Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KAHALAGAHAN NG KAANYUANG PISIKAL SA

KURIKOLUM NG EDUKASYONG PANGKATAWAN SA KALUSUGAN


NG MGA ESTUDYANTE

Mga Mananaliksik
Castillo, Kate Arjay S.
Hernandez, Marvilyn T.
Landicho, Carl Lawrence A.
Mora, James Zaimon S.
Pasia, Marwin C.
Kabanata 1

Panimula

Sa pag unlad ng edukasyon ngayon, napalawak nito ang mga bawat progama lalo na ang Batsilyer ng
Pisikal na Edukasyon. Pinapalawak ng programang ito ang kahalagahan ng ating pisikal na katawan at
ang kalusugan ng bawat estudyante. Mga Estudyante ay naglalaan lamang sa pag aaral at minsan ay
napapabayaan na nila ang kanilang kalusugan sa kadahilanan sa pagka sunod sunod ng mga bawat
takdang aralin na pag papasa sa naka takdang araw.

Nung nagkaroon ng asignaturang Edukasyong Pangkatawan ito ay nagpatupad ng kahalagahan ng


kaanyuang pisikal sapagkat ito ay inaalam ng guro kung anong kurikolum na kailangan bigyan ng pansin
para sa kalusugan ng mga estudyante.

Kaligiran ng Pag-aaral
Ang pag-unawa sa mga konsepto at kasanayan sa mabuting kalusugan at fitness ay mahalaga para sa
lahat ng mga mag-aaral dahil ito ay nagbibigay ng pundasyon para sa isang malusog at produktibong
buhay. Sa pamamagitan ng edukasyon sa pisikal na kalusugan, natututo ang mga estudyante ng mga
tamang gawi at prinsipyo na makakatulong upang maiwasan ang mga sakit at mapanatili ang kanilang
pisikal na kalakasan.

Ipinakita ng mga pananaliksik na kung anong kahalagahan ba ang kailangan sundin para sa ating
pangkatawan sa kalusugan, layunin nito sundin kung ano ba ang tamang gawin para mapanatili ang
ating kalusugan. Ang mga estudyanteng may kaalaman sa mabuting kalusugan ay may mas mataas na
tsansa na maging aktibo, produktibo, at matagumpay sa kanilang mga personal at propesyonal na buhay.
Teorya ng Pag-aaral
(Sa pamamagitan nito, maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral sa mas malawak na konteksto ng
teorya o konseptwal na balangkas. Ito ay nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa kung paano
makabubuti ang pananaliksik.

Batayang Konseptwal at Paradima ng Pag-aaral


(Inilalagay upang maituro sa mananaliksik kung paano dapat maorganisa at maunawaan ang mga datos
at resulta ng pag-aaral. Nagpapahiwatig din ito na ang pag-aaral ay nakabatay sa establisyadong
teorya, konsepto, o paradigma na may sapat na suporta mula sa pananaliksik ng iba.

Paglalahad ng Suliranin
1. Ano ang mga demograpikong profile ng mga respondent sa mga tuntunin ng:
A. Baitang
B. Kasarian
C. Edad
2. Paano naaapektuhan ng physical fitness ang mental at emosyonal na kalusugan ng mga estudyante?
3.Ano ang mga epekto ng kakulangan sa physical fitness sa kalusugan?
4. Ano ang mga benepisyo ng regular na ehersisyo sa kalusugan?
5. Ano ang mga paraan upang mapabuti ang physical fitness?
Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ipaliwanag ang mga benepisyo ng pisikal na ehersisyo at hikayatin
ang mga estudyante na maging aktibo. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa
kahalagahan ng kaanyuang pisikal, inaasahan na mas maraming kabataan ang magiging mas aktibo at
malusog, na magreresulta sa mas maganda at mas produktibong buhay sa hinaharap.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa mga mag-aaral - Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, matutunan ng bawat estudyante ang
kahalagahan ng kaanyuang pisikal sa pagaaral ng edukasyong pangkatawan. Mapapalawak nito ang
kanilang kaisipan patungkol sa kahalagahan nito sa bawat tao.
Sa mga guro- Mahalaga ang pagaaral na ito sa mga guro hindi lamang para malaman nila ang kalakasan
ng mga estudyante, kundi rin ang kahinaan ng mga ito pagdating sa asignaturang ito, dahil bilang
pangalawang magulang ng mga estudyante mahalaga na malamang ng bawat guro kung paano hawakan
ang bawat estudyante pagdating sa pagaaral ng edukasyong pagkatawan.
Sa mga magulang- Layunin nito na malaman ng bawat magulang ang kahalagahan ng pagaaral ng
kaanyuang pisikal hindi lamang sa asignatura ng edukasyong pangkatawan kundi narin sa bawat
estudyante.
Sa mga tagabanghay ng Kurikulum- Layunin nito na magbigay ng ideya sa mga tagabanghay upang
kung paano nila magagamit ang pagaaral na ito sa korikolum na magagamit ng mga magaaral
Sa mga susunod na mananaliksik- Layunin nito na magkaroon sila ng ideya patungkol sa pagaaral nito
na maaaring magagamit nila sa hinaharap

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral


Ang pananaliksik na ito ay naka tuon sa kahalagahan ng kaanyuang pisikal sa kurikulum ng edukasyong
pangkatawan sa kalusugan ng mga unang taon sa kolehiyo ng mga estudyante sa bped. Ang kontribusyon
ng pag-aaral sa kaanyuang pisikal ay upang magbigay ng gabay at kaalaman tungkol sa kaanyuang
piskal.Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay pangunahing nililimitahan ng mga sagot na ibinigay ng mga
mag-aaral, na ipinapalagay na birtud at tama.
Katuturan ng mga Terminolohiya
Kurikolum -Kabuoang kursong pag-aaralan sa kolehiyo o unibersidad.
Edukasyon – Ang edukasyón ang pinakamahalagang sandigan sa pag-unlad ng isang tao.
Estudyante -ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino.
Pisikal -Nahihinggil o para sa katawan.

Kabanata II
Disenyo at Paraan ng Pag-aaral

Disenyo ng Pananaliksik

Populasyon at Respondente ng Pananaliksik

Instrumento ng Pananaliksik

Pamamaraan ng Sampling
Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

You might also like