2 Koran

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

THE

KORAN
Ano ang Koran?
Ang Koran (o Qurán, Alcorán) ang pangunahing
aklat ng pananampalatayang Islam at itinuturing ng
mga Muslim na totoong salin ng mga salita ni Allah
kay Muhammad sa pamamagitan ng anghel na si
Jibril (Gabriel).
Ang salitang Qur’an ay nanggaling sa
salitang Arabik na qara’a na ang ibig
sabihin ay "pagbasa". Ang Qur’an ay
nangangahulugang basahin, bigkasin,
ipahayag, o ipagbadya.
Itinuturing din itong pinakamarikit na piraso ng
panitikan sa wikang Arabe. Nahahati ito sa 114 na
kabanata, tinatawag ang bawat isa na surah, at
pinaniniwalaang sinulat ni Muhammad sa loob ng 23
taon mula noong 610 at hanggang mamatay siya
noong 632.
Ang salitang "Muslim" ay nangangahulugan na
"isang taong nagpapasakop kay Allah." Si Allah ang
nagiisang Diyos at si Muhammad ang propeta ni
Allah, ang susing paniniwala ng Islam.
Mga paniniwala ng
Muslim
1. Shahada (Pangungumpisal
2. Salah (Panalangin)
3. Zakat (Paggugol sa Bawat Araw ng Ramadan)
3. Sawm (Pagbigay ng Limos)
4. Hajj (Pilgrimage sa Mecca)
Sino ang unang bumigkas ng
Koran?
Ayon sa mga katuruan ng Qur’an, ito ay dumating ng
direkta kay Muhammad ‫ﷺ‬, mula sa anghel Gabriel
[Jibril], na tumanggap mula sa Makapangyarihang
Diyos [Allah] at pagkatapos ay binigkas ito kay
Muhammad ‫ﷺ‬, ng baha-bahagi, pangu-pangungusap,
ipinapahayag na maliit at malalaking bahagi nito sa
loob ng 23 taon.
Sino si Muhammad?
Si Muhammad ay isang Arabong propeta at lider ng
Islam, ipinanganak noong 570 CE sa Mecca. Saudi
Arabia. Tinanggap niya ang mga mensahe mula sa Diyos
(Allah) sa pamamagitan ng anghel na si Jibreel
(Gabriel). na naitala sa Qur'an. Siya ang nagtatag ng
relihiyong Islam at nagsilbing huling propeta na nagdala
ng kabuuan ng mensahe ng Islam.
Ang Quran ay ang banal na aklat ng mundo ng Islam. Nakolekta sa
loob ng 23-taong panahon sa ika-7 siglo CE, ang Quran ay sinasabing
binubuo ng mga paghahayag ni Allah kay propetang Muhammad, na
ipinadala sa pamamagitan ng anghel na si Gabriel. Ang mga
paghahayag na iyon ay isinulat ng mga eskriba habang binanggit sila
ni Muhammad sa panahon ng kanyang ministeryo, at ang mga
tagasunod niya ay nagpatuloy sa pagbigkas ng mga ito pagkatapos
ng kanyang kamatayan.
Naniniwala ang mga Muslim na ito
ang aklat ng patnubay at
direksiyon ng sangkatauhan, at
isinasaalang-alang ang orihinal na
tekstong Arabic, na salita ng Allah,
diyos ng sangkatauhan na ipinakita
kay Muhammad sa panahon ng
dalawampu't tatlong taon, at
pinaniniwalaang ito ang huling
rebelasyon sa sangkatauhan.
Ang mga idiniktang kapahayagan ng
anghel kay Muhamad ang nilalaman
ng Koran, ang banal na aklat ng
Islam. Itinuturo ng Islam na ang
Koran ang pinakamataas na
awtoridad ng pananampalataya at
ang huling kapahayagan ni Allah.
Thank You!

You might also like