Kaharian NG Dios

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kaharian ng Dios, pamamayani ng Dios.

Anu ba ang kaharian ng Dios?

2nd reading: hindi nakikita ng mga mata. HIndi physical, hindi rin sa mundong ito.

1st reading: restoration. Restoration of Israel's glory. Ang pagbangong muli ng Israel. Nasa exile
sila, at binibigyan sila ng pag-asa ng propeta Ezekiel na isang araw, babalik sa dati ang lahat.
Babalik lahat sa dati. Sa original form. Kung paano nagsimula lahat. Walang sirang relasyon, hindi
sila malayo sa Dios. na sila'y buo, na sila'y hindi sugatan. At sabi ni Propeta Ezekiel: parang isang
puno, mananahan doon ang iba't-ibang mga ibon, dahil ito ay mananagana.

Ang paghahari pala ng Dios ay kasaganaan, ay pagbabalik sa orihinal na sitwasyn kung saan ang tao
ay hindi kaaway ng Dios, ang tao ay masagana.

Tinuturuan tayo ni Hesus kung paano mangyayari ang kaharian ng Dios.

Ginamit ni Hesus na talinghaga: 2

Una, yung mga butong tumubo ng unti- unti kahit hindi alam ng magsasaka. Ang paghahari ng Dios
ay mangyayari ng dahan- dahan, sa tamang panahon. Hindi nagmamadali, hindi biglaan. HIndi agd-
agad. May tamang panahon. Pasensiya ng Panginoon.
Tayo kasi, ang gusto natin biglaan. Ang Panginoon, maunawain, mapasensiya. Sa buhay, madalas
tayong nagmamadali. Gusto natin instant pera, instant bahay, instant jowa. Walang ganun. Lahat ay
may nakatakdang panahon. Ang 25 years, dahan- dahang nangyari. Hindi ninyo namamalayan.
Upang mamayani ang Dios, kailangan natin ng pasensiya. sa isa't- isa, sa saril, sa kapwa.

Ang kaharian ng Dios ay butil ng mustasa. Ang magaganda at malalaking bagay ay nagsisimula sa
maliliit na bagay. Ang mabuting samahan ay nakasalig sa maliliit na bagay: pasensiya, pagngiti,
pagdamay. Ganoon din ang pagkakabigan. Nagsisimula sa kmustahan. Sa paminsan- minsang
kwentuhan. Hndi sa 1 milyon agad nakasalalay ang friendship. Ang magandang pagsasama ay hindi
nakaayon sa otse at malaking bahay. Sa mga maliliit na kilos ng pag-ibig. Ang kaharian ng Dios ay
mamamayani kung nakikilala natin ang mga maliliit na bagay sa ating paligid.
Maliliit na bagay. Yung iba sa atin may sakit: Engranditis. Ano yun? mahilig tayo sa mga malalaking
bagay at mga engrandeng bagay. Malaking bahay, malaking bank account, malaking kotse,
engrandeng selebrasyon.

Dati nakakatiis tayo sa maliit na bahay, na nagcocommute, na konti ang ulam....ngayon, dapat
malaki lahat, dapat engrande lahat.

Kapag malaki ang nakikita o natatanggap, masaya, pero kapag maliit ang natatanggap, malungkot.
Nakakalimutan natin ang kahalaganhan ng maliliit na bagay. We tend to forget the importance of
small and humble beginnings. Lahat nagsisimula sa maliliit na bagay. We start appreciating small
things and start doing small acts of kindness. Ang Dios ay mamamayani sa atin kapag kinikilala
natin ang lahat ng maliliit na magaganda at mabubuting bagay na ipinapagkaloob sa atin at kapag
nagsimula tayong gumawa ng maliliit ngunit mabubuti at magagandang bagay.

You might also like