Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE - VALENZUELA CITY
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
TP 2022-2023

Pangalan:___________________________ Iskor:_________________
Pangkat:_____________________________ Petsa: ________________

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang gamit ng wika sa isang panayam ng isang kumakapanayam sa kanyang kausap?
A. imahinatibo B. impormatibo C. heuristiko D. personal

2. Ano ang komunikatibong gamit ng wika sa isang reporter na nagbabalita ng mahalagang


pangyayari sa telebisyon?
A. impormatibo B. interaksyunal C. personal D. regulatoryo

3. Paano naipakikita ng isang announcer sa radyo ang imahinatibong gamit ng wika?


A. kapag siya ay nagbabawal C. sa tuwing nagpapatalastas
B. kung aawit ang announcer D. kapag magpapaalam sa madla

4. Anong gamit ng wika ang ipinakikita sa pahayag sa isang panayam ng isang senador na
“Dito sa bansa na ito, hindi kailangan ýung utak na talagang genius ka. Ang kailangan dito
sa bansa natin, puso, pagmamahal para sa mga kababayan natin”?
A. paghahayag ng panghihikayat C. pag-uutos sa kinakausap na tao
B. pagsasaliksik ng impormasyon D. pagpapahayag ng sariling opinyon

5. Ano ang naging pangunahing tungkulin ng wika sa pahayag ng isang reporter na “Kung
hindi po ninyo ipakikita sa bayan ang transparency ay para n’yo na ring sinabing hindi totoo
ang inyong pangako noong mag-eeleksyon. Aba! Huwag naman po kayong ganyan. Tuparin
n’yo po ang inyong pangako.”
A. pagbubulgar B. pambabatikos C. pamamahiya D. panawagan

6. Anong komunikatibong gamit ng wika ang ipinakikita sa patalastas ng isang announcer sa


radyo tungkol sa isang langis na pamahid sa balat at sinabing ito’y hindi isang gamot at
hindi dapat ipanggamot sa anomang uri ng sakit?
A. deskriptibo B. imahinatibo C. impormatibo D. regulatoryo

7. Ano ang naging gamit ng wika sa isang social media kapag ginamit ito sa isang online
survey?
A. impormatibo B. instrumental C. interaksyunal D. transaksyunal

8. Anong komunikatibong gamit ng wika ang naipakikita ng pagbibiruan ng mga


magkakaibigan sa isang vlog tungkol sa ating pambansang bayani?
A. impormasyunal B. impormatibo C. instrumental D. interaksyunal

9. Ano ang papel ng wika sa komunikasyon ng dalawang mag-aaral na nagpapalitan ng


matatamis na salita sa social media platform tungkol sa damdamin nila sa isa’t isa?
A. impormasyunal B. imahinatibo C. heuristiko D. personal

10. Ano ang gamit ng wika sa tweet na, “DASERVE nating mag-smile kaya taralets na sa Mall
#withmyjowa”?
A. imahinatibo B. interaksyunal C. personal D. regulatoryo

11. Anong gamit ng wika ang makikita sa pahayag ng isang vlogger na “Huwag nating
hayaang mabuksan ng ibang tao sa mga airport ang ating balikbayan boxes”?
A. instrumental B. interaksyunal C. personal D. regulatoryo

Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City


(02) 8292-3247
sdovalenzuela@deped.gov.ph sdovalenzuelacity.deped.gov.ph
12. Anong papel ng wika ang makikita sa isang anunsyo ng lokal na pamahalaan sa official
page nito sa isang social media tungkol sa pahayag na “Mahigpit pong ipinagbabawal sa
ating lungsod ang paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon”?
A. impormatibo B. instrumental C. heuristiko D. regulatoryo

13. “Mayroon akong inaasikasong subpoena sa opisina”, anong barayti ng wika kabilang ang
salitang may salungguhit?
A. dayalek B. idyolek C. jargon D. sosyolek

14. Ang virus ay mamamatay nang kusa kung ito ay walang lilipatan na ibang indibidwal kaya
nararapat lamang na makiisa ang lahat upang matapos na ang pandemya. Batay sa
pangungusap, anong larangan kabilang ang salitang virus?
A. agham B. isports C. musika D. teknolohiya

15. Bumili si Eran ng bagong mouse sa online store upang hindi na lumabas ng bahay dahil sa
pandemya at mas ligtas ang pananatili sa tahanan. Batay sa pangungusap, saang
larangan ginamit ang salitang mouse?
A. agham B. isports C. musika D. teknolohiya

16. Alin sa sumusunod na mga salitang ginamit sa usapan ang nagpapakita ng jargon sa
edukasyon?
Gina: Ma’am naipasa mo na ba, ang lesson plan mo para sa linggong ito sa opisina ng
punong-guro?
Beth: Opo ma’am kanina pang umaga ang inaalala ko na lang ay kung matatapos ko ba
ngayong gabi ang mga itsetsek kong mga summative test ng mga mag-aaral ko.
Gina: Naku! buti ka pa napagpa-test na, ako bukas pa lang. Inuna ko pa kasi ang
pagbibigay ng oral recitation eh.
Beth: Ayos lang yan ma’am hindi ka pa naman huli. Saka mabilis ka naman magtrabaho
gamay mo na ang lahat.
Kaya huwag ka nang mag-alala. Ikaw pa ba?
Gina: (Tatawa nang malakas) Naku! Ikaw talaga kahit kailan ang galing mong mambola.
Siya halika na at umuwi na tayo.
Beth: Ay oo nga ma’am kanina pa pala nag-bell. Ay yung class record mo ma’am baka
maiwan mo.
Gina: Oo nga. Buti pinaalala mo. Salamat ha. Tara na baka tayo na lang ang naiwan dito.

A. bell, class record, test, at punong-guro


B. lesson plan, class record, tsek, at oral recitation
C. mag-aaral, punong-guro, class record, at lesson plan
D. opisina, lesson plan, summative test, at oral recitation

17. Alin sa sumusunod na mga pangkat ng salita ang mga register ng wika na ginagamit sa
larangan ng pagpupulis?
A. illegal na droga, rehablititasyon, at surgeon operation
B. transplant, bypass operation, procedures at leg casting
C. operatiba ng pulis, work immersion, police report, at kaso
D. buy bust operation, operatiba ng pulis, illegal na droga, at kaso

18. Alin sa mga pangungusap ang may register ng salitang record na may kahulugang tala ng
mga pasyente sa medisina?
A. “Kunin mo nga Nurse Jeff ang record ni Miss Morales sa file cabinet.”
B. “Alex, wala kang record sa akin kahit isa. Paano kita bibigyan ng marka?”
C. Nabura ang record ng datihang mang-aawit dahil sa kanyang pagkakamali.
D.Pambihira ang record na naitala ni Sen. Manny Pacquiao sa larangan ng boksing.

19. Anong salita ang dapat ipuno sa patlang batay sa konteksto ng sitwasyon sa pangungusap
na winika ng isang announcer sa radyo na, “Mawawalan na naman po ng ___________ tubig
mga kababayan sa araw ng Lunes hanggang Martes kayat mag-imbak na po kayo sa
inyong mga lalagyan.”?
A. imbak B. presyo C. rasyon D. supply

20. Anong salita ang dapat ipuno sa patlang para sa jargon na “_______Plan” na tumutukoy sa
larangan ng inhenyerya?
A. Le che B. Learning C. Lesson D. Lot
21. Anong salita ang angkop na gamitin upang tukuyin ang isang hukom sa isang pagdinig sa
korte bago magsalita ang isang saksi?
A. Ma’am o Sir B. Your Honor C. Your Excellency D. Ginoo o Ginang

22. Matapos makalap nina Alfred at Imee ang mga datos sa kanilang isinagawang
pananaliksik, ang bagong suliranin na kinakaharap nila ay kung paano iaayos nang
mabisa ang mga datos na nakalap. Ano-anong mga hakbang ang dapat nilang sundin?
A. Sagutin ang mga tanong sa paglalahad ng suliranin, bumuo ng bibliyograpiya at
iklasipika ang mga datos
B. Iklasipika ang mga datos, isulat ang mga kongklusyon na natuklasan at bumuo ng
akmang grap/talahanayan
C. Bumuo ng bibliyograpiya, iklasipika ang mga datos, at pumili ng akmang grap/
talahanayan sa paglalahad ng datos
D. Iklasipika ang mga datos, bumuo ng akmang grap/ talahanayan, at sagutin ang mga
tanong sa paglalahad ng suliranin

23. Si Khalil ay magsasagawa ng pag-aaral tungkol sa bagong gawi ng pagkatuto ng mga mag-
aaral ngayong panahon ng bagong normal. Sa pananaliksik na ito, naghanda muna siya
ng listahan ng mga pagkukunan ng datos. Aling hakbang sa pananaliksik ang kanilang
isinagawa?
A. Pagwawasto o pagrerebisa ng burador
B. Paghahanda ng pansamatalang bibliograpiya
C. Paglalahad ng interpretasyon sa mga datos na nabuo
D. Pagbuo ng pamamaraan na gagamitin sa pananaliksik

24. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng lagom na hakbang sa pagbuo ng pananaliksik?


1. Gumawa ng balangkas na magiging gabay sa maayos na pananaliksik.
2. Piliin ang paksang gagawan ng pananaliksik.
3. Tiyakin ang pamamaraang gagamitin sa pananaliksik.
4. Sa pangangalap ng datos maghanda ng talaan ng mga datos ng gagamiting sanggunian.
5. Maaring gumamit ng index card upang madaling maisaayos ang mga ideyang nakalap.

A. 2-3-1-4-5 B. 3-2-1-4-5 C. 2-3-1-5-4 D. 3-2-1-5-4

25. Ano ang pinakaangkop na susunod na hakbang pagkatapos mong kumalap ng mga
impormasyon at datos tungkol sa iyong pananaliksik?
A. Sumulat ng isang talaan ng mga suliranin.
B. Bumuo ng isang draft ng kinalabasan ng pag-aaral.
C. Ipahinga mo muna ang sarili at palipasin ang panahon.
D. Lumikha ng maikling balangkas ng mga nakalap na datos.

26. Alin ang angkop na ayos ng pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsulat ng


rekomendasyon?
i. Tukuyin ang mga tiyak na konklusyon ng pananaliksik at lumikha ng mga
rekomendasyon batay rito.
ii. Isa-isahin ang mga limitasyon ng pag-aaral at igawa ng mga mungkahi para sa mga
susunod na pag-aaral.
iii. Lumikha ng mga mungkahi batay sa mga kinaharap na suliranin sa proseso ng
pananaliksik.
iv. Alamin ang pinakamahusay na pamamaraang isinagawa sa pananaliksik.
A. i, iii, at ii B. ii, iii, at i C. iv, iii, ii, at i D. iv, ii, iii at i

27. Ikaw ay naatasang sumulat ng isang pananaliksik sa wika tungkol sa antas ng wikang
panturo sa mga Online Modality ng mga mag-aaral ng senior high school sa mga
pampublikong paaralan ngayong may pandemya. Natapos mo na ang unang yugto ng mga
inisyal na pagbabasa tungkol sa mga aklat, pananaliksik at iba pang babasahin tungkol
sa paksang ito. Ikaw ngayon ay susulat na ng iyong pamagat. Alin sa sumusunod na mga
haypotetikal na pamagat ang angkop gamitin sa iyong pananaliksik?
A. “Antas ng Wika, Online Modality, Pag-aaral ng Senior High School”
B. “Wikang Panturo sa Online Modality ng mga Mag-aaral sa Pampublikong Paaralan”
C. “Kalagayan ng Online Modality sa mga Mag-aaral ng Senior High School sa
Pampublikong Paaralan”
D. “Antas ng Wikang Panturo sa Online Modality ng mga Mag-aaral ng SHS sa
Pampublikong Paaralan”
28. Anong salita ang dapat ipuno sa patlang na mababasa sa pangungusap na “Ang wikang
Filipino, tulad ng ______ wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar.”?
A. alinmang B. anomang C. sinomang D. ninomang

29. Ikaw ay magsasagawa ng isang panayam para sa iyong isinasagawang pananaliksik. Alin
sa sumusunod na pahayag ang gagamitin mo para sa pakikipanayam?
A. Magandang araw! Pumunta po kami rito upang magsagawa ng pagsusulit hinggil sa
dahilan ng paglalaro ng iyong anak ng mga online games.
B. Magandang araw! Pumunta po kami rito upang magsagawa ng panayam hinggil sa
dahilan ng paglalaro ng iyong anak ng mga online games.
C. Magandang araw! Pumunta po kami dito upang magsagawa ng panayam hinggil sa
dahilan ng paglalaro nang iyong anak nang mga online games.
D. Magandang araw! Pumunta po kami rito upang magsagawa nang panayam hinggil sa
dahilan ng paglalaro ng iyong anak nang mga online games.

30. Ikaw ay naatasang sumulat ng isang pamagat tungkol sa pagsusuri sa pamamaraan ng


pagpapahayag ng mga mag-aaral na maaaring pasulat o pasalita. Ang iyong piniling paksa
ay ang pagpapahayag ng saloobin ng mga mag-aaral (baitang 11 at 12) sa kani-kaniyang
vlog sa social media mula noong unang araw ng Marso hanggang katapusan ng Abril. Alin
sa mga pagpipiliang haypotetikal na pamagat ang gumamit ng angkop na mga salita
upang mapag-ugnay-ugnay ang ideya ng paksa na isusulat sa pananaliksik?
A. Pasalitang Diskurso sa Vlog ng mga Senior High School: Isang Pananaliksik
B. Pag-aaral Tungkol sa Kalakasan ng Vlog na Pasalita ng mga Mag-aaral: Isang
Pagsusuri
C. Isang Pananaliksik Hinggil Pagsasalita at Pagsusulat ng mga Mag-aaral na Senior
High School
D. Pagtataya sa Diskurso ng mga Piling Vlog sa Social Media ng mga Mag-aaral na
Senior High School

31. Paano mo dapat ipahayag ang pagsipi sa isang kaugnay na literatura kung ito ay mula
lamang sa isang secondary source?

Pahayag: “Dinamiko ang wika kaya’t dinamiko rin ang istruktura.”


Primary Author: Mendoza, A. S. (2017)
Secondary Source: Reyes, J. C. (2020)

A. Ani Reyes (2020), dinamiko ang wika kaya gayundin ang istruktura.
B. Sinabi ni Reyes (2020), nasa Mendoza (2017), dinamiko ang wika at istruktura nito.
C. Kung dinamiko ang wika, gayun din naman ang istruktura – Mendoza (2017).
Tingnan sa Reyes (2020)
D. Ayon kay Mendoza (2017), na kay Reyes (2020), “dinamiko ang wika kaya gayundin
ang istruktura.”

32. Anong salita ang dapat ipuno sa patlang na nasa talatang, “Unang itinuro sa atin ng
pandemya ang pag-iingat sa ating kalusugan. Pagkatapos, ipinakita sa atin ng sitwasyon
na totoong mahalaga ang pagkain kaysa salapi. _______________, ipinaunawa sa atin ng
pandemya ang halaga ng suporta ng pamilya sa bawat isa.”?
A. Panghuli B. Katapusan C. Pangwakas D. Dakong huli

33. Anong salita ang dapat ipuno sa patlang na nasa talatang, “Maraming epekto ang online
class sa mga mag-aaral, ang ilan ay naging marahas at balisa na nagtatapos sa
pagkawala sa sarili. May iba pang nahuhumaling sa paglalaro ng mga online games sa
halip na dumalo sa kanilang klase. May mga mag-aaral na nagsasabing kahit na naglalaro
sila ng mga online games, hindi nila pinapabayaan ang kanilang pag-aaral.
__________________ may positibo at negatibong epekto ang online class.”?
A. Bagamat B. Datapwat C. Samakatuwid D. Subalit

34. Ano ang antas ng wika ang ginamit sa pahayag ni Sharon Cuneta sa pelikulang
Nakagapos na Puso noong 1986 na “Inidolo kita, halos ilagay na kita noon sa pedestal. Sa
isang utos mo lang natataranta na ako, Oo ate! oo ate! Puro ako Oo ate! Daig ko pa’ng
isang manyikang de susi. Pinabayaan kitang diktahan ako dahil ang akala ko’y mas
marunong ka, akala ko mahal mo ako bilang isang kapatid, pero iginapos mo na ang mga
paa’t kamay ko pati ang puso ko iginapos mo pa rin.”?
A. bernakular B. kolokyal C. lalawiganin D. pampanitikan
35. Ano ang antas ng wika ng mga salitang may salungguhit sa pahayag ng tauhan mula sa
Four Sisters and a Wedding na "Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko?
Parang kasalanan ko? Eh… sa totoo lang naman ako nga ‘yung inggit na inggit sa inyong
lahat. Kasi meron kayong mga bagay na sana meron din ako.”?
A. balbal B. kolokyal C. panlalawigan D. pampanitikan

36. Alin sa mga sumusunod ang inilalarawan ng multikultural na komunidad sa isang pag-
aaral tungkol sa istorya ng lalaking nagmula sa isang tribo sa Sultan Kudarat na nagwika
sa panayam na, “Napapagod na po ako mag-araro, pero sige lang, kakayanin ko para sa
pamilya ko.”?
A. Etnolinggwistikong komunidad
B. Bilinggual at multilinggual na komunidad
C. Pang-internasyonal na multicultural na pamayanan
D. Pang-organisasyonal na multikultural na komunidad

37. Ano ang nais ipabatid ng pahayag na ito ni Heneral Luna kaugnay sa mga Pilipino?

Heneral Luna: “Señor Presidente, walang pupuntahan ito. Habang nagtatalo tayo rito
lalong lumalakas ang puwersa ng mga Amerikano. Lusubin na natin sila habang
kakaunti pa lamang sila kahit na mamatay pa ang karamihan sa atin. Mapapalayas
natin sila at mapapasakamay natin ang Intramuros.”

A. Gustong maipakita ang kanilang natatagong kakayahan


B. Nais maging ligtas kaya hindi sila nauunang kumilos para sa bayan
C. Naghahangad na umunlad ang Pilipinas gamit ang makabagong paraan
D. Kayang magbuwis ng buhay para sa pagtatanggol sa bayan at pagmamalasakit sa
bayan

38. Anong katangian ng mga Pilipino ang ipinakita sa usapan?


Joven: “General, Joven Hernando po [sabay pagkamay sa kausap]
Heneral Luna: “Joven, anak ka ng komandante. Ipagpaumanhin mo at pinaghintay
kita.”
Joven: “Walang anuman po. Kinararangal kong makapanayam kayo.”

A. Magalang sa pakikipag-usap
B. Mahinahon sa pagbabahagi ng ideya
C. Malayang gumagamit ng wika na nais nila
D. Magandang kausap dahil maraming kuwento

39. Kung susundin ang inilahad ni Fraser (2010) tungkol sa pagpaparating ng kahulugan ng
anomang dayalogong may kontekstong sosyo-kultural, ano ang nakapagbibigay ng
malaking impluwensya sa konteksto ng mga bagay na nais ipabatid sa manonood ng mga
kilos at dayalogo ng mga artista sa sumusunod na tagpo?
Donya Rosa: “Napakainit naman sa bahay na ito!”
(Unang hakbang palamang ng donya ay nagsilapitan agad ang dalawang
kasambahay.)
Kasambahay 1: “Donya Rosa, narito po ang malamig na tubig!” (nagmamadali sa pag-abot
ng baso)
Donya Rosa: “Tubig? Tubig lang ang ipaiinom ninyo sa akin?” (pasigaw at waring
nayayamot)
(Nagmamadaling pumapel ang isa pang kasambahay.)
Kasambahay 2: “Ay… Donya! Donya! Narito po ang malamig na malamig na Mango
Shake!”

A. aestetiks B. pragmatiks
C. husay sa pagganap D. pagbabagong kultural

40. Noong 2013, nag-ulat si Jiggy Manicad tungkol sa mga taong nagmartsa sa Ayala para sa
GMA News TV’s QRT: Quick Response Team. Sa kanyang panayam kay Peachy Tan,
spokesperson ng mga taong nagmartsa inilarawan niya ang mga tao sa naturang
kaganapan. Aniya, “Nakita rin natin iyong pagdagsa rin ng mga tae… sorry po…”
Ano/Sino ang tinutukoy ng mamamahayag sa salitang may salungguhit?
A. mga tao B. mga raliyista C. spokesperson D. ang sitwasyon
41. Sa pahayag pa rin ni Jiggy Manicad na “Nakita rin natin iyong pagdagsa rin ng mga tae…
Sorry po…” Ano ang konteksto ng salitang may salungguhit?
A. nagmatuwid B. paghingi ng paumanhin
C. tumanggap ng pagkakamali D. kinabahan sa kanyang nasabi

42. Anong salita ang nagpamali sa pangungusap ng isang artista sa kanyang blog tungkol sa
pahayag nito hinggil sa pagsabog ng isang bulkan na, “-at yung pinakamahalaga pa, ‘yang
pangyayari sa Naga. ‘yang pag-aalburoto ng Mayon Volcano.”?
A. alburoto B. Mayon C. Naga D. Volcano

43. Dahil bawal lumabas ang mga kabataan ngayong panahon ng pandemya, nagtanong ng
direksyon ang nanay mo kung saan ang malapit na bilihan ng mga gamit sa paaralan
upang mabili ang mga gamit na kailangan ninyo. Aling pahayag ang nararapat mong
gamitin upang masagot ang iyong nanay?
A. Nanay, doon po ang bilihan malapit sa drugstore.
B. Doon ang bilihan at maaari mo itanong kay kuya.
C. May ginagawa kami, doon ang bilihan malapit sa drugstore.
D. Nanay! Hindi ko alam pero parang doon iyon malapit sa drugstore.

44. Nais mong itanong sa iyong guro ang mga paksang hindi mo maunawaan sa tinalakay na
aralin. Aling pahayag ang nararapat mong gamitin upang makapagtanong ka sa iyong
guro gamit ang kakayahang sosyolinggwistiko?
A. Mayroon po bang mas madaling maunawaan na kahulugan ng wika?
B. Ginang, ano-ano ang mga madaling kahulugan upang maunawaan ko ang
kahulugan ng wika?
C. Magandang araw! Ano ang mas madaling paraan upang maunawan ko ang
kahulugan ng wika?
D. Magandang araw! Nais ko pong itanong kung paano ko madaling maunawaan na
kahulugan ng wika.

45. Sa palengke, may isang matandang naliligaw sa kanyang pupuntahan. Maayos na


nagtanong ang matanda sa isang binatang nagtitinda ng mga gulay kung saan ang
sakayang patungong Baclaran ngunit hindi siya nasagot ng binata dahil hindi ito
tagaroon. Alin ang pinakaangkop na sabihin upang ipaalam sa matanda ang sagot sa
kanyang tanong?
A. “Ale, dito na lang ang sakayan. Walang sakayan diyan.”
B. “Dito po, Ale. Sakay na ho kayo.”
C. “Ale, dito po. Bakit ho kasi nag-iisa kayo? Wala ka bang kasama?”
D. “Ale, magandang umaga po! Hinahanap po ninyo kung saan ang sakayan ng
Baclaran? Dito po.

46. Dumalo kayo ng iyong kaibigan sa isang pagtitipon at dahil maaaring kumanta ang
sinoman ikaw ay pumili ng awitin at kumanta. Ilang saglit isang kaibigan mo ang nagsabi
ng pahayag na “Ang lamig ng iyong boses maaaring itago mo na lamang”? Batay sa
pahayag na ito, ano ang nais niyang ipakahulugan sa iyong boses?
A. Malakas at basag B. Hindi ganoon kaganda
C. Kanais-nais kung mag-eensayo D. Maaaring ilaban sa mga patimpalak

47. May isang parokyano sa isang kainan na umorder ng kanyang pananghalian at nagsabi ng
ganito sa isang serbidora: “Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?” Ano ang nais niyang
sabihin sa serbidora?
A. Hindi niya gusto ang tubig na malamig.
B. Humihingi siya ng tubig na hindi malamig.
C. Bawal siyang uminom ng tubig na malamig.
D. Nagtatanong kung may tindang di malamig na tubig.

48. Ano ang ibig sabihin ng mga magulang kapag sinabihan ang kanilang anak ng ganito
“Papunta ka pa lang, pabalik na ako”?
A. Napagdaanan ko na ‘yan. C. Huwag kang pasaway.
B. Makinig ka sa eksperto. D. Hindi mo ako maloloko.
49. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga talata sa pagsulat ng haypotetikal na
kongklusyon ng "Wikang Filipino, Sa Makabagong Panahon"?

I. Mahalaga na makita ng mga kabataan ang importansya ng Wikang Filipino sapagkat


sila ang pag-asa ng bayan at ang Wikang Filipino ang isa sa magiging tulay natin
upang mas mapalago ang ekonomiya ng isang bansa.
II. Sa paglipas ng panahon, umunlad/nagbago at umuunlad/nagbabago ang Wikang
Filipino na kailangan nating tanggapin at gawin itong benepisyal para sa ekonomiya
at sa pagiging Pilipino. Sa pagtapos ng pananaliksik, masasabing ang teknolohiya ay
isa sa mga salik kung bakit nagbago at nakaligtaan ng karamihan sa kabataan ang
Wikang Filipino sa kasalukuyan.
III. Masasabing hindi lingid sa kaalaman ng mga kabataan ang imporatansya at
kahalagahan ng Wikang Filipino ngunit ang mga pangunahing kaalaman na meron
sila ay dapat pang lingangin upang mas maunawaan pa nila at mahalin ang Wikang
Filipino.
A. II, I, at III B. I, III, at II C. II, III at I D. I, II at III

50. Nais ni Imee Mendoza sa kanyang pag-aaral na matuklasan ang epekto ng modular na
modal ng pag-aaral sa mag-aaral na nag-aaral ng wika at kultura, alin sa sumusunod ang
una niyang dapat gawin para sa isinasagawang pag-aaral?
A. Magsuri ng mga modular na pamamaraan ng pag-aaral
B. Magsulat ng mga sulatin tungkol sa modular na pag-aaral
C. Magsagawa ng sarbey sa mga taong nag modular sa pag-aaral
D. Magbasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral tungkol sa paksa

51. Alin sa sumusunod na hakbang sa pananaliksik sa baba ang nagpapakita ng paglalapat


ng teoryang ginamit sa pag-aaral?

Matapos ang paghahanda ng dalawang aklat, inisa-isa ng mananaliksik ang mga


tuntuning pambalarila at lumikha ng talahanayan ng mga paksa upang lumikha ng
isang hambingang magiging batayan sa pagsusuri. Sinuri at tinala ng mananaliksik ang
lahat ng pagkakatulad at mga pagbabago sa tuntunin at mga katawagan batay sa
inihandang talahanayan. Ang talahanayan ng mga pagbabago ay ipinasuri sa limang
eksperto upang maberipika ang pag-iral ng mga pag-unlad ng mga tuntunin. Ginamit sa
balidasyong ito ang paradima ni Heugen hinggil sa mga x facets bilang batayan sa
paglikha, pag-unlad at pagbabago ng wika.
- DINAMIKONG PAGBABAGO SA BALARILA: ISANG PAGSUSURI SA 60 DEKADANG
REBOLUSYON NG WIKANG FILIPINO ni Alfred Salao Mendoza (2015)

A. pagbabago sa katawagan C. limang eksperto


B. X facets ni Heugen D. dalawang aklat

52. Sa deskriptibong pag-aaral sa Patok Jeep ni Fame Pascua, nais niyang ilarawan ang mga
katangian ng mga patok na jeep. -Palattao 2021.

Alin sa sumusunod ang HINDI angkop na hakbang sa pagkalap niya ng mga datos?

A. Sumakay sa patok Jeep na biyaheng Montalban-Cubao.


B. Tumambay at mag-obserba sa mga terminal na patok jeep.
C. Kapanayamin ang Morales Motors na bumuo ng unang mga Patok na jeep.
D. Alamin sa Spanish-Tagalog Dictionary kung saan nagmula ang salitang Patok.

53. Sa isang pag-aaral tungkol sa Mga Salitang Magkakaugnay sa Wikang Katutubo, layunin
ng mga mananaliksik na matukoy ang mga salitang magkakaugnay sa wikang Filipino at
iba pang mga wikang Katutubo. Alin sa sumusunod ang HINDI angkop na hakbang sa
pagkalap ng mga datos?
A. Magbigay ng sariling opinyon sa paraan ng pagsasalita ng mga Katutubo
B. Magsagawa ng sarbey at interbyu sa iba’t ibang mga katutubong sangkot
C. Bumuo ng hinuha at magbigay ng mungkahi mula sa nakalap na datos sa wika
D. Pagtatala ng mga salitang jargon na magkakatumbas ang baybay sa salitang Filipino
54. Sa pagbuo ng sulating pananaliksik, kailangang planuhin ang paksa o suliraning ibig
gawan ng pag-aaral. Ito ang magsisilbing proposal upang maihanda ang binabalak na
pananaliksik. Anong hakbang ang iyong isasagawa?
A. Pangangalap ng datos C. Pagbuo ng konseptong papel
B. Pagsulat ng unang draft D. Pagbuo ng tentatibong bibliograpi

55. Ikaw ay tumawag sa munisipyo ng inyong pamahalaang lungsod upang itanong ang
iskedyul ng inyong bakuna laban sa COVID-19 virus. Bago mo makausap ang operator sa
telepono, inabot ka muna ng hindi bababa sa tatlompung minutong paghihintay. Kung
isasaalang-alang mo ang teorya ng SPEAKING ni Dell Hymes na Ends, ano ang
pinakamainam na tugon sa kinahaharap na sitwasyon?
A. Hello! Magandang araw! Nais ko po sanang malaman ang iskedyul ng aking bakuna.
Paano ko po ito malalaman?
B. Hello! Matagal po ba talaga kayong sumagot? Aalamin ko po sana kung kalian ang
iskedyul ko ng bakuna.
C. Hello! Connect mo nga ako kay Mayor. Sobra kayo. Kanina pa ako sa telepono.
D. Hello! Sinong kakausapin ko tungkol sa bakuna?

56. Sa iyong pagdalo sa isang panayam, nais mong linawin ang isang katanungan sa iyong
isip. Paano mo ipahahayag nang tama ang iyong tanong sa tagapanayam?
A. Magandang Araw Sir! Linawin mo nga ang paksang tinatalakay ninyo?
B. Magandang Araw Sir! Hindi malinaw ang paliwanag na ibinigay, pakiulit po ito.
C. Magandang araw Sir! Marapatin po sana ninyong mabigyang-linaw ang aking
katanungan.
D. Magandang Araw Sir! Sagutin po ninyo ang mga hindi ko lubos na naunawaan sa
iyong panayam.

57. Nabasa mo ang Facebook post ng kaibigan mo na nanghihingi ng tulong pinansyal para sa
operasyon ng kaniyang tatay. Nais mo ring makatulong kaya gusto mong i-share ang
kaniyang post. Paano mo hihikayatin ang iyong Facebook friends na magbigay ng tulong
sa iyong kaibigan?
A. Parang awa na ninyo. Tulungan natin ang pamilya ng kaibigan ko.
B. Mas nainam magbigay kaysa humingi. Ito na ang pagkakataon mo…
C. Maliit man o malaking halaga ay makatutulong nang malaki sa aking kaibigan.
D. Sana ay maging bahagi kayo sa pagtulong sa aking kaibigang nangangailangan.

58. Maghahating-gabi na, hindi mapakali ang nanay, patingin-tingin sa orasan at sumisilip sa
kanilang gate habang hinihintay ang pagdating ng dalagang anak. Tinanong niya ang
kanyang asawa “Ano na kaya ang nangyari sa ating anak, hanggang ngayon ay hindi pa
siya dumarating?” Ano ang mahihinuha sa pahayag ng ina?
A. naiinip B. nananabik C. nag-aalala D. nag-aabang

59. “Klase, sikaping makadalo sa tamang oras ng ating ‘Synchronous class’ upang masimulan
at maunawaang mabuti ang ating paksang aralin, ang sabi ng guro sa maayos at
malumanay na pamamaraan.” Ano ang mahihinuhang layunin ng nagsasalita?
A. mag-utos B. magsermon C. manghikayat D. mangumusta

60. Nag-uusap kayong magkapatid nang biglang pumunta ang inyong kapatid sa kusina at
sinabing “May tinapay pa pala tayo!”. Ano ang nais ipabatid ng bunsong kapatid?
A. Nagulat siya na may tinapay pa C. Nasigurado niya na may tinapay pa
B. Nalaman niya na may tinapay pa D. Nagtanong siya kung may tinapay pa

You might also like