Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

“SULYAP”

Written by : Gia Fernando


Jerose Navalta
Kyla Mercado

Intro: The Present

Location: Cafe

Nasa café si Serena, looking busy while working on her laptop. She looks sophisticated and
professional in her suit. Para siyang may sariling mundo na hindi niya na napansin na umupo na pala
si Lucas sa harap niya.

(Si Serena, nakaupo lamang nagtatrabaho sa kanyang laptop. Umupo ang kanyang
dating kaklase na si Lucas sa harapan niya)

Lucas: “Busy-ing-busy tayo ah.”(Pangbungad ni Lucas na animo’y hindi nagbago


mula nung college pa sila.) ”Ano ate Sirena? Limang minuto na ako rito,
hindi mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko?”

(Doon lamang napukaw ang atensyon ni Serena at agad napatingin kay Lucas.
Nakangiti ito at masayang masaya pero agad naging seryoso ang mukha.)

Serena: “Uyy, ikaw pala kaya pala sumama ihip ng hangin at parang bumigat
ang aura rito sa café, may nakapasok palang masamang espiritu?”

(Sinamaan ng tingin ni Lucas)

Lucas: “Ok, ganyan ka na pala, ah. Okay lang kung nagbago ka na, sino ba
naman ako? Hindi ba?” (parang nasasaktan, nakahawak pa sa dibdib at may
papikit pikit pang nalalaman.)

Serena:*umirap* “Oa pa rin ate ko? Kumusta ka na pala? Sorry, wala na kasi
akong balita.”

Lucas: “Wala na rin akong balita sa inyong tatlo, mula nung nag-transfer ka
nung 3rd year tayo`at biglang kinuha si Raf ng Daddy niya tapos si Khali
naman, biglang naglaho. Nag-delete ng socials niya, buti ka pa umalis pero
hindi mo naman kami tinuluyang j-cut off. Si Ivy naman, nasa LU kasama ung
mga katrabaho niya at di ako sinama, naol.” (stop)

(pinaglaruan ni Lucas ng kaunti ung straw ng kape niya at nagsalita uli.


Nakatingin lang sa laptop si Serena.)

Lucas: “Nga pala, matagal naman nang nangyari ‘yon, okay lang ba kung
itatanong ko?”

Serena: *Inalis ang tingin sa laptop at tinignan si Lucas at ngumiti* …

—-----------------------------*CUT*-----------------------------

BSDS GROUP 2: “Sulyap” 1


SCENE 1: Where It All Started

plays “Crush na Crush Kita* instrumental*


Location: Nasa labas sila ng classroom nag-aayaan kung saan tumatambay bago
umuwi

//Voice Over
Serena (Nagkukwento): Normal naman lahat dati pero noong araw na yun kung
san tayo tumambay sa tapat ng Medina Lacson, nag-iba na ang lahat…
College. Last four years bago sumabak sa totoong buhay…

*5 years ago*
Magkakasama ang circle of friends sa open area and parang picnic vibes, katatapos lang ng klase.
Normal kwentuhan, pahinga mula sa klase, then daan si Raf kasama friend nya after makita ni Serena
ung chocolate with note na inabot ni Khali

(Bago sila magsama-sama, may nakitang notes and chocolates si Serena sa bag niya. Iniwan niya lang
ito sandali para mag cr kasi magkikita kita sila ng mga kaibigan niya.)

Serena: "Khali, mamaya paiwan tayo rito, may sasabihin lang ako sayo."
*pabulong na sinabi kay Khali habang nasa labas sila.*

Khali: "Pabulong to sis, may naamoy akong fishy here ah." *pakikay na sagot
nito*

Serena: "Hindiii, basta mamay-."


*hindi na niya natuloy sinasabi niya kasi bigla na lang napadaan si Raf sa
‘di kalayuan na nakatingin sa gawi namin, napadiin siya sa hawak ng bag
niya kaya may tumunog na wrapper kaya napatingin sa kaniya lahat*

Lucas: "Pagkain ba yan, sirena?"

(Tanong nito na agad sinamaan ng tingin ni Serena)

Lucas: "Serena pala hehe, peace bro!"

Ivy: "’Pag lumabas buntot niyan hihilahin ka na lang niyan sa dagat."

(Dagdag pa nito kaya nagtawanan lalo sila at napairap na lang si Serena na


para bang sanay na siya sa mga kantiyaw ng mga kaibigan.)

(Nakita ni Khali na umirap si Serena, nakikipagpalit siya ng pwesto kay Ivy.)

Khali: "Sis, palit tayo baka mapikon pa yan." pabulong na sinabi niya kay
Ivy na nakagitna sa kanila ni Serena. Agad niyang pinalupot ang braso niya
kay Serena para aluhin ito, napanguso na lang si Serena na para bang
nagsusumbong kay Khali.

Khali: "Ivy, may mini fan ka ba?" (biglang tanong nito,, napansin niya kasi
na parang naiinitan si Serena.)

Ivy: "Shocks! Hoy Lucas, mini fan ko boi?" (bintang na parang sinisingil ng
utang si Lucas.)

Lucas: "Hoy pre, nasaan na mini fan na pinahiram ko sayo noong nakaraang
araw?" *pasa nito kay Raf na naglalaro sa phone niya*

BSDS GROUP 2: “Sulyap” 2


Raf:"Oo nga pala ano, akala ko ba sayo yon? Naisama ata sa labanan ni mama,
pinalupot ko yon sa comforter e." *pero ang focus ay sa nilalaro niya pa
rin.*

*Nagtalo na si Ivy at Lucas, parehas nagtuturuan pa sa nangyari*.

Ivy:*nagbabanta* "Bayaran mo yon Lucas, sinasabi ko sayo, makikita mo


hinahanap mo pre."

*Kumuha na lang si KHALI ng papel sa bag at ginawang pangpaypay kay


Serena.*

Raf: "Mga bro, alis na pala ako. Kailangan kong umuwi maaga ngayon e, may
new episode one piece." (paalam na nito habang nagpapagpag)

Raf: "See you tom! Bye guys, bye sirena!" (pakindat pa niyang sinabi kay
Serena.)

Lucas: Ganyan ‘yan, nang-iiwan. ‘Wag mo kong iwan Rafael, ‘di ko kakayanin.
*paasar nitong sambit*

Ivy: “Sabay na ako sa luka-lukang ‘to, kinakabahan ako para sa


makakasalubong niya.” *pabirong sabi nito*

(Siniguro muna ni SERENA na wala na sa malapit mga kaibigan niya kasi


nahihiya siyang malaman nito na may nagbigay sa kaniya ng ganon baka asarin
pa siya.)

Khali: "Ano ba yon ate ko at parang kailangan nating i-secret to? Malaswa
ba? Rated PG or SPG? Mygod!" *oa na pagkakasabi ni Khali nang mawala na mga
kaibigan nila.*

Serena: "Hindiiii!!! Kasi kanina hindi ba, nagpaalam ako sayo, mag-cr, wala
ka bang napansin na tumabi or lumapit sa bag ko?"

Khali: "Ha? Wala naman, nagtanong lang si Raf kung may pabango ka kaya sabi
ko tignan mo sa bag niya."

Khali: "Ano ba kasi yon?"

Serena: "Nakita ko kasi to." *nilabas niya na ang notes at chocolate.*

Serena: "Napansin mo bang nilagay niyo to?" *medyo tameme si Khali*

Serena: "Huy" *doon siya napaangat ng tingin kay Serena.*

Khali: "Wala naman akong napansin. Ano bang nakalagay sa notes?" *tanong
niya.*

(Binasa niya ang tulang nakapaloob sa notes kay Khali)


- Kahit di mo man alam, mahal kita,
Sa'yo'y tagong pag-ibig ang alay ko,
Hanggang kailanman, sa puso't diwa,
Ikaw ang aking lihim na pagsinta.

Khali: "Huwag mo na muna yan intindihin, maganda ka at matalino, sino bang


hindi magkakagusto sayo?" *nakangiti si Khali habang sinasabi ito.*

Serena: "Uwi na lang tayo, Khali. Mas masarap pa gawin calculus kaysa
hulaan kung sino nagbigay ng mga ito." *nagtawanan sila parehas at sabay
nang umuwi.*

BSDS GROUP 2: “Sulyap” 3


(Sa loob loob ni Serena ay sana si Rafael ang nagpadala ng mga iyon.)

—-----------------------------*CUT*-----------------------------

SCENE 2: The Delulu Era

Nagmamadali si Serena papasok ng campus, mabuti na lang ay malapit lang ang dorm niya. Dali-dali
siyang magsuot ng sapatos at umalis na kaagad siya.

Khali:(namataan si Serena) “Serena, dito!” (may pakaway-kaway)

(Agad, tumabi si Serena kay Khali)

Khali: *pabulong* “Bakit ka ba late?”

Serena: *Nakatingin sa harap* “Hindi ko kasi narinig alarm ko, teh.”

Prof: “Class, unfortunately, I won’t be able to continue this lesson so


before our time ends, make sure to submit this activity to your class
representative. You still have one hour left to finish this. Use it well.”

Lucas:*nakangisi* “Sirena, pakopya raw si Raf.”

(Inirapan ni Serena si Lucas)

Raf: “Pre, tigilan mo nga si Serena.” (sabi nito habang nakapokus sa


nilalaro niya)

(Naiinis man si Serena sa pang-aasar ng buong klase ay sa loob loob niya ay


ang tinatago niyang kilig.)

Serena: “Ikaw Lucas, pinag-aaral ka ng nanay mo tapos puro ka kopya.”

Lucas: “Okay, mamamo.”

Serena: “Nasa probinsya.”

(Sabay-sabay sila tumawa)

(Matapos ang tawanan ay maagang nagawa ni Serena ang activity na pinapagawa


ng professor nila. Late man siya ay nagawa niya pa rin nang mabilis at tama
ang activity nila sa araw na ‘yon. Dahil maaga nga natapos ay hindi niya
mapigilan ang pagtitig kay Lucas na busy sa paggawa ng sarili niyang
activity. Hinayaan niya nang kuhanin ni Lucas ang activity na gawa niya para
hindi na siya guluhin pa nito. Sa sobrang pagtitig niya kay Raf ay bigla siya
nitong binalingan din ng tingin, nagulat siya at hindi agad nakabawi kaya
nginitian siya ni Raf. Napayuko na lang siya sa kilig sa ginawang iyon ni
Raf.)

Ivy: “Girl, matunaw yan.” *Sabay siko kay Serena*

(Narinig iyon ni Khali kaya nagtawanan silang tatlo. Maya maya pa ay natapos
na ang klase, tumayo ang class representative ng klase upang kolektahin ang
activities na pinapagawa sa kanila.)

—--------------------------------*CUT*-------------------------------------

BSDS GROUP 2: “Sulyap” 4


SCENE 3: Mixed Signals

Scene 3.1

Kinabukasan, walang klase kaya naisipan nilang magbabarkada na mag-review sa library.


Mawawalan na kasi sila ng time na gawin ito dahil magiging busy sila sa nalalapit na intramurals sa
campus. Mahuhuli ng dating si Serena kaya nagchat siya sa gc nila na ipakuja na ang libro na
babasahin niya.

Serena: “Sa’n Khali?” *bungad niya kay Ivy*

Ivy: “CR” *sagot nito nang hindi pinuputol ang tingin sa kanyang libro*

(Nakita ni Serena sa lamesa ang libro, kinuha niya na ito at agad binasa.
Maya-maya rin ay dumating si Khali at sinalubong ng ngiti si Serena, naupo
ito sa harap niya dahil katabi na nito si Ivy)

Habang sila ay busy sa binabasa, napansin ni Serena na parang may nakaipit


sa libro, pasimple niya itong kinuha at binasa. Napaangat ang tingin niya
sa mga kasama pero nagtagal ang tingin niya kay Raf.

Raf: Serena, pwede turuan mo ‘ko sa part na ‘to? *tumayo ito ay dinantay ang
kamay sa lamesa*

Serena: Uhm sure, ito ba? *turo sa topic, starts explaining

Si Raf ay umupo sa tabi nito at nods in approval habang ineexplai ni Serena,


then napatingin siya kay Serena. Nakita niya na may tumakas na buhok sa
mukha nito, kaya parang without thinking inabot niya ito at inayos ito. Kaya
parang nahiya si Serena.

Then shift yung camera sa pagdating ni Khali na parang nasaktan siya pero
shrugs it off.
—---------------------*Continue same day, diff loc.*----------------------

Scene 3.2

Naglalalakad na sila then parang ang magkasama ay si Ivy, Khali and Serena.
Then si Lucas and Raf parang nag-aasaran sa likod.

Ivy: Hoy Lucas yung ipapasa raw kay Prof- hoy ano ‘yan? *sita nito kila
Lucas*

Parang may iniintriga rin sila sa bag ni Raf na ayaw niyang ilabas ganun

Lucas: Eto kasing mokong ‘to, may tinatago sa’tin. ‘Kita ko ‘yon ‘kala mo ha,
‘bat may nagpapatibok na ba ng pusong bato?

Serena in the background in her deluluness na naman nang may tumawag.

Serena: *mouths* “Mauna na ako” sabi kay Khali

Serena: *turo sa cp, sumesenyas na may tumatawag*

BSDS GROUP 2: “Sulyap” 5


(Nagpaalam si Serena sa grupo na may emergency sa dorm niya kaya nauna na
siya sa mga ito. Ang totoo niyan ay gusto niya lang basahin ng siya lang
magisa ang sulat na nakita niya sa libro. Nasa isip niya’y baka si Raf na ang
naglagay noon dahil siya ang nauna pero ayaw niyang masaktan kapag nalaman
niya ito.)

—--------------------------------*CUT*-------------------------------------

SCENE 4: Confession

(Naglalakad mag-isa si Serena pauwi nang makita niya si Khali na papunta sa


benches sa likod ng old CEA. Napagtanto nitong sundan ito. Hindi niya
ineexpect na parang sila pala ni Raf ang maabutan nito at may hawak na
bulaklak si Raf na inaabot kay Khali. Tas si Khali parang malugod niya itong
tinanggap agad.)

(Napatakbo si Serena sa naabutan niyang sitwasyon na narinig nila Raf yung


bigat ng yapak nito that made them wary of the situation. )

Khali : Wait, Serena! *tumatakbo*

(Serena patuloy parin sa paglakad nang mabilis.)

Khali: *nagtangkang habulin* Serena, please pakinggan mo ako

Khali: Give me a chance please

Serena:Chance? Really Khali? You know what, I thought mapagkakatiwalaan kita.


You broke that, nag-enjoy ka bang mag-mukha akong tangang umaasa kay Raf? YOU
KNEW KHALI, IKAW ANG PINAGSASABIHAN KO

Khali: Naduwag ako-

Serena: Oh you don’t give me that shit, Khali. Kailangan makita ko pa


talagang harap-harapan? If you were honest-

Khali: Ako lahat yun.

Serena: *dumbfounded*

Khali:Lahat ng chocolates and notes na natanggap mo. Ako lahat ‘yon.

Serena: I can’t Khali. I’m sorry. *runs away*

(Nakangiti man ay bakas sa mata ni Serena ang lungkot. Lumabas siya sa


parking lot na nakayuko.)

Lucas: “Hi Sirena!” *naiwan sa ere ang kamay*

(Patuloy ang paglakad ni Serena palayo, hindi nakapag palit ng pagbati si


Serena kay Lucas at naiwan nagtataka si Lucas.)

—-----------------------------*CUT*-----------------------------

SCENE 5: Khali’s POV:

VOICEOVER:

Khali: “Hindi ko alam paano nagsimula ang pagkagusto ko kay Serena, ang
alam ko lang nung 1st year kami ay siya ang babaeng nakakuha ng atensyon

BSDS GROUP 2: “Sulyap” 6


ko. Noong una ang akala ko ay nagagandahan at humahanga lang ako sa kaniya,
kaya ko siya kinaibigan.”

Khali: “Serena, ano g ka ba sa bahay mamaya?”

Serena: *ngumiti in approval*

Khali: “Kapag nakikita ko siyang ngumingiti, nahuhulog ako, ulit. Sinubukan


kong pigilan pero hindi ko magawa.”

—----------------------------------*CONTINUATION*--------------------------

Serena: “Ang gwapo niya talaga teh, grabe na.”

Khali:Sa tuwing nakikita ko na lagi siyang nakatingin kay Raf, iniisip ko


kung kailan niya rin ba ako titignan ng ganon? Mangyayari nga ba? Aamin ba
ako? Sana makaraos na ako, hindi naman ako nagkakagusto sa babae pero sa
kaniya lang pala ako tatamaan. Tadhana nga naman.”

—-------------------------------*CONTINUATION*-----------------------------
***shows Scene 1:Angle ni Khali yung scene*

Serena: “Nakita mo ba sino naglagay nito?”

Nilabas niya ang chocolates at notes na gawa ko, natatakot ako na baka
mahalata niya ‘yon kaya iniba ko na lang ang usapan at inaya ko na siyang
umuwi

—---------------------------*BACKSTORY*----------------------------------

(Ipapakita natin dito yung kung paano tinutulungan ni Lucas si Khali na


ilagay sa bag ni Serena yung chocolates)

Khali: “Lagi akong palihim na naglalagay ng sulat o kahit ano pa man sa bag
niya, gustong-gusto ko sabihin sa kaniya na, “Sa akin ‘yan, ako naglalagay
niyan, bakit puro siya lang ang bukambibig mo?” pero hindi ko naman
magawa.Then…”

—---------------------------------*CONTINUATION*--------------------------

*Show Scene 4*

//Lucas: “Hi Sirena!” *naiwan sa ere ang kamay*

(Tuloy-tuloy si Serena sa paglalakad at hindi siya pinansin.) //

Lucas: Anong nangyari doon? (Naglalakad papunta sa gawi nila Khali at


lumilingon parin patalikod)

(Silang lahat ay tensyonado)

Ivy: Is it true, Khali? (hinawakan both hands ni Khali, with concerned face)

Khali: *nods* Why does it feel good kahit na na-reject ako?

BSDS GROUP 2: “Sulyap” 7


Ivy: “Oh Khali, I’m proud of you. It must’ve been so hard” *hugs Khali*

Khali: *hugs back*

(The characters at the back, still processing what just happened)

V/O: Those were the last words I’ve heard mula kay Serena. I tried reaching
out, pero no luck. I guess this is the consequence of the risk I took, but a
part of me did not regret it. My feelings are no one’s responsibility but
mine.
—-----------------------------*CUT*-----------------------------

Scene 6: Rafael’s POV:

Lucas: “Pre, narinig ko sa labas gusto ka raw ni Chelsea.”

(Bungad agad ni Lucas nang magkakasama kami kaya agad ko siyang siniko.)

(V/O): “Hindi ko alam bakit pagkatapos sabihin ‘yon ni Lucas ay nagpaalam


na si Serena na umalis. Nagseselos ba siya? Bakit? Hindi ko naman gusto si
Chelsea.”

Lucas: “Pre, pahiram gitara mo tomorrow, sali ako banda baka lang
maka-chamba.”

Raf: *nods*

—--------------------------*BACKSTORY OF SCENE 4*--------------------------

Bitbit ni Raf yung flowers ni pinabili sa kanya ni Khali.At naghihintay


mag-isa sa likod ng Old CEA sa benches nang dumating si Khali.

Khali: Uy, nice thank you Raf! *smells the flowers*

Raf: Wala na akong utang sa’yo ha. Para kanino ba ‘yan? *usisa nito*

Khali: Para sa iniibig ko *kindat nito sa kanya*

Raf: Flowers? Favorite ‘to ni Serene ah? Huwag mong sabihin- *napalingon*

Nang marininig nila ang yapak **SHOWS POV NG AWAY SA SCENE 4 SA POV NI
RAF**

V/O: Back then, I didn’t know any better. Hindi ko inaakalang ganun lang
matatapos ang lahat. I know I was attracted to her, sa bawat ngiti niya, sa
kislap ng kanyang mga mata. Akala ko hanggang doon na lang yun.

—----------------------------------*CONTINUATION*--------------------------
Present Time

Serena : “I regret cutting our communication. Hindi ko kasi alam pa’no kayo
haharapin after that. Lalo na si Khali, pinaka-close ko, pero ang dali ko
rin binitawan.”

Lucas: “Hinihintay ka lang naman namin na bumalik, look at us now. Who


would’ve thought?”

(receives text)

BSDS GROUP 2: “Sulyap” 8


Lucas: “Serena, sorry kailangan ko na umalis, pinapasundo ni Ivy si Lucho,
anak niya. At tsaka ang tagal naman ata ng kausap mo?”

Serena: *shock* “Oh no worries, go ahead. And no, napaaga lang talaga ako.”

V/O: Dahil I impulsively acted upon what I felt and threw harsh words, I
missed a lot of milestones with these people. Kung binuksan ko lang kaya
isipan ko that time and understand that it was I who caused this.

(Call convo)

Secretary: “Sir, nasa café na po si Ms. Santiago.”

Pinatay ko ang call at pumasok ako sa café at agad ko siyang nakita na


nakaupo, nakatutok nang mabuti za laptop niya at parang may hinihintay.

Raf: “Hi, it’s been a long time, Ms. Santiago.” *sabay upo*

Serena: *gulat*

Serena: “Rafael? Nice to see you again! Pero now is not the good time for
us to catch up, may imi-meet akong work-related”

Raf: “Secretary ko lang ang nakikipag usap sayo, I’m sorry for the
confusion. Let me introduce myself properly, I’m your business partner,
Rafael Buenavista. Thank you for agreeing to my proposal.”

Gulat pa rin siya pero ngumiti rin kalaunan.

V/O: “Not everyone gets a second chance at this kind of love. Things might
have ended abruptly back then. But not now, because this time I am very much
willing to take that risk. Serena, no more what ifs.”

(Door chimes, may dumating na girl figure)

(Rafael and Serena, napalingon sa pinto, it is Khali in her corporate attire,


na napatingin din sa gawi nila)

(Si Serena though medyo nahihiya,tumayo and slowly walks towards her.)

Serena: “Khali, I’m sorry. I was so stupid back then and didn’t know any
better. “

(Khali nag-aalangan pero nag-smile)

Khali: “I guess not all love stories end happily ever after.”

—--------------------------*END*--------------------------------------------
-----------------------------------------------------------

BSDS GROUP 2: “Sulyap” 9

You might also like