Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Persona ni Dada

Apat na taon na ang nakararaan mula nang aking maramdaman

yaong kakaibang daga sa aking dibdib ’pagkat ’di ko maunawaan;

naghalong kaba’t tuwa ang aking nagugunita’t nasaksihan

nang malaman kong ako’y magiging isa nang haligi ng tahanan.

'Di magkamayaw ang mga mariposa sa aking tiyan,

lalo na nang gamunggo niyang mukha’y nasilayan

sa isang kapirasong papel kahit medyo may kadiliman,

ang puso’y nabalot ng hiwaga’t sadyang ’di malilimutan.

Ang munting paslit ay isinilang makalipas ang siyam na buwan,

pakiwari’y ang pagkatao ko’y nabuo sa sandaling s’ya ay nahawakan

tumigil yaring mundo sa unang araw na siya'y nahagkan;

ganito pala ang maging ama, na matagal nang nais makamtan.

Ngunit habang tumatagal ay may kung anong bumabagabag sa isipan,

’pagkat nang tumuntong sa isang tao’y tila aligaga ang kalooban;

nakapagtatakang hindi ko kamukha ang batang nasa aming tahanan

kung kaya't sa pag-uusisa’y ninais kong malaman ang buong katotohanan.


Nilihim kong magpasuri kung ako nga ba ang kan’yang tatay,

alam kong mali ngunit para ang pagkahibang ay tuluyang mahimlay;

hanggang sa lumabas ngang hindi ko siya anak na tunay

kung kaya't ang mahal kong asawa’y aking inaway.

Halos mga baso’t pinggang nagliliparan ang maririnig araw-araw

wala nang oras para sa katahimikan yaong aming bahay,

napag-isipan kong nagtaksil ang aking minamahal,

kargado ng poot ang aking puso’t ’di ko mapigilan.

Sinubukan kong pakinggan ang paulit-paulit na sinasabi ni Bebang,

hindi niya raw ako kailanman nagawang pagtaksilan,

hayaan ko raw muna siyang ang lahat ng ’yon ay mapatunayan;

napagpasiyahan niyang pati rin s'ya ay magpasuri kung s'ya ba ang nanay.

Dumaan ang isang araw at aming napag-alaman,

wala sa aming dalawa ang tunay na magulang;

nakapanlulumo, ang anak nami’y nasaan;

agad naming tinungo ang ospital na pinagluwalan.

Kami ay biktima ng pagkakapalit ng mga sanggol sa paanakan.

nakagugulantang ang nangyari ngunit ang lakas ng loob ay kailangan;

ang hanapin ang aming anak ay s’yang dapat pagtuonan

kaya’t hinagilap namin siya sa kung saan-saan.


Nakapapagod ngunit nakita namin siya sa bahay-ampunan,

nang mamatay pala ang kaniyang itinuring na mga magulang

ay wala nang ibang paraan kun’di kupkupin nila kaysa mabuhay sa lansangan;

matinding kirot ang bumalot sa akin at mga luha’y nag-unahan.

Inayos namin ang mga dokumento’t para maiuwi sa’ming tahanan,

nakatatawa mang isipin ngunit ang ampunin ang sariling anak ang s’yang daan

nang makapiling namin siya sa susunod pang mga araw— habambuhay;

at makapagsimula ng mga masasayang bagay na pagsasaluhan.

Sa ngayon ay namumuhay na kami na wari’y may kambal,

at piniling ayusin nang tahimik sa pagitan ng ospital

tinanggap namin ang perang inalok para ilaan sa kanilang pag-aaral;

mas ginamit ang oras sa pagbuo ng bagong samahang puno ng pagmamahal.

Sa Panulat Ni Marilou B. Guazon

Theme: Ang aking Padrasto

You might also like