Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

1

Music
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Pagkilala sa Isahan o Sabayang
Kaganapan ng Maramihang Linya ng
Melodiya ng Awit
Music – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pagkilala sa Isahan o Sabayang Kaganapan ng
Maramihang Linya ng Melodiya ng Awit
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Lory Sofia B. Rafael Erlestina S. Cruz
Cecilia S. De Leon Alicia G. Gregorio
Cristina G. Chico Maria Remedios R. Sahagun
Lady Angelica E. Mauricio
Mary Grace E. Umali
Mherinel P. Reyes
Tagasuri sa Nilalaman: Margie C. Del Rosario
Tagasuri ng Wika: Margie C. Del Rosario
Tagasuri ng Tagalapat: Margie C. Del Rosario
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr., EdD
Rainelda M. Blanco, PhD
Agnes R. Bernardo, PhD
Marquez T. Cartel
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia
Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
1
Music
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Pagkilala sa Isahan o Sabayang
Kaganapan ng Maramihang Linya ng
Melodiya ng Awit
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa


iyong kapakinabangan. Layunin nito na magkaroon ka
ng malalim na pagkaunawa sa mga araling tinatalakay
sa Music 1. (MU1TX-IVe-2)(MU1TX-IVf-2)

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

• Naipakikita ang kamalayan sa tekstura sa


pamamagitan ng pagtukoy sa tunog na isahan o
may kasamang tunog.
• Nakikilala ang pagkakaiba ng isahang
linyang musikal at maramihang linyang
musikal na makikita nang sabay sa isang awit.

1
Subukin

Panuto: Tingnan ang larawan. Gumuhit ng bilog sa bawat


bilang. Kulayan ito ng berde kung manipis ang
himig o tunog at pula naman kung makapal. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.

2
Balikan
Tingnan ang larawan ng mga hayop sa ibaba. Anong
kilos ang kanilang nagagawa?

Panuto: Ilagay ang tsek (/) sa loob ng kahon kung mabilis


kumilos ang hayop at ekis (X) naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.

3
Tuklasin
Panuto: Tingnan at suriin nang mabuti ang mga larawan
sa pangkat A at B. Sagutin ang sumusunod
na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A B

1. Ano ang makikita sa pangkat ng mga larawan sa


Hanay A at sa Hanay B?
2. Paghambingin ang pangkat ng mga larawan batay
sa dami nito?
3. Ano ang nalilikha ng mga nasa larawan?
4. Alin sa mga larawan ang nakalilikha ng manipis na
tunog? makapal na tunog? Bakit mo nasabi?
5. Sa palagay mo paano nagiging makapal ang tunog at
awit sa Musika?

4
Suriin
Manipis na Tekstura

Makapal na Tekstura

Ang musika ay makapal kapag maraming tunog ang


sabay-sabay na naririnig.
Ang musika ay manipis kapag iisa lamang ang tunog
na naririnig.
Ang kapal at nipis ng tunog ay tinatawag na texture
o tekstura.

5
Single Musical Line

Row Row Your Boat

Row, row, row your boat Gent - ly down the stream.

Mer – ri - ly, mer – ri - ly, mer – ri - ly, mer -ri - ly, life is but a dream.

Multiple Musical Line

Row Row Your Boat

Row, row, row your boat

gen - tly down the stream Mer– ri - ly, mer – ri - ly,

mer – ri - ly, mer – ri - ly, life is but a dream.

6
Ang tekstura ng isang musical line ay maaaring
manipis o makapal ayon sa daloy ng musika at sa paraan
ng pagkakaawit.

Ang single musical line ay may iisang melodiya


lamang na inaawit ng isa o lahat. Ito ay manipis dahil
inaawit nang sabayan (unison) at isang himig o tunog
lamang ng instrumento ang dumadaloy.

Ang multiple musical lines ay mga melodiya na


inaawit nang sabay ng iba’t ibang pangkat ng mang-
aawit. Ito ay makapal na tekstura dahil ito ay maririnig sa
paraang round song ng koro na may dalawa o apat na
tinig at pinagsama-samang tunog ng mga instrumento na
kung saan ay nagpapatong-patong ang mga tinig at
tunog.

7
Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Gumupit ng mga larawan ng iba’t ibang
instrumentong pangmusika mula sa lumang
magasin. Idikit ang mga ito sa loob ng kahon
ayon sa tekstura nito. Gawin ito sa sagutang
papel.

Manipis na Tekstura

Makapal na Tekstura

8
Pang-isahang Pagsusulit 1
Panuto: Tukuyin kung makapal o manipis ang tekstura ng
tunog na nililikha ng mga instrumento o bagay na
nasa loob ng kahon habang tinutugtog nang
sabay-sabay. Iguhit ang kung makapal at
kung manipis ang tunog.

______1.

_____ 2.

______ 3.

_______4.

_______5.

9
Pang-isahang Gawain 2
Panuto: Tingnan ang melodic line ng mga awitin sa ibaba.
Iguhit ang sa kahon kung ito
ay single musical line at kung ito ay
multiple musical line. Gawin ito sa hiwalay na
papel.
Bahay Kubo

Ba - hay ku - bo, ka - hit mun - ti ang ha-

la - man do - on ay sa - ri - sa - ri, sing – ka -

mas at ta - long, si - ga - ril - yas at ma - ni, si-

taw, ba - taw pa - ta - ni

Bahay Kubo

Ba - hay ku - bo, ka - hit mun - ti ang ha-

la - man do - on ay sa - ri - sa - ri, sing – ka -

mas at ta - long, si - ga - ril - yas at ma - ni, si-

taw, ba - taw pa - ta - ni

10
Pang-isahang Pagsusulit 2
Panuto: Isulat sa patlang kung manipis o makapal ang
nalilikhang tunog ng mga larawan.

1. _______________________ 2. _________________________

3. ______________________ 4. _________________________

5. _________________________

11
Pang-isahang Gawain 3
Panuto: Sumulat ng tatlong pamagat ng kanta na maaring
awitin sa anyong round kung saan nagpapatong-
patong ang mga tinig. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. _________________________________________

2. _________________________________________

3. _________________________________________

Pang-isahang Pagsusulit 3
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang thick kung
ang pangungusap ay nagpapahayag ng makapal na
tekstura at thin kung ito ay nagpapahayag ng manipis na
tekstura.

6. Pangkatang pag-awit gamit ang Round Song.

7. Isahang pag-awit ng “Row, Row, Row Your Boat”

8. Pag-awit ng Lupang Hinirang na may saliw na tugtog.

9. Pag-awit ng “Are You Sleeping” ng buong klase.

10. Pag-awit ni Jenny ng “Bahay Kubo” ng mag-isa.

12
Isaisip

Ang kapal ng tunog ng musika ay batay sa bilang ng


linya na magkakasabay na inaawit o tinutugtog.
Ang nipis ng tunog ng musika ay batay sa isang
linyang musikal na inaawit o tinutugtog.
Ang elementong ito ng musika na tumutukoy sa kapal
at nipis ng himig at tunog ay tinatawag na Texture o
Tekstura.

Isagawa
Panuto: Tingnan ang awit sa ibaba. Sa tulong ng iyong
mga kasama sa bahay awitin ang “Are You
Sleeping, Lazy Juan?” nang isahan. Pagkatapos
ay awitin itong muli sa anyong round. Isagawa ito
at markahan ng 1-3 ayon sa pagkapagsagawa.

Are You Sleeping, Lazy Juan?

Are you sleep -ing, are you sleep -ing, la - zy Juan, la - zy Juan?

Morn-ing bells are ring - ing, morni-ing bells are ring - ing, Ding, dong,ding, ding, dong, ding

13
Gawain 3 2 1
1. Wastong pagkaawit ng “Are You
Sleeping, Lazy Juan?”
2. Nakaawit ng isang linyang musikal.
3. Nakaawit sa anyong round na may
tamang tono.
4. Naisagawa ang iba’t ibang tekstura
sa pamamagitan ng pag-awit.

3- Naisagawa
2- Di-gaanong naisagawa
1- Di-naisagawa

Tayahin
Gawain 1
Panuto: Iguhit ang kung ang instrumentong
pangmusika na nabanggit ay lumilikha ng
manipis na tunog at kung kung ito ay may
makapal na tunog. Ilagay ang sagot sa sagutang
papel.

__________1. biyolin

__________2. tambol

__________3. timpani, trumpeta, harpa

__________4. xylophone, piyano, gitara

__________5. maracas, pompyang (cymbals), tambol

14
Gawain 2
Panuto: Kilalanin ang sumusunod na linyang melodiya.
Isulat ang SML kung single musical line (iisa
lamang ang melodiya ng dalawang pangkat) o
MML kung multiple musical lines (magkaiba ang
melodiya ng dalawang pangkat) ang bawat
bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

15
Karagdagang Gawain

Panuto: Tukuyin ang texture ng awitin o tugtugin. Iguhit ang


puso ( ) kung manipis ang texture ng awitin at
tatsulok ( ) kung makapal. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

________1. Lupang Hinirang

________2. Row, Row, Row Your Boat

________3. Alpabetong Filipino

________4. Are You Sleeping, Lazy Juan

16
17
Subukin Balikan
1. berde 1. ✓
2. pula 2. 
3. pula 3. 
4. berde 4. ✓
5. berde 5. ✓
Pagyamanin
Pang-isahang Gawain 1 Pang-isahang Pagsusulit 1 Pang-isahang Gawain 2
Maaaring iba-iba ang sagot ng 1.
mga mag-aaral 1.
2.
3. 2.
4.
5.
Pang-isahang Pagsusulit 2 Pang-isahang Gawain 3 Pang-isahang Pagsusulit 3
1. manipis Maaaring iba-iba ang sagot ng 1.thick
2. makapal mga mag-aaral 2. thin
3. makapal 3. thin
4. manipis 4. thick
5. makapal 5. thin
Tayahin
Gawain 1 Gawain 2 Karagdagang Gawain
1. 1. MML 1.
2. 2. SML 2.
3. 3. SML 3.
4. 4. MML 4.
5. 5. MML
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Libro
K-12 MELC Curriculum Guide – Music. Reprint,
Department of Education, 2020.

Most Essential Learning Competency (MELC)


KG to Grade 12 S.Y 2020-2021 sa Musika – Unang
Baitang p. 245

Mirandilla Cielito Margo Music, Art, Physical Education and


Health. Unang Edisyon. Reprint, Department of
Education, 2013.

Kagamitan ng Mag-aaral sa Music, Art, Physical Eduction


and Health – Unang Baitang pp. 82-87

B. Electronic Sources

Bethnotesplus.com “Row Row Row Your Your Boat”


https://www.bethsnotesplus.com/?s=Row+row+your+
boat

Shreveport Symphony Symphony “Row Row Row Your

18
Boat”https://shreveportsymphony.com/education/m
usic-memory/des-prez-activity-page/

Slideshare.net “Bahay Kubo”


https://www.slideshare.net/edithahonradez/3-music-
lm-q4-38156364
Dlrciligan.weebly.com “Are You Sleeping, Lazy Juan?
http://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/508003
79/6_pagkumpas_ng_24_34_44__done_.pdf

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

20

You might also like