Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kagawaran ng Filipino

DAILY LESSON PETSA: Setyembre 25, 2023 ASIGNATURA: Filipino 8


LOG ARAW: Lunes MARKAHAN: Unang Markahan

TEMA Salamin ng Kahapon, Bakasin Natin Ngayon


PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
PANGNILALAMAN akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon
PAMANTAYAN SA Pagkatapos ng Unang Markahan ay inaasahang
PAGGANAP nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
panturismo.

I. LAYUNIN
A. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang
layunin ng napakinggan at maipaliwanag ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari

B. Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa


pamamagitan ng paghihinuha batay sa mga ideya o
pangyayari sa akda at ating kaalaman kaugnay sa binasa.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa Modyul 5: Pag-unawa sa Binasa

B. Sanggunian CO_ Q1_Filipino 8_Module 5

C. Kagamitang Panturo Laptop, TV, Powerpoint Presentation at Bidyo

III. PROSESO/PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain 1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagpuna ng silid-aralan

4. Pagtatala ng mga liban


B. Balik-aral

C. Pangganyak

D. Paghawaan ng sagabal
Epiko – ay isang tulang pasalaysay na tumatalakay sa
kabayanihan ng isang nakahihigit na tauhan na umiikot
sa digmaan ng pangunahing tauhan sa kaniyang kaaway.

Ito ay isa sa mga pinakamahalagang anyo ng panitikan sa


Pilipinas at sa iba’t ibang kultura sa buong mundo. Ito ay
nagsisilbing mga alaala ng mga sinaunang kultura at
tradisyon, at nakatutulong sa pagpapalaganap at
pagpapalalim ng mga ito.

Ang mga epiko ay may mahalagang papel sa


pagpapanatili ng mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan na maaaring makalimutan ng mga susunod na
henerasyon. Sa Pilipinas, ito ay nagsisilbing bantayog ng
mga pakikibaka at kagitingan ng mga ninuno natin. Ito ay
naglalaman ng mga kuwento tungkol sa mga bayani at
kanilang mga pakikibaka sa mga orihinal na mga kultura,
tulad ng mga epikong tulad ng “Hinilawod,” “Biag ni
Lam-ang,” at “Ibalon.”

Ang epiko ay hindi lamang isang anyo ng panitikan,


kundi isang bahagi rin ng ating kultura at identidad
bilang mga Pilipino. Ito ay nagbibigay ng mga aral sa
buhay, tulad ng pagpapahalaga sa katapangan,
pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.

Sa kasalukuyan, ang mga epiko ay patuloy na nagbibigay


ng inspirasyon at pag-asa sa mga tao sa gitna ng mga
pagsubok at krisis sa buhay.

E. Pagtatalakay ng Aralin
 Pagpapanood ng Ang Epiko ni Biag ni Lam-ang
 Pagpapasagot ng katanungan batay sa epiko
 Pagtatalakay ng Pag-unawa sa Binasa
 Pagtatalakay sa Pagkilala sa Layunin at
Paghinuha
 Pagtatalakay ng mga halimbawa ng hinuha

F. Takdang-Aralin
Kung ikaw ay magkakaroon ng kakaiba o nakahihigit na
kapangyarihan, ano ang kapangyarihang ito at bakit?
Paano mo ito magagamit upang makatulong sa iyong
kapwa?

G. Repleksyon Sa araw na ito ay natalakay ang iba’t ibang epiko


upang unawain ang binasa sa pamamagitan nito ay
makikilala sa layunin at magkakaroon ng hinuha
kung kaya’t inaasahan na 90% ng mga mag-aaral ay
may natutuhan sa araw na ito.

Inihanda ni: JAY-ANN R. JUANICO


Gurong Mag-aaral

Binigyang pansin ni: THELMA A. ABELLA


Gurong Tagapayo/Kritiko

You might also like