Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Liceo de Cagayan University

RNP Boulevard, Kauswagan, 9000 Cagayan de Oro City


SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Granted Level 4 by PACUCOA

BANGHAY ARALIN Pangalan: Sean Love F. Eugenio


Asignatura: Araling Panlipunan
Baitang: Grade 10
Oras: 1hour
 Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:

 Naipapaliwanag ang konsepto ng migrasyon;


 Naiisa-isa ang mga uri ng migrasyon; at
 Natutukoy ang mga dahilan ng migrasyon.

Paksang-Aralin: Sanggunian:
 Quipper
 Migrasyon at ang mga dahilan nito
Materyales:
 Powerpoint
 Laptop
 TV

I. Pamamaraan

A. Paunang Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral

Magandang Umaga sa lahat.

Kamusta ang inyong araw? Lahat ba ay


nakapagumagahan na? Opo, ma’am.

Mabuti naman kung ganon.

Bago ang lahat, nais ko mo ng magpakilala sa inyo.


Ako ng apala si Bb. Sean Love F. Eugenio at ako
ang inyung Gurong Mag-aaral sa asignaturang Ikinagagalak namin kayong makilala ma’am.
araling panlipunan. Ikinagagalak ko kayong
makilala.

Bago natin simulan ang ating klase, manalangin


muna tayo.

Padillan, Maari mo bang pangunahan ang panalang?

Opo ma’am.
(nagdadasal)
Amen.

Amen.

Bago tayo masimula sa ating talakayan ay sasayaw


mu na tayo, ang hindi sumayaw ay mamarkahang
lumiban sa klase. Maliwanag?
(nagpakita ng video ng sumasayaw) Opo ma’am.

Bago kayo umupo, paki hanay ang inyong upuan.


Ngayon titignan ko kung sino ang dumalo sa ating
klasse ngayong umaga. Kapag tatawagin ko ang
inyong mga pangalan itaas lamang ang kanang
kamay(tinawag ang mga studyante isa-isa.)

Okay, ang lahat ay nakapagdalo sa ating klase. Sino


ang hindi natawag?
Ang lahat ay natawag ba?

Natawag na po lahat ma’am.


B. Pagtatalakay

Bago tayo magsimula sa ating panibagong


talakayan, ano ba ang inyong huling natalakay sa
first quarter?

Okay magaling.

Ngayon ang tatalakayin natin ay tungkol sa


migrasyon at ang mga dahilan nito. Maari nyo bang
basahin ang ating layunin?

 Naipapaliwanag ang konsepto ng


migrasyon;
 Naiisa-isa ang mga uri ng migrasyon;
at
 Natutukoy ang mga dahilan ng
migrasyon.

Okay, maraming salamat.

Ngayon gusto kong tukuyin Ninyo kung ano ang


salitang ito, base sa larawang ito.

Unang una, D_G_A_N


DIGMAAN
Magaling.

Pangalawa, TR_BA_O TRABAHO


Mahusay.

Pangatlo, ED_KA_Y_N EDUKASYON


Magaling.

Pang-apat, K_GU_UHA_
KAGULUHAN
Tama, napakahusay.

Ang mga larawang ito ay bahagi at konektado sa


ating tatalakayin ngayong araw na ito.

Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu,


kaakibat nito ang malalimang pagtuklas ng
mga suliraning kinahaharap ng ating bansa, at ang
matalinong pagtugon o paghanap ng
mga solusyon upang malutas ang mga ito. Matapos
nating pag-aralan ang mga suliraning
pangkapaligiran at pang-ekonomiya, bigyan natin
ng pansin ang mga isyung pulitikal, isa sa
mga ito ang migrasyon.

Ano nga ba ang migrasyon?

Maari nyo bang e bahagi ang inyong idea?

Paglisan mo sa lugar na iyong kinalakihan po


ma’am.

Okay, magaling.

Ang migrasyon o pandarayuhan ay isang


proseso nang paglipat o pag alis ng tao mula
sa isang teritoryong pulitikal upang manirahan
at maghanapbuhay kung saan maaaring ito
ay panandalian o pangmatagalan. Ayon sa
Deklarasyon ng Karapatang Pantao, sa Artikulo 13,
ang bawat tao ay may karapatang lumipat at pumili
ng kaniyang tirahan ito man ay sa loob o labas ng
kaniyang bansa.

Ngayon ang migrasyon ay may dalawang uri. Maari


nyo bang basahin?

Ang migrasyong panloob at migrasyong panlabas.

Okay, maraming salamat.

Unang una, maari nyo bang basahin?


Ang migrasyong panloob ay tumutukoy sa paglipat
o pag alis ng tao o grupo
ng tao mula sa isang komunidad, lalawigan, o
rehiyon papunta sa ibang bahagi ng bansa.

Maraming salamat.
Halimbawa: ang iyong ina ay aalis papuntang cebu
dahil siya ay magtatrabaho doon habang ikaw ay
maiiwan sa Cagayan de oro upang mag-aral.

Maliwanag ba?

Opo ma’am.

Ngayon naman dadako na tayo sa pangalawang uri


ng migrasyon, maari niyo bang basahin?

ang migrasyong panlabas ay sumasaklaw sa


paglipat o pag alis ng tao o grupo
ng tao patungo sa ibang bansa.

Maraming salamat. Halimbawa: ang iyong ama ay


pupunta sa hongkong para makapagtrabaho habang
ikaw ay maiiwan dito sa pilipinas para mag-aral.
Ang mga OFW ang isa sa mga halimbawa sa
panlabas na uri ng migrasyon.

Maliwanag ba?
Opo ma’am.
Ngayon, dadako na tayo sa mga salik nag
migrasyon: ito ay ang Push at Pull factors.

Unang una, maari niyo bang basahin ang unang


salik ng migrasyon?

Ang push factors ay tumutukoy sa mga negatibong


salik gaya ng kalamidad, kakulangan ng pagkain,
hindi sapat na trabaho, at paghahanap ng
kapayapaan kung saan ito ang nagtutulak sa tao o
grupo ng tao upang umalis sa kasalukuyang lugar.

Okay, maraming salamat.

Ang push factor ay negatibong dahilan kung bakit


umaalis ang mga tao sa isang lugar kagaya ng
kalamidad, kakulangan ng pagkain, hindi
sapat na trabaho, at paghahanap ng kapayapaan na
hindi nila mahanap o naranasan sa kanilang
kinalakhan na lugar.

Maari niyo bang basahin ang Pangalawang salik ng


migrasyon?

Ang pull factors naman ay ang mga positibong salik


na humihikayat sa pandarayuan o paglipat ng mga
tao sa ibang lugar. Ilan sa mga ito ay ang pagnanais
na magkaroon ng magandang hanapbuhay at sapat
na seguridad para sa pamilya.

Okay, maraming salamat.

Ilan sa mga ito ay ang pagnanais na


magkaroon ng magandang hanapbuhay at sapat na
seguridad para sa pamilya.

Maliwanag ba class? Katanongan? Wala na?


Opo ma’am. Wala na po.

Okay ngayon dadako nman tayo sa kung ano ang


mga dahilan ng migrasyon ng bawat tao. Ang
migrasyon o pandarayuhan ng tao o grupo ng tao ay
may iba’t ibang dahilan. Maaaring ito ay
ekonomikal, pulitikal, sosyal, at heograpikal.

Ngayon tatalakayin natin isa-isa para ating mas


maitindihan ang mga dahilan na ito.

Unang una, maari niyo bang basahin?

Ekonomikal
Ilan sa ekonomikal na dahilan ng migrasyon ay
ang paghahanap ng mas disenteng trabaho na
may mas malaking kita at paghahanap ng
sapat na kabuhayan na maaaring hindi
maibigay o makuha sa kasalukuyang
tinitirahan.
Maraming salamat. Nangyayari din ang migrasyon
dahil sa pinaghalong kakulangan ng sapat na
trabaho sa Pilipinas at pangangailangan ng mga
manggagawa sa ibang bansa. Upang
magkaroon ng hanapbuhay na may mataas na
kita, mas pinipili ng maraming Pilipino na
magtrabaho at manirahan sa ibang bansa. Ayon sa
Philippine Statistics Office, umabot sa mahigit
isang milyong Pilipino ang
nangibang bansa noong 2015 para maghanapbuhay.
Sila ang tinatawag na mga OFWs
(Overseas Filipino Workers). Sila ang nagbibigay
ng bilyon-bilyong kita sa bansa taon-taon.

Ano kaya ang salik na migrasyon ito?


Push or pull factor?
Pull factor ma’am.
Okay magaling.

Maliwanag ba class?
Opo ma’am.

Ngayon ang pangalawang dahilan naman tayo ito ay


pulitikal, maari niyo bang basahin?

Pulitikal
Mayroon ding mga dumarayo sa ibang lugar
dahil sa pagnanais ng mapayapa at tahimik na
pamumuhay. Karaniwang dahilan na kanilang
migrasyon ay ang banta ng gulo, rebelyon, o
digmaan.

Maraming salamat.

Karaniwang dahilan na kanilang


migrasyon ay ang banta ng gulo, rebelyon, o
digmaan. Sa migrasyon sa Pilipinas, malaking
porsyento nito ay ang mga tao mula sa
Mindanao na nakararanas ng digmaan at
labanan.

Ano kaya ang salik na migrasyon ito?


Push or pull factor?
Push factor ma’am.
Okay magaling.

Maliwanag ba class?
Opo, ma’am.

Ngayon ang pangatlong dahilan naman tayo ito ay


sosyal, maari niyo bang basahin?

Ang sosyal na aspekto ng migrasyon ay


kumakatawan sa kabuuang pananaw at
kultura ng isang lugar. Isang halimbawa nito
ay ang paghahangad ng magandang
edukasyon sa loob o labas man ng bansa.
Kung ang pananaw ng karamihan ay nasa
iisang lugar lamang maaaring makakuha ng
maayos na edukasyon, marami ang dadayo
roon upang mag-aral.

Maraming salamat.
Halimbawa na lamang nito ay ang dami ng taong
pumupunta sa Maynila dahil sa paniniwalang nasa
Maynila ang mahuhusay na paaralan.

Ano kaya ang salik na migrasyon ito?


Push or pull factor?
Pull factor ma’am.
Okay magaling.

Maliwanag ba class?
Opo ma’am.

Ngayon ang pang-apat na dahilan naman tayo ito ay


maari niyo bang basahin?

Heograpikal
Maaaring maging konsiderasyon o dahilan din ng
migrasyon ang heograpikal na katangian
ng isang lugar. Ilan sa mga dumadayo ay nagnanais
na manirahan sa lugar na may akmang
klima, ligtas sa kalamidad, at kaaya-ayang
kapaligiran.

Maraming salamat.

Maaari ding maging dahilan ang


paghahanap ng karagatan o lupain na mas sagana at
mayaman para sa mas maayos na
kabuhayan.

Ano kaya ang salik na migrasyon ito?


Push or pull factor?

Push factor ma’am.


Okay magaling.

Maliwanag ba class? Opo ma’am.

Wala na bang katanongan?


Wala na po ma’am.

Okay, ngayon nais kong tandan Ninyo class na


Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan.
Simula pa lamang ng pagsibol ng mga kabihasnan
ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga
lugar na magbibigay sa kanilang pangangailangan.

Okay maliwanag ba?


Opo ma’am.

Kung ganon, ngayon magkakaroon tayo ng


pagsusulit.

Ang sumusunod ay kuwento ng mga karaniwang


mamamayan. Isulat kung

EKONOMIKAL, PULITIKAL, SOSYAL, o


HEOGRAPIKAL ang dahilan ng kanilan migrasyon
o pandarayuhan.
________________ 1. Si Gina ay pumunta sa Hong
Kong upang magtrabaho bilang

kasambahay para sa pag-aaral ng kaniyang limang


anak.

________________ 2. Si Mang Berting ay dumayo


sa probinsiya ng Negros upang magtayo ng sariling
palaisdaan.

_________________ 3. Ang mag-anak na Cruz ay


lumipat sa isang tahimik na subdibisyon na hindi
binabaha.

________________ 4. Pumunta si Jim sa Cebu


upang doon magkolehiyo.

________________ 5. Umalis si Nena patungong


Maynila upang magtrabaho bilang mananahi sa
isang pabrika.

________________ 6. Naisip nina Gng. Reyes na


lumipat sa lungsod dahil mas maraming trabahong
mahahanap doon.

________________ 7. Kailangang lumipat ng


tirahan nina Aling Martha dahil palaging silang

naiipit sa labanan sa pagitan ng mga sundalo at mga


rebelde.

________________ 8. Kinailangan ni Juan na


manirahan muna sa Hong Kong dahil siya ay
tinutugis ng pamahalaan dahil sa kaniyang pulitikal
na paniniwala.

________________ 9. Ang ilang buwang digmaan


ang nagtulak sa pamilyang Santos na tumira muna
sa kanilang mga kamag-anak sa ibang probinsiya.

________________ 10. Mas ninais ni Maria na


manirahan sa Netherlands dahil mas maayos ang
karapatan at pagtingin sa kababaihan doon.

Bibigyan ko kayo ng 15 minutes para sagutan ang


inyong pagsusulit.

Maari na kayong mag simula.

Okay, tapos na inyong oras.ngayon, Ipasa Ninyo sa


inyong google classroom ang inyong mga
kasagutan.

Okay, wala na bang katanongan?

Kung ganon diyan na nagtatapos ang ating


talakayan ngayong araw na ito. Paalam na sa lahat.

Wala na po ma’am.
Paalam na po ma’am, Sean.

C . Pagpapahalaga
Sa paksa na natalakay ngayon, makikita natin ang kahalagahan ng ating mga mahal sa buhay dahil kaya
nating lumisan sa lugar na ating kinalakihan upang bigyan sila ng magandang buhay, mapayapa at ligtas
na pamumuhay. Saludo ako sa mga nagtitiis mag trabaho sa malayo para mabigyan ng magandang
kinabukasan ang pamilya.
D. Gawain
________________ 1. Si Gina ay pumunta sa Hong Kong upang magtrabaho bilang

kasambahay para sa pag-aaral ng kaniyang limang anak.

________________ 2. Si Mang Berting ay dumayo sa probinsiya ng Negros upang magtayo ng sariling


palaisdaan.

_________________ 3. Ang mag-anak na Cruz ay lumipat sa isang tahimik na subdibisyon na hindi


binabaha.

________________ 4. Pumunta si Jim sa Cebu upang doon magkolehiyo.

________________ 5. Umalis si Nena patungong Maynila upang magtrabaho bilang mananahi sa isang
pabrika.

________________ 6. Naisip nina Gng. Reyes na lumipat sa lungsod dahil mas maraming trabahong
mahahanap doon.

________________ 7. Kailangang lumipat ng tirahan nina Aling Martha dahil palaging silang

naiipit sa labanan sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde.

________________ 8. Kinailangan ni Juan na manirahan muna sa Hong Kong dahil siya ay tinutugis ng
pamahalaan dahil sa kaniyang pulitikal na paniniwala.

________________ 9. Ang ilang buwang digmaan ang nagtulak sa pamilyang Santos na tumira muna sa
kanilang mga kamag-anak sa ibang probinsiya.

________________ 10. Mas ninais ni Maria na manirahan sa Netherlands dahil mas maayos ang
karapatan at pagtingin sa kababaihan doon.

E. Takdang Aralin
 Balikan ang iyong mga personal na karanasaan na may kinalaman sa pandarayuhan. Kung
mayroon, paano nito naaapektuhan ang iyong buhay?

 Isaalang-alang ang kasalukuyang estado o kalagayan sa buhay. Kung ikaw ay bibigyan ng


pagkakataon, nanaisin mo bang lumisan sa ating bansa? Bakit?
Marka

You might also like