Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tipanan. Promise sa isa't-isa. Pangako ng dalawang tao o dalawang partido.

Mag-asawa.

Theme songs... Iba't- iba ang mga theme song kapag umiibig.

Pangako sa'yo...ipaglalaban ko...sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig...


Mahal kita maging sino kaman...
Ikaw lamang ang aking iibigin, magpakialanman...
Leron- leron sinta...

Sa Eukaristiya, inaalala natin ang pangako ng Dios: I will be your God, you will be my people. Kahit
anong mangyari, hindi ko kayo iiwanan, hindi ko kayo pababayaan, kahit ibigay ko ang aking katwan
at dugo para sa inyo. To give one's body and blood means to give one's life.
Sa bawat Eukaristiya, inaalala natinn na ang Dios ay tapat sa kanyang pangako. Tinupad niya ang
kanyang pangako sa atin: I will be your God, you will be my people.

At ano ang bahagi natin sa tipanan? Wala tayong gagawing ibang Dios, mamahalin natin siya ng
higit sa lahat.

Tanong natutupad ba natin ang pangako natin sa Dios? Minamahal nga ba natin siya? Marami sa
atin, magkocommit sa Dios, Lord, I will serve you, pero pagdating na ng difficult times, sorry Lord,
hindi ko pala kaya. Minsan, andaling iwanan ng Dios.

Pagdarasal sa harap ng ibang tao, hiyang- hiya.


Hindi pagtindig para sa mga turo ng Dios.
Yung hindi mo paggabay sa mga anak mo sa pagpili kay Kristo. Totoo, dapat sila ang pipili, pero
dapat tutulungan natin silang magkaroon ng dahilan para piliin si Hesus.
Yung kahit anong mangyari, hindi mo ipagpapalit ang pananampalataya mo at lahat mong
pinaniniwalaan.

Eh ang iba sa atin, masabihan lang tayo ng okay lang yan, kahit alam natin mali, kahit alam nating
masasaktan ang Dios... bibigay na agad...

Ang Dios, ibinigay ang sarili para sa atin para lang patunayan yung pagmmahal niya sa atin. Pero
madalas, tayo, hindi natin kayang suklian yun. Mas pinipili nating talikuran ang Dios.

Mga kapatid, sa tuwing tatanggapin natin ang katawan at Dugo ni Kristo, sana maisip natin,
tinatanggap natin ang pangako niya, nararanasan natin ang katuparan ng kanyang pangako. Ang
tanong ay, naipararanas ba natin sa Dios ang pangako natin sa kanya? Ibinibigay ba natin ang ating
sarili sa kanya? O minsan wala pa tayo sa dulo at hindi pa bali ang sanga, humahanap na tayo ng
iba?

The Eucharist is the remembrance of the covenant which God established with our ancestors. Kung
tapat ang Dios, sana maging tapat din tayo sa kanya.

You might also like