KP 07 Handout 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

SH1634

Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon


Sa ikalawang aralin nabatid mong hindi sapat na ang tao’y matuto ng lenggwahe at makapagsalita,
dapat ding maunawaan at magamit ito ng tama. Ayon kay Dell Hymes, magiging mabisa lamang ang
komunikasyon kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay na dapat
isaalang-alang. Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING bilang acronym upang isa-isahin ang mga dapat
isaalang-alang upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan. Binuo niya ang modelo upang
makatulong sa pagsusuri ng diskurso.
S-setting – Ito ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao. Katulad ng
pananamit, kinukunsidera rin natin ang lugar na pinangyayarihan ng pakikipagtalastasan upang
maiangkop ang paraan ng ating pananalita.
P-participant – Ito ang mga taong nakikipagtalastasan. Isinasa-alang-alang din natin ang ating kausap
upang pumili ng paraan kung paano siya kausapin. Hindi natin kinakausap ang ating guro sa paraang
ginagamit natin tuwing kausap natin ang ating mga kaklase o mga kaibigan. Sinisikap nating magbigay-
galang sa ating mga guro habang sa ating mga kaklase ay kaswal o kampante ang ating pamamaraan.
E-ends – Ito ang mga layunin o pakay ng mga pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng konsiderasyon ang
pakay o layunin sa pakikipag-usap. Hindi ba’t kung tayo ay hihingi ng pabor ay gumagamit tayo ng paraan
na nagpapakita ng pagpapakumbaba? At kung nais din nating kumbinsihin ang kausap ay iba ang ating
pamamaraan? Samakatuwid, nararapat isaalang-alang ang layunin natin upang maiangkop natin ang
paraan ng ating pakikipagtalastasan.
A-act sequence – Ito ang takbo ng usapan. Bigyang-pansin din ang takbo ng usapan. Minsan ay
naguumpisa tayo sa mainit na usapan at kapag mahusay ang nakikipag-usap madalas ay humahantong ito
sa mapayapang pagtatapos. Kung minsan naman ay biruan na nagbubunga ng pagkapikon at alitan. Ang
isang mahusay na komunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan.
K-keys – Ito ang pagsasaalang-alang ng tono sa pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding
isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan kung ito ba ay pormal o di-pormal. Wala sigurong makasisiguro
kung mga salitang balbal ang gagamitin natin sa isang pormal na okasyon.
I-Instrumentalities – Ito ang tsanel o midyum na ginamit, pasalita, o pasulat. Dapat isa-isip ang midyum
ng pakikipagtalastasan. Iniaangkop natin ang tsanel na gagamitin sa kung ano ba ang sasabihin natin at
kung saan natin ito sasabihin.
N-norms – Ito ang paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan. May mga
sensitibong bagay na kung minsan ay limitado lamang ang ating kaalaman. Sa mga ganitong sitwasyon,
suriin muna natin kung ang ilalahad natin ay tama o hindi. O di kaya minsan ay mga paksang ekslusibo,
kagaya ng mga sinasabi ng nakatatanda, mayroong mga “usapang pangmatanda”, “usapang pambabae”,
at “usapang panlalake lamang”.
G-genre – Ito ang diskursong ginagamit kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangagatwiran. Dapat
iangkop ang diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan. Minsan dahil sa miskomunikasyon sa genre ay
hindi nagkakaunawaan ang magkausap.
Binuo ni Dell Hymes ag modelo upang itaguyod ang pagsusuri ng diskurso bilang serye ng usapan sa
isang kontekstong kultural.

07 Handout 1 *Property of STI


Page 1 of 2
SH1634

Kakayahang Sosyolingguwistiko sa Pagtukoy


Pag-unawa batay sa pagtukoy sa Sino, Paano, Kailan, Saan, at Bakit nangyari ang Sitwasyong
Komunikatibo
Sa ikalawang aralin sa unit na ito ay nabatid mo ang kahalagahan ng kakayahang komunikatibo.
Sa modelong ginamit nila Canale at Swain, inisa-isa nila ang tatlong kakayahang pangkomunikatibo; una,
ang lingguwistika o gramatikal na kakayahan na tinalakay sa ikalawang aralin at ikalawa ay ang
sosyolingwistik na ating tatalakayin sa araling ito.
Sa pagtalakay ng sosyolingguwistik ay maaari nating balikan ang mga usapin tungkol sa
pagkakaiba ng competence o kagalingan/kakayahan sa performance o pagganap. Sa gitna ng maraming
diskusyon, maganda ang naging pananaw ni Savignon (1972) sa pagkakaiba ng competence at
performance. Ayon sa kanya, ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa
wika habang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika. Idinagdag niya na ang kakayahan o
kaalaman na tao sa wika ay makikita, madedebelop, at matataya lamang gamit ang pagganap. Itinutumbas
niya ang kakayahang pangkomunikatibo sa kakayahang gamitin ng tao ang isang wika.
Ang kakayahang sosyolingguwistik ay ang pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa
mga kausap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan. Isinasaalang-
alang dito ang kontekstong sosyal ng isang wika. Sa mga bagay na dapat isaalang-alang para sa epektibong
komunikasyon na inisa-isa ni HYMES sa kanyang acronym sa SPEAKING. Mapapansin na tatlo sa mga
ito ang participant, setting, at norm na binibigyan din ng konsiderasyon ng isang taong may kakayahang
sosyolingguwistik. Ayon kay Fantini (sa Pagkalinawan 2004), may mga salik-panlipunang dapat isaalang-
alang sa paggamit ng wika, ito ay ang ugnayan ng nag-uusap, ang paksa, lugar, at iba pa. Ag isang tao na
may ganitong uri ng kakayahan ay iniaangkop ang wika sa kanyang kausap, kung ang kanyang kausap ba
ay bata o matanda, propesyonal o hindi pa nakapagtatapos, local ba o dayuhan. Iniaangkop niya rin sa
lugar na pinag-usapan, nasa ibang bansa o lugar na hindi masyadong nakauunawa ng kanyang wika.
Isinasaalang-alang nya rin ang impormasyong pinag-uusapan, ito ba ay tungkol sa iba-ibang paniniwala
tungkol sa politika, o tungkol sa iba-ibang pananampalataya. Kailangang alam at magamit ng nagsasalita
ang angkop para sa hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay
lang magsalita kumpara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas ang isang mahusay lang
magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na puwedeng magbigay ng impresyon
sa tagapakinig na siya’y walang galang, mayabang, o naiiba.

Reference:
Dayag, Alma M. & Del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Quezon City. Phoenix Publishing House.

07 Handout 1 *Property of STI


Page 2 of 2

You might also like