2nd Quarter Exam Filipino 3.docx Checked

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF RIZAL
MONTALBAN SUB-OFFICE

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3

Pangalan:_______________________________ Petsa: __________________


Baitang at Pangkat: _____________________ Iskor: ___________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang.
_____1. Si Aiza ay may halamanan sa harap ng bahay. Alagang alaga niya ito. Araw-araw ay dinidiligan niya ang mga
halaman. Inaalis niya ang mga tuyong dahon at mga kulisap na naninirahan sa mga halaman. Minsan, binubungkal niya ang
mga paligid ng mga halaman. Nilalagyan din niya ng mga pataba ang lupa. Ano kaya ang mangyayari sa halaman ni Aiza?

A. Lalago at mamumulaklak ang mga halaman.


B. Napipigil ang paglaki ng mga halaman.
C. Mamamatay ang mga halaman.
D. Matutuyo ang mga halaman.

_____2. Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin. Habang papunta ang mag-anak na Padolina sa probinsiya, nakita
ang isang pamilyang nangangailangan ng tulong. Umuusok ang sasakyan nila. Nasa labas ng sasakyan ang mga kasamang
bata habang hinihintay na maayos ang kanilang sasakyan. Makikita sa kanilang mukha ang gutom at pagod. Iyak din ng iyak
ang mga bata. Ano ang wakas ng kwento?

A. Nilampasan lamang ng pamilya Padolina ang mag-anak.


B. Tinulungan nila ang pamilyang nasiraan ng sasakyan.
C. Mabilis umalis ang pamilya Padolina sa lugar na iyon.
D. Nagdiwang ang pamilya Padolina.

_____3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng wakas?

A. Noong unang panahon ay may magkaibigan sa nayon.


B. Tuwing umaga pumapasok siya sa paaralan.
C. Sa huli ay nagkabati din ang magkapatid.
D. Sila ang mag-anak na sina Agustin.

_____4. Anong pangyayari sa pamayanan ang ipinapakita ng larawan?

A. sunog
B. lindol
C. banggaan
D. baha

_____5. Ano ang halimbawa ng pangyayari sa pamayanan na maaari mong iulat?

A. Pagbaha at mga lugar ng Evacuation Center


B. Mga taong nagdadaan sa kalsada
C. Pagtitiktok ng kapitbahay
D. Ingay ng mga sasakyan

Basahin:

_____6. Anong mahalagang kaalaman ang napulot mo sa tula?


A. Masarap pala kumain ng tsokolate.
B. Marami pala itong hugis at paborito ng lahat.
C. Nalaman ko na marami pala ang may gusto ng tsokolate.
D. Nalaman ko na hindi lang masama ang hatid ng tsokolate sa katawan kundi marami pala itong benepisyong dulot.
_____7. Ano-ano ang benepisyo ng pagkain ng tsokolate na binanggit sa tula?
A. Matamis at malambot.
B. Masarap ang tsokolate.
C. Nakapagpapasaya at nakakabawas ito ng stress.
D. Nakakasira ng ngipin at nakakadagdag bigat sa tiyan.
_____8. Kailan nagiging masama ang pagkain ng tsokolate?
A. Kapag nabawasan na ang stress mo.
B. Kapag sobra na ang pagkain nito.
C. Kapag masakit na ang ngipin mo.
D. Kapag ayaw mo ng kumain.
_____9. Anong salita ang kasalungat ng “maayos”?
A. mataas
B. magulo
C. mapagmahal
D. malawak
_____10. Alin sa mga sumusunod na salita ang maikling salita ng salitang maingat?
A. mangat
B. ingat
C. ngat
D. mai
_____11. Anong salita ang mabubuo kapag dinagdagan mo ng panlaping -um ang salitang ugat na bili?
A. bibili
B. nagbili
C. bumili
D. umili
_____12. Nahuli sa klase si Lando dahil nasira ang kaniyang bisikleta sa daan. Paano niya ito ipapaliwanag sa kaniyang
guro?
A. Nahuli ako dahil nasira ang bisikleta ko.
B. Wala kayong pakialam kung mahuli man ako sa klase.
C. Huwag ninyo akong tanungin kung bakit ako nahuli sa klase.
D. Patawad po ma’am, nasiraan po kasi ako ng bisikleta sa daan.
_____13. Nabangga mo ang isang matanda sa iyong pagmamadali. Ano ang sasabihin mo?
A. Kasalanan mo! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!
B. Pasensya na po. Nagmamadali po kasi ako.
C. Huwag kang paharang-harang sa daan.
D. Tumabi ka para hindi ka nababangga.
_____14. Alin sa mga sumusunod na salita ang magkatugma?
A. bahay - ilaw
B. nanay – paksiw
C. tasa – masa
D. pikit – dilat
_____15. Ang kuneho ay mabilis tumakbo. Anong salita ang katugma ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. pagong
B. kalan
C. pareho
D. sala
_____16. Nakalulungkot ang pag-alis ni kuya papuntang Korea. Ang ibig sabihin ng salitang pag-alis ay
__________________sa isang lugar.
A. pagdating
B. pagpunta
C. pag-iwan
D. pagtambay
_____17. Ang halamang bonsai ay hindi lumalaki. Ayon sa gamit sa pangungusap, ano ang ibig sabihin ng bonsai?
A. mataas na puno na madaming sanga
B. halamang pinananatiling maliit na nasa paso
C. matabang lupa na madaming nakatanim
D. malagong punongkahoy at bunga
_____18. Dahil sa dami ng nagsarang kumpanya natutunan ko ang kahalagahan ng pag-iimpok at pagtatabi ng pera. Ano ang
ibig sabihin ng salitang may kahon sa pangungusap?
A. paggastos
B. pagwawaldas
C. pag-iipon
D. pagbibigay
Basahin: Sa Bukirin ni Raquel A. Tangaa-an
Napakaganda ng bukirin. Malamig at sariwa ang simoy ng hangin. Makikita rito
ang iba’t-ibang luntiang pananim na nagpapaganda ng tanawin. Sariwang gulay at prutas ay
iyong makakain. Malayo sa polusyon at ingay ng mga sasakyan sa lungsod natin.

_____19. Kung ang bukirin ay may magandang tanawin, ano naman ang mayroon sa lungsod?
A. ingay ng maraming sasakyan
B. tahimik na paligid
C. mga bundok
D. sariwang hangin
_____20. Sa bukirin ay malamig at sariwa ang hangin samantalang sa lungsod ay_____________________________.
A. may polusyon ang hangin
B. may magagandang tanawin
C. maraming mga prutas at gulay
D. may pareho silang pangalan ng lugar
_____21. Ano ang pagkakapareho ng lungsod at bukirin?
A. tahimik na lugar
B. sariwa ang hangin
C. parehong malayo sa polusyon
D. pareho itong lugar na pwedeng tirahan ng mga tao
_____22. Alin sa mga sumusunod na salita ang wasto ang pagkakasulat ng ngalan ng tao?
A. angel
B. ANGEL
C. AnGeL
D. Angel
_____23. Panalangin ng bawat ___________ na makaahon sa kahirapan. Alin ang tamang baybay ng salitang angkop sa
pangungusap upang maisulat ng wasto sa talata?
A. Filipino
B. Felipino
C. Pilipino
D. Pilepino
_____24. Ginagamitan ng malaking letra ang mga sumusunod sa pagsulat ng talata maliban sa isa.
A. pamagat ng talata
B. unang letra ng karaniwang salita
C. unang letra ng unang salita sa pangungusap
D. unang letra ng tanging ngalan ng tao, hayop, lugar at iba pa
_____25. Sa pagsulat ng talata na may pangungusap na pasalaysay, ang bantas na ginagamit sa hulihan ay ang
________________.
A. kuwit (,)
B. tuldok (.)
C. tandang pananong (?)
D. tandang padamdam (!)
_____26. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng wastong kaisipan tungkol sa pagsulat ng talata?
A. Gumagamit ng malalaking letra sa lahat ng salita.
B. Isulat sa maliit na titik ang unang salita ng pangungusap.
C. Sa pagsulat ng talata, dapat nakapasok ang unang pangungusap sa talata.
D. Gumagamit ng tandang pananong sa mga pangungusap na pasalaysay, pautos o pakiusap.
_____27. Mabait na bata si Mona. Lagi niyang sinusunod ang payo ng kaniyang mga magulang. Nagsisimba ang buong
pamilya niya tuwing Linggo. Kapag may problema na dumarating sa kanila ay mahinahon lamang ang kaniyang mga
magulang at nagdarasal agad sila upang makahanap ng solusyon dito.
Ano ang angkop na tanong sa teksto?
A. Saan nag-aaral si Mona?
B. Ilang magkakapatid sila Mona?
C. Sino ang batang mabait sa teksto?
D. Ano ang tinitinda niya sa palengke?
_____28. Pagkatapos kainin ni Akie ang kaniyang biniling saging ay basta na lamang niyang inihagis ang balat nito. Bigla
niyang narinig ang isang malakas na sigaw. Paglingon niya may nadulas na pala sa semento dahil sa balat ng saging na hindi
niya itinapon ng tama.
Ano ang angkop na tanong sa teksto?
A. Saan nakatira si Akie?
B. Ilan ang kaibigan ni Akie?
C. Ano ang itinapon ni Akie?
D. Kailan uuwi si Akie sa probinsiya?
_____29. Maliit pa lamang si Kirby ay iniwan na siya ng kaniyang ina. Pumunta ito sa ibang bansa upang magtrabaho para
matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Ilang taon din ang bibilangin bago siya makauwi.
Ano ang angkop na tanong sa teksto?
A. Ilan taon na si Kirby?
B. Bakit lilipat ng paaralan si Kirby?
C. Bakit makikitulog si Kirby sa kapitbahay?
D. Bakit pumunta sa ibang bansa ang ina ni Kirby?
_____30. Ginagamit ang tanong na “ano” kung __________ang tinatanong.
A. tao
B. bagay
C. lugar
D. guro
_____31. Kung nagtatanong sa higit sa isa o maraming tao, ano ang gagamitin mo?
A. Alin-alin
B. Saan-saan
C. Sino-sino
D. Ano-ano
_____32. Ito ay ginagamit sa pagtatanong ng bilang
A. Saan
B. Ilan
C. Sino
D. Ano
_____33. Pupunta si Leo sa Bulacan sa Sabado. _____ pupunta si Leo sa Bulacan?
Ano ang angkop na salitang pananong ang tinutukoy ng salitang may salungguhit?
A. Sino
B. Ilan
C. Ano
D. Kailan
_____34. Bumili si Ted ng tatlong lapis. _______ ang binili ni Ted na lapis? Ano ang angkop na salitang pananong ang
tinutukoy ng salitang may salungguhit?
A. Ilan
B. Ano
C. Saan
D. Sino
_____35. Ano ang tawag sa pinuno ng isang barangay?
A. Kapetan
B. Kapettan
C. Kapittan
D. Kapitan
_____36. Ano ang tawag sa gumagawa ng tinapay?
A. panadiro
B. panaderu
C. panadero
D. pangnadero
_____37. Anong salita ang naglalarawan sa bakuran?
A. masaya
B. matamis
C. malawak
D. maputi
_____38. Ano ang salitang naglalarawan sa pangungusap na: “Mabalahibo ang pusa na hawak ni Sarah”.
A. mabalahibo
B. masayahin
C. maliit
D. malaki
_____39. Anong salita ang naglalarawan sa bata sa larawang ito?
A. masipag
B. magalang
C. matalino
D. maganda
_____40. Magandang tingnan ang malinis na uniporme at ________ na sapatos. Anong pang-uri ang ilalagay sa patlang
upang mabuo ang pangungusap?
A. makintab
B. madumi
C. malaki
D. masaya

Susi sa Pagwawasto sa Filipino 3

1. A
2. B
3. C
4. C
5. A
6. D
7. C
8. B
9. B
10.B
11. C
12. D
13. B
14. C
15. C
16. B
17. B
18. C
19. A
20. A
21. D
22. D
23. C
24. B
25. B
26. C
27. C
28. C
29. D
30. B
31. C
32. B
33. D
34. B
35. D
36. C
37. C
38. A
39. B
40. A

You might also like