Island, narrating nila ang Silangan at Timog- Silangang bahagi ng Asya. Sa pagkakataong ito, natuklasan ng mga Kanluranin hindi lamang ang yaman ng rehiyon, higit sa lahat, natuklasan din nila ang kakayahan ng mga bansa sa rehiyon bilang mga bagong pamilihang mapagluluwasan ng kanilang mga produkto. PAGTUKLAS Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Mga gabay na tanong:
1.Ano ang nakikita sa larawan?
2. Ano ang nais ipahiwatig ng larawan?
3. Ano ang kaugnayan nito sa ating paksang
tatalakayin? China sa Panahon ng Imperyalismo Ang Dinastiyang Qing ang huling dinastiya sa China at ito ay itinatag ng mga Manchu na mula sa hilagang rehiyon ng China na Manchuria noong 1644. Katulad ng iba pang mga naunang dinastiya sa China, maunlad sa simula ang ekonomiya at mahusay ang pamamahala ng Qing. Hindi naging industriyalisado ang Qing subalit lumago ang ekonomiya sa paglaki produksiyon sa agrikultura, pagmimina, at paggawa ng seda at porselana. Sa agrikultura, ang bagong pananim tulad ng mais, mani, at kamote mula sa US ay dala ng mga Espanyol sa pamamagitan ng Pilipinas. May bagong uri din ng palay na mabilis tumubo na nagmula sa Vietnam. Napalawak pa ng Qing ang teritoryo ng China hanggang sa Tibet, Mongolia, Taiwan, at bahagi ng Asya Sentral. Sa ikalawang hati ng ika-19 na siglo, nakaranas ang Qing ng unti- unting paghina dahil sa mga hindi mahuhusay na emperador pagkatapos ni Emperador Qianlong (1736-1795). Sa panahon din ng panghihimasok ng mga Europeo. Maliban sa panlabas na banta ng Europeo, nakaranas din ng mga panloob na hamon ang Qing. Lumobo ang populasyon ng China na umabot sa 430 milyon noong 1850. Hindi na sapat ang produksyon sa agrikultura kaya dumami ang nagutom at naghirap. Lumikha ito ng mga suliranin sa lipunan at hiwa- hiwalay na rebelyon ng mga magsasaka kung saan ang pinakamalaki dito ang Rebelyong Taiping. Ang Pamumuno ni Kang Hsi “Kapayapaang Panghabang-panahon” ang kahulugan ng pangalang Kang Hsi. Si Kang Hsi ay 14 na taong gulang lamang nang maging emperador ng Dinastiyang Qing. Sa simula ng kanyang pamumuno, binawasan kaagad ni Kang Hsi ang taunang badyet ng kanyang pamahalaan upang makasapat ay binabaan din niya ang buwis na binabayaran ng mga Tsino. Palibhasa’y iskolar at mahilig sa sining, naging kasiyahan niya ang makahalu-bilo ang mga taong mapag-isip sa kanyang korte at pinagkalooban ang mga ito ng katungkulan sa pamahalaan. Nasiyahan din siya sa mga paring Heswita mula sa Europeo na nagbibigay sa kanya ng mga impormasyon tungkol sa mga makabagong pangyayari sa siyensiya, medisina, at matematika. Si Padre FrancisVerbiest, isang Heswit, ang naging guro ni Kang Hsi. Si Kang Hsi ang sumulat ng “Sixteen Maxim on the Art of Government.” Sa aklat na ito, binigyang halaga niya ang kainaman ng pakikitungo at pakikinig ng isang nanunungkulan sa kanyang nasasakupan. 18 lalawigan na binuo ng China Proper Tiniyak ng emperador na walang opisyal ng bawat lalawigan ang namamahala para sa kanyang pansariling interes.
Ipinatupad din niya ang patakarang
rotasyon o pagpapalitan ng mga opisyal upang maiwasan ang maaaring pagtatalaga ng mga tagapanalig ng sinumang opisyal. Ang Pamumuno ni Chien Lung Tinaguriang “Kahariang Walang-maliw” (The Enduring Kingdom)1736 -1795.
Patakarang pagbubukod o policy of
isolation sa ilalim ng kanyang pamumuno. Sa mga panahong ito, buo pa rin sa kaisipan ng mga Tsino na ang kanilang bansa ay ang Middle Kingdom at ito pa rin ang sentrong pangkultura ng daigdig sa loob ng dalawang libong taon. Iginalang ito ng mga Dutch sa pagsisimula ng kanilang kolonisasyon 1770, sinubukang muli ng mga Dutch na magtungo sa China upang mabigyan ng pagkakataong makipagkalakalan sa bansa. Bilang paggalang kay Chien Lung, isinagawa ng mga Dutch ang ritwal na kowtow. Ang kowtow ay tumutukoy sa pagluhod sa harap ng emperador at pagyukod na dumadaiti ang noo sa sahig nang siyam na ulit.Napasang-ayon ng mga Dutch ang mga Tsino na maging kasosyo sa kalakalan. Ang mga Dutch ay bumalik sa knilang bansa dala ang tradisyonal na porselana, seda at tsaa mula sa China. Si Chien Lung ang kinilalang pinakamakapangyarihan sa mga naging emperador ng Qing. Ang imperyong Qing ay nagtamasa ng kapayapaan at kasaganaan sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Ang Britain/England sa panahong ito ay napagpasyahan na makipagkalakalan din sa China. 1793, isang misyong Briton na pinamunuan ni Lord George Macartney ang nagdala ng isang sulat kay Chien Lung mula kay Haring George III. Bunsod ng pagnanais ng China na mapanatili ang pag-iisa, at ang pagtanggi ni Macartney na isagawa ang kowtow, tinanggihan ni Chien Lung ang pakiusap ng Britain at malinaw na binanggit sa kanyang kasagutan na ang China ay may sapat nang pangangailangan. Ang Manchu ay naging maunlad Muling ipinaayos ang irigasyon sa bansa, at pinasimulan ang pagpapagamit ng mga pataba sa pananim. Sinimulan rin ang pagtatanim ng mga panibagong butil o produktong ani tulad ng patatas at mais na dala ng mga Portuges at Dutch mula sa United States. Naging maunlad din ang mga minahan at pagawaan. Lumago rin ang industriya ng seda, porselana, at bulak. Ang Ugnayan sa Pagitan ng China at Britain Sa simula ang ugnayan sa himpilang pangkalakalan ay pinangasiwaan lamang ng mga co-hong.
Ang mga co-hong ay samahan ng mga
mangangalakal na Tsino na siyang nagtatalaga ng buwis sa anumang kalakalan na iniluluwas at iniaangkat ng bansa. Ang transaksiyon sa pagitan ng mga dayuhan at co-hong ay nagaganap pa lamang sa himpilang pangkalakalan ng Canton. Layunin ng sistemang ito na maiwasan ang pagpasok ng sinumang dayuhan sa loob ng bansa. Dahil sa paniniwala ng mga Tsino na sapat na ang kanilang pangangailangan, kaunti lamang ang kanilang iniaangkat na produkto mula sa Britain, samantalang milyong tonelada naman ng tsaa ang iniluluwas ng China patungo sa bansang ito. Sa panig ng Briton, ang kalakarang ito ay hindi makatarungan sa dahilang para sa kanila, malinaw na nakapaling lamang sa kapakinabangan ng China ang kalakalan. Ibig sabihin, nakahihigit ang kinikita ng China sa mga produktong iniluluwas kaysa mga produktong iniaangkat nito. Pinagpapasiyahan ng mga Briton na mag-isip ng produktong maaaring iangkat ng mga Tsino nang maramihan. Ang opyo ang naisip ng mga Briton. Ang opyo ay isang narkotikong nakakagawiang gamitin. Ginagamit ito ng mga manggagamot na Tsino may daang taon na ang nakararaan. Ngunit dahil sa hindi pa rin mahimok ng mga Briton ang pamahalaang Manchu na dagdagan ang produktong iniaangkat ng China, ang opyo ay ipinuslit ng mga Briton sa China, ngunit hindi upang magamit ito sa panggagamot. Bagkus, ipinuslit ito sa anyong tabako. Nang sumapit ang taong 1835, 12 milyong Tsino na ang sugapa sa opyo. Ang Unang Digmaang Opyo o Digmaang Anglo-Tsino Ang ginawang pagpupuslit ng opyo sa China ay naging sanhi ng malawakang suliranin sa lipunang Tsino. Dahil sa dami ng Tsino na nalulong sa bisyo, bumaba ang moralidad sa lipunan. Bunga ng pangyayaring ito, dagliang ipinatigil ng emperador, sa tulong ni Komisyoner Lin Zexu, ang pagpupuslit ng opyo at isinulat ang suliranin kay Reyna Victoria ng Britain. Sa kabila ng pagsusumamo ng China kay Reyna Victoria, nagpatuloy pa rin ang pagpupuslit ng opyo sa bansa. Sa pagkakataong ito, dagliang ipinag-utos ni Komisyoner Lin ang pagpapasuko ng kalakal na opyo. Kaagad ipinasira ang mga ito at nagtalaga ng kasiguruhang multa at parusa sa bagay na ito. Nang tanggihan ng mga Briton ang kautusang ito, kaagad pinutol ng pamahalaang Manchu ang lahat ng pribelihiyong kanilang ipinagkaloob sa mga Briton sa Canton at bumalik ang mga ito sa Macau at Hong Kong. Ang pangyayaring ito ang naging sanhi ng Digmaang Opyo noog 1839. Ang digmaang ito, na tinaguriang Digmaang Anglo-Tsino, ang kauna-unahang digmaang imperyalismong naganap sa Silangan.. Ang Kasunduan sa Nanking Ang Kasunduan sa Nanking ang nagpasimula ng isang pagkapahiya ng mga Tsino sa daigdig. Ang sumusunod ang itinakda ng kasunduan: - Ang Amoy, Canton, Foochow, Ningpo, at Shanghai ay nabuksan bilang himpilang pangkalakalan. - Pinagkalooban din ng kasunduang ito ng extraterritorial rights ang mga Briton sa China. Sa pamamagitan ng extraterritorial rights, ang mga Briton ay hindi saklaw ng anumang batas ng China. - Isinuko ng China ang Hong Kong sa Britain. - Ang mga Tsino ay pinagbayad sa ginugol ng mga Briton sa digmaan at pagkasira ng mga imbak na opyo. - Pinaalis ang mga co-hong sa mga himpilang pangkalakalan at ang mga Briton ay direkta nang nakipag- ugnayan sa pamahalaang Tsino. Matapos ang kasunduang ito, magkakasunod na nagtatag ng saklaw na impluwensiya (sphere of influence) ang iba’t ibang bansang Europeo sa China. Ito ay tumutukoy sa pantay na pakikibahagi ng mga bansang ito sa lahat ng karapatan at pribelihiyong magtalaga ng kani-kanilang opisinang pangkoreo, kampong military, at bapor-pandigma sa China na dapat sana’y naipagkakaloob lamang ng may permiso ang bansa. Dinastiyang Qing ay naharap din sa matinding suliraning panloob. Ang dike ng Huang River ay nasira at bunga ng bahang idinulot nito,nasira ang mga pananim at namatay ang maraming Tsino. Ang suliranin sa pagbaha ay hindi agarang nabigyang-lunas bunga ng kakulangan sa pera na dulot naman ng matinding katiwalian na umiral sa pamahalaan. Higit na lumaki ang bahagdan ng naging sugapa sa opyo. Ang Rebelyong Taiping Noong kalagitnaan ng ika-18 siglo, higit na napadali ang pakikialam ng mga Kanluranin sa China. Nang mga panahong ito itinatag ni Hung Hsiu-chuan ang isang bagong dinastiya. Tinawag niya itong Taiping Tienkuo “The heavenly kingdom of great peace.” Hangad ni Hung Hsiu- chuan, ang pagtatatag ng isang kaharian kung saan ang mga tao ay magkakaroon ng pantay-pantay na bahagi sa yaman ng China, na walang sinuman ang maghihirap sa buhay. Ipinangaral niya ang pagkakabuklod- buklod ng bawat Tsino bilang magkakapatid sa ilalim ng mata ng diyos. Hinangad din niya ang pagbabalik ng dating kabantugan ng China sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa dinastiya ng mga Manchu at pagpapatalsik ng mga dayuhan mula China. Noong 1853, sinalakay at nasakop ng kanyang pangkat ang lungsod ng Nanking at pinangalanan itong Tianjing na ang kahulugan ay “Heavenly Capital.” Ngunit noong 1860, ang kanyang pangkat ay pinagtulungang supilin ng puwersang Tsino sa tulong ng mga puwersang Kanluranin nang tangkain nilang salakayin ang Shanghai. Ang puwersa ng mga Kanluranin na tinawag na “Ever Victorious Army” ay pinamunuan ni Frederick Townsend Ward. Ang Ikalawang Digmaang Opyo Ang Ikalawang Digmaang opyo ay naganap sanhi ng biglaang samsamin ng mga Tsinong awtoridad ang isang sasakyang Briton na may dalang opyo. Tinulungan ng mga hukbong Pranses ang mga Briton sa pakikidigma sa mga Tsino. Sapilitang ipinasuko ng mga Ruso sa mga Tsino ang Ussuri, isang teritoryo kung saan itinatag ng mga Ruso ang kanilang base military sa Vladivostok. Napunta sa Japan ang mga pulo ng Ryukyu, Formosa, at Liaotung Peninsula. 1885, ang kalakhang imperyo ng China ay napaghati-hatian nang mga Europeo. Ang Kasunduan sa Tientsin, 1860 Ang Kasunduan sa Tientsin o Peking Convention of 1860, ang tumapos sa Ikalawang Digmaang Opyo. Ang sumusunod ang probisyong itinalaga ng kasunduan: - Pagbubukas ng iba pang daungan ng China para sa kalakalan. - Ipinagkaloob nito sa mga dayuhan ang karapatang manirahan sa Peking at tuloy maglakbay saan man sa China. - Pinayagang lumaganap ang Kristiyanismo sa imperyo. - Naging legal ang kalakalan ng opyo sa imperyo. Sa pagtatapos ng Digmaang Opyo, ang bansa ay humarap sa higit pang malalim na suliranin. Lumago ang bilang ng populasyon sa 430 milyon sa kabila ng mahinang produksiyon ng pagkain. Lumaganap ang kagutuman, ang pamahalaan ay naharap sa hamon ng korupsiyon, kawalan ng suplay ng bigas, at iba pang pangangailangan. Ang Open-door Policy Idineklara ng United States Ang patakarang ito ay sinang-ayunan ng Britain at ng iba pang bansa. Sa patakarang ito, ang kalakalan sa China ay nabuksan sa buong daigdig. Naprotektahan nito ang karapatan ng United States sa pakikipagkalakalan sa China at naligtas ang China sa kolonisasyon, ngunit nanatili sa ilalim ng mga makapangyarihang dayuhan. Ang Rebelyong Boxer o Yihetuan Movement Bunga ng pagkahiya sa pagkawala ng kapangyarihan, maraming Tsino ang humiling ng reporma sa pamahalaang imperial. Bilang tugon, pinasimulan ni Emperador Guangzhou (pamangkin ni Empress Dowager Cixi na higit na kilala sa pangalang Pu Yi o Tzu Hsi), ang kanyang Hundred Days Reform, upang maging hakbang ito ay nagsilbing banta sa kapangyarihan ng mga Qing. Sa pangambang mawala ang kanilang kapangyarihan, kaagad nilang ibinalik si Empress Dowager Cixi sa kapangyarihan. Si Guangzhou ay pinaaresto at tuluyang pinapatay. Muli, ang insidenteng ito ay nagdulot ng pagkabigo sa mga Tsino at nagsimulang itatag ang lihim na samahang The Righteous and Harmonious Fists Society of Rebellion o Boxers. Ang Boxers ay isang marahas na samahang naglayong labanan ang mga dayuhan at mga samahang Kristiyano sa China. Noong 1900, sinimulan ng mga Boxers ang pagmamartsa sa Beijing habang isinigaw ang mga salitang “Death to the Foreign Devils.” Aktibo ring nakilahok sa martsang ito ang Red Lanterns, ang samahan ng mga kabataang kababaihan ng China. Ang martsang ito ay humantong sa pakikipaglaban ng mga pangkat sa pamahalaang Qing na nilahukan ng puwersang multinasyonal noong mga huling taon ng 1900. Noong Setyembre 1901, ang Rebelyong Boxers ay tinapos ng Boxer Protocol. Ang sumusunod ay ang itinalaga: - Ang China ay nahatulang magbayad ng 450 milyong tael sa naganap na pinsala at may dagdag na interes na magmumula sa salt tax. - Ang mga opisyal na kasangkot sa Boxer ay pinapatay. - Ang mga puwersang dayuhan ay pinayagang mamalagi sa kabisera ng bansa at baybay ng daang-bakal. - Pansamantalang ipinatigil ang pagbibigay ng civil service examination. Sa kabila ng kabiguan ng Boxers, umusbong ang damdaming nasyonalismo sa China. Napagtanto ng mga Tsino na kinailangan nilang labanan ang lumalalang pakikialam ng mga dayuhan. Naisipan ding panahon na upang matugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga Tsino. Pamprosesong tanong: 1. Ano ang patakarang pangkalakalan ng China sa dinastiyang Qing? 2. Bakit nagkaroon ng digmaang opyo sa China? 3. Naging makatarungan ba ang mga kasunduang nabuo sa China pagkatapos ng una at ikalawang digmaang opyo?