Fili 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 49

YUNIT IV

REBYU SA MGA
BATAYANG KAALAMAN
SA PANANALIKSIK
ANO ANG
PANANALIKSIK?
ANO ANG
KAHALAGAHAN
PANANALIKSIK?
•Sinasabing ang gawaing pananaliksik ay isinilang ng
magsimulang magtanong ang mga sinaunang tao hinggil sa
mga bagay bagay na pilit din nilang hinahanapan ng mga
kasagutan.
•Ang pananaliksik bilang kasangkapang pang-intelektwal, ay
malaki ang papel na ginagampanan para sa pagtuklas ng mga
makabagong kaalaman, mga datos, at mga katotohanan para
sa ikauunlad ng pamayanan, pulitika, kalakalan, edukasyon at
siyensya upang matamo ang inaasam na pagbabago.
•Nilalayon nito na maghanap ng mga solusyon sa mga
suliraning kinakaharap sa ibat’ibang larangan ng sa gayon ay
mapabuti ang buhay ng tao at ng pamayanan. Sabi nga nina
Good at Scates (1972), “The purpose of research is to serve
man, and the goal of research is to the good life.”
•Ang gawaing pananaliksik ay nakapagpapayaman ng kaisipan
at nakapagdaragdag ng kaalaman. Nangangailangan ito ng
ibayong pagbabasa at malalim na pag-unawa sa mga konsepto
at pag-aaral.
•Hinuhubog nito ang kamalayan ng isang mananaliksik tungo
sa isang mahusay na paglalapat ng interpretasyon.
•Pinalalawak din ng pananaliksik ang karanasan ngisang
manunulat sa pamamagitan ng pagsinop ng mahahalagang
datos at paghahanap ng mga kaugnay na literatura. Dahil sa
pananaliksik, tumataas ang respeto ng mananaliksik sa
kanyang sarili lalo na at kung naging matagumpay ang
kinalabasan ng kanyang pag-aaral.
MGA BATAYANG
KAALAMAN SA
PANANALIKSIK
•Ayon kay Clarke at Clarke (2005), ang pananaliksik ay
isang maingat, masistematiko at obhetibong
imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng
mga balidong katotohanan, makabuo ng konklusyon at
makalikha ng mga simulaing kaugnay ng inilahad na
suliranin batay sa iba’t ibang larangan o disiplina.
•Ayon naman kay Nuncio, et. al. (2013), ang pananaliksik ay
isang lohikal na proseso ng paghahanap na obhetibong sagot
sa mga katanungan ng mananaliksik na nakabatay sa suliranin
at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming
kaalaman at kasanayan upang makatugon sa pangangailangan
ng tao at ng lipunan.
•Ayon naman kay Aquino (1994), ang pananaliksik ay
sistematikong paghahanap sa mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
• Ang pagkalap ng impormasyon sa pananaliksik ay kailangang sistematiko,
matalino at etikal.
• Sistematiko dahil isa sa kahingian nito ay ang pagsunod sa isang
pinaghandaang proseso. May mga hakbang na kailangan sundin upang
maging tiyak na tama at maasahan ang mga datos na makakalap.
• Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging iskolar ng mananaliksik.
Nararapat lamang na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa
paksang kanyang pag-aaralan, my sapat syang kaalaman kung paano pipiliin
ang impormasyon, kaya ng lapatan ng ang mga ito ng malalim na pagsusuri
at kaya niyang pangatwiranan at ipaliwanag ang halaga ng ginagawang
pananaliksik.
•Etikal naman ito dahil kailangang panatilihin ng
mananaliksik ang katapatan sa buong proseso at iwasan
hangga’t maari ang paglabag sa karapatan ng ibang tao na
maaring masangkot sa pananaliksik gaya ng repondante, o
mga awtor ng sangguniang gagamitin niya.
•Samakatuwid, ayon sa kahulugan na ibinigay ng mga
eksperto, ang pananaliksik ay isang siyentipiko at obhetibong
pag-aanalisa ng mga datos gamit ang pinakaepektibong
metodo at teorya upang makabuo ng mabisang paglalahat
hinggil sa suliranin ng pananaliksik.
Layunin ng Pananaliksik
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay preserbasyon at
pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao (Bernales, et
al.,2018).
1. Upang makadiskubre ng bagong kaalamn hinggil sa mga batid
nang penomena
2. Upang makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na
nalulutas ng mga umiiral na merodo at impormasyon.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng
bagong instrumento o produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance o elements.
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang substances at
elements.
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya, sa kalakalan, industriya,
edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
8. Mapalawa o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.
9. Upang mapaunlad ang sariling kaalaman.
10. Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang
partikular na bagay
• Sa paaralan, karaniwang rekwarment ang pananaliksik sa mga
mag-aaral. Ito ay isang akademikong pangangailangan sa kahit na
anong larangan o disiplina. Ang dahilan nito ay ang katotohanang
walang larangan o disiplina na hindi maaring umaagapay sa patuloy na
pagbabago ng panahon. Kaakibat na ng modernisasyon ang
pananaliksik upang makasabay ang tao sa agos ng buhay at sa mga
pagbabago sa paligid at sa lipunan sa ano pa mang larangan.
• Ang paggawa ng pananaliksik sa akademya ay isang paghahanda hindi
lamang sa kanilang propesyon, kundi isa itong pagsasanay sa
siyentipikong pagdulog sa paglutas ng mga suliranin sa iba’t ibang
larangan upang mapabuti ang buhay at kinabukasan ng mamamayan at
matamo ang pagbabagong inaasam.
Katangian ng Pananaliksik
Ayon kay Bernales, et al. (2018), ang pananaliksik ay
nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
1. Sistematik. May sinusunod na proseso o
pagkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon
ng pananaliksik.
2. Kontrolado. Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang
maging konstant. Hindi dapat baguhin, anomang pagbabagong
nagaganap sa asignatura o pinag-aaralan ay maiuugnay sa
eksperimental na baryabol na kailangang-kailangan sa mga
eksperimental na pananaliksik.
3. Empirikal. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga
pamamaraan ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos
na nakalap.
Mga Kasanayan sa Pananaliksik
❖May iba’t ibang yugto at proseso ang pananaliksik.
Mahalagang matamo ng mananaliksik ang mga
kognitibong kakayahan sa larangan ng pagbasa at
pagsulat. Dapat ang isang mananaliksik ay bihasa sa
gawaing pananaliksik upang maging matagumpay sa
gawaing ito.
MGA KASANYAN SA PANANALIKSIK

Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik Pagpili ng Batis Impormasyon

Pagbasa, Pagsulat ng Paraphrase , Presentasyon at Publikasyon ng


Abstrak at Rebyu Pananaliksik

Akademikong Publikasyon Presentasyon ng Pananaliksik


Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
•Isang makabuluhang gawain ang pananaliksik lalo na kung
naisaalang-alang sa pagsasagawa nito ang mga
pangangailangan ng lipunan. Sa kasalukuyan, kahit malayo na
ang narating ng Pilipinas, patuloy pa rin na umaasa ang mga
Pilipino sa banyagang kaalaman.
•Nanatili pa ring hamon para sa mga Pilipinong iskolar at
mananaliksik na paunlarin ang maka-Pilipinong pananaliksik
na may kaibahan sa tradisyunal na pananaliksik ng mga bansa
sa kanluran.
Inisa-isa ni Sicat-De Laza (2016) sa aklat nina San Juan, et al.
(2019) ang mga katangian ng maka-Pilipinong pananaliksik.
1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at
mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang
malapit sa puso at isipan ng mga mamamayan.
2. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang
pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa
sambayanang Pilipino.
3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.
Sa pamimili ng paksa, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod na
mga batayan (San Juan, et al., 2019).
1. Pumili ng paksang may sapat na sangguniang pagbabatayan.
Nararapat na ang paksang napili ay may sapat na literaturang
pagbabatayan ng sa ganun maging malawak ang mapagkukunan ng
impormasyon batay sa paksa. Kapag bago ang paksa, karaniwan na
limitado ang mga batayan at hindi magiging mabisa ang pagtalakay dito.
Makatutulong din na ang paksang napili ay hango sa mga paksang
inilimbag na sa mga journal o iba pang babasahin upang magkaroon ng
sapat na basehan sa gagawing pagtalakay sa paksang napili.
2. Pumili ng paksang limitado lamang at hindi malawak
ang saklaw. Para maging mabisa at makatotohanan ang
gagawing pagtalakay, gawing ispisipiko lamang ang
paksa. Kapag limitado ang paksa, nagkakaroon ng tiyak
na pokus ang gagawing pananaliksik. Ang isang
malawak na paksa ay pwedeng limitahan ng sa gayon
ay hindi masyado malawak ang gagawing pag-aaral.
Halimbawa:
Paksa: Asignaturang Filipino
Paglimita sa paksa
Nilimitahang Paksa: Persepsyon ng mga Guro at Mag-aaral sa Pag-aalis
ng Asignaturang Filipino
Maaaring gamitin bilang batayan ang mga sumusunod sa paglilimita
ng paksa.
Paksa: Pangkat -Lugar -Panahon
Nilimitahang paksa: Persepsyon ng Mga Guro at Mag-aaral sa
Pambansang Pamantasan ng Batangas sa Planong Pagtanggal sa Filipino
Bilang Disiplina sa Kolehiyo T. P. 2019-2020
•Sa kabuuan ng pagtalakay sa paksa, malilimitahan pa ito kung
pipili lamang ng isang Programa sa Kolehiyo, halimbawa
Batsilyer sa Edukasyon, kung saan isasagawa ang
pananaliksik.
•Batay kay Bernales, et al., (2018), may mga batayan ng
paglilimita ng paksa. Tulad ng (a) panahon; (b) edad; (c)
kasarian; (d) perspektibo; (e) lugar; (f) propesyon o grupong
kinabibilangan; (g) anyo o uri: (h) partikular na halimbawa o
kaso; (i) kombinasyon ng mga nabanggit na batayan.
3. Mahalaga na ang napiling paksa ay makapag-aambag
ng bagong kaalaman. Hindi na mahalaga kung bago o
luma ang paksa. Tungkulin ng mananaliksik na bigyan
ng makabagong dimensyon ang paksa upang ang ang
ginawang pagsusuri, konklusyon at rekomendasyon at
batay sa bagong nakalap na datos. Sa ganitong paraan,
hindi magiging duplikasyon ang isinagawang
pananaliksik.
4. Gagamit ng sistematikong at siyentipikong paraan upang
mabigyan ng kasagutan ang mga inilahad na suliranin sa
pananaliksik. Tiyakin na ang mga suliraning inilahad sa
pananaliksik ay hindi lamang masasagot ng mga
impormasyong makukuha sa internet o sa mga aklat. Ito ay
mga pangkalahatang impormasyon na hindi na
nangangailangan ng siyentipikong pamamaraan. Sa
pananaliksik, masasagot ang mga inilahad na suliranin sa
pamamagitan ng sistematiko at siyentipikong pamamaraan.
5. Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na
kaalaman sa paksa. Mahalaga na ang mapipiling paksa
ng pananaliksik ay naayon sa disiplina ng mag-aaral ng
sa gayon ay may sapat siyang kaalaman sa napili niyang
paksa. Hindi magiging madali ang gagawing pagtalakay
kung salat sa kaalaman at malayo sa interes ng
mananaliksik ang paksang pag-aaralan.
Pagpili ng Batis ng Impormasyon
Ang isang mahusay na pananaliksik ay nakabatay sa bisa ng
mga nakahanay na datos at impormasyon. Mahalaga ang
wastong pagpili ng mga pagkukunan ng mga datos at
impormasyon na ito upang maging makabuluhan ang gagawing
pananaliksik. May mga gabay sa tamang pagpili ng sanggunian
sa pananaliksik batay sa aklat nina San Juan, et al. (2019).
1. Tiyakin na ang sanggunian ay isang akademiko. Mas
mabigat na salalayan ang isang akademikong
sanggunian sapagkat naglalayon itong magbigay linaw
sa iba’t ibang miyembro ng akademikong komunidad
tulad ng mga mag-aaral, guro at mga iskolar hinggil sa
paksa. Obhetibo ang pagtalakay sa paksa at dumaan sa
masusing ebalwasyon kaya ito ay mapagkakatiwalaan.
2. Tukuyin ang uri ng sanggunian. Ang akademikong sanggunian
ay pwedeng nakalimbag o online. Halimbawa nito ay aklat,
journal, artikulo. May iba’t ibang uri ng website na pwedeng
hanguan ng impormasyon. Kapag ang web page Uniform Resource
Locators ay nagtatapos sa .edu ito ay nabibilang sa institusyong
pang-edukasyon o akademiko. Halimbawa: academia.edu.
Maituturing naman na ang hanguan ay isang organisayon kung ito
ay nagtatapos sa .org. Halimbawa: digital compas.org. Ang URL
na nagtatapos sa .com ay nabibilang sa komersiyo o bisnes.
Halimbawa: gmail.com.
3. Alamin kung ang sanggunian ay primarya o sekundarya.
Maituturing na primarya ang sanggunian kung ito ay nagbibigay ng
direktang katibayan tungkol sa paksa ng pananaliksik at maituturing na
orihinal na ebidensiya. Ang ilang mga halimbawa nito ay panayam,
awtobiyograpiya, talaarawan, bahagi ng akademikong sulatin,
kinalabasan ng isang eksperimento at mga legal at historikal na
dokumento, survey, at police report. Ang mga halimbawa naman ng
sekundaryang sanggunian ay aklat na nagtasa at naglahad ng mga
sintesis mula sa primaryang sanggunian at artikulo sa journal.
Magagamit din ang mga sekundaryang sanggunian upang mapalawak at
mapayaman ang isang pananaliksik.
Pagbasa at Pagsulat
ng Paraphrase,
Abstrak at Rebyu
Paraphrase
Ang paraphrase ay tumutukoy sa pagsasalin ng ideya
ng orihinal na teksto sa mabisa at malinaw na
pananalita na hindi nababago ang tunay na kahulugan.
Ang paraphrasing ay nakatutulong upang mas
mapabilis ang pagbibigay kahulugan sa binasang
teksto. Sa pagsulat ng paraphrase inilalagay ang
pinagkunan ng orihinal na teksto (APA Style, n.d.)
Abstrak
• Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal lektyur, at
mga report. Ito ay karaniwang makikita sa unahan ng pananaliksik na
naglalahad ng buod ng akdang akademiko o ulat. Kinapapalooban din ito ng
mga layunin ng pag-aaral at ang suliranin ng ginawang pananaliksik.
• Ayon kay Koopman (1997), nagtataglay ang abstrak ng introduksyon, mga
kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon. Nakatutulong ang
abstrak upang madaling maunawaan ng mambabasa ang mahahalagang puntos
sa isang akademikong sulatin ng hindi na kailangan na basahin pa ang
kabuuan nito.
Ayon kay Gervacio, (2020), may mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak.
1. Lahat ng nakasulat sa abstrak ay dapat nakapaloob sa kabuuan ng papel.
2. Hindi isinusulat sa abstrak ang detalyadong pagpapaliwanag ng mga datos
para pahabain ito.
3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak
4. Gumamit ng malinaw at direktang pangungusap. Iwasan ang pagiging
maligoy sa pagsulat ng abstrak.
5. Maging obhetibo. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan.
6. Gawing maikli subalit komprehensibo ang pagsulat ng abstrak kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalatang nilalaman ng pananaliksik.
Rebyu
•Ayon kina San Juan, et al. (2019), ang rebyu ay isang uri ng
pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang
akda batay sa nilalaman, istilo at anyo ng pagkakasulat nito.
•Naglalaman din ito ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay
sa personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng
rebyu. Gumagamit ang mga nagsusulat ng panunuri sa rebyu
upang magbigay linaw sa nilalaman ng akda ng sa gayon ay
madaling maunawaan ito ng mambabasa.
Akademikong Publikasyon
• Ayon kay De Laza (n.d.), hindi kompleto ang ginawang pananaliksik
kung wala itong publikasyon. Maaaring ilathala ang pananaliksik,
buod, pinaikling bersyon o isang bahagi nito sa pahayagan o
pampahayagang pangkampus, conference proceedings, monograph,
aklat o sa refereed research journal. Ang pinakatanggap at balidong
paraan sa akademikong publikasyon ay mapapasama sa isang refeered
research journal sa anumang larangan ng pananaliksik. Ang nabuong
pananaliksik ay dumadaan sa peer review, isang proseso kung saan
ang manuskrito o artikulo ay dumadaan sa screening o serye ng
ebalwasyon bago mailimbag ang journal.
Inisyal na Hakbang ng Paglalathala sa Isang Research Journal
Presentasyon ng Pananaliksik
• Ayon ay De Laza, (n.d.), ang presentasyon ng pananalisksik ay isang paraan
ng pagbabahagi ng ginawang pananaliksik sa mga lokal, pambansa at
pandaigdigang kumperensiya. Ang pagpapalitan ng kaalaman sa
pamamagitan ng pampublikong gawain tulad ng simposyum, forum,
kumperensiya, at iba pa at mahalagang gawain na dapat linangin sa loob at
labas ng akademya.
• Sa pamamagitan nito ay nalilinang ang kagustuhan ng mga miyembro ng
akademya na maghanap ng mas mataas na antas ng kaalaman at uri ng
pag-iisip. Sa pamamagitan din nito ay nagiging makabuluhan at
napapanahon ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral at nadadala sa loob
ng silid-aralan. Sa ganitong gawain ay nailulugar din ang papel ng
akademya sa lipunan .
Mga Gabay sa Rebisyon
•Rebisyon ang pinakahuling proseso sa proseso ng
pananaliksik. Sa pamamagitan nito, natutuklasan ng
mananaliksik ang kahinaan ng ginawang pananaliksik,
pagkakamali sa padron ng gramatika at sistematisasyon ng
ideya. Sa rebisyon, nahahasa rin ng mananaliksik ang
analitikal na kakayahan sa pagbasa. Nagagamit ang
kakayahan sa paraphrasing sa pagwawasto ng ideya,
napapalakas at napapalalim ang argumentong nabuo sa
pananaliksik.
Naglahad ng mga gabay si De Laza, (n.d.) sa pagrerebisa ng
sulating pananaliksik.
1. Tukuyin ang pangunahing punto ng papel pananaliksik.
2. Tukuyin kung sino ang mga magbabasa ng pananaliksik at
kung ano ang mga layunin nito.
3. Tasahin ang iyong mga ebidensiya.
4. Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng
pananaliksik.
5. Pakinisin ang gamit na wika sa kabuuan ng
papel-pananaliksik.
Mga Pahinang Preliminari o Front Matters

a. Fly Leaf
b. Pamagating Pahina
c.Dahon ng Pagpapatibay
d. Pasasalamat o Pagkilala
e. Talaan ng Nilalaman
f. Talaan ng mga Talahayanan at Grap
g. Fly Leaf 2
Kabanata I : Suliranin at Kaligiran nito
a. Panimula o Introduksyon
b. Layunin ng Pag-aaral
c. Kahalagahan ng Pag-aaral
d. Saklaw at Limitasyon
e. Depinisyon ng mga Terminilohiya
Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral
at Literatura
• Pag-aaral ng mga babasahin o literaturan kauganay ng paksa sa
pananaliksik.
• Hanggga't maaari tiyaking ang mga materyal na gagamitin ay nagtataglay
ng mga sumusunod na katangian;
a. obhektibo
b. nauugnay o relevant sa pag-aaral
c. sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami
Kabanata III: Disenyo at Paraan ng
Pananaliksik
a. Disenyo ng Pananaliksik
b. Mga Respondente
c. Instrumento ng Pananaliksik
d. Tritement ng mga Datos
Kabanata IV. Presentasyon at
Interpretasyon ng mga Datos
•Inilalahad ang mga datos na nakalap ng mga
mananaliksik sa pamamagitan ng tekstuwal ,
tabular o grapik na presentasyon.
Kabanata V: Lagom, Konklusyon at
Rekomendasyon
a. Lagom
b. Konklusyon
c. Rekomendasyon
MGA PANGHULING PAHINA
Sanggunian
•mga aklat
•magasin
•artikulo
•hanguang elektroniko
Apendiks o Dahong Dagdag
Curriculum Vitae
APA - American Psychological Association

Aklat
Amog, Maybel V. et. al. (2000). Kawil: (Kasanayan sa wika at
literatura) III. Rex Book Store, Inc.
Di-Nalathalang Tesis
Taruc, Zendel Rosario M. (2015) “Pagbuo ng isang mungkahing
Modyul para sa pagtuturo ng pagsulat sa baitang 12”: Undergraduate
thesis. De La Salle University. Malate, Manila.

You might also like