PT MTB2 Q4 2023

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON IV-A CALABARZON
Sangay ng Rizal
MONTALBAN SUB-OFFICE
WAWA ELEMENTARY SCHOOL

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA MTB II


SY 2023-2024

Name: _________________________________________ Date: _______________


Grade & Section: _________________________________ Score: _______________

I. Panuto: Basahing mabuti ang ipinahahayag ng bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang L kung ito ay
tungkol sa liham at T kung talaarawan.
_____1. Nakapagpapahayag ng mahahalagang detalye sa araw-araw sa
pamamagitan ng pagtatala nito.
_____2. Ito ay isang paraan ng pagpapadala ng isang mensahe sa isang
tao sa malayong lugar.
Panuto: Tukuyin at piliin sa loob ng kahon kung anong bahagi ng liham ang inilalarawan. Isulat ang letra
ng tamang sagot.

a. Katawan b. Bating panimula c. pamuhatan


ng liham
d. Bating pangwakas e. Lagda
3. ______ 278 Sampaloc Street
Lipa, Batangas
Mayo 20, 2023
Mahal kong Rosa, 4. ______

Inaanyayahan kita na dumalo sa aking kaarawan sa Hunyo 4, 2023 sa ganap na ika-3:00 ng


hapon sa aming tahanan. Sana ay makadalo ka.

Ang iyong kaibigan,

5.______ Maria

II. Panuto: Tukuyin ang mga pang-uri at isulat sa patlang ang mga salita na ginamit sa bawat
pangungusap.
________6. Matamis ang pinya sa Cavite.
________7. Malinis ang paligid ng Quezon.
________8. Malamig sa ilang bayan ng Rizal.
________9. May malalaki na windmill sa Rizal.
________10. Matatagpuan sa Batangas ang mga masasarap na kainan ng Lomi at goto.
III. Panuto: Basahin at bilugan ang mga pang-uri na ginamit sa pangungusap.
11. Sariwa ang mga isda sa Cavite.
12. Masarap ang longganisa ng Imus at Lucban.
13. Sa Laguna maraming hot spring.
14. Ang mga kawayan sa Cavite ay matigas at matibay.
15. Maliliit ang mga isdang tawilis sa Batangas.
IV. Panuto: Tukuyin kung magkasingkahulugan o magkasalungat ang mga pares ng pang-uri sa bawat
bilang. Isulat ang (K) kung magkasingkahulugan at isulat naman ang (S) kung magkasalungat.
________16. Madilim - maliwanag
________17. Malawak - makitid
________18. Maingay - tahimik
________19. Marami - masagana
________20. Mahusay - magaling
V. Panuto: Tukuyin ang mga salitang may salungguhit at isulat ang (PH) kung ito ay pang-abay
na pamanahon, (PL) kung pang-abay na panlunan at (PR) kung ito ay pang-abay na pamamaraan.
________21. Si Ana ay masipag mag-aral ng kaniyang mga aralin.
________22. Malakas na sigaw ang narinig sa kabundukan.
________23. Mamimili sa Sabado ng mga gulay si nanay sa palengke.
________24. Dadalaw si ate sa kaniyang kaibigan na may sakit sa ospital.
________25. Magsepilyo tayo ng ngipin araw-araw.
VI. Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin ang uri ng pang-abay na may salungguhit.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
26. Mabagal na naglalakad ang pagong sa kalsada.
a. Pang-abay na b. Pang-abay na c. Pang-abay na
Pamanahon Panlunan Pamamaraan
27. Tahimik na nagbabasa ng aklat ang mga mag-aaral sa silid-aklatan.
a. Pang-abay na b. Pang-abay na c. Pang-abay na
Pamanahon Panlunan Pamamaraan
28. Bumili ng bisikleta si tatay kahapon.
a. Pang-abay na b. pang-abay na c. pang-abay na
Pamanahon Panlunan Pamamaraan
29. Kami ay maagang gumising upung pumunta at bumili sa palengke.
a. Pang-abay na b. Pang-abay na c. Pang-abay na
Pamanahon Panlunan Pamamaraan
30. Maingat na inilagay ni Albert ang baso na may lamang tubig sa
ibabaw ng lamesa.
a. Pang-abay na b. Pang-abay na c. Pang-abay na
Pamanahon Panlunan Pamamaraan

Answer key:
1. T 21. PR
2. L 22. PR
3. c 23. PH
4. b 24. PL
5. e 25. PH
6. matamis 26. C
7. malinis 27. b
8. malamig 28. a
9. malalaki 29. b
10. masasarap 30. c
11. sariwa
12. masarap
13. maraming
14. matigas at matibay
15. maliliit
16. S
17. S
18. S
19. K
20. K

You might also like