Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Paaralan PANITAN NATIONAL HIGH Antas Baiting 7

SCHOOL
Guro DIAMIE P. ALONZO Asignatura Filipino
Petsa Markahan Ikatlong Markahan
Oras

I. LAYUNIN
a. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pangnilalaman

b. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol


Pagganap sa kanilang sariling lugar.

c. Mga Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang
Kasanayan sa halimbawa.
Pagkatuto F7PN-IIIj-17

Natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-balita batay sa


materyal na binasa.
F7PB-IIIj-19
II. NILALAMAN
PAGSULAT NG BALITA

III.KAGAMITANG Larawan, TarPapel, Bidyu


PANTURO
A. Sanggunian
MELCS

1. Mga Pahina sa
Gabay na Guro

2. Mga Pahina sa
Kagamitan Pang -
Mag-aaral
3.Karagdagang
Kagamitan mula sa Viral students na nagpakita ng kahusayan sa Radio Broadcasting
Portal ng Learning
Resource https://youtu.be/2z31Hntpf5o?si=p2fBY9tQV1vFbn8H

B. Iba Pang Larawan, TarPapel, Laptop, Projector


Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG KALAHOK
A. Panimulang
Gawain
a.) Panalangin ___Maari bang pamunuan mo ang ating (tatayo ang lahat upang manalangin)
panalangin?

b.) Pagbati Magandang umaga ONYX! Magandang umaga Maam Dia.

Maaari na kayong
umupo.

c.) Pagtala ng liban Mayroon bang lumiban sa ating klase Wala po maam!
ngayong umaga?

Mabuti naman, sana ganito palagi


upang walang maiwan sa ating
talakayan.

d.) Pagbabalik-aral sa • Bago tayo tuluyang dumako sa ating


nakaraang aralin at/o panibagong talakayan ay balikan muna
pagsisimula ng natin kung ano ang ating mga pinag-
bagong aralin aralan noong nakaraang linggo.

Tungkol saan ba ang mga napag-aralan Tungkol sa mga panandang anaporik at


natin noong nakaraang linggo, Dame? kataporik ng pangngalan.

Tama! Ngunit bago natin inalam kung


ang pagpapatungkol ba sa isang
pangungusap ay anaporik o kataporik
ay pinag-aralan muna natin kung ano
ang kahulugan at halimbawa ng
pangngalan at panghalip.

Beatriz, ano ba ang pangngalan? Ang pangngalan po ay tumutukoy sa


ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at
pangyayari.
Magaling! Ano naman ang panghalip?
Ivy? Ang panghalip ay mga salita o katagang
ginagamit bilang pamalit sa pangalang
binanggit sa unahan o sa hulihan ng
pangungusap.
Napakagaling! Ngayon, paano nyo
masasabi na ang pagpapatungkol sa Ang pangungusap ay anaporik kung ang
panghalip ay anaporik? panghalip na ginamit ay nasa hulihang
bahagi ng pangungusap bilang pananda sa
pinalitang pangalang binanggit sa unahan.
Mahusay, Justine.

Kung sa anaporik matatagpuan ang


panghalip sa hulihan, ano naman ang Ang pangungusap naman po ay kataporik
pinagkaiba nito sa kataporik? kung matatagpuan ang panghalip sa
unahang bahagi ng pangungusap bilang
panghalili sa pangalan sa hulihan.
Nakuha mo. Magaling!

Bakit mahalaga ang paggamit ng mga


kohestyong gramatikal o anaporik at Mahalaga ang paggamit ng mga ito upang
kataporik sa pagsusulat ng mga talata o maiwasan ang paulit-ulit na pagsulat ng
pangungusap? pangngalan ng tao, lugar, bagay at hayop.
Sa pamamagitan din nito ay mapapaiksi at
magiging banayad ang pagbabasa ng
tagapagbasa.
Napakagaling! Ngayon ay tiyak ko na
handa na kayo sa ating panibagong
talakayan.

B. Paghahabi ng Matapos ang isang oras na talakayan


Layunin ang mag-aaral ay inaasahang:

 Nasusuri ang mga salitang


ginamit sa pagsulat ng balita
ayon sa napakinggang
halimbawa.
F7PN-IIIj-17
 Natutukoy ang datos na
kailangan sa paglikha ng
sariling ulat-balita batay sa
materyal na binasa.
F7PB-IIIj-19

Indicator C. Pag- Bago tayo tuluyang dumako sa ating


uugnay ng mga bagong aralin ngayong umaga ay
halimbawa sa manonood muna tayo ng isang bidyu.
bagong aralin Unawaing maigi ang nilalaman ng
bidyu dahil magtatanong ako
pagkatapos.

https://youtu.be/2z31Hntpf5o?
si=DJJP8l2vOwzAYWXb

Naunawaan ba ang pinanood na bidyu? Opo..

Ano ba ang tawag sa bidyung inyong Iyon po ay halimbawa ng pagbabalita.


napanood?

Tama! iyon ay halimbawa ng Sila po ay nagsasalita sa mikropono


pagbabalita. Paano ba nila ginawa ang habang binabasa ang kanilang iskript at
pagbabalita batay sa inyong mga nag-iiba po ang kanilang boses batay sa
napansin sa panonood nito? tungkuling kanilang ginagampanan sa
pagbabalita.
Magaling! Kayo rin ba ang nanonood o
nakikinig ng mga balita? Minsan po.

Tungkol saan ba ang mga balitang


pinapanood o pinakikinggan ninyo? Tungkol po sa sunog, mga nakawan at mga
naaaksidente.
Mabuti naman at nanonood o nakikinig
kayo ng mga balita dahil ngayon ay
may kinalaman sa mga napapanood at
napakinggan ninyong mga balita ang
tatalakayin natin sa araw na ito.

D. Pagtalakay ng Talasalitaan:
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Panuto: Alamin ang kahulugan ng mga
pahayag na pinaitim sa loob ng
pangungusap.
Mga sagot:

1. Sobrang ingay sa bahay ni Aling 1. BALITA


Marta, hindi tuloy ako makapag
basa ng maayos. Ang tanging
naririnig ko na lamang ay ang
ingay ng taong nagsasalita sa
radyong kaniyang
pinakikinggan na tumatalakay
sa iba’t ibang kasalukuyang
kaganapan sa labas at/o loob
ng isang bansa na
nakatutulong sa pagbibigay-
alam sa mga mamamayan.

a) Teleserye
b) Talk Show
c) Balita

2. Wala naman akong problema 2. BALITANG PANG-


kay Aling Marta sapagkat EDUKASYON
nakakatulong naman ang mga
balitang kaniyang
pinakikinggan. Ang ilan sa mga
ito’y kinahihiligan ko rin dahil
ito ay mga balitang
tumatalakay sa mga
pangyayaring may
kinalaman sa edukasyon.

a) Balitang Panlokal
b) Balitang Pampalakasan
c) Balitang Pang-
edukasyon

3. Kahit si Tatay ay alam kong 3. BALITANG PAMPALAKASAN


nakikinig dahil inaabangan niya
ang mangyayaring laban ni
Manny Pacquio. Kabilang kasi
sa mga pinakikinggan ni Aling
Marta ay ang mga balitang
tumatalakay sa mga
pangyayaring may kinalaman
sa mga palaro at
kumpetisyong pampalakasan.

a) Balitang Pampalakasan
b) Balitang Pantahanan
c) Balitang Panlokal

4. Aba! Lalong hindi ako dapat 4. BALITANG PANTAHANAN


magreklamo sa ingay ng radyo
ni Aling Marta dahil alam kong
maging si Nanay ay nakikinig sa
mga balitang tumatalakay sa
mga pangyayaring may
kinalaman sa pamamahala ng
tahanan.

a) Balitang Pampolitika
b) Balitang Pantahanan
c) Balitang pang-
kabuhayan

5. At kahit hindi ako lumalabas ng


bahay ay alam ko ang mga 5. BALITANG PANLOKAL
nangyayari sa aming lungsod.
Bakit? Syempre dahil kay Aling
Marta. Alam ko kasi na iyon ang
paborito niyang pakinggan na
balita – mga balitang
tumatalakay sa mahahalagang
pangyayaring nagaganap
lamang sa isang tiyak na
bahagi ng bansa.

a) Balitang Panlokal
b) Balitang Pantahanan
c) Balitang Pampalakasan

E. Pagtalakay ng Bago ang lahat ay may inihanda ako


bagong konsepto at ritong ilang mga gabay na katanungan
paglalahad ng na makatutulong sa inyo upang lubos
bagong kasanayan ninyong maunawaan ang panibago
#2 nating aralin.

Mga Gabay na Tanong:

 Ano ang balita?

 Ano - ano ang iba’t ibang uri ng


balita?

 Paano ang wastong pagsulat ng


balita?

PAGSULAT NG BALITA

Bago natin tatalakayin ang mga paraan


sa pagsulat ng balita ay alamin muna
natin kung ano ba ang tinatawag nating
balita.

Sabi ninyo kanina ay nanonood kayo Ang balita ay tumatalakay sa mga


minsan ng balita. Batay sa inyong mga pangyayaring nagaganap o naganap na sa
napanood sa tv o napakinggang balita ating paligid.
sa radyo, ano sa tingin ninyo ang
kahulugan ng balita?

Tama!

Ang balita (mula sa Sanskrito: [vārttā])


ay isang uri ng lathalain na tumatalakay
sa mga kasalukuyang kaganapan sa
labas at/o loob ng isang bansa na
nakatutulong sa pagbibigay-alam sa
mga mamamayan.
Ibig sabihin kapag ito ay tumatalakay sa
mga kasalukuyang nagaganap sa ating
paligid na may layuning bigyan tayo ng
kaalaman ito ay maituturing na isang
balita.

Saan ba tayo madalas nakakakuha ng Sa tv po at radyo


mga balita?

Tama! madalas tayong nanonood ng


telebisyon kung kaya’t dito rin tayo
nakakakuha ng samu’t saring balita.
Kung binubuksan rin ng ating mga
magulang ang radyo sa ating mga
tahanan ay nakakarinig din tayo ng mga
balita.

Ang newspaper ba ay kakukuhanan din Opo.


ng mga balita?

Magaling! Ang mga balita ay maaaring


ihatid sa pamamagitan ng paglilimbag.
Ibig sabihin, maraming paraan upang
ihayag ang balita at makarating ito sa
mga mamamayan. Maaari itong ihayag
sa pamamagitan ng paglilimbag,
pagsasahimpapawid, Internet, o galing
sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa
maramihang mambabasa at nakikinig.

URI NG BALITA

Mayroon tayong iba’t ibang uri ng


balita. Ito ay ang mga:

1. Balitang Panlokal - tumatalakay sa


mahahalagang pangyayaring
nagaganap lamang sa isang tiyak na
bahagi ng bansa.(munisipyo, lungsod,
lalawigan.)

2. Balitang Pambansa - tumatalakay sa


mahahalagang pangyayaring
nagaganap sa buong bansa.

3. Balitang Pandaigdig - tumatalakay


sa mahaha
lagang pangyayaring nagaganap sa iba’t
ibang bansa ng daigdig.

4. Balitang Pang-edukasyon -
tumatalakay sa mga pangyayaring may
kinalaman sa edukasyon.

5. Balitang Pampolitika - tumatalakay


sa mga pangyayaring may kinalaman
sa politika.

6. Balitang Pampalakasan -
tumatalakay sa mga pangyayaring may
kinalaman sa mga palaro at
kumpetisyong pampalakasan.

7. Balitang Pantahanan - tumatalakay


sa mga pangyayaring may kinalaman
sa pamamahala ng tahanan.

8. Balitang Pangkabuhayan -
tumatalakay sa mga pangyayaring may
kinalaman sa negosyo at takbo ng
kabuhayan ng bansa.

9. Balitang Panlibangan - tumatalakay


sa mahahalagang pangyayaring may
kinalaman sa larangan ng telebisyon,
radyo, pelikula, tanghalan at iba pa.

PAGSULAT NG BALITA

Sa pagsulat ng balita, karaniwang


ginagamit ang kayariang baligtad na
piramide (inverted pyramid) kung saan
makikita ang pagpapahalaga sa
bahaging nais itampok. Narito ang
paraan sa pagsulat ng isang balita.

1. Karaniwang isinusulat ang


mahahalagang datos sa unang talata na
kung tawagi’y pamatnubay na
pangungusap. Tumutugon ito sa mga
tanong na ano, sino, kailan, bakit at
paano sang-ayon sa nais itampok o
bigyang halaga sa balita.

2. Ang katawan ng balita ang siyang


nagbibigay sa mga detalyeng paliwanag
hinggil sa mga datos na binabanggit sa
pamatnubay.

3. Ang panghuling bahagi ang


tumutugon sa di- gaanong
mahahalagang
detalye. Samakatuwid, sinusulat ang
katawan sa paraang pahinang
kahalagahan.

F. Panlinang sa Babalikan ang ibinigay na tanong at


kabihasaan (Tungosa pasasagutan.
Formative
Assessment) Mga Gabay na Tanong:

 Ano ang balita? Ang balita ay isang uri ng lathalain na


tumatalakay sa mga kasalukuyang
kaganapan sa labas at/o loob ng
isang bansa na nakatutulong sa
pagbibigay-alam sa mga mamamayan.

 Ano - ano ang iba’t ibang uri ng Balitang Panlokal, balitang pang-
balita? edukasyon, balitang pantahanan, balitang
pampalakasan, balitang pangkabuhayan,
balitang pampolitika, balitang Pambansa,
balitang pandaigdig, at balitang
panlibangan.

 Paano ang wastong pagsulat ng Sa pagsulat ng balita, karaniwang


balita? ginagamit ang kayariang baligtad na
piramide (inverted pyramid) kung saan
makikita ang pagpapahalaga sa bahaging
nais itampok.

Sa unang talata dapat tumutugon ito sa


mga tanong na ano, sino, kailan, bakit at
paano sang-ayon sa nais itampok o
bigyang
halaga sa balita. Ang pangalawa dapat ang
katawan ng balita ang siyang nagbibigay sa
mga detalyeng paliwanag hinggil sa mga
datos na binabanggit sa pamatnubay. Ang
panghuling bahagi naman ang tumutugon
sa di- gaanong mahahalagang
detalye. Samakatuwid, sinusulat ang
katawan sa paraang pahinang
kahalagahan.

G. Paglalapat ng  Pangkatang Gawain


aralin sa pang-araw-
araw na Panuto:
buhay/Pangkatang Magbuklod sa dalawang pangkat.
Gawain Pagkatapos ay gawin ang nakatalagang
gawain sa inyong pangkat sa loob
lamang ng sampung (10) minuto.

Sumulat ng isang maikling balita batay


sa isang ulo ng balita na nakatalaga sa
inyong grupo. Ang balita ay dapat
tumutugon sa mga tanong na ano, sino,
kailan, bakit at paano.

Pangkat 1: Hiwalayang Kathryn


Bernardo at Daniel Padilla
pinagpipyestahan ngayon sa social
media.

Pangkat 2: Bagong tayong resort sa


Bohol umani ng samu’t saring
reaksiyon sa mga netizens.

Pamantayan /Rubriks sa
pagmamarka:

1. Nilalaman -------------------------- 20

2.Kooperasyon------------------------- 20

3. Kasiningan ng presentasyon ----10

KABUOAN-----------------------------50
Ngayon ay batid kong mayroon na
kayong kaalaman kung ano ang balita,
at iba’t ibang uri ng balita.

May hilig din ba ang inyong mga Opo..


magulang sa pangangalap ng balita?

Saan sila madalas kumukuha ng balita? Sa telebisyon po, Radyo at Internet.

Anong uri ba ng balita ang madalas


nilang pinapanood?

Quenne.. Mga balitang panlibangan, balitang


Pambansa at balitang pantahanan po.

Sinasabihan din ba kayo ng inyong mga Opo.


magulang na manood ng balita?

Sa tingin ninyo, ano ang kahalagahan Sa pamamagitan po nito ay nagkakaroon


ng panonood ng balita sa inyo bilang kami ng kamalayan sa mga kasalukuyang
mga estudyante? nagaganap sa labas o loob man ng ating
bansa. Sa pamamagitan din po ng balita ay
marami kaming natututunang mga bagay
na hindi namin natututunan sa loob ng
paaralan.
H. Paglalahat ng Kapag tayo ay nagsusulat ng balita, Upang wasto ang pagkakasunod-sunod ng
Aralin bakit mahalagang maunawaan natin ang mga ideya na ilalakip natin mula sa pinaka
mga paraan kung paano ito wastong mahalaga at ‘di gaanong mahalagang
isulat? detalye ng balita.
I. Pagtataya ng Panuto: Sa ibaba ay mga halimbawa ng
Aralin ulo ng mga balita. Suriin ito ayon sa uri
ng balita. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

a. Balitang Pampolitika Mga Sagot:


b. Balitang Pandaigdigan
c. Balitang Pambansa 1. C
d. Balitang Pampalakasan 2. A
e. Balitang Pang-edukasyon 3. D
f. Balitang Panlibangan
4. E
____ 1. DENR: Plastic Straw, 5. B
panghalo ng kape, ipinagbabawal na
ngayon sa Pilipinas

____ 2. Lacson liwat magapapili


gobernador sa 2022.

____ 3. Palarong Pambansa: Batang


kampeon ng 3000m, tumakbong
nakapaa.

_____4. Pagsisimula sa Klase: Kalidad


na Edukasyon para sa Iilan

____ 5. Paglisan ng 30,000 tropang


Kano sa South Korea, hiniling.
J. Karagdagang Panuto: Gumawa ng repleksiyon
Gawain para sa tungkol sa inyong mga natutuhan sa
takdang-aralin at ating tinalakay.
remediation
Natutuhan ko na mahalagang patuloy na
basahin, pag-aralan, at matuto mula sa
iba’t ibang uri ng balita at kung paano
ito isusulat dahil:

______________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
_______.

Pamantayan sa Pagmamarka:

NILALAMAN --------------------- 5

ORGANISASYON ---------------- 5

MENSAHE ------------------------- 5

KABUOAN ------------------------ 15

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY

Inihanda ni:

DIAMIE P. ALONZO
Tagapakitang Turo

Pinagtibay ni:

JANETH DANGAN
Gurong Tagapagsanay

You might also like