LP 8 Pag Usbong NG Nasyonalismo Sa Europa at Ibat Ibang Bahagi NG Daigdig

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

a

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY


College of Teacher Education

Banghay-Aralin sa Pagkatuto ng Araling Panlipunan 8


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
sa naging transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at
rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa agham, politika,
at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigan kamalayan
B. Pamantayan sa Pagganap: Kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon
sa kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng
transpormasyon tungo sa makabagong panahon.
C. Pamantayan sa Pagkatuto: Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong
ng Nasyonalismo sa Europa at iba't ibang bahagi ng daigdig (AP8PMD-IIIi-
10)
D. Learning Outcomes: Pagkatapos matalakay ang aralin, ang mga mag-aaral sa
ika-9 grado ay kailangang:
● makapagbigay ng sariling kahulugan ng Nasyonalismo;
● maipahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo;
● matukoy ang mga pinuno at bayaning nanguna sa paglunsad ng
Nasyonalismo;
● mailarawan ang mga pangyayari upang makamit ang Nasyonalismo; at
● Makasali ng aktibo sa klase.

II. Nilalaman

A. Paksa: Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at iba’t ibang bahagi ng


daigdig
B. Pagpapahalaga: pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa sakripisyo ng ibang
tao, pagrespeto sa mga paniniwala ng iba

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
a
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

III. Kagamitan

A. Sanggunian
Araling Panlipunan 8 - Ikatlong Markahan Modyul 6. Pag-usbong ng
Nasyonalismo sa Europa at Iba’t-Ibang Bahagi ng Daigdig. Self Learning
Module.

B. Iba pang Sanggunian

Amelie Anne Santos. (2022, March 30). Nasyonalismo sa Europa at Iba’t


Ibang Bahagi ng Daigdig [Video]. YouTube. Retrieved on March 2,
2024 from https://www.youtube.com/watch?v=hBVH8dcagU4

JIT ELEMENTO. (2021, May 24). NASYONALISMO SA EUROPA AT SA


IBA’T-IBANG BAHAGI NG DAIGDIG [Video]. YouTube. Retrieved on
March 2, 2024 from https://www.youtube.com/watch?v=0fvmD23zxdI

Q3 AP 8 - Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba’t-ibang Bahagi ng


Daigdig.pptx. (2023, January 19). [Slide show]. SlideShare. Retrieved on
March 2, 2024 from https://www.slideshare.net/PaulineMae5/q3-ap-8-
pagusbong-ng-nasyonalismo-sa-europa-at-ibatibang-bahagi-ng-
daigdigpptx

C. Kagamitan
Laptop, projector, pisara at tisa

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
a
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

IV. Pamamaraan/ Istratehiya

Gawaing Guro
Lunsaran (Never Have I Ever)

a. Magbibigay ang guro ng mga ibat-ibang sitwasyon na kung saan maaaring


naranasan na ng mga mag-aaral ang mga ito o hindi pa.
b. Sa bawat aytem, sisiyasatin ng mga mag-aral ang kanilang mga sarili kung ang
ibinigay na sitwasyon ay naranasan na nila o hindi pa.
c. Kung I have ang kanilang sagot, kailangan nilang itaas ang kanilang thumbs up
reaksyon bilang pagsang-ayon sa ibinigay na sitwasyon. Kung never naman,
thumbs down na reaksyon ang kanilang ipapakita at itataas.

1. Dumadalo sa mga pambansang pagdiriwang tulad ng Buwan ng Wika, Araw ng Kalayaan


at iba pa.
2. Sinusuportahan ang mga atletang Pilipino na naglalaro sa Olympics o iba pang
internasyonal na kompetisyon.
3. Nagbigay ng donasyon upang makatulong sa mga kababayan na nasalanta ng mga
kalamidad tulad ng bagyo at lindol.
4. Panghuhusga sa mga dayuhan o ibang lahi batay sa kanilang pananaw at kilos na iba sa
paniniwala ng mga Pilipino.
5. Labis na pagsuporta o pagtangkilik sa mga kultura at produkto ng ibang bansa kaysa sa
mga lokal o sariling atin.
6. Pamalagiang pagdalo sa Flag Ceremonies at paggalang sa mga pambansang simbolo tulad
ng watawat.
7. Pagsang-ayon sa pagbabago sa kasaysayan upang maging pabor sa isang partikular na
panig o ideolohiya.
8. Pipapahalagahan ang edukasyon lalo na tungkol sa Pambansang Wika, Kultura at
kasaysayan.
9. Pagtangging bumoto sa eleksyon o hindi nakikilahok sa matalinong pagpili sa mga
kandidato
10. Ginagamit ang Pambansang Wika bilang pangunahing wika sa komunikasyon at
pakikipagtalastasan.

Mga gabay na Tanong:


1. Ano ang nasyonalismo?

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
a
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

2. Paano nga ba natin maipapahayag o sa anong pamamaraan ba natin maipapakita ang


pagiging isang nasyonalista?

Paglinang sa Aralin
Aktibidad (PowerPoint Presentation and Socratic Method)

A. Ipapaliwanag ng guro ang pinagmulan ng nasyonalismo sa pamamagitan ng PowerPoint


presentation.

B. Habang nagpapaliwanag ay magtatanong ang guro ng iba’t ibang katanungan tungkol sa


topiko.

Mga gabay na tanong:


1. Kailan nga ba nagsimula ang nasyonalismo?
2. Bakit lumaganap ang nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig?
3. Ano-ano ang mga pangyayaring naging dahilan ng pag usbong ng nasyonalismo?

Analisis (Timeline)

A. Ipapaliwanag ng guro ang mga pangyayari sa Europa at sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na
nagpa-usbong ng nasyonalismo.

B. Habang nagpapaliwanag magtatanong ang guro ng mga kaakibat na katanungan sa mga mag-
aaral upang matukoy ang kanilang nalalaman at mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na magbahagi ng kanilang ideya.

C. Magtatawag ng mag-aaral ang guro upang sumagot.

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
a
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

● Mga taong nagpamalas ng nasyonalismo at mga kaganapan sa kanilang pamumuno.


○ Louis Napoleon o Napoleon III (France- 1851)
■ (Itinatag ang Ikalawang Republika ng France)
○ Count Camilio di Cavour (Hilagang Italy)
■ ( Layunin ng kanyang pamumuno na muling pag isahin ang bansang
Italya)
○ Giuseppe Garibaldi (Timog Italy)
■ (Matagumpay na napagbuklog ang Italy maliban sa Rome at Venetia)
○ William I (Germany mula sa France- July 19, 1870)
■ (Pagsiklab ng Franco Prussian War)
○ Czar Nicholas II (Russia)
■ (Pagtatag ng October Manifesto at Constitutional Monarchy)
● Nasyonalismo sa Africa, Hilagang Amerika at Latin Amerika
○ Tupac Amaru (Peru-1780)
■ (Pagwawakas ng sapilitang paggawa, pagbubuwis at pagkakaroon ng
posisyon ng Indian bilang Gobernador)
○ Mestizo at Creole (Colombia-1781)
■ (Dahil sa pagpataw ng mataas na buwis)
○ Jean Jacques Dessalines ( Haiti)
■ (Pagtagumpay na pagkamit ng kalayaan)
○ Simon Bolivar (Great Colombia)
■ (Pagkapanalo sa rebolusyon)(George Washington)
○ Jose de San Martin (Argentina, Chile at Peru- December 9, 1824)
■ (Winakasan ang pananakop ng kastila)
○ Padre Miguel Hidalgo (Mexico) (Kinilala ang kanyang pag-aalsa bilang araw ng
kalayaan sa Mexico)

Pagninilay (Mix and Match)

A. Gamit ang Hanay B hahanapin ng mga mag-aaral ang mga pangyayaring nag usbong ng
nasyonalismo sa ilalim ng mga pamumuno ng mga lider sa Hanay A.

B. Magtatawag ng pangalan ng mag-aaral ang guro upang ibahagi ang kanyang kasagutan
sa klase.

Hanay A Hanay B

A. Louis Napoleon o Napoleon III a. Kinilala ang kanyang pag-aalsa bilang araw
ng kalayaan sa Mexico

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
a
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

B. Count Camilio di Cavour b. Winakasan ang pananakop ng kastila

C. Giuseppe Garibaldi c. Itinatag ang Ikalawang Republika ng France

D. William I d. Dahil sa pagpataw ng mataas na buwis

E. Czar Nicholas II e.Pagkapanalo sa rebolusyon at tinawag na


George Washington

F. Tupac Amaru f. Pagtagumpay na pagkamit ng kalayaan

G. Mestizo at Creole g. Pagsiklab ng Franco Prussian War

H. Jean Jacques Dessalines h. Pagtatag ng October Manifesto at


Constitutional Monarchy

I. Simon Bolivar i. Layunin ng kanyang pamumuno na muling


pag isahin ang bansang Italya

J. Jose de San Martin j. Matagumpay na napagbuklog ang


Italy maliban sa Rome at Venetia
K. Padre Miguel Hidalgo k. Pagwawakas ng sapilitang paggawa,
pagbubuwis at pagkakaroon ng posisyon ng

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
a
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

Indian bilang Gobernador

Aplikasyon (Hero Ko Si)

A. Gamit ang isang maikling talata, magiisp ang mga mag-aaral ng bayani o kahit sinong tao
na nagpamalas ng nasyonalismo sa bansa.
B. Pipili sila ng taong nakitaan nila ng labis na pagmamahal sa bayan at ipapaliwanag kung
paano nila ipinakita ang nasyonalismo.

Mga gabay na tanong:


1. Sino ang bayani o kahit sinong tao ang nakitaan ko ng labis na pagmamahal sa bayan?
2. Bakit siya ang napili ko?
3. Paano niya ipinamalas ang nasyonalismo sa bayan? Ipaliwanag.

Pangwakas na Gawain (Share mo Yan Teh!)

A. Pagkatapos ng talakayan, bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng dalawang minuto


upang magbalik-aral sa paksang tinatalakay.
B. Pagkatapos ng dalawang minuto ay magtatawag ang guro ng mag-aaral upang ibahagi sa
klase ang kanyang natutunan.

Mga gabay na tanong:


1. Anong mga bagong impormasyon ang natuklasan mo sa ating naging talakayan?
2. Paano mo maisasalaysay ang kahalagahan ng paksa sa iyong buhay?

V. Takdang Aralin (Poster Slogan)

Magkakaroon ng takdang aralin ang mga mag-aaral na kung saan ay sila ay gagawa ng Poster
Slogan na sumisimbolo o nagpapakita at pagpapahiwatig ng nasyonalismo.

Panuto: Gamit ang isang A4 size bond paper, gumawa ng isang Poster Slogan na nagpapahiwatig
at pamamaraan upang maipakita ang nasyonalismo sa bansa. Ipasa ito sa susunod na pagkikita.

PAMANTAYAN SA PAGPUNTOS
PAMANTAYAN PUNTOS

NILALAMAN 10

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
a
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

PAGKAMALIKHAIN 10

ESTRUKTURA AT ORGANISASYON 5

Cathleen P. Luis & Amelia Eunice Marcelo


BSE Social Studies IV-A

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


cte@mmsu.edu.ph (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

You might also like