Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Department of Education

National Capital Region

5
SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 1:
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan
Sa Pinakinggang Teksto

May-akda: Galcoso C. Alburo


Tagaguhit: Reynaldo C. Celestial Jr.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin.


 Aralin – Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Pinakinggang Teksto

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:
A. nakapagbabahagi ng sariling karanasan kaugnay sa pakikinggang
teksto;
B. nasasagot ang mga tanong sa tekstong pinakinggan; at
C. naiuugnay ang sariling karanasan sa pinakinggang teksto

Subukin

Bago ka magpatuloy, lagyan ng tsek (/) ang mga pangungusap na


angkop sayo o ginagawa mo at ekis (X) ang hindi angkop at hindi mo
ginagawa.

_____1. Alam ko kung ano ang karanasan.


_____2. Nakatutulong ang aking karanasan sa pag-unawa sa mga
bagay-bagay.
_____3. May mga karanasan akong naibabahagi ko paminsan-minsan.
_____4. May mga karanasan ako na kaugnay sa aking binasa at
pinakinggan.
_____5. Maaaring iugnay ang sariling karanasan sa mga binabasa at
pinakikinggan.

Aralin Pag-uugnay ng Sariling Karanasan


sa Pinakinggang Teksto

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pag-uugnay ng sariling


karanasan sa pinakinggang teksto. Upang ito ay malinang, kailangan
mong gawin nang matapat ang mga gawain.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Balikan
Balik-aralan mo ang tungkol sa karanasan. Ano ang ibig sabihin
ng karanasan? Magbigay ng halimbawa ng iyong karanasan.

Sariling pakahulugan sa karanasan:


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Halimbawa ng sariling karanasan:


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Tuklasin

A. Panimula
Pag-aralan ang larawan. Ano-anong karanasan mo ang may
kaugnayan sa larawan? Ipaliwanag sa isang hiwalay na papel.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
B. Pakikinig
Ipabasa nang malakas ang akda sa isa sa iyong kapamilya.
Pakinggang maigi at pagkaraan ay sagutin ang mga tanong. Isulat sa
hiwalay na papel ang iyong sagot.

Idolo ko si Aleng Pulis


ni G.C. Alburo

Namamalik-mata ba ako? Isang babaeng pulis sa gitna ng


kalsada? Napakagaling niya. Pinatutupad niya ang mga batas.
Binabantayan niya ang mga tumatawid sa tawiran. Hinuhuli niya ang
mga lumalabag sa batas. Tinutulungan niya ang mga nangangailangan
ng tulong at sinasagot niya nang maayos ang sa kaniya’y nagtatanong.
Wow! Nakakahanga si Aleng pulis. Gusto ko pang makakita ng
mga katulad niya. Ano kaya ang pangalan niya?
Sana lahat ay responsable kagaya niya.

C. Pag-unawa sa Pinakinggan

1. Tungkol saan ang pinakinggan?


2. Sino ang nagsasalita sa teksto?
3. Anong isyu tungkol sa kasarian ang binanggit sa teksto?
4. Anong kaisipan ang iyong nabuo matapos na pakinggan ang teksto?
5. Ano-anong karanasan mo ang may kaugnayan sa pinakinggan?

Suriin

Bawat tao ay may sariling karanasan. Sa bawat karanasan ay


mayroong matututuhan. Ang mga karanasang ito ay
mapakikinabangan sa higit pang pagkatuto sa maraming bagay sa
buhay. Higit mong mauunawaan ang mga pinakinggan kung
maiuugnay mo rito ang iyong mga karanasan.
Paano maiuugnay ang iyong mga karanasan sa tekstong
pinakinggan? Una ay basahin at unawain ang teksto. Pangalawa, isa-
isahin ang mga pangyayari sa teksto na mayroon kang karanasan na
maaaring iugnay. Panghuli, iugnay ang iyong mga karanasan sa mga
tiyak na pangyayari sa akda sa pamamagitan ng pagpapaliwanag,
pagkukumpara, pagbibigay ng natutuhan at iba pa.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kaalaman at kakayahan sa


pag-uugnay ng karanasan sa tekstong pinakinggan. Gawin ang sumusunod:

A. Makinig ng isang balita sa radyo o telebisyon. Ibuod ang


nasabing balita. Ibigay ang iyong mga karanasan na may kaugnayan
sa balitang pinakinggan. Ano ang mga natutuhan mo sa pinakinggan?
Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

B. Pumili ng isang maikling kuwento. Ipabasa ito nang malakas


sa isa sa iyong mga kapamilya. Ibuod ang nasabing kuwento. Isa-
isahin ang mga karanasan mong may kaugnayan sa pinakinggang
teksto. Ano ang mga natutuhan mo sa pinakinggan? Isulat sa hiwalay
na papel ang iyong mga kasagutan.

Isaisip

Tandaan na mahalaga ang bawat karanasan. Maaari mo itong


magamit sa pag-unawa sa maraming bagay lalo na iyong mga binabasa
at mga pinakikinggan.

Tekstong Pagkaunawa
Mga
Pinakinggan
Karanasan sa Pinakinggan

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Isagawa

Pakinggan ang pinakabagong SONA ni Pangulong Duterte. Piliin


sa SONA ng pangulo ang mga bahaging may karanasan kang
maiuugnay. Iugnay ang iyong mga tiyak na karanasan sa
pamamagitan ng pagsagot sa tanong na “Ano ang masasabi mo sa
bahagi ng talumpati ng pangulo ayon sa iyong karanasan?”
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Tayahin

Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang


iyong natutuhan. Pumili ng isa sa sumusunod:

1. Makinig ng isang salaysay ng isang vlogger sa Youtube. Ibuod


ang salaysay na pinakinggan. Iugnay sa bahagi ng salaysay ang iyong
karanasan sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na “Ano ang iyong
naunawaan sa pinakinggan kaugnay sa iyong karanasan?”
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Ipabasa nang malakas sa iyong kapamilya ang akda sa ibaba.


Iugnay ang iyong karanasan sa mga tiyak na bahagi sa pinakinggan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba. Isulat sa hiwalay na
papel ang iyong mga sagot.

A. Ano-anong karanasan mo ang kaugnay sa akda?


B. Ano ang naunawaan mo sa akda kaugnay sa iyong karanasan?

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Estilo ni Bb. Beltran
ni G.C. Alburo
Ringggggg!
Nagtakbuhan ang mga bata. Hudyat ang pagtunog ng bell
na tapos na ang kanilang reses. Sa klase ni Bb. Beltran, agad-agad
na umayos ang mga bata upang maghanda para sa kanilang pag-
aaral sa Filipino.
Naging ugali ni Bb. Beltran na tumawag ng ilang mag-aaral
na magsasalita tungkol sa kanilang sarili bago magsimula ng
kanilang bagong aralin.
“Biboy, maaari ka bang magsalita tungkol sa sarili mo?”
Tanong ni Bb. Beltran kay Biboy.
“Opo mam,” maikling tugon ni Biboy at agad na pumunta sa
harapan ng klase at nagsimulang magsalita tungkol sa kaniyang
sarili.
“Magandang umaga sa inyong lahat. Ako po si Biboy Mabini.
Sampung taong gulang na po ako. Ang mga magulang ko ay sina
Teddy Mabini at Lucy Mabini. Ang paborito kong pagkain ay Adobo
dahil ito ay napakasarap lalo na kapag luto ni nanay. Wala akong
alagang hayop sa bahay. Nag-aaral ako sa Marikina Elementary
School. Mahilig akong magbasa at makipagkaibigan. Iyon lang po.
Salamat.”
“Palakpakan natin si Biboy!” Wika ni Bb. Beltran.
“Ngayon naman ay gusto kong magsalita kayo tungkol sa ibang
tao. Sino ang gustong magsalita?” Tanong ni Bb. Beltran
Isang minuto ang nakalipas at saka nagtaas ng kamay si
Nenet.
“Sige Nenet. Umpisahan mong magsalita tungkol sa ibang tao.”
Wika ni Bb. Beltran.
“Gusto ko lang po magsalita tungkol sa aking kaibigang si
Lotlot. Ang totoo niyang pangalan ay Lolita Lamba. Kasing edad ko si
Lotlot. Nag-aaral siya sa Kalumpang Elementary School. Ulilang
lubos na si Lotlot kaya ang mama ko ang nagpapaaral sa kaniya.
Mabait na bata si Lotlot at matulungin sa mga gawaing bahay. Sa
totoo lang matalinong bata si Lotlot at hindi mahilig maglaro. Ang
hilig niya ay magbasa ng mga libro at paminsan-minsan ay naglalaro
kami ng computer games. Iyon lang po mam. Maraming salamat.”
Pagwawakas ni Nenet.
“Magaling Nenet! Palakpakan natin si Nenet! Mula ngayon,
dapat ay lagi kayong handa para magsalita sa klase. Maliwanag ba
‘yon?”
“Opo mam!” Sabay-sabay na sagot ng mga bata.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Karagdagang Gawain
Lalo pang payabungin ang iyong kakayahan. Gawin ang isa sa
sumusunod:

1. Pumili at pakinggan ang isang programa sa radyo. Ibuod ang


pinakinggan. Ano-anong karanasan mo ang maaaring iugnay sa
pinakinggan? Ano ang natutuhan mo sa pinakinggan kaugnay sa
iyong karanasan?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Manood ng isang episode ng telenobela. Ibuod ang
pinanood/pinakinggang telenobela. Ano-anong mga karanasan mo
ang may kaugnayan sa pinanood/pinakinggan? Ano ang
natutuhan mo sa pinanood/pinakinggan kaugnay sa iyong
karanasan?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati


kita! Sige, hanggang sa muli!

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul
Susi ng Pagwawasto
Manunulat: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Mga Editor: Inee A. Martinez (Guro, SRES)
Lucila M. Morete (Guro, MALES)
Wilfredo Padua (School Head)
TagasuriA. Sagot sa “Pag-unawa
Panloob: sa Binasa”
Zenaida S. Munar (PSDS)
Tagasuri1.Panlabas:
Tungkol sa isang humahanga
Tagaguhit: Reynaldo
2. Isang C. Celestial,
bata/taong humahanga Jr. (Guro, FES)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro,


3. Pagkakapantay-pantay NHS) sa propesyon
ng kasarian
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE

You might also like