Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

mga

batayang
kaalaman sa
ponolohiya
Ang palatunugan ng wikang filipino
at iba pang wikang lokal

Group 2
FIL 212
ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO
ano ang Ponolohiya?

Ito ay mga tunog na ginagamit sa pagbuo ng


isang salita sa isang partikular na wika at
tunog na naririnig kung bumibigkas ng isang
buong salita o pahayag o pangungusap ang
nagsasalita

Mahalaga ang pag-aaral ng ponolohiya para


maipahayag ang diwang nais ibigay ng
nagsasalita‚ nagbibigay diin (stress), paghinto
(juncture), pagtaas-pagbaba ng tinig (pitch),
at pagpapahaba ng tunog (prolonging)
tatlong salik sa pagsasalita

01 02 03

enerhiya artikulador resonador

nililikhang presyon ng nagpapakatal sa mga nagmomodipika ng tunog,


papalabas na hiningang babagtingang pantig ang bibig at guwang ng ilong
galing sa baga ang itinuturing na resonador
02
ano ang ponema?
Ang ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog.
May dalawang uri ng ponema: ang segmental at ang suprasegmental.

ponemang segmental
Ang mga ponemang segmental ay mga yunit ng tunog na makikita sa iba’t ibang letra o simbolo ng
isang wika. Ito ay nagpapakita ng mga pagbabago sa tunog na maaaring makaapekto sa kahulugan
ng isang salita. Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

ponemang suprasegmental
Ang mga ponemang suprasegmental ay mga tunog o elemento ng tunog na hindi kinakatawan ng
mga tiyak na letra o simbolo, ngunit may malaking epekto sa kahulugan at bigkas ng isang salita o
pangungusap. Ito ay nagsasama ng mga aspeto tulad ng tono, diin at antala.
May dalawampu’t isang (21)
ponema ang wikang Filipino at
labing-anim (16) ang katinig at
lima naman ang patinig.

patinig - p, b, m, t, d, n, s, l, r, y,
k, g, h, w, z, d
katinig - a, e, i, o, u
ponemang segmental
May dalawang uri ng ponemang segmental: ang mga katinig (consonants) at patinig
(vowels). Ang mga katinig ay karaniwang kinakatawan ng mga tunog na nagaganap kapag
may sagabal sa daloy ng hangin sa loob ng ating bibig o lalamunan, samantalang ang mga
patinig ay ang mga tunog na nagaganap kapag walang sagabal sa daloy ng hangin.

Halimbawa, sa salitang Filipino na “bahay”, ang mga letrang b, a, h, a, at y ay kinakatawan


ng mga ponemang segmental. Ang pagbabago sa alinman sa mga ito (halimbawa,
pagpapalit ng “b” sa “m” upang maging “mahay”) ay magdudulot ng pagbabago sa
kahulugan ng salita.
mga uri ng ponemang
segmental

☆ Ponemang katinig
☆ ponemang patinig
☆ diptonggo
☆ Klaster
☆ pares minimal
☆ ponemang malayang
nagpapalitan
1. ponemang
katinig
Ang ponemang katinig ay maiaayos ayon sa tagpuan-
bigkasan at paraan ng pagbigkas at kung may tinig o
walang tinig ang pagbigkas nito.

May dalawang uri ang ponemang katinig:

1. punto ng
artikulasyon

2. paraan ng
artikulasyon
punto ng
artikulasyon

1. Panlabi - dumidiit ang ibabang labi sa labing


itaas./p.b.m/.

2. Pangngipin - dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas


ang dulo ng dila /t,d,n/.

3. Panlabi o Pangngipin - dumidiit ang ibabang labi sa


mga itaas na ngipin /f,v).

4. Panggilagid - ang ibabaw ng dulong dila ay


lumalapit o dumidiit sa punong gilagid/s,z,l,r/.
punto ng
artikulasyon
5. Palatal - lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi
ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /y/.

6. Velar - dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng


ngalangala ang ibabaw ng punong dila /k,g,n,w/.

7. Panlalamunan - ang likurang bahagi ng dila ay


dumidiit sa lalamunan /j/.

8. Glottal - lumalapit o dumidiit ang mga


babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng
papalabas na hiningang galing sa baga at
pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit
o pasutsot na tunog /h/.
paraan ng
artikulasyon
1. Pasara - ang daanan ng hangin ay harang na
harang. /p, t, k, d, b, g/

2. Pailong - ang hangin ay nahaharangan dahil sa


pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa
itaas ng ngipin o kaya'y dahil sa pagbaba ng velum ay
hindi sa bibig kung di sa ilong lumalabas.
/m, n/

3. Pasutsot - ang hanging lumalabas ay dumaraan sa


makipot na pagitan ng dila at ngalangala o kaya'y
mga babagtingang pantig.
/s, h/
paraan ng
artikulasyon
4. Paggilid - ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng
dila sapagkat ang dulong dila ay nakadikit sa punong
gilagid. /l/

5. Pakatal - ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at


pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng >lang
beses na paglapag ng dulong nakaarkong dila.
/r/

6. Malapatinig - dito'y nagkakaroon ng galaw mula sa


isang posisyon ng labi o dila patungo sa ibang
posisyon.
2. ponemang
patinig
Binibigkas sa ating dila na binubuo ng harap, sentral,
likod na bahagi. Ang mga bahagi ng dila ang
gumagana sa pagbigkas ng mga patinig na binibigkas
nang mataas, gitna, at mababa.
3. ano ang diptonggo?

Diptonggo ang tawag sa alin mang patinig na


sinusundan ng malapatinig na /w/ at /y/ sa
loob ng isang pantig
Ang mga diptonggo sa Filipino ay /ay, ey, oy,
uy, aw, ew, iw, ow, uw/

Halimbawa:
agaw
sisiw
aray
batsoy
4. klaster

Ito ang mga magkasunod na magkaibang


katinig sa isang pantig na maaaring
matagpuan sa posisyong inisyal o posisyong
pinal ng isang pantig
Halimbawa
kard
tsart
klaster
braso
5. pares - minimal

Ito ang pares ng mga salita na magkaiba ang


kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas
maliban sa isang ponema
Halimbawa
mesa - misa
tela - tila
pala - bala
6. ponemang malayang
nagpapalitan

Tinutukoy nito ang mga salitang katutubong


may nagkakapalitang ponema nang hindi
nagbabago ang kahulugan
Halimbawa:
saket - sakit
lalake - lalaki
babae - babai
doon - duon

Tandaan: Sa pagbigkas lang ito nagbabago


hindi sa pagbaybay
ponemang
suprasegmental

Ang ponemang suprasegmental ay ang mga


makabuluhang tunog na hindi tinutumbasan ng letra,
sa halip ay sinasagisag ito ng notasyng fonemik upang
mabanggit ang paraan ng pagbigkas.

May tatlong uri ng ponemang suprasegmental

☆ diin
☆ intonasyon
☆ hinto / antala
ponemang suprasegmental
Diin (Stress)
Ito ay tumutukoy sa lakas o bigat ng pagbigkas ng isang salita o pantig.
Sa Filipino, ang diin ay maaaring magpalit ng kahulugan ng isang salita. Ang lakas o bigat
sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng
mga salita. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
halimbawa

Halimbawa:
1. /BU:hay/ - kapalaran ng tao
2. /bu.HAY/ - humihinga pa
3. /LA:mang/ - natatangi
4. /la.MANG/ - nakahihigit; nangunguna
ponemang suprasegmental
Diin (Stress)
Mga simbolong ginagamit:
// - nangangahulugang luto na ang tunog o may taglay na itong
kahulugan
? - tinatawag itong glottal stop o pagbigkas ng tunog na waring may
pumipigil sa paglabas ng hanging galing sa bibig
h - tinatawag itong glottal fricative o nangangahulugang sa pagbigkas
ay malayang lumalabas ang hangin mula sa bibig
: - banayad o mahabang pagbigkas
. - kagyat na pagbigkas
ponemang suprasegmental
Diin (Stress)
Karagdagang halimbawa
/BA:ga/ - nakapapaso
/ba.GA/ - lungs
/PU:no/ - tree
/pu.NO/ - full
/ka?ibi.gan/ - friend
/ka?ibigan/ - sweetheart
/A:soh/ - uri ng hayop
/a.SOh/ -usok
ponemang suprasegmental
intonasyon (Pitch)
Ito ay tumutukoy sa taas o baba ng tunog sa pagbigkas ng isang salita.
Sa ilang wika, ang tono ay maaaring magbago ng kahulugan ng isang salita.
halimbawa

Nagpapahayag: “Madali lang ito.” – Sa halimbawang ito, ang tono o pitch ay pantay o pababa
sa dulo. Ito ay isang pahayag na nagsasabing madali lang ang isang bagay o sitwasyon. Ang
tono ay karaniwang neutral at diretso, na nagpapakita ng katiyakan.

Nagtatanong: “Madali lang ito?” – Sa halimbawang ito, ang tono o pitch ay tataas sa dulo ng
pangungusap. Ito ay nagpapahiwatig na ang pahayag ay isang tanong at hindi katiyakan. Ang
taas ng tono sa dulo ay nagbibigay ng indikasyon na inaasahan ng nagsasalita ang isang tugon.
ponemang suprasegmental
intonasyon (Pitch)
ponemang suprasegmental
intonasyon (Pitch)
ponemang suprasegmental
intonasyon (Pitch)
ponemang suprasegmental
intonasyon (Pitch)

Hindi ikaw.

Hindi ikaw!

Hindi ikaw?
ponemang suprasegmental
Antala (Juncture)
Ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil o paghinto sa pagsasalita. Ito ay makatutulong sa
pagbibigay-linaw sa kahulugan ng isang pangungusap, lalo na sa mga sitwasyon na
magkaiba ang kahulugan depende sa kung saan ilalagay ang paghinto.
halimbawa

"Hindi siya si Juan." – Sa pangungusap na ito, walang antala o pause. Ang pangungusap ay
nagpapahiwatig na ang taong tinutukoy ay hindi si Juan. Ito ay diretsong pahayag na
naglalayong itama ang maling pagkakakilala.

"Hindi, siya si Juan." – Sa pangungusap na ito, may antala pagkatapos ng salitang “Hindi,”. Ang
antala ay nagpapabago ng kahulugan ng pangungusap. Ito ay nagpapahiwatig na ang
nagsasalita ay tumututol sa isang naunang pahayag at nagpapatunay na ang taong tinutukoy ay
talagang si Juan.
ponemang suprasegmental
Antala (Juncture)

halimbawa

1. Hindi, pula.
2. Don Pepe ang boss ko.
3. Don, Pepe, ang boss ko.
4. Don Pepe, ang boss ko.
maraming
salamat!
mga batayang
kaalaman sa
ponolohiya
Ang palatunugan ng wikang filipino
at iba pang wikang lokal

Group 2
FIL 212
ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

You might also like