Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BIONOTE

Siya si Joshua E. Tamayo, isang 23-taong-gulang na taga-Brgy. Escoda, Marcos,


Ilocos Norte, na may araw ng kapanganakan noong April 20, 2000, sa Doña Josefa
Edralin Marcos District Hospital. Si Joshua ay may magandang track record ng
karangalan simula pa noong elementarya. Nagtapos siya ng hayskul sa academic
strand na Humanities and Social Sciences (HUMSS) noong 2018 sa Marcos
National High School (MNHS). Kasunod nito, nagtapos siya ng Bachelor of Science
in Development Communication noong 2023 sa Mariano Marcos State University
(MMSU).
Sa kasalukuyan, si Joshua ay nagtratrabaho bilang isang statistical researcher sa
Philippine statistics authority sa Brgy. 1 San Francisco, San Nicolas, Ilocos Norte, at
na-appoint siya sa Marcos Municipality. Bukod sa kanyang propesyonal na landas,
may walong mga kapatid si Joshua, ilan sa kanila ay nag-aaral sa pampribadong hayskul at kolehiyo, habang ang iba
naman ay hindi na nagtapos ng pag-aaral. Sa kanyang mga internship, si Joshua ay naging bahagi ng 954 KHZ Radio
Pilipinas News Community sa Laoag City, Philippine Information Agency sa Laoag City, at Ilocos Agriculture, Aquatic, and
Natural Resources Research and Development Consortium sa Batac City.
Dahil sa kanyang husay, si Joshua ay nakatanggap ng iba't ibang mga Certificates of Appreciation mula sa iba't ibang
mga organisasyon at webinars, patunay ng kanyang dedikasyon sa larangan ng komunikasyon. Bukod sa kanyang mga
propesyonal na pagpapakadalubhasa, may mga natatanging kahiligang pagluluto ng mga pagkaing Pinoy at paglalaro ng
volleyball si Joshua. May kanya-kanyang panahon siyang maging seryoso at masayahin, ngunit palaging masipag at
determinado sa anumang ginagawa. Sa kanyang barangay, kinikilala si Joshua bilang kabahagi ng mga proyekto sa
kanilang lungsod, at siya ay isa sa mga SK kagawad sa kanilang barangay.
Ipinapakita ni Joshua E. Tamayo ang halimbawa ng determinasyon, kakayahan, at dedikasyon sa kanyang larangan at
komunidad.

You might also like