Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Learning Competency: Naipapaliwanag ang kontribusyon ng Kabihasnang Romano

I. Mga Layunin:

a. Naipaliliwanag ang bawat kontribusyon ng Kabihasnang Romano sa iba’t ibang


larangan at ang mga gampanin nito. (Pagtatalakay)

b. Nabibigyang halaga ng mga mag-aaral ang mga kontribusyon ng kabihasnang


romano sa kasalukuyang panahon (Pagpapahalaga)

c. Nakaguguhit ng larawan na sumisimbolo sa bawat kontribusyon ng kabihasnang


romano at ang kaugnayan nito. (Pagsasagawa)

II. Nilalaman:

• Paksa: Kontribusyon ng Kabihasnang Romano


• Sanggunian: Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Kontribusyon ng Kabihasnang Romano pp. 6-7
• Kagamitan: Pantulong biswal laptop, devices,
• Methodologies: Interactive Method
• Pagpapahalagang Moral: Pagbibigay halaga sa mga kontribusyon ng
nakaraan at patuloy na paglinang nito sa kasalukuyang panahon.

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a. Paghahanda:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng lumiban
4. Pagpapasa ng Takdang Aralin

b. Balik-Aral
Bago tayo magtungo sa
ating susunod na aralin sa araw na ito,
ay tayo munang magbalik tanaw sa
ating nakaraang tinalakay sa
pamamagitan ng isang maikling
gawain. At ang pamagat nito ay

“Guess the Gibberish Word”

Paraan ng Paggawa

1. Ang klase ay ipapangkat sa dalawa;


(1)ang asul at (2) dilaw na grupo.
2. May mga nakahandang mga tanong na
nakabase sa nakaraang tinalakay.
3. Ang sagot ay huhulaan gamit ang ibat
ibang salita na pinagsama-sama sa loob
ng sampong segundo.
4. Ang roleta ang siyang pipili kung sino ang
mauuna sa gawain.
5. Ang makapagbibigay ng tamang sagot ay
magkakaroon ng karagdagang limang
puntos para sa susunod na pagsusulit.

Mga Katanungan:

1. Sila ang pinaniniwalaang kambal na


nagtatag ng Roma. Na ayon sa alamat
inilagay sila sa isang basket at ipinaanod
ng kanilang amain sa ilog ng Tiber.

“ROOM LOSS ATE REAL MOUSE”

ROMULUS AT REMUS

2. Sa pamahalaan ng Roma ang mga


namumuno ay mga aristokrata. Sila ay
nagmula sa mayayamang may-ari ng
mga lupain na tinatawag na ______.

“PET RISE ANN”

PATRICIAN

3. Sila naman ay karaniwang mga tao na


nagmula sa pangkat ng mga
mamamayan na negosyante, artisano at
magsasaka.

“FLEE BYE ANTS


PLEBEIANS

4. Sila ang mga ninuno ng mga Romano

“ LATE TEEN”
LATIN
5. Anong grupo ang tumalo sa mga
Romano na bihasa sa sining, musika,
arkitektura, gawaing metal at kalakalan
na kanilang natutunan mula sa mga ito.

“ EAT RUSH CAN”


ETRUSCAN

6. Ito ay isang uri ng pamahalaan sa Roma


na kung saan ang pinuno ay inihahalal ng
mga mamamayan.

“RE FOAM BLEW CA”


REPUBLIKA

c. Pagganyak
Ngayon, bago tayo tuluyang
dumako sa ating panibagong paksa o
aralin, magkakaroon muli tayo ng isa pang
gawain na isa sa mga pinakanakasasabik
na bahagi ng ating talakayan. Kayo ay
maaatasan na gumawa ng virtual collage
at ang aktibidad na ito ay tatawagin nating

“COLLAGE-TWO-NATION”

Proseso ng Gawain:
1. Mahahati ang klase sa dalawang pangkat.
Ang unang pangkat ay tatawaging
nasyong Patrician samantalang ang
ikalawang pangkat ay tatawagin namang
nasyong Plebeian.
2. Ang bawat pangkat ay maatasang
gumawa ng virtual collage gamit ang app
na Jamboard. Ito ay naglalayong
pagsama-samahin ang mga larawan na
may kaugnayan sa kontribusyon ng
kabihasnang Romano. Maaaring
maglagay ng mga GIFs, sulatin, sticky
notes at iba pa na naglalarawan ng
kahalagahan nito.
3. Bibigyan ang bawat grupo ng limang
minuto upang mapag-usapan at matapos
ang kanilang vitual collage.
4. Matapos ang itinakdang oras, itatanghal
ng bawat grupo ang nagawa nilang
collage sa buong klase. Kinakailangang
maging malikhain ang istilo ng
pagtatanghal.

(Pagtatanghal ng virtual collage ng


nasyong PATRICIAN)

Naging mahusay ang ginawang


pagtatanghal nang naunang pangkat!
Angkop ang kanilang paglalarawan sa
kontribusyon ng kabihasnang Romano.
Naging malikhain din sila sa parehong
collage at sa ginawa nilang pagtatanghal.
Napakagaling! (Pagtatanghal ng virtual collage ng
nasyong PLEBEIAN)
Naging mahusay rin ang ginawang
pagtatanghal nang ikalawang pangkat!
Angkop ang kanilang paglalarawan
sa kontribusyon ng kabihasnang Romano.
Naging malikhain din sila sa parehong
collage at sa ginawa nilang pagtatanghal.
Napakagaling!

B. Panlinang na Gawain
a. Paglalahad
Batay sa ating ginawang gawain, ano
sa palagay niyo ang kinalaman nito sa
bagong paksang tatalakayin natin
ngayong araw?

May kinalaman po ito sa mga gusali na


makikita sa Roma

Tama, tungkol saan pa kaya ang aralin


natin ngayon?

Tungkol din po ito sa mga kasuotan ng mga


sinaunang Romano

Kung ganoon ay ano kaya ang


pinakapaksa natin sa araw na ito?
Ang paksa po nating ay ang kontribusyon
po ng kabihasnang Roma sa daigdig

Magaling! Sa araw na ito ay ating


talakayin ang mga kontribusyon
kabihasnang Roma sa iba’t ibang
larangan na nagpalawak sa kanilang
impluwensya sa buong daigdig

b. Pagtatalakay
Ang kontribusyon ng taga-Roma sa
kasaysayan ng daigdig ay ang
pagkakaroon ng malawak na imperyo sa
kabila ng pagkatalo sa pakikidigma. Ang
pagkakaroon ng sariling katangian at
pagkakakilanlan ay patunay na
nangunguna ito sa iba’t ibang larangan
ng kaalaman sa mga sumusunod:
Sa larangan ng batas ay kinilala ang
mga Romano bilang pinakadakilang
mambabatas ng sinaunang panahon.

Batay sa larawan na inyong nakikita,


ano kaya ang tawag sa batas ng Roma
noong sinaunang panahon?

Ang batas po ng Roma noong sinaunang


panahon ay tinatawag po na batas ng Twelve
Tables.
Bakit naman kaya tinawag itong
Twelve Tables?
Tinawag po itong twelve tables dahil nakaukit
ito sa labindalawang metal tablet
Tama! Ipinaskil ang mga ito sa lugar
na kung saan ay mababasa ito ng
publiko. Alam niyo ba na ang Twelve
Tables din ang kauna-unahang nasulat
na batas sa Roma at ito rin ang
pingamulan ng makabagong batas
Romano.
Para kanino kaya ang batas ng
Twelve Table? Para sa mga mahihirap
lang ba o sa mga mayayaman lang?

Nakasaad po sa Twelve Tables ang karapatan


ng mga mamamayan. Wala pong pinipiling tao
ang batas, mahirap man o mayaman ay
pantay pantay lamang po ang lahat.

Mahusay! Kasunod naman sa


ating listahan ng mga larangan ay
ang panitikan.

Ang panitikan ng Roma ay


nagsimula nooong kalagitnaan ng
ikatlong siglo BCE ngunit ang mga ito
ay salin lamang ng mga tula at dula ng
Gresya. Ilan lamang sa halimbawa ay:

Livius Andronicus - nagsalin ng


Odyssey sa Latin

Marcus Palutus at Terence - mga


unang manunulat ng comedy.

Lucretius at Catullus - iba pang


mga manunulat na Romano.

Cicero - isang manunulat at


orador na nagpahalaga sa batas.
Isinaad niya na ang batas ay hindi
dapat maimpluwensiyahan ng
kapangyarihan o wasakin ng pera
kailanman.
Ngayon ay magpapakita naman ako
ng iba’t ibang larawan at sabihin niyo
kung saang larangan kaya ito
nakapaloob.

Ang mga larawan po ay napabibilang sa


larangan ng inhinyeriya.

Maaaring nakapaloob din po ang mga ito sa


larangan ng arkitektura

Magaling! Ang mga larawan na


inyong nakita ay ilan lamang sa mga
estraktura na nagawa sa panahon ng
sinaunang Roma.

Ipinakita ng mga Romano ang husay


sa inhenyeriya. Nagpagawa sila ng mga
daan at tulay upang pagdugtungin ang
buong imperyo. Karamihan sa mga ito
ay ginagamit pa rin hanggang sa
kasalukuyan.

Ano namang masasabi niyo sa


husay na ipinakita ng mga Romano
pagdating sa inhinyeriya?
Tunay nga pong naging mahusay sa larangan
ng inhinyeriya ang mga Romano dahil
nakapagpagawa po sila ng mga daan, tulay,
at iba pang mga daanan ng tubig.

Halimbawa na lamang ang Appian


Way na nag-uugnay sa Roma at timog
Italya. Nagpatayo rin sila ng mga
aqueduct upang makaabot ang tubig sa
lungsod.
Nakilala din ang mga Romano sa
paggawa ng mga kahanga-hangang
arkitektura. Natuklasan nila ang
paggamit ng semento at stucco, isang
plaster na pampahid at pantakip sa
labas ng pader. Bilang palamuti,
gumamit sila ng mga marmol na
kanilang inangkat mula sa bansang
Greece.

Ang gusali na ipinakilala ng mga


Romano ay ang Basilica, isa itong
bulwagan na nagsisilbing tagpuan ng
Assembly. Ano pa kaya ang mga
pampublikong estraktura na mayroon sa
Roma na mayroon din sa atin sa
panahong kasalukuyan?

Mayroon din po silang pampublikong paliguan


at pamilihan na nagsisilbing tagpuan ng mga
pag-uusap o pagtitipon, at para sa mga
negosyo

Tama! At bukod pa sa mga gusaling


ito, may iba pang gusaling pinatayo ang
mga Romano na magpasa-hanggang
ngayon ay makikita pa rin sa Roma.

Alin kaya sa mga gusali sa Roma


ang tinutukoy dito?
Ang Coliseum po, isa po itong kilalang lugar
pasyalan sa Roma

Mahusay! Isa ang Coliseum ay isang


amphitheater na isa sa mga
pinakakilalang estraktura na makikita
sa Roma. Dito nagaganap ang mga
bayolanteng labanan na kung saan ang
mga preso o alipin ay pinaglalaban
laban o kaya minsan ay ang mga
mababangis na hayop. Pero bakit kaya
ginagawa ito ng mga sinaunang
Romano?

Ginagawa po ito ng mga sinaunang Romano


upang magsilbing libangan nila.
Tama, at para sa huling larangan,
may kinalaman ito sa kasuotan o
pananamit ng mga Romano.

Makikita ang pagkakaiba sa


kasuotan ng mga kababaihan at
kalalakihang Romano. Ang mga lalaki ay
may dalawang klase ng kasuotan na
tinatawag na tunic, isang kasuotang
pambahay at toga na isinusuot kapag
sila ay sumasali sa mga pagtitipon at
paggala sa mga lansangan. Samantala,
ang mga kababaihan ay nagsusuot ng
stola bilang pantahanang kasuotan na
pinangibabawan ng palla, isang
pantakip na kasuotan.

c. Pagsasagawa

Upang lubos niyo pang maintindihan


ang ating aralin, magkakaroon tayo ng
isang gawain.

“Bagay Tayo”

Paraan ng Paggawa:

1. Ang bawat mag-aaral ay pipili ng isa sa


mga larangan na kontribusyon ng
Kabihasnang Romano (batas, panitikan,
inhinyeriya, arkitektura, at kasuotan)
2. Mag-isip ng isang bagay na may
kinalaman sa larangan na iyong napili at
sa sariling buhay
3. Iguhit sa isang malinis na papel ang
napiling bagay na nagsisimbolo sa
larangang napili
4. Matapos ang oras na ibinigay ay ipakita
at ibahagi sa klase ang naguhit na
larawan
5. Mayroon lamang kayong limang (5)
minuto para gawin ito.

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit ito ang iyong napiling bagay? Ano


ang importansya ng bagay na ito sa
iyong personal na Buhay?
C. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat
Ngayon na lubos niyo ng
naunawan ang paksang ito ay
magkakaroon muli tayo ng isang
gawain. Ang gawaing ito ay tinatawag
na 3-2-1 Tsart

Proseso ng gawain:

1. Maglabas ng isang malinis na papel


2. Ang 3-2-1 Tsart ay naglalaman ng
inyong mga nunawaan hinggil sa mga
Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
3. Punan ang 3-2-1 Tsart ng tatlong (3)
bagay na inyong natutunan, dalawang
(2) kaisipan na inyong kinawiwilihan at
isang (1) bagay na nais niyo pang
matutunan
4. Pagkatapos ninyong punan ang 3-2-1
Tsart ay ibahagi ninyo ang inyong
kaalaman sa ating klase. Ang ibang
hindi matatawag ay ilagay na lamang sa
chatbox ang inyong sagot.

5. May tatlong minuto kayo para sagutin


ang ating 3-2-1 tsart.

b. Pagpapahalaga

Ang bawat kontribusyon ng


Kabihasnang Romano ay
napakahalaga sa kasalukuyang
panahon.

Sa inyong palagay kagaya ng isang


libro. Ano kaya sa tingin niyo ang
kahalagahan ng bawat parte nito.
Ang bawat parte po ng libro ay napakahalaga
sapagkat ito ay may kanya kanyang gampanin
na makatutulong sa mambabasa upang
malaman at maunawaan ang nilalaman nito.
Tama!

Bilang isang magaaral paano ninyo


maipapakita ang pagpapahalaga sa
mga kontribusyon ng kabihasnang
romano sa kasalukuyan.

Ano kaya sa tingin ninyo ang


koneksyon ng libro sa ating tinalakay
ngayong araw.

Kagaya po ng isang libro ang pagpapahalaga at


pagsasabuhay ng mga nakasulat sa libro ay
isang hakbang upang maipakita ang
pagpapahalaga sa mga into.
Ano pa?

Ang mga kontribusyon ng kabihasnang romano


kagaya ng pahina sa libro ang mga gampanin
nito ay napakahalaga. Dahil ang mga ito ang
magsisilbing pundasyon sa kasalukuyan upang
mas lalo pang malinang at mapanatili ang mga
kontribusyon ng Roma.
Mahusay!

Tunay ngang kayo ay nakinig sa


ating talakayan ngayong araw na ito.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga katanungan na nasa link na ibibigay ng inyong
guro.
A. Punan ang mga bawat patlang ng tamang sagot na makikita sa
ikalawang kahon.

Twelve Tables Tiber River Pax Romana


Roman Republic Augustus Hukbong Sandataan

B. Piliin ang tamang sagot


1. Ito ang kauna unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas
Roman
a. Twelve Tables
b. Triumvirate
c. Batas romano
d. Dictadorship

2. Isang ampitheater para sa labanan ng mga gladiator


a. Gladiator Arena
b. Colloseum
c. Philippine Arena
d. Basilica

3. Sa kanila natutunan ng mga Roman ang arch na ginagamit sa paggawa ng


templo at iba pang gusali
a. Plebian
b. Patrician
c. Etruscan
d. Greek

4. Ang gusali na bulwagan na nagsisilbing tagpuan ng Assembly.


a. Gladiator Arena
b. Colloseum
c. Philippine Arena
d. Basilica

5. Nakilala din ang mga Romano sa paggawa ng mga kahanga-hangang


arkitektura. Natuklasan nila ang paggamit ng anong kagamitan?

a. semento at stucco
b. marble at stucco
c. semento at marble
d. semento at stola

Mga Kasagutan:
A. B.
1. Tiber River 1. a
2. Roman Republic 2. b
3. Hukbong Sandataan 3. c
4. Augustus 4. d
5. Pax Romana 5. a

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gawin ang mga sumusunod:

a. Gumawa ng isang sanaysay na sumasagot sa katanungan na may


kaugnayan sa paksang tinalakay na may 150 salita o higit pa. (10 puntos)

Pamprosesong tanong;
Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga
kontribusyon ng kabihasnang Romano sa kasalukuyan. (halimbawa
patungkol sa batas)

b. Basahin at unawain ang susunod na paksa Ang mga Kabihasnan sa


America at kanilang mga Kontribusyon.

SANGGUNIAN: Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan- Modyul 4 Mga


Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag unlad ng Pandaigdigang Kamalayan
pp. 5-7

You might also like