Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Ang mga Epekto ng Depresyon sa mga Mag-aaral ng

HUMSS-D ng Sibugay Technical Institute Inc.


2022-2023

Guro ng Pananaliksik
Marissa B. Dugho

Mga Mananaliksik
Daryle A. Dalaman
April love M. Gaugano
Daisy Mae E. Ramos
Sharifa Suaina I. Hamsi
Kristen V. Maglaway

SIBUGAY TECHNICAL INSTITUTE INCORPORATED


LOWER TAWAY, IPIL ZAMBOANGA SIBUGAY
2023
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON
Ang bawat tao ay nakakaranas ng kalungkutan sa ilang punto ng ating
buhay. Gayunpaman, ang depresyon ay mas matindi at mahaba kumpara sa tipikal na
kalungkutan. Maari itong makasagabal sa kakayahan ng isang tao na makisali at makiisa
sa pang-araw-araw na gawain. Ang terminong “depresyon” ay matagal ng ginagamit nasa
isang daang taon na o mahigit pa, base sa makasaysayang katibayan o ebidensya, ang
depresyon ay nagpapahiwatig ng isang pakiramdam ng kalungkutan o mapanghaw na
pakiramdam ay matagal ng parte ng karanasan ng tao.

Ayon kay Senador Hontiveros, isa sa limang matatandang Pilipino ang nag
hinaharap mula sa mental o psychiatric disorder. Karaniwan sa 88 na inulat na mga kaso
ng may sakit sa isip sa bawat 100,000 na Pilipino ay may kaugnay sa depresyon. Mula
1992 hangang 2012, ang isa sa mga dahilan para sa mga kaso na ito ay depresyon. Sa
kabilang banda, binigyang diin ng National Statistics Office (NSO) na ang depresyon ay
ang ikatlong pinaka-karaniwang suliranin para sa mga Pilipino. Ang sintomas ng
depresyon ay maaaring magsama ng pagkawala ng mga interes o kasiyahan sa mga dati
na kawili-wili ng mga gawain, mga pangunahing pagbabago sa gana (maaaring
mabawasan o madagdagan), mga problema sa pagtulog at pagkain (maaaring sobra o
kulang), fatigue, ang pakiramdam ng pagkawalang halaga o kawalan ng pag-asa, mga
problema sa konsentrasyon, at mga saloobin ng pagkakamatay. Nakaka-alarma din na
marami sa mag-aaral ang naghihirap mula sa depresyon at nahuhuling sinusubukang
magpakamatay sa pamamagitan ng pag-gilitt ng kanilang mga pulso, pag-inom ng mga
drugang nakakamatay at iba pa.

Isinaalang-alang ang mga katotohanan na nakasaad sa itaas, ang depresyon


ay maaaring makaapikto sa akademekong pagganap ng isang mag-aaral, hindi lamang
ang kanyang pagganap (performance) sa paaralan kundi pati narin ang kanilang mga
personal na buhay na maaaring dumating sa punto kung saan nais nilang tapusin ang
kanilang buhay. Ang depresyon ay isang malubhang problema hindi lamang sa mga mag-
aaral kundi sa ating lahat anuman ang ating edad, kasarian, at katayuan sa lipunan.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mag bigay ng mas mahusay na pag-
unawa tungkol sa depresyon at ang mga epekto nito sa mga mag-aaral sa Senior High
School (SHS) Grade 11 HUMSS D ng Sibugay Technical Institute Incorporated, taong
panuruan 2022-2023.
Sa partikular, ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang depresyoon?


2. Saan nagsisimula ang depresyon?
3.Ano ang ilan sa mga palatandaan at sintomas ng depresyon?
4.Paano makakaapekto ang depresyon sa mga respondante sa aspeto ng akademekong
pagganap?
5.Ano ang epekto ng depresyon sa mga estudyante- respondante?
6.Anong programa ang maaari nating gamitin upang maiwasan ang depresyon

KAHALAAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga natuklasan ng pag-aaral na ito ay makikinabang ang mga


sumusunod:

a. Mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito malalaman ng mga mag-aaral kung


ano ang epekto ng depresyon at matutulungan silang magkaroon ng kamalayan kung sila
mismo ay nahaharap sa ganitong uri ng karamdaman. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay
ng kamalayan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang mga
sintomas ng pagkakaroon ng depresyon. Bilang isang resulta, ito ay nagtuturo sa kanila
na maging mas may kamalayan sa sarili sa konseptong ito.

b. Tagapagturo. Nagbibigay daan ito sa mga guro na kilalanin ang mga mag-aaral na
dumaranas ng depresyon. Samakatuwid, ito ay maaaring humantong sa pagpapabuti ng
kanilang antas ng pagganap ng pakikilahok sa kanilang mga mag-aaral.
c. Para sa paaralan. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay maaaring makinabang ang
paarala, maaaring masira ang pangalan ng paaralan dahil sa kanilang mga pagtatangkang
magpakamatay. Alam naman nating lahat na ang depresyon ay malinaw na maaaring
humantong sa isang taong may depresyon na magpakamatay. Dahil dito ang paaralan ay
maaaring magsagawa ng isang programa upang makagawa ng isang ligtas na espasyo sa
kanilang mga mag-aaral.
d. Para sa mga susunod na mananaliksik. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring
maging pundasyon para sa isang kaugnay na imbestigasyon na kanilang isasagawa sa
hinaharap.

SAKLAW AT DELIMITASYON SA PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Sibugay Technical InstituteIncorporated,


Lower Taway Ipil, Zamboanga Sibugay. Ang pag-aaral ay isinaalang-alang ang mga pag-
aaral na personal na impormasyon ng mga mag-aaral tulad ng kanilang edad at seksyon.
Nilimitan ng mananaliksik ang pag-aaral sa 5 na lalaki at 5 na babae sa kabuan ng
semester ng taong-panuruan 2023-2024 ng STII. Ang bawat respondente ay binigyan ng
talatanungan upang sagutin para sa pag-aaral na ito.
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay magbigay ng impormasyon o mas
mahusay na pag-unawa patungo sa depresyon at mga epekto nito sa mga mag-aaral.

KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Para sa mas malinaw na pag-unawa sa pag-aaral, ang mga sumusunod na termino


ay binigyang kahulugan sa kosepto at pagpapatakbo:
Depresyon- Ay isang pakiramdam ng matinding kawalang pag-asa at panlulumo, isang
pagkilos ng pagpapababa ng isang bagay o pagdiin ng isang bagay pababa.
Malungkot- Isang pakiramdam ng nag-iisip na kalungkutan, karaniwang walang
malinaw na dahilan.
Pagkabigo- Isang malungkot at nalulumbay na estado; mababa ang loob.
Pagkabagabag ng loob- Isang estado ng mababang espiretu sanhi ng pagkawala ng pag-
asa o lakas ng loob.
Suicidal- Labis na hindi nasisiyahan o nalulumbay at malamang na magpakamatay.
Sakit sa pag-iisip- Anuman sa malawak na hanay ng kondisyon pangkaisipan (tulad ng
malaking depresyon, schizophrenia, obsessive compulsive disorder, or panic disorder.
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa bahagi ng papel na ito tatalakayin at itatala ng mga mananaliksik ang ilang


mga pag-aaral at literatura na may kaugnay sa paksang napili. Tatalakayin ng kabanatang
ito ang mga sumusunod na paksang may kaugnayan sa depresyon sa mga mag-aaral: 1)
mga palatandaan at sintomas; 2) epekto ng depresyon; 3) saan nag sisimula ang
depresyon. Ang pag-aaral na ito ay naglalayung magbigay ng pag-unawa patungkol sa
epekto ng depresyon sa mga mag-aaral.

DAYUHAN NA LITERATURA
Ayon kay Huberty (2010), ang depresyon ay isa sa pinaka-karaniwang
karamdaman, ngunit ito ay mahirap matukoy dahil madalas itong pagkamalang iba pang
problema tulad ng kawalan ng motibasyon. Ang depresyon ay isang karaniwan at patuloy
na karamdaman sa “kabataan na nakakaapekto sa 0.3% ng mga preschooler, 2% ng mga
batang nasa elementarya, at 5-10% sa mga mag-aaral na nasa sekondarya” (Dopheide,
2006, p. 234). Ang mag-aaral na may depresyon ay nakararanas ng malaking paghihirap
sa kanilang sosyal at akademekong aspeto. Ang mga batang may depresyon ay
kadalasang may problema sa konsentrasyon, pagkumpleto ng mga takdang-aralin,
pakikilahok sa klase, pagkamit ng mataas na antas, at ang pagpapatuloy sa mga
nasimulang mga gawain (Huberty, 2010). Ngunit saan ng aba nag sisimula o nakukuha
ang depresyon? Sa pag-aaral nina Fergusson et al. (2003) natagpuan na ang sekswal na
pang-aabuso, pisikal na pang-aabuso, karahasan ng magulang, pagkawala ng isang
malapit na miyembro ng pamilya at paggamit ng mga droga ay isang mataas na
posibilidad ng pagsisimulan ng depresyon.
Ayon kay Huberty (2010) sa kanyang artikulong “Depression: Supporting
Students at School”. Ang mga mag-aaral na nakakaranas ng depresyon ay maaring
mukhang hindi sila interesado sa paaralan at kanilang paligid o sadyang piniling ipakita
ang mga pag-uugaling ito. Ngunit sa pangkalahatan gusto nilang maging matagumpay sa
akademya at panlipunan, ngunit walang kakayahan at motibasyon; hindi nila pinipili ang
mga pag-uugaling ito. Maraming mga sintomas na nararanasan kapag ang isang bata ay
nakakaranas nang depresyon ilan dito ay ang ideyang magpakamatay, pagsira sa sarili,
pakiramdam ng kawalang-halaga, at ang pagkawalang gana sa mga bagay-bagay
(Dopheide, 2006). Nag papakita rin sila ng mga palatandaan ng mataas na stress, hindi
pagsunod, at pagkamayamutin (Huberty, 2010). Ang depresyon din ay maaring isang
sanhi sa pagpapakita ng mahinang panlipunang pagganap (poor social functioning),
pagbaba ng pagganap sa paaralan (decreased school performance), pag-gamit at pag-
abuso sa droga at ang maagang pagbubuntis (Siu, 2016).
Ayon nina Fergusson et al., 2003, ang depresyon ay maararing maiwasan sa
pagkakaroon ng mga positibong sumusuporatang sistemang pamilya, posibibong
pakikipag-ugnay ng mga tao sa paligid. Ang pagkakaroon din ng maayos na antas sa
buhay o ang tinatawag na socioeconomic status ay isang salik na maaring gumanap sa
pag prebentasyon ng depresyon sa isang tao. Dahil kung ang isang bata ay nabibilang sa
mababang antas ng lipunan ay mas may malaking posibilidad na makararanas ng higit na
kahirapan sa pamilya, karahasan, paghihiwalay ng mga magulang, walang sapat na
suporta sa lipunan, at kawalang balanse sa pamumuhay (Farrell et al., 2011). Dahil sa
mga masasamang kalagayan ay maaring makaapekto sa kanilang emosyonal na
kalagayan, na maaring humantong sa depresyon.

LOKAL NA PAG-AARAL
Ayon sa isang pag-aaral sa Eastern Bocoor National High School, sa larangan ng
sikolohiya at sikyatriya, ang depresyon nak ilala sa Inglis bilang Major Depressive
Disorder (MDD), recurrent depressive disorder, clinical depression, unipolar depression,
o unipolar disorder ay isang sakit sap ag-iisip na inilaraawan ng malawakang mababang
mood na sinimahan ng mababang pagtingin sa sarili (nawala ang pagpapahalaga sa
sarili), kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain.
Isa itong damdamin malungkot, miserable, sobrang pagkadismaya, galit na
nararanas ng isang tao sa pang-araw-araw na buhay. Isa sa mga maaring maging epekto
ng pagkakaroon ng depresyon ay ang kawalan ng gana sa pag-aaral ng mga kabataan.
Dahil nga sa nagiging matamlay, pagkakaroon ng negatibong pananaw sa buhay at
kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain ng isang
mag-aaral, hindi n anito nakakayang maging aktibo at mapag-isip ng tam ana nauuwi sa
pagliban sa klase. Maaring maging tanda ng depresyon ay tumatagal ang isang
kondisyong pagkalumbay o matamlay na karamdaman, kawalan ng sigla o gana sa buhay,
kawalan ng halaga o mababang tingin sa sarili, insomnia o hindi makatulog, kahiarapan
sa konsentrasyon, kawalan ng ganang kumain iba pa.
May iba’t ibang sanhi ang depresyon. Nararamdaman ang stress depende sa
pamumuhay o ginagawa ng isang tao. Kapag tumagal ang masamang kondisyon maari
itong maging sanhi ng depresyon. Karaniwan, ang mga batang may depresyon ay
nagpupumilit magsabi ng kanialng damdamin at kalooban. Maaring tanda ng depresyon
ang mga sintomas na pisikal kagagya ng sakit sa ulo, sakit sa tiyan, pagbaba ng score o
grado at ayaw pumasuk sa paaralan.
PAMAMARAAN NG PANANAKISIK

MGA RESPONDENTE
Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay binubuo ng sampung (10) mga
studyante limang (5) babae at limang (5) lalake ng Sibugay Technical Institute
Incorporated.

INSTRUMENTO SA PAGKALAP NG DATOS


Ang mga mananaliksik ay gumamit ng surbey bilang instrumento sa pag-aaral na
ito. Gumamit din ang mga mananaliksik ng Likert Scale Method sa pag- sasagawa ng
surbey questionnaire upang matukoy ng maayos kung ano ang napagkasunduan nga mga
respondente sa mga pahayag na nilahad.

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga mananaliksik sa
tumugon sa nabanggit na mga suliranin sa unang bahagi sa pananaliksik na ito. Batay sa
isinagawang pag-aaral na may paksang Epekto ng Depresyon sa mga Mag-aaral ng
HUMSS-D sa Sibugay Technical Institute Incorporated: Ang mga sumusunod ay
presentasyon ng mga datos na nakalap.

Mga Datos
1. Ang depresyon ay nakakasama sa mga studyante.

DATA 1

30% Higit na sumasang-ayon


Sumasang-ayon

70%
Makikita sa talahanayan 1 ay 70% o pitong mag aaral ang sumagot ng higit na sumasang-
ayon na ang depresyon ay nakakasama sa mga studyante at 30% o tatlong mag-aaral ang
sumagot sumasang-ayon.
Sa bahaging ito makikitang lahat ng mga respondente ay alam na ang depresyon ay
nakakasama sa mga studyante. Naipapakita rito na ang mga studyanteng sumagot sa
sarbey ay may alam sa maaring epekto ng depresyon.

2. Ang depresyon ay gawa-gawa lamang at hindi nakakaapekto sa isang indibidwal.

DATA 2

Higit na hindi sumasang-


ayon

100%

Sa talahanayan 2 naman ay may 100% o sampung mga studyante ang sumagut ng higit na
hindi sumasang-ayon na ang depresyon ay gawa-gawa lamang at hindi ito nakakaapekto
sa isang indibidwal.
Sa makatuwid lahat ng mga respondente ay lubos na hindi sumasang-ayon sa pahayag na
ito. Alam nilang ang depresyon ay isang seryoso at totoong kalagayan.

3. nakakaapekto ang depresyon sa pang akademekong aspeto ng mga mag-aaral.

DATA 3

30% Higit na sumasang- ayon


Sumasang- ayon

70%
Sa talahanayan 3 ay may 70% o pitong mga studyante ang sumagot ng higit na
sumasang-ayun at 30% o tatlong studyante ang sumagot ng sumasang-ayon na
nakakaapekto ang depresyon sa pangakademekong aspeto ng mga mag-aaral.
Kaya’t masasabing alam nila na nakakaapekto ang depresyon sa mga mag-aaral dahil sa
kanilang mga sagot na iprinisinta.

4. Maaaring makahantung sa pagpapakamatay ang depresyon.

DATA 3

10%
Higit na sumasang- ayon
Sumasang- ayon
30% Hindi sumasang- ayon
60%

Makikita sa talahanayan 4 na 60% o anim na mga studyante ang sumagot ng higit na


sumasang- ayon, 30% o tatlong studyante ang sumasang-ayon at 10% o isang studyante
ang sumagot ng hindi sumasang-ayon na maaring makahantung sa pagkakamatay ang
depresyon.
Sa bahaging ito mas lamang ang mga sumasang-ayon kumpara sa hindi. Kaya’t ang
depresyon ay talagang maaring maging isang dahilan kung bakit ang isang studyante o
tao ay magpapakamatay.

5. Isa sa mga sanhi ng depresyon ay ang pagiging stress.

DATA 5

20% Higit na sumasang-


ayon
20% 60%
Sumasang- ayon

Hindi sumasang- ayon


Ang tahanayan 5 naman ay may 60% o anim na studyante ang sumagut ng higit na
sumasang-ayon, 20% o dalawang studyante ang sumagut ng sumasang-ayon at 20% o
dalawang studyante ang sumagut ng hindi sumasang-ayon na isa sa mga sanhi ng
depresyon ay ang pagiging stress.
Samakatuwid marami ang sumang-ayon na isa ang stress sa dahilan ng depresyon.

6.Ang depresyon ay isang kalagayng dapat baliwalain.

3%3%
16%
Higit na sumasangayun
sumasang ayon
hindi sumasang ayon
79%

Ang Talahanayan 6 naman ay may 10% o isang studyante ang sumagot nang higit na
sumasang ayon, 60% o anim na studyante naman ang sumagot ng sumasang ayon at 30%
o 3 naman ang sumagot sa hindi sumasang ayon na ang depresyon ay isang kalagayan na
dapat baliwalain lang.
At sa bahagi namang ito mas Lamang ang sumagot ng sumasang ayon kumpara naman sa
sumagot ng hindi sumasang ayon. Kung kaya’t ang depresyon ay isang kalagayang hindi
dapat baliwalain.
7. Ang depresyon ay nakakabuti sa mga mag-aaral at dapat itong maranasan.

Data

10% higit na sumasang ayon


10% hindi sumasang ayon
higit na hindi sumasang
ayon
80%

Ang talahanayan 7 naman ay may 10% o isang studyante ang sumagot ng higit na
sumasang ayon, 10% o isang studyante naman ang sumagot sa hindi sumasang ayon at
80% o walo naman ang sumagot sa higit na hindi sumasang ayon na ang ang depresyon
ay nakakabuti sa mga mag-aaral at dpat itong maranasan.
At sa bahagi namang ito ay masasabing lahat ng respondente ay alam na ang depresyon
ay hindi nakabubuti para sa mga mag-aaral.

8. Ang pagiging depress ay isang ilusyon na gawa-gawa lamang ng isip.

DATA 8
Higit na sumasang ayon

20% Sumasang ayun

50% Hindi sumasang ayun


20%
10% Higit na hindi sumasang
ayon

Ang talahanayan 8 naman ay may 20% o dalawang studyante ang sumagot ng higit na
sumasang ayon, 20% o dalawang studyante naman ang sumagot ng sumasang ayon, 10%
o isang studyante naman ang sumagot ng hindi sumasang ayon at 50% o lima naman ang
sumagot ng higit na hindi sumasang ayon na ang pagiging depress ay isang ilusyon
lamang at gawa-gawa lamang ng isip.
At sapuntong ito mas marami parin ang hindi sumasang ayon na ang pagiging depress
daw ay imahinasyon lang o gawa-gawa ng isip.

9.Ang mag-aaral na may depresyon ay nakakaranas ng malaking paghihirap sa kanilang


sosyal at akademekong aspeto.

Data
26% higit na sumasang ayon
53% sumasang ayon
21% hindi sumsang ayon

Ang talahanayan 9 ay may 50% o limang studyante ang sumagot ng higit na


sumasang ayon, 40% o apat na studyante naman ang sumagot nang sumasang ayon at
may 10% naman o isang studyante lang ang sumagot ng hindi sumasang ayon na ang
mag-aaral na may depresyon ay nakakaranas ng malaking paghihirap sa sosyal at
akademekong aspeto ng buhay.
At masasabing mas nakakalamang talaga nag sumagot ng lubos na sumasang ayon na ang
depresyon ay isa sa mga dahilan ng paghihirap ng isang mag-aaral sa kanilang
akademekong aspeto.

10. Maaring maiwasan ang depresyon sa pamamagitan ng pag kakaruon ng soportadong


pamilya.

Data
higit na sumasang ayon.
11% sumasang ayon
36%
54% higit na hindi sumasang ayon
Ang talahanayn 10 naman ay may 40% na higit na sumasang ayon na sagot galing sa mga
studyante, 60% naman nag sa sumasang ayon at 10% naman ang sa higit na sumasang
ayon.
Mas marami parin ang sumagot sa higit na sumasang ayon .

LAGOM NG MGA NATUKLASAN


Ang pag-aaral na ito ay may layong suriin ang mga senyales, sintomas, at epekto
ng depresyon.
Gumamit ang mga manaliksik ng likers scale na pamamaraan ng pananaliksik.
Dahil Malaki ang bilang na nasasakupan ng STII HUMSS 11 D, pumili lamang ng
sampong (10) respondente ang mga mananaliksik. Upang i-representa ang kabuuang
bilang ng mag-aaral ng HUMSS 11 D.
Narito ang ilang katanungan na isinasaad sa ginawang pananaliksik nabigyan
nang solusyon o kasagutan.
Ang depresyon ay nakakasama sa mga studyante.
Ang depresyon ay nakakasama sa studyante dahil maari itong maka apekto sa
kanilang kalusugan.
Ang depresyon ay gawa-gawa lamang at hindi ito nakakaapekto sa isang indibidwal.
Ang depresyon ay hindi gawa-gawa lang, isa itong mental na karamdaman na
nakakaapekto sa kalusugan ng indibidwal.
Nakaka apekto ang depresyon sa pang akademikong aspeto ng mga mag-aaral.
Nakakaapekto ang depresyon sa pang akademekong aspeto ng mga mag-aaral
dahil naaapektohan ng depresyon ang kanilang sosyal at akademekong pamumuhay.
Maaring makahantung sa pagkakamatay ang depresyon.
Maaring makakahantong sa pagkakamatay ang depresyon, dahil isa itong
karamdaman na nagdudulot sa isang indibidwal ng matinding presyor na nahahantong sa
pagpapakamatay.
Isa sa mga sanhing ng depresyon ay ang pagiging stress.
Ang pagiging stress ay isa sa mga dahilan ng depresyon, dahil and stress ay isang
normal na reaksyon ng katawan kapag may kailangan itong gawin. Halimbawa, kung
may kailangan kang maabot na deadline sa paaralan, ang stress na iyong nararamdaman
ay nakakapagbilis ng iyong pag-iisip at pagkilos. Nguni’t kung ang stress na iyong
nararamdaman ay masyado nang mataas na sa puntung hindi na ito kaya ng isip at
katawan, nagiging masama ito at nahahantung sa depresyon.
Ang depresyon ay isang kalagayang dapat baliwalain.
Ang depresyon ay isang kalagayan na hindi dapat baliwalain dahil nag dudulot ito
ng matinding pagbabago sa buhay ng isang indibidwal at pweding mahantong sa pagkitil
ng buhay.
Ang depresyon ay nakakabuti sa mga mag-aaral at dapat itong maranasan.
Ang depresyon ay hindi nakakabuti sa isang mag-aaral dahil nakakasama ito sa
kanilang pang araw-araw na buhay.
Ang pagiging depress ay isa lamang itong ilusyon na gawa-gawa lang ng isipan
Ang pagiging depress ay hindi lamang isang ilusyon, hindi ito gawa-gawa ng isip
isa itong sakit na maaring mag dulot nag pag kamatay.
Ang mag-aaral na may depresyon ay nakararanas ng malaking paghihirap sa kanilang
paghihirap sa kanilang sosyal at akademekong aspeto.
Ang mag-aaral na nakakaranas ng depresyon ay may malaking pagbabago na
makikita sa kanilang sosyal at akademekong aspeto ng buhay .

MGA KONGKLOSYON
Sa pangkalahatan, ipinapakita ng pag-aaral na ito na ang depresyon ay maaring
magkaroon ng negatibong epekto sa pisikal na kamalayan, panlipunan, at imosyonal na
kalusugan ng isang tao. Maari itong magkaroon ng masamang epekto sa pangkalusugan,
sa paghuhusga, at tumaas ang panganib ng malalang sakit, kamalayan at pagkakamatay.
Upang maabut ang kapatawaran, maaring maging mahirap ang mabisang paggamot, at
maaaring tumagal ito ng ilang hakbang na ikalat sa mahabang panahon. Sa mga setting
ng pangunahing pangangalaga, and depresyon ay maaaring hindi matukoy o ma-
misdiagnose, ang bawat isa ay magreresulta sa mahabang antas ng pangangalaga at hindi
magandang kinalabasan. Para sa mga taong may ganitong problema sa kalusugan ng isip,
mahalagang ipagpatuloy ang pagsisiyasat ng depresyon at epekto nito ang pagbuo ng mas
mahusay na diagnostic, therapeutic, at preventive approach.

MGA REKOMENDASYON
1. Siyasatin ang kaugnay sa pagitan ng depresyon at pisikal na kondisyon ng kalusugan.
2. Tuklasin kung paano naaapektuhan ng depresyon ang panlipunang relasyon at ang
kakayahang bumuo ng bagong relasyon.
3. pag-aralan ang epekto ng depresyon sa pagiging produktibo sa trabaho at mga resulta
ng ekonomiya.
4.siyasatin ang mga potensyal na pangmatagalang epekto ng hindi ginagamot na
depresyon, kabilang ang panganib ng pagpapakamatay.
5. magsagawa ang mga longitudinal na pag-aaral upang subaybayan ang pag-unlad ng
depresyon at mga epekto nito at overtime.
Tinutukoy ng pag-aaral na ito ang mga epekto ng depresyon sa mga mag-aaral ng
Sibugay Technical Institution Inc. Lower Taway Ipil, Zamboanga Sibugay. Ang paraang
ginamit para as pag-aaral na ito ay pag-aaral ng kaso (case study).
Sa kaso ng pag-aaral, na binangit ng (Baxter et al., 2008) ang pag-aaral ng kaso ay
nagpapabilis sa pagsisiyasat ng isang tunay na isyu sa loob ng isang konteksto ng tuloy-
tuloy, gamit ag iba’t ibang mga mapagkukunan ng datos. Sa pangkalahatan, pinag-aaralan
ng pag-aaral ng kaso ang tinukoy na problema na binubuo sa isang tunay na sitwasyon.
Dahil sa pag-aaral na ito ay nangongolekta ng datos mula sa pagsisiyasat sa
paksang ito, na kung saan ay depresyon, ang pag-aaral ng kaso ay ang pinaka-angkop
para sa pag-aaral na ito. Tulad ng nabanggit, ang mga epekto, sintomas, at pag-iwas sa
depresyon, ay nabuo gamit ang pag bibigay ng checklist sa mga respondente at pagkalap
ng mas maaasahang impormasyon mula sa internet.

You might also like