Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Aborsyon Ba’y Solusyon o Polusyon?

Aborsyon, marahil hindi na ito bago sa ating pandinig. Ni isang beses sa ating
buhay ay sumagi sa ating isipan ang katagang “Aborsyon, Ito ba’y solusyon o
polusyon?” Bago ang lahat, ano nga ba ang aborsyon? Ang aborsyon ay ang pagkitil sa
buhay ng sanggol o fetus sa sinapupunan ng isang ina. Sa ibang bansa, legal ang
aborsyon. Ang mga mag-asawa ay siyang magpapasiya kung ipagpapatuloy ba nila ang
kanilang pagbubuntis o tatapusin ito sa isang abortion clinic. Sa kabilang banda, ang
mga Pilipino ay konserbatibo sa mga bagay na ito. Para sa atin, ang sanggol sa
sinapupunan ng isang ina ay isang buhay na tao na may karapatang patuloy na
mabuhay. Kaya naman, ang batas tungkol sa aborsyon dito sa Pilipinas ay patuloy na
nagbabawal sa ganitong gawain.
Bilang isang Pilipino at bilang isang anak na lumaking relihiyoso, sasandig sa
mga taong hindi pabor sa konsepto ng aborsyon. Para sa akin, ano mang uri ng buhay
ay regalo ng may kapal na dapat ay binibigyang halaga. Labag sa adhikain ng Bibliya
ang pagtapos ng buhay ng ano mang likha ng ating ating panginoom. Dadag pa rito,
mayroong saligang batas tungkol sa aborsyon dito sa Pilipinas. Ang Article II ng 1987
Saligang Batas ng Pilipinas sa seksyon 12, sinasabi na protektado ng batas ang buhay
kapwa ng ina at ng hindi pa naisisilang na sanggol mula sa paglilihi. Dito sa Pilipinas,
bawal ang aborsyon at ang paglabag dito ay nangangahulgan ng pagkakakulong. Sa
aking palagay, una, bawat bata ay isang mahalagang regalo mula a diyos, at kailan
ma’y wala tayong karapatan na sirain ang regalong ito. Ikalawa, ang walang muwang
na bata ay nangangailangan ng espesyal na proteksyon dahil hindi pa nito kayang
ipaglaban ang kaniyang karapatan. Ikatlo, ang karapatan ng hindi pa naisisilang na
sanggol ay kapantay ng sa kanyang ina. Ikaapat, ang mga bata na may pisikal at
mental na mga kahinaan ay pwede ring magkaroon ng magandang buhay sa
hinaharap. Higit sa lahat, ang aborsyon ay pagpatay, ang sadyang pagkitil ng buhay ng
tao na kahit kailan ma’y isang aktong hindi katanggap-tanggap. Habang pinagtatanggol
ng ilan ang karapatan ng isang babae na magdesisyon sa kanyang katawan, hindi natin
dapat kalimutan na mayroon ding responsibilidad ang bawat indibidwal sa bawat
aksyon na kanilang ginagawa. Ang pagsasaalang-alang sa karapatan ng isang tao ay
hindi dapat mawala sa usaping ito.
Sa huli, ang aborsyon ay isang isyu na kailangan pagtuunan ng masusing pansin
at pag-aaral. Hindi ito simpleng usapin na maaaring hatiin sa puti at itim, ngunit may
maraming aspeto na dapat isaalang-alang. Sa kabila ng mga argumento para sa
aborsyon, naniniwala ako na ang pagpapahalaga sa buhay at pagbibigay ng suporta sa
mga alternatibong solusyon ay mahalaga upang mapangalagaan ang kapakanan ng
lahat ng sangkatauhan. Para sa akin, ito ay isang polusyon na dapat puksain, hindi
solusyon na dapat palaganapin.

You might also like