos na pinatigas at kadalasang ginagawang
dekorasyon at selyo;

 Mga piguring bronse at terracotta na mga bagay at diyos na


sinasamba ng tao;

 Maayos na pagplanong panglungsod o pagplanong pang urban,


maayos na daluyan ng tubig mula palikuran, kabahayan patungo
sa mga kanal;

 Nakapagtayo ng citadel o mga matataas na pader, templo,


pampublikong paliguan, malaking bulwagan at imbakan ng
butil;

 Hinduismo-pinakamatandang relihiyon sa daigdig;

 Epiko ng Ramayana at Mahabharata-patulang salaysay na unang


isinulat sa wikang Sanskrit;

 Wikang Sanskrit na sinauna at klasikong wika ng India na gamit


sa mga liturhiya ng kanilng relihiyon;

 Pagkatuklas ng potter’s wheel;

 Oracle bones- butong orakulo na ginagamit sa panghuhula;

 Calligraphy-sistema ng pagsulat na nagsisilbing tagapag-isa ng


Tsino;

 Agglunative-paraang ginagamit ng mga Tsino upang pagdikit-


dikitin ang mga salita upang mabuo ang ideya;

 Gumawa ng seramika gamit ang kaolin-isang uri ng maputing


SHANG putik.

 Elepante-sasakyang pandigma;

 Paggamit ng tanso;

 Sistemang irigasyon at pagkontrol sa tubig-baha;

 Nakaimbeto ng kalendaryong lunar na sampung araw ang


pinakamalaki at anim na tigsasampung araw ang bumuo ng 360
araw sa loob ng isang taon.

E. Paghahasa (Exercises)

Start Here. Kilalanin kung anong kabihasnan ito nalinang, Ibigay ang kahalagahan nito sa
buhay:

Halimbawa: Decimal system- SUMER (ginagamit pang matematika)

A. SUMER B. INDUS C. SHANG

1. Oracle bone reading –


2. Cuneiform –

3. Gulong-

4. Sistemang irigasyon at pagkontrol sa tubig-baha –

5. Epiko ng Ramayana at Mahabharata -

F. Paglalahat: (Generalization)

Start Here. Bigyan ng pagkakataon na magbabahagi ang mga mag-aaral. Ipapaliwanag at


bigyang-halaga na ang bawat sinaunang kabihasnan ay may mahalagang naiambag o
nagawa para mapakinabangan hanggang sa kasalukuyan. Pagkatapos ay hayaan ang mga
mag-aaral na magbigay ng halimbawa basi sa natalakay.

Hal. Gulong – Nagagamit ito upang mapabilis ang takbo ng mga sasakyan.

G. Paglalapat (Application)

Start Here. Pangkatang Gawain: Bumuo ng tatlong grupo at magsagawa ng pangkatang


pagbabahagi tungkol sa kahalagahan ng mga kontribusyon noon. Pagkatapos ng
pagbabahagian sa grupo ay kanila itong ipakita sa buong klase.Maaring gawing gabay ang
pamprosesong mga tanong: Ito ay maaring gawing Performance task bilang pagsukat ng
kanilang natutunan.

Pangkat 1 – SUMER

Pangkat 2 – INDUS

Pangkat 3 - SHANG

MGA PAMPROSESONG TANONG:

1. Alin sa mga kontribusyon ang higit na mahalaga sa kasalukuyang panahon?

2. Paano natin ito napakinabangan?

3. Mag isip ng isa sa mga naiambag noon na maaring mas malilinang pa sa ngayon?

4. May naisip ka ba na naimbento sa ngayon na maaaring mapakinabangan sa


hinaharap? Magbigay ng mga halimbawa.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Start Here. PERFORMANCE TASK (Output ito sa Pangkatang gawain)

PARADA NG OBRA-MAESTRA (Parade of Masterpiece)

Itatanghal ng bawat grupo sa klase ang output nito.

Rubrics sa pagtatanghal (5-Pinakamataas, 1-pinakamababa)

NILALAMAN: 5-4-3-2-1
ORGANISASYON: 5-4-3-2-1

MALIKHAIN: 5-4-3-2-1

IMPACT O DATING: 5-4-3-2-1

KAHALAGAHAN SA BUHAY: 5-4-3-2-1

TOTAL: 25 points

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Start Here.

1. Basahin at pag-aralan ang mga mahalagang kontribusyon ng iba pang kabihasnan


na nabuo sa Kanlurang Asya, Silangang Asya at Timog-Silangang Asya.

Susi sa Pagwawasto:

Paunawa: Ang mga sagot sa ibang gawain ay maaring iba-iba at naka depende ayon sa kakayahan
ng mga mag-aaral.

PAGHAHASA:

1. Shang

2. Sumer

3. Sumer

4. Shang

5. Indus

Republic of the Philippines

Department of Education

Region VII, Central Visayas

Division of Bohol

City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN


GRADE: VII QUARTER: 2 WEEK: 8 DAY: 2

Competen Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at


cy & komunidad sa Asya
Objective
(AP7KSA-IIh-1.12).
s :
Nasusuri ang mga mahalagang kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnang
Asyano

Content : Ang mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya.

Learning SLM Wk 8 ADM AP7_Q2_M8


Resources :

Procedure : A. Paghahanda: (Preparation)

Start Here.

1. Panalangin

2. Checking of attendance

3. Paalala sa Health Protocol

B. Pagganyak: (Motivation)

Start Here.

1. Pagbabalik-aral sa nakaraang talakayan.

2. Magbigay nga mahalagang nagawa ng kabihasnang Sumer, Indus at


Shang

C. Paglalahad: (Presentation)

Start Here. Larawan-Suri. Kilalanin ang nasa larawan. Mga Dakilang Lider/Tao sa
sinaunang Kabihasnan.

King Hammurabi Confucius Nebuchadnezzar II

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang kanilang Mahalagang nagawa?


2. Saan sila naging lider o saang larangan kilala?

3. Paano kaya sila naging tanyag?

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Talahanayan ng Sibilisasyon at Imperyo sa Kanlurang Asya

Imperyo Pag-unlad/ Kontribusyon

 Pagkilala at paggalang sa iba’t ibang wika;

Akkadian  Pagkaroon ng titulo ng lupa;

 Imbentaryo ng lupain at pananim bilang batayan sa bayarang


buwis.

 Kodigo ni Hammurabi - 282 katipunan ng mga batas ni


Hammurabi na nagsilbing pamantayan sa Kabihasnang
Babylonian;
Babylonian
 Naimbento ang Water Clock at Sundial na nahulaan ang
pagkakaroon ng eklipse ng araw at buwan;

 Nagpasimula ng kontratang pangkalakalan at paggamit ng selyo


bilang pagpapatibay sa kontrata.

 Matatag na sistema ng pamumuno sa imperyo;

 Mahusay sila sa pag-ukit sa bato sa naglalarawan ng mga


senaryo ng mga madugong tagumpay sa labanan;
Assyrian
 Epektibong serbisyong postal;

 Maayos at magandang kalsada.

 Hanging Gardens of Babylon - kahanga-hangang tanawin;

Chaldean  Konsepto ng zodiac at horoscope;

 Etemenanki-pinakamataas na ziggurat.

 Barter - sistema ng kalakalan ng pagpapalitan ng mga produkto


sa ibang estado o bansa;
Lydian
 Paggamit ng barya.

 Konsepto ng kolonya na naging istasyon o bagsakan ng mga


kalakal;

 Ang Alpabeto –naging batayan ng kasalukuyang alpabeto;


Phoenician
 Paggawa ng barko;

 Tinaguriang “tagapagdala ng kabihasnan” dahil hindi lamang


produkto ang dala kundi pamumuhay din ng mga tao sa lugar
na napuntahan.
 Bibliya - ang naging pundasyon ng pananamplatayang Judaism
at Kristiyanismo;
Hebreo
 Monotheism - pagsamba sa nag-iisang Diyos.

 Pagmimina ng iron ore;

Hittite  Pagkatuklas ng bakal - naging madali at mabilis ang panankop


sa iba’t ibang imperyo.

 Kosepto ng sentralisadong pamahalaan (Satrap);

Persian  Gumamit ng pilak at gintong barya sa pakikipagkalakalan;

 Serbisyo ng Koreo;

 Relihiyong Zoroastriyanismo.

Mahahalagang Pangyayari sa Sinaunang Panahon sa Silangan at Hilagang Asya

China Mahahalagang Pangyayari/Ambag

 Naimbento ang bakal na araro;

 Ipinagawa ang mga irigasyon at dike;


Chou  Naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong
nakakabayo at gumamit ng chariot;

 Lumitaw ang pilosopiyang Confucianism at Taoism.

Ch’in  Great Wall of China bilang proteksyon sa pag-atake ng mga


kalaban.

 Napatanyag ang silk road-isang ruta ng kalakalan;


Han
 Nakaimbento ng papel, porselana, at water-powdered mill.

 Naimbento ang woodblock printing na nagpabilis ng mga kopya ng


Tang
sulatin.

Sung  Naimbento ang gun.

Yuan  Confucianism bilang pilosopiya.

Mahahalagang Pangyayari sa Sinaunang Panahon sa Timog-Asya

Indo-  Nilikha ang sistemang Caste upang hatiin ang lipunan sa mga
Aryan pangkat;

 Sanskrit- ang wika sa loob ng 1000 taon na dala ng Indo- Aryan.


Vedas-naunang panitikan na nakasulat sa Sanskrit.

Imperyong  Lumaganap ang Budismo sa Asya.


Maurya
Imperyong  Naganap ang Golden Age o Ginintuang Panahon;
Gupta
 Umunlad ang agham;

 Nasulat ang gravitation;

 Napaunlad ang number symbols;

 Natutong mag-isterilisa ang mga manggagamot;

 Nagsagawa ng operasyon;

 Lumago ang Hinduism.

Mahahalagang Pangyayari sa Sinaunang Panahon sa Timog-Silangang Asya

Imperyong  Angkor Wat - kinikilalang pinakamatanda at pinakamalaking


Angkor/ estrukturang pang-arkitektura sa daigdig.

Khmer

E. Paghahasa (Exercises)

Pangalanan Mo!

Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na ambag ng


mga sinaunang kabihasnan, sibilisasyon at imperyo sa Kanlurang Asya at isulat
sa sagutang papel.

Babylonian Lydian Akkadian Assyrian

Persian Chaldean Phoenician Hebreo

Hittite Chin Chou Imperyong Gupta

________________1. Pagkaimbento ng water clock at sundial

________________2. Nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo

________________3. Confucianism at Taoism

________________4. Nasulat ang gravitation

________________5. Paggamit ng barya

________________6. Konsepto ng zodiac at horoscope

________________7. Alpabeto

________________8. Bibliya

________________9. Great Wall

________________10. Hanging Gardens of Babylon

F. Paglalahat: (Generalization)

Pangkatang Gawain: Bumuo ng tatlong grupo at magsagawa ng pangkatang


pagbabahagi tungkol sa kahalagahan ng mga kontribusyon noon. Pagkatapos ng
pagbabahagian sa grupo ay kanila itong ipakita sa buong klase.Maaring gawing
gabay ang pamprosesong mga tanong

Pangkat 1 – Mga Imperyo sa Kanlurang Asya

Pangkat 2 – Mga Dinastiya sa Silangan at Hilagang Asya

Pangkat 3 – Mga Imperyo sa Timog at Timog-Silangang Asya

MGA PAMPROSESONG TANONG:

1. Alin sa mga kontribusyon ang higit mong nagustuhan? Ipaliwanag

2. Paano natin ito napakinabangan?

3. Mag isip ng isa sa mga naiambag noon na maaring mas malilinang pa sa


ngayon?

G. Paglalapat (Application)

Start Here.

Picture Collage

Basi sa mga nagawa nila noon, pumili sa mga nagawa noon na nakita
mong mahalaga ito hanggang sa kasalukuyan. Ipakita ito sa pamamagitan ng
isang picture collage.

Rubriks:

Kraytirya Puntos

Nilalaman 10 puntos

Organisasyon ng mga ideya 10 puntos

Pagkamalikhain 10 puntos

H. Pagtataya: (Evaluation)

Dugtungan ang salaysay:

Mahalaga ang nagawa/naiambag ng mga _____________


dahil____________________________. Mapakinabangan natin dito sa
pamamagitan ng______________________________________. Malilinang pa
natin ito kung
________________________________________________________.

Maipapakita natin ang pagpapahalaga sa mga ito sa pamamagitan


ng______________________
___________________________________________________________________
____________.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Start Here.
1. Maghanda para sa Summative test.

2. Pag-aralan ang mga nakaraang paksang tinalakay.

3. Huwag lumiban sa klase

Susi sa Pagwawasto:

Paunawa: Ang mga sagot sa ibang gawain ay maaring iba-iba at naka depende ayon sa kakayahan
ng mga mag-aaral.

PAGHAHASA:

1. Babylonian

2. Assyrian

3. Chou

4. Imperyong Gupta

5. Lydian

6. Chaldean

7. Phoenician

8. Hebreo

9. Ch’in

10. Chaldean

Republic of the Philippines

Department of Education

Region VII, Central Visayas


Division of Bohol

City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: VII QUARTER: 2 WEEK: 8 DAY: 3

1. Alin sa mga kaugalian ng mga tradisyunal na babaeng Asyano ang karaniwang gampanin ng
mga kababaihan?

A. Ang pagiging asawa at pagiging ina C. Ang pagsunod sa kaugaliang Sati

B. Ang pagsusuot ng Purdah D. Ang paghahanap buhay para sa asawa

2. Ang mga sumusunod ay mga pamamaraan ng pagsasagawa ng footbinding. Alin dito ang
tamang paraan?

A. Pagsusuot ng matigas na balat ng hayop

B. Pagbabali ng arko ng paa sa mga batang Tsino

C. Paglalakad ng tuwid habang bata pa

D. Pagtatali ng dalawang paa upang lumiit ito.

3. Ito ay isang kaugalian sa India na kung saan isinasama ang byudang babae sa pagsunog
kasama ang kanyang namatay na asawa.

A. Dote B. Suttee C. Purdah D. Footbinding

4. Aling bansa sa Asya kung saan nakilala sa kanilang tradisyon na pagsagawa ng footbinding
sa mga kababaihan mula sa pagkabata pa?

A. Korea B. Japan C. China D. Mongolia

5. Ano ang layon ng mga tradisyunal na babaeng Muslim sa pagsuot ng Purdah?

A. upang umiwas sa pagkasira ng mukha

B. tanda ito ng pagkamahiyain nila sa mga lalaki

C. dahil ito’y isang tradisyong kailangan sundin sa lahat ng mga babaeng Asyano

D. layunin at ipaala-ala na tanging ang kanyang asawang lalaki ang makakita sa

kanyang mukha

6. Paano ba natin mabibigyan ng pagpapahalaga ang mga kababaihan?

A. Dapat nasa bahay lamang

B. Gawing huwaran sa mga babae lamang

C. Sundin ang lahat ng kanilang gagawin

D. Bigyan ng mataas na respeto at dangal

7. Ang pagsuot ng Purdah ay sinusunod sa mga tradisyunal na babaeng___?


A. Hindu B. Muslim C. Hapones D. Tsino

8. Sa sinaunang tradisyon, ano ang tawag sa mga mamahaling bagay o kayamanan bilang
kapalit sa kanyang magiging asawa?

A. dote B. purdah C. suttee D. kasunduan

9. Ang footbinding ay maaaring magdudulot ng mga sumusunod maliban sa isa.

A. pagkakaroon ng lotus feet

B. mabilis na paglakad at pagtakbo

B. ang asawang lalaki ang nagsisilbi sa kanya

C. nasa bahay lamang siya na suportahan ng kanyang asawa

10. Paano ginampanan ng mga kababaihang pinuno ang kanilang tungkulin bilang lider ng
bansa sa Asya?

A. Pinataas nila ang kita ng bansang kanilang pinamunuan

B. Pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang bansa

C. Itinaguyod at pinanatili nila ang Asyanong pagpapahalaga sa panahon ng kanilang


pamumuno.

D. Binigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang may kakayahang manungkulan sa


kanilang bansa.

11. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang
dambana ng kanilang diyos o diyosa?

A. Ziggurat C. Taj Mahal

B. Great Wall D. Hanging Gardens

12. Anong kabihasnan ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform?

A. Indus B. Shang C. Sumerian D. Babylonian

13. Tanyag ang mga Mogul sa magagarang gusali na ipinatayo nila. Anong gusali ang
pinakakilala at itinanghal na pinakamaganda sa buong daigdig na ipinatayo ni Shah Jahan
para sa kanyang paboritong asawa?

A. Ziggurat B. Taj Mahal C. Angkor Wat D. Mumtaz Mahal

14. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga
proyekto sa kahalagahan ng mga kontribusyon Asyano. Ano ang gagawin mo para makilala
at makita ng lahat ang mga nasabing kontribusyon?

A. Quiz bee C. Collage making contest

B. Open house exhibit D. Essay writing competition

15. Bilang estudyante, Paano mo maisasabuhay ang ginintuang aral ni Confucius na “huwag
mong gawin sa iba ang mga ayaw mong gawin nila sa iyo”.

A. Igalang ang mga nakakatanda sa iyo

B. Dapat mapagbigay para hindi ka masasaktan


C. Huwag kang gagawa ng mga bagay na hindi mabuti sa iyong kapwa

D. Huwag kang gagawa ng hakbang kung hindi sinasabi ng iyong kasama

16. Ito ay Kalipunan ng mga batas na ang layunin nito ay ipaalala sa lahat ng mamamayan ang
mahigit na pagpapatupad ng batas.

A. Kodigo ni Barummah C. Kodigo ni Aburrabi

B. Kodigo ni Hammurabi D. Kodigo ni Manu

17. Ang Hanging Gardens of Babylon ang isa sa hinahangaang tanawin sa sinaunang panahon
na umabot ng 75 talampakan ang taas. Ito ay ipinatayo para kay Amytis. Sino ang
nagpatayo nito?

A. Ephesus C. Hammurabi

B. Nebuchadnezzar D. Solomon

18. Paano natin mapangalagaan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan?

A. Gawing lugar na mapagtambakan at matataguan ng mga kagamitan sa digmaan.

B. Makakatulong sa mga kabataan sa pag-unawa sa kasalukuyan dahil sa nakaraan.

C. Ito ay mahalagang ambag ng kasaysayan ng Asya sa daigdig.

D. Magkaroon ng preserbasyon upang manatiling buhay ang kaisipan ng kanilang mga


ninuno.

19. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnan ng pandaigdig na


naging mitsa ng karunungan?

A. Sistema ng pagsulat na tinawag na Cuneiform

B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel

C. Mga seda at porcelana

D. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system

20. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian at kinilala nila bilang
dambana ng kanilang diyos o diyosa?

A. Great Wall of China C. Taj Mahal

B. Ziggurat D. Hanging Garden


ANSWER KEY IN SUMMATIVE TEST

AP7 Quarter 2 Week 8 Day 3

(Araling Asyano)

1 A 11 A

2 B 12 C

3 B 13 B

4 C 14 B

5 D 15 C

6 D 16 A

7 B 17 B

8 A 18 D

9 A 19 A

10 C 20 B

Republic of the Philippines

Department of Education

Region VII, Central Visayas

Schools Division of Bohol

City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

You might also like