Project Research

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANGANDAG, SITTIE HANNAH G.

Tunay na isang kasiyahan ang aming karanasan sa pagluluto para sa aming asignaturang

TLE. Sa simula, medyo kaba ang aking naramdaman dahil hindi ko alam kung ano ang magiging

kinalabasan ng aming pagluluto. Ngunit sa tulong ng aking mga ka grupo naging matagumpay

ang aming pagluluto. Ang aming pagluluto ay hindi lamang tungkol sa paghahanda ng masarap

na pagkain, ito rin ay tungkol sa pagkakaroon ng kooperasyon at tiwala sa bawat isa. Sa bawat

hakbang, kami ay nagtutulungan at nagbibigayan ng suporta. Ang bawat isa sa amin ay may

kanya-kanyang papel na ginampanan upang maging matagumpay ang aming pagluluto. Ang

pinaka-natutunan ko sa aming pagluluto ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tiyaga at

dedikasyon. Hindi lahat ng bagay ay madali at maaaring mangailangan ng oras at pagsisikap.

Ngunit sa huli, ang bawat pagsisikap ay may kapalit na tagumpay. Sa kabuuan, ang aming

karanasan sa pagluluto para sa aming asignaturang TLE ay isang mahalagang karanasan na hindi

ko malilimutan. Ito ay nagbigay sa akin ng karunungan at kasanayan na magagamit ko hindi

lamang sa paaralan kundi pati na rin sa aking buhay.

Adobong manok at lumpia ay dalawang paboritong pagkain dito sa Pilipinas. Ang

adobong manok ay isang tradisyonal na lutuin na binabad ang manok sa suka, toyo, bawang, at

iba pang mga pampalasa. Ito ay niluluto hanggang lumambot ang manok at lumapot ang sabaw.

Ang lumpia naman ay isang uri ng lumpiang gulay o lumpiang prito na puno ng mga

Carrots,union,Bawang at blackpepper,Century tuna. Ito ay niluluto sa mainit na mantika

hanggang maging crispy at golden brown.

You might also like