Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si Francisco Balagtas Baltazar y Dela Cruz ay isinilang noong ika-2 ng Abril, 1788 sa nayon ng

Panginay (Balagtas) Bigaa, Bulacan. Ang kaniyang ina ay si Juana Dela Cruz at ang kaniyang
ama ay si Juan Balagtas. Bunso sa apat na magkakapatid si Baltazar o kung tawaging si “Kiko”,
sina Felipe, Concha, at Nicolasa ang kaniyang mga kapatid.
Mahirap lamang ang kanilang pamilya. Ang kaniyang Ina ay isang karaniwang maybahay at ang
kaniyang Ama naman ay isang panday. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng kanilang
kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura–paroko at dito ay may mga natutunan naman
siya. Ang pandayan ng kaniyang ama ay tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko
ang mga usapan at pagtatalo tungkol sa mga sakit ng lipunan, dahil dito malaki ang nagawa
nito sa isipan ni Kiko. Nagtulak ito sa kaniya na lumuwas ng Maynila para makapagpatuloy ng
pag-aaral.
Sakto dahil may kamag-anak silang mayaman na si Donya Trinidad na taga Tundo, Maynila at
pwedeng pumasok si Kiko dito para maging utusan nila. Sa kabutihang palad ay nagustuhan ng
kamag-anak nila ang paninilbihan ni Kiko, dahil dito ay pinayagan siyang makapag-aral.
Nakapag-aral siya sa Colegio de San Jose at dito ay natutuhan niya ang Gramatika, Latin,
Kastila, Fiska, Geografia at Doctrina Cristiana. Noong 1812 ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang
pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran at dito’y nagtapos siya ng mga karunungang
Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Si Padre Mariano Pilapil ang kaniyang nagging guro, ang
may akda ng Pasyong Mahal.
Dahil sa mga malikhaing tula na inilikha ni Baltazar ay naging tanyag siya sa purok ng Tundo,
Maynila at itinuturin siyang mahusay na makata. ‘Di nagtagal ay may nagustuhan si Baltazar na
babae na nagngangalang si Magdalena Ana Ramos at ito’y ginawan niya ng tula. Sa panahong
iyon ay may isang taong tagaayos ng tula at siya si Jose Dela Cruz o mas kilala bilang Huseng
Sisiw dahil ang isang sisiw ang kabayaran kung gusto mo magpa-ayos ng tula sa kaniya. Isang
araw ay nag tungo si Baltazar dito para magpa-ayos ng nilikha niyang tula ngunit wala siyang
dalang sisiw para sa kabayaran kaya umuwi na lang siya ng may sama ng loob at simula noon
ay hindi na siya nanghihingi ng tulong para sa kaniyang mga nilikhang tula.
Taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa
kasamaang palad ay may karibal siya dito na mayaman at makapangyarihan sa pook na iyon,
siya si Mariano Kapule. Ngunit winalang bahala ito ni Baltazar, pinagpatuloy niya pa rin ang
panliligaw niya sa babae at ‘di nag tagal ay naging magkasintahan sila.
Ngunit lahat ng iyon ay hindi nag tagal dahil sa kayaman ni Mariano Kapule, ipinakulong niya si
Baltazar kaya walang nagawa si Baltazar at si Maria Asuncion Rivera dahil ang gusto rin ng
magulang ng babae ay si Mariano Kapule ang maging asawa niya.
Dito nabuo ang inilikhang tula ni Baltazar na “Florante at Laura”. Ito’y ginawa niya habang siya
ay nakakulong.

You might also like