Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
EAST KALAYAAN, SUBIC BAY FREEPORT ZONE, OLONGAPO CITY, ZAMBALES

RAT Reviewer
Grade 8 – Araling Panlipunan

Heograpiya

Ano ang Heograpiya?


- Ang siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

Limang Tema ng Heograpiya

1. Lokasyon - Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig


▪ Lokasyong Absolute - ito ay ginagamitan ng mga coordinates o kombinasyon ng latitude
at longhitude na kapag pinagsama ay makakabuo ng isang grid.
▪ Relatibong Lokasyon - ito ay tumutukoy sa mga lugar na nakapalibot at gumagamit ng
mga direksyon upang mailarawan ang mga nakapaligid sa lugar.
2. Lugar - Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa pook
3. Rehiyon - Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.
4. Interaksyon ng Tao at Kapaligiran - Ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng
kaniyang kinaroroonan
5. Paggalaw - Ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar, kabilang din
dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, Ideya, produkto at kahit sakit sa iba’t
ibang lugar.

Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ang heograpiya o ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng
daigdig? (Structure)
1. Sa pamamagitan nito, mauunawaan ang mga elemento na bumuo sa isang komunidad.
2. Nakabubuo ng pang-unawa sa kaugnayan ng kapaligiran sa paghubog ng pamumuhay ng tao.

Ano ang kaugnayan ng agrikultura sa pagkakabuo ng mga sinaunang pamayanan?


• Ito ang nagbigay daan sa masaganang pakikipagkalakalan sa mga karatig na lugar.

Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan?


• Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sa mga ilog-lambak na mahalagang salik sa pag-unlad
ng mga pamayanan

Estraktura ng Daigdig

Ekwador – ito ang guhit na pahalang na naghahati sa globo sa Northern at Southern Hemisphere
na nasa 0 degree na nakatutulong sa pag-aaral ng klima.

Address: East Kalayaan, Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City, Zambales
Contact No.: (047) 252-6046/ (047) 252-1117
Email Address: rshs@deped-olongapo.com
Official Website: https://www.facebook.com/DepEdOC.RSHS3/
“Scientia Vinces: Through Knowledge, We Win”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
EAST KALAYAAN, SUBIC BAY FREEPORT ZONE, OLONGAPO CITY, ZAMBALES

Prime Meridian – ito ang guhit na nasa 0 degree at pinakagitna ng ng mga guhit longhitud.
Nakatutulong ito upang masabi kung pasilangan o pakanluran ang kinalalagyan ng isang lugar.

Crust - Ang mabatong bahagi ng daigdig

Mantle - Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito

Core - Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel

Mga Sinaunang Kabihasnan

Kabihasnang Mesopotamia

• Si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng Imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya
rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawang si Amitis,
kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World
• Code of Hammurabi -ito ay isang batas kodigo na nilikha noong 1772 sa sinaunang Babilonya
ng ikaanim na hari ng Babilonyang si Hammurabi.
• Ziggurat - strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na makikita sa bawat
lungsod

Kabihasnang Tsino

• Confucianism – ito ay naglalayong magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa


pamamagitan ng pagpapabuti ng tao sa sarili at pagpapahalaga sa pakikipag-ugnayan.
• Taoism - ay tumutukoy sa iba't ibang magkakaugnay na pang- pilosopiya at pang-relihiyon na
mga tradisyon at kaisipan. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa kalikasan.
• Legalism - ito ay ang pagpapahalaga o ang kahalagahan ng ugali ng isang tao.

Paano mo papahalagahan ang mga naiwang ambag ng mga sinaunang kabihasnan?


- Patuloy itong kilalanin at tangkilikin

Ano ang nagpapatunay ng kapakinabangan ng mga pamana ng sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang


panahon?
- Kapag ang mga pamana o ambag ay ginagamit pa rin natin sa kasalukuyan. (Hal. Compass)

Bakit mahalaga ang pakikipagkalakalan?


- Natutugunan nito ang pangangailangan ng tao o ng isang bansa (Hal. Kakulangan sa likas na
yaman)

Address: East Kalayaan, Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City, Zambales
Contact No.: (047) 252-6046/ (047) 252-1117
Email Address: rshs@deped-olongapo.com
Official Website: https://www.facebook.com/DepEdOC.RSHS3/
“Scientia Vinces: Through Knowledge, We Win”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
EAST KALAYAAN, SUBIC BAY FREEPORT ZONE, OLONGAPO CITY, ZAMBALES

Sinanung Greece

Sparta - Ito ay isang estado-militar na matatagpuan sa timog na bahagi ng Peloponnesus. Pinatatag


ng mga Spartan ang lakas-militar nito upang maiwasan ang pag-aalsa ng higit na nakararaming helot.
Ang mga helot ay ang mga Messenian, isang pangkat ng mga tao na sinakop ng mga Spartan sa
hangaring mapalawak ang kanilang teritoryo.

Athens - Ito ay naging isang ganap na demokratikong estado. Hinangad ng mga mamamayan nito
ang mamuhay nang malaya at magkaroon ng mga bagong kaisipan. Ang mga repormang ipinatupad ng
sumusunod na Athenian ang nagbunsod sa pag-unlad ng demokrasya bilang sistemang pampolitika sa
Athens.

Bakit nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawa? (Peloponnesian War)


- Nagkaroon ng pag-aagawan ang dalawang lungsod-estado sa pamumuno sa rehiyon.

Digmaang Punic
- Ito ay isang serye ng tatlong magkakasunod na giyera sa pagitan ng 264 at 146 BC na ipinaglaban
ng mga estado ng Roma at Carthage.

Bakit mahalaga sa Rome ang pagkapanalo sa Digmaang Punic laban sa Carthage?


- dahil sila ang kumontrol sa Mediterranean Sea na naging lundayan ng kalakalan noong panahon
iyon.

Ano ang naging resulta ng pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga tao sa panahon ni Julius Caesar?
- Kinilala siyang Diktador habang buhay

Ano ang idinulot ng pagdating ni Hernando Cortez sa Mesoamerica noong taong 1519 sa kabihasnang
Aztec?
- Nagwakas ang kultura ng mga Aztec

Ang mga Olmec


(Circa 1500 BCE- 500 BCE)

Olmec- nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng dagta ng
mga punong rubber o goma. Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistema ng
irigasyon ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain

Pok-a-tok- panritwal na larong tila kahalintulad ng larong basketball subalit ang mga manlalaro ay
hindi maaaring gumamit ng kanilang mga kamay sa pagpasa ng bolang yari sa goma.

Anong larangan ang binigyang pansin ni Mansa Musa?


- Pagpapahalaga sa Karunungan (Edukasyon)

Address: East Kalayaan, Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City, Zambales
Contact No.: (047) 252-6046/ (047) 252-1117
Email Address: rshs@deped-olongapo.com
Official Website: https://www.facebook.com/DepEdOC.RSHS3/
“Scientia Vinces: Through Knowledge, We Win”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
EAST KALAYAAN, SUBIC BAY FREEPORT ZONE, OLONGAPO CITY, ZAMBALES

Kabihasnang Romano

Mga Ambag
• modernong wika
• teknolohiya
• batas
• politika
• gobyerno
• arkitektura
• Inhinyeriya

Twelve Tables o Laws of Twelve Tables - Ito ay ang talaan ng mga batas na dapat sundin ng mga
mamamayang Romano na nakasulat sa labindalawa (12) na mga tabletang bronse.
Layunin: Maging proteksyon ito ng mga mamamayan laban sa mapang-abusong pamamahala.

Sistemang Piyudalismo
- Nagbigay-proteksiyon ang sistema sa mga mamamayan laban sa mga mapanakop na barbaro

Krusada
- Napalaganap ang kalakalan na naging salik sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod.

Panahong Medieval
- isa sa mga mahahalagang pangyayari ay ang paglakas ng Simbahang Katoliko
- isang bahagi nito ay ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan.
- Sinasaklaw nito ang mga tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihan ng Simbahang
Katoliko.

Guild system
- ay itinatag noong ika-14 hanggang ika-15 na siglo sa Europe.
- Naitatag ang samahan ng mga nagtatrabaho na may magkakatulad na hanapbuhay.

Panahon ng Renaissance
• Humina ang kapangyarihan ng mga maharlika at nagwakas ang piyudalismo.
• Nakapagtatag ng sentralisadong pamahalaan ang mga hari at reyna sa nasyon na kanilang
pinamunuan - nabuo ang mga nation-states.
• Nagkaroon ng Repormasyon na pinamunuan ng paring Aleman na si Martin Luther.
• Sumikat at nakaimpluwensiya ang pilosopiyang Machiavellian.
• Umunlad nang husto ang pakikipagkalakalan ng mga Europeo lalo sa Asya.

Imperyalismo
- Tumutukoy ito sa tuwiran at di-tuwirang pananakop ng isang malaki o makapangyarihang bansa
sa isang maliit o mahinang bansa upang magpalawak ng teritoryo.

Address: East Kalayaan, Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City, Zambales
Contact No.: (047) 252-6046/ (047) 252-1117
Email Address: rshs@deped-olongapo.com
Official Website: https://www.facebook.com/DepEdOC.RSHS3/
“Scientia Vinces: Through Knowledge, We Win”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
EAST KALAYAAN, SUBIC BAY FREEPORT ZONE, OLONGAPO CITY, ZAMBALES

Kolonyalismo
- Ito ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman
nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop.
- Ito anyo ng imperyalismo ang naranasan ng Pilipinas sa kamay ng mga Kastila

*Ang imperyalismo ay higit na malawak kaysa kolonyalismo.

Imperyalismong Europeo
• Napatunayan ng ekspedisyon ni Magellan na ang mundo ay bilog.
• Umusbong ang damdaming makabansa ng mga tao (Nasyonalismo)
• Nakarating ang mga makabagong kaisipan/pananaw sa ibang bahagi ng mundo

Rebolusyong Siyentipiko

Mga Siyentista at mga Imbensiyon

Rene Descartes - Pinaunlad ang analytical geometry na naging instrumento sa siyentipikong


pananaliksik. Tanyag siya sa pahayag na “I think, therefore I am”.

Isaac Newton - ay isang English mathematician at propesor. Gamit ang pinaunlad niyang teleskopyo,
binuo niya ang teoryang Law of Universal Gravitation. Ito rin ay napapakinabangan pa hanggang
ngayon.

Galileo Galilei - ang itinuturing bilang modernong siyentista. Noong 1609, naimbento niya ang
teleskopyo na kaniyang ginamit sa pag-aaral ng kalangitan.

Enlightenment

Thomas Hobbes - pilosopong Ingles, may-akda ng Leviathan. Ayon sa kanya, ang tao ay likas na
masama, higit na mahalaga ang kaayusan kaysa karapatan ng tao, ang pamahalaan ay dapat magtangan
ng nakakatakot na kapangyarihan ng tulad sa isang Leviathan o halimaw sa dagat.

John Locke - may-akda ng “Two Treaties of Government.” Taliwas kay Hobbes, ayon sa kanya, may
kakayahan ang tao na matuto mula sa karanasan at sa pagpapaunlad ng sarili; May tatlong likas na
karapatan ang tao buhay, kalayaan, at pagmamay-ari; lehitimo ang kapangyarihan ng pamahalaang may
pahintulot ng mamamayan.

*Sina Hobbes at Locke ay nakilala sa kanilang magkaibang pananaw ukol sa pamamahala, ngunit, ang
sinundan ng mga Amerikano at Pranses na nag-udyok sa kanilang magrebolusyon ay ang
pananaw ni Locke, dahil naniniwala siyang ang tao ay ipinanganak na malaya at pantay-
pantay at nagtataglay ng tatlong likas na karapatan.

Address: East Kalayaan, Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City, Zambales
Contact No.: (047) 252-6046/ (047) 252-1117
Email Address: rshs@deped-olongapo.com
Official Website: https://www.facebook.com/DepEdOC.RSHS3/
“Scientia Vinces: Through Knowledge, We Win”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
EAST KALAYAAN, SUBIC BAY FREEPORT ZONE, OLONGAPO CITY, ZAMBALES

Rebolusyong Amerikano at Pranses

“Kung walang representasyon, walang pagbubuwis”.


- Ito ang isinigaw ng mga Amerikano nang sila ay maghimagsik laban sa mga Ingles upang tutulan
ang labis na pagbubuwis at magkaroon ng kinatawan sa Parliamentong Ingles.
- Ngunit:
▪ Tinutulan ng mga Pranses sa Ikatlong Estado ang di patas at kalabisan sa
pagbabayad ng buwis.
▪ Ipinaglaban ng Ikatlong Estado na sila ang tunay na kinatawan ng mga Pranses.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismo


- Ang pangangailangan sa mga hilaw na sangkap at pagkakaroon ng sobrang yaring produkto hatid
ng industriyalisasyon ang nagbigay daan sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo.

Unang Digmaang Pandaigdig


- Ang pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand at sa asawa nito habang nasa Bosnia ang naging
hudyat ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig.
- Dumami ang mga bansang nasangkot dito dahil sa mga alyansang nabuo ng mga bansa.
- Ang pagnanais ng France na maibalik sa kanya ang Alsace-Lorraine na inangkin ng Germany
bunga ng French-Prussian War noong 1871. Ito ay isang pagpapakita ng nasyonalismo.
- Nagwakas ang mga imperyo sa Europa at maraming bansa ang lumaya tulad ng Finland at Latvia

Ikalawang Digmaang Pandaigdig


- Pagkabuo ng Balkan League laban sa Ottoman
- Ibinagsak ng US ang bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki na libo libo ang nasawi dahilan
upang sumuko ang Japan laban sa US.

United Nations
- itinatag noong Oktubre 24, 1945 na may layuning mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng
mundo.
- Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga polisiya na tutugon sa suliraning pangkapayapaan,
pagbibigay ng rekomendasyon, at dayalogo sa mga bansa ukol sa usaping pang-ekonomiko,
panlipunan at kalikasan nakatutulong ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa sa pagpapanatili
ng kapayapaan at pagkamit ng kaunlaran ng mga kasapi nito.

Ideolohiya

Demokrasya
▪ Pamahalaan ito ng mamamayan, binubuo ng mamamayan, at para sa mamamayan.
▪ Malaki ang papel ng masa sa pagluklok at pagpapatalsik sa kapangyarihan na namumuno sa
pamamagitan ng pagboto

Address: East Kalayaan, Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City, Zambales
Contact No.: (047) 252-6046/ (047) 252-1117
Email Address: rshs@deped-olongapo.com
Official Website: https://www.facebook.com/DepEdOC.RSHS3/
“Scientia Vinces: Through Knowledge, We Win”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
EAST KALAYAAN, SUBIC BAY FREEPORT ZONE, OLONGAPO CITY, ZAMBALES

▪ Ang kapangyarihan mamuno ay naipamamana sa miyembro ng pamilya, kadalasa’y ang unang


anak na lalaki ang pinuno.

Bakit nagkakaiba-iba ang ideolohiyang sinusunod ng mga bansa?


▪ Depende sa nakaraan ng bansa at sa pangngailangan ng mga mamamayan.
▪ Dahil sa kagustuhan ng pinuno na sa kanyang opinyon ay makapagbabago sa kalagayang politikal
at ekonomikal ng bansa.
▪ Dahil sa mga di-epektibong pamamaraan at pamamalakad ng mga nagdaang pamunuan.

Cold War - ay ang tahimik na tunggalian ng ideolohiya at kapangyarihan sa pagitan ng mga


Superpowers.

Mabuting naidulot:

▪ Maraming imbensyon ang naisagawa tulad ng satellite at mga puwersa ng nukleyar na ginagamit
sa medisina at komunikasyon.
▪ Nabuo ang International Monetary Fund at World Bank na makatutugon sa pangangailangan
pinansyal ng mga bansa.
▪ Nagkasundo na tapusin ang arms race at ituon ang badyet sa ekonomiya at mahahalagang mga
proyekto.

Prepared by:

Jennifer A. De Jesus
Guro sa Araling Panlipunan

Address: East Kalayaan, Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City, Zambales
Contact No.: (047) 252-6046/ (047) 252-1117
Email Address: rshs@deped-olongapo.com
Official Website: https://www.facebook.com/DepEdOC.RSHS3/
“Scientia Vinces: Through Knowledge, We Win”

You might also like