Panukalang Proyekto Josef Alhambra

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

* Ayon kay Besim Nebiu

- ang Panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawain na


naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.

- Ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na


pagsasanay. Una sa lahat, ito ay kailangang maging tapat na dokumento na ang layunin ay
makalikha ng positibong pagbabago.

* Ayon kay naman Bartle

- kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa


pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang,
sa halip ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito.

- Ito ay isinusumite sa isang nararapat na ahensiya o kapisanan para sa implementasiyon o


pondo.

* Proponent ng Proyekto – Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmungkahi ng proyekto.

* Aprubal- ito ay kailangan para mabigyang hudyat ang opisyal na pagsisimula ng proyekto.

------------ URI AYON SA KINABIBILANGANG ORGANISASYON NG PROPONENT ----------

* Internal- ito ay uri ng panukalang proyekto na yaong inihahain sa loob ng kinabibilangang


organisasyon.

* External- ito ay uri ng panukalang proyekto para sa oragainsasyong di-kinabibilangan ng


proponent

------------ URI AYON SA LAYUNIN


- Solicited/invited/imbitado- ito ay isang panukalang proyektong isinasagawa dahil may pabatid
ang isang organisasyon sa kanilang pangangailangan ng isang proyekto.

- Unsolicited/prospecting- ito ay isang uri ng panukalang proyekto na kung saan wala naman at
kusa o nagbabaka-sakali lamang ang proponent.

----------- YUGTO NG PAGPAPLANO


1.) Sagutin ang mga tanong na:

2.) Bakit ko nais ihain ang proyektong ito?

3.) Ano-ano ang mga layunin nito?


4.) Bakit kailangang isagawa ito?

5.) Paano ko ito gagawin?

6.) Saan at kailan mangayayari ang proyekto?

7.) Gaano ito katagal?

8.) Magkano ang magagastos nito?

9.) Sino-sino ang makikinabang sa proyekto?

--------- format ng isang panukalang proyekto---------

*Pangalan ng Proyekto

- Makikita rito ang malinaw na isasagawang proyekto, kung sasan isasagawa at kung sino/alin
ang mga tagatanggap. Dapat ito ay tiyak at maikli hangga’t maaari.

Ilang karagdagang patnubay;

- Isa-isahin dito ang mga baryabol ng proyekto.

*Proponent ng Proyekto

- Sa bahaging ito ay ipinapakilala kung sinong indibidwal o aling organisasyon ang nagmungkahi
ng proyekto. Ibabahagi rin rito ang tirahan, telepono at tungkulin ng utak ng proyekto.

Ilang karagdagang patnubay;

- Tiyakin na lahat ng kasangkot sa pagpapanukala ng proyekto ay maitatala.

* Klasipikasyon ng Proyekto

-Ilarawan kung sa aling gawain kabilang ang panukalang proyekto. (Ito ba ay pang-agrikultura,
pang-edukasyon, pangkalusugan o iba pa?)

Ilang karagdagang patnubay;

- Suriing Mabuti ang kabuuuan ng proyekto. Mas mainam na iba-ibang proyekto kada taon ang
isasagawa.

*Kabuuang Pondong Kailangan

- Isa-isang itatala ang lahat ng mga kagastusan at ang kabuuang ponding kinakailangan upang
matagumpayb na maisakatuparan ang proyekto.

Ilang karagdagang patnubay;


- Magsaliksik ng mga ahensiya ng gobyerno, mga foundation, pribado at boluntaryong ahensiya
na maaaring maging donor. Maaari rin maging malikhain upang makapangalap ng pondo at
dapat ay praktikal ang buong proyekto. Ang badyet ay dapat na makatotohanang estimasyon ng
lahat ng gastos sa pagsasagawa at pagpapalakad ng proyekto.

*Rasyonale ng Proyekto

-Ito ang batayan ng pagsasagawa ng proyekto. Ipapakita rito ang kahalagahan ng panukalang
proyekto. Ang bahaging ito ang susuporta kung bakit kailangan ang proyekto. Sa madaling
salita, ito ang pagkilala sa problema.

Ilang karagdagang patnubay;

- Makakatulong din na ilahad kung paano nabuo ang panukalang proyekto. Ibig sabihin nito ay
dapat pangalanan ang problema at isaad kung nasaan ang problema. Isinasaad dito ang pakay
na grupo, mga makikinabang), ang sector, ang lawak o laki, at iba pang mga kasama sa
paglunas sa problema. Tandaan na lahat ng nakasulat dito ay magpapatunay sa
pangangailangan ng tulong o pondong inyong hinihingi.

*Deskripsyon ng Proyekto

- Ang proyekto ay ilalarawan ng malinaw.

Ilang karagdagang patnubay;

- Makatotohanang ilarawan ang kaligiran ng proyekto. Huwag haluan ng kasinungalingan o


pagyayabang.

* Layunin ng Proyekto

- Isasaad din ang layunin sa pagsasagwa ng Gawain at ilalahad ang kalendaryo ng mga gawaini.

Ilang karagdagang patnubay;

- Dapat na ang pangkalahatang layunin ng inyong proyekto ay lunasan ang problema o mga
problema na isinasaad sa background. (Unahini ang mga “goals” na pangkalahatan,
pangmahabang panahon at malawak na adhikain. Mula dito, bumuo ka ng mga tiyak na na
layunin o “objectives” na mapapatunayan, masusukat may katapusan, at may tiyak na petsa na
makakamit.

* Mga kapakinabangang dulot

-Ilalahad kung sino ang mga makikinabang at isa-saad din ang mga kapakinabangang
makukuha matapos ang proyekto.

Ilang karagdagang patnubay;


- Makikita dapat kung gaano matutulungan ang mga makikinabang sa proyekto.

* Kalendaryo ng Gawain

- Ang bahaging ito ay magpapakita ng lahat at sunod-sunod na Gawain tungo sa


pagsasakatuparan ng mga layunin.

Ilang karagdagang patnubay;

- Dapat ito ay sunod-sunod at may kaakibat na mga petsa at mga taong kasangkot.

* Lagda

- Lahat ng taong kasangkot sa panukalang proyekto ay lalagda upang mapagtibay ang


panukalang proyekto.

Ilang karagdagang patnubay;

- Ang bahaging ito ang mag-papatunay na pinagtibay na ang pagsasagawa ng proyekto.

You might also like