Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

LEARNING PACKET IN ARALING PANLIPUNAN 9

Aralin 6
DEMAND
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nabibigyang kahulugan ang demand;
2. naipaliliwanag ang konsepto ng demand;
3. nabibigyang kahulugan ang mga kaisipang may kaugnayan sa demand; at
4. nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya.

PAUNANG-PAUNAWA │JUMBLED LETTERS

Ayusin ang mga ginulong letra sa puzzle box upang maibigay ang hinihinging
kasagutan sa mga gabay na tanong. Maaari mong balikan ang iyong mga napag-aralan
sa mga naunang aralin upang madali mong masagot ang katanungang nakapaloob ditto.
Kung maisasaayos mo nang tama ang mga letra sa puzzle ay may mabubuo kang salita
sa unang kolum nito.

1. A P Y G O D I R E M A
2. N I M E S O K O K
3. K M R I M O O K Y A N K O S E
4. A K Y O S N L A O
5. S O N G O Y E
6. T R I D I S B U S O Y N

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang tawag sa pag-aaral tungkol sa uri, kalidad, at balangkas ng populasyon?
2. Anong sangay ng agham panlipunan ang tungkol sa efficient na pagpili at
paggamit ng mga pinagkukunang-yaman?
3. Ano ang pag-aaral sa maliit na yunit ng ekonomiya?
4. Ano ang tawag sa pamamaraan ng paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-
yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao?
5. Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na ang layunin ay
magkamit ng kita o tubo.
6. Ano ang katawagan sa pamamaraan ng pagbabahagi ng kabuuang yaman o kita
ng lipunan sa bawat indibidwal o sa mga salik ng produksiyon tulad ng lupa,
paggawa, kapital at entrepreneurship?

1.
2.
3.
4.
5.
6.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong salita ang nabuo mula sa unang hanay pababa?
2. Ano ang iyong paunang pagkaunawa sa salitang demand?

PAGLALALIM
ANG KONSEPTO NG DEMAND
1
May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay. Ang
demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa (willing) at kayang
(able) bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Malaki ang
relasyon ng presyo sa pagtatakda ng demand ng isang tao. Mailalarawan ang relasyong
ito sa pamamagitan ng paghihimay ng mga kaugnay na termino.
Demand Function
Ito ay isang mathematical equation na nagpapakita ng dalawang variables. Ang QD
(quantity demanded) ay dependent variable na nagbabago sa bawat pagbabago ng P
(price) na siyang idependent variable. Tunghayan ang halimbawa ng demand function
para sa melon na gagamitin upang masuri pa ang konsepto ng demad

QD = 300 – 10P

Ang 300 ay ipinlalagay na dami ng produktong ayaw bilhin ng mamimili sa presyong


₱30.00. Subukan itong kuwentahin:
A. ₱30.00
QD = 300 – 10P
QD = 300 – 10(30)
QD = 300 – 300
QD = 0
Malinaw na ipinakikita na sas presyong ₱30.00 ang mamimili ay hindi bibili ng melon.
Subukang ibaba ang presyo (P) sa ₱28.00 at ₱26.00, tignan ang magiging resulta sa
dami ng demand (QD) ng isang mamimili.

B. ₱28.00
Mapapansin ang magkasalungat na relasyon
QD = 300 – 10P
ng presyo (P) at dami ng demand (QD) sa
QD = 300 – 10(28)
demand function:
QD = 300 – 280
QD = 20 1. habang bumababa ang presyo,
tumataas ang demand; at
2. habang tumataas ang presyo,
C. ₱26.00
bumababa ang demand.
QD = 300 – 10P
QD = 300 – 10(26)
QD = 300 – 260
QD = 40

TUKLASIN
Kuwentahin niyo ang mga susunod na presyo ng melon gamit ang parehong demand
function.
D. ₱24.00
E. ₱22.00
F. ₱20.00
G. ₱18.00
H. ₱16.00
I. ₱14.00
ISKEDYUL NG DEMAND ( DEMAND SCHEDULE)

2
Ito ay tumutukoy sa isang talaan ng dami ng produkto na handa at kayang bilhin
ng mamimili sa iba’t ibang presyo. Ito ay isang pa ring paraan ng pagpapakita ng
magkasalungat na relasyon ng presyo at dami ng demand.

Kung ipagpatuloy ag pagkuwenta sa demand function gamit ang iba’t ibang presyo
sa TUKLASIN, makalilikha ng ganitong talaan.

DEMAND SCHEDULE NG MELON


PUNTO Dami ng Demand Presyo Mapupuna sa talahanayan
(QD) (P) (table) na:
A 0 30 1. habang bumababa ang
B 20 28 presyo, tumataas ang
C 40 26 dami ng bilhin ng isang
D 60 24 mamimili; at
E 80 22 2. habang tumataas ang
F 100 20 presyo, bumababa ang
G 120 18 dami ng bibilhin.
H 140 16
I 160 14

KURBA NG DEMAND (DEMAND CURVE)


Maaari nang ilapat ang mga datos sa dalawang axis.
1. Ang presyo (P) sa y–axis (pahalang na linya/horizontal line).
2. Ang dami ng demand (QD) sa x-axis (patayong linya/vertical line).

Ang kurba ng demand ay isa naming grapikong paglalarawan sa magkasalungat


na relasyon ng presyo at dami ng bilihin. Magagamit ang iskedyul ng demand upang
maipakita ang kurba ng demand.

Kung pag-aaralang mabuti ang kurba ng demandd,


makikita na ito ay may pagkiling pababa (downward sloping).
Katulad ng demand function at iskedyul ng demand, ipinakikita
rin nito ang magkasalungat na relasyon ng presyo at dami ng
bibilhin. Sa madaling sabi, ang kurba ng demand ay may
ganitong pangkalahatang paglalarawan.

3
BATAS NG DEMAND
Ang batas ng demand ay nagsasaad na ceteris paribus:
1. habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand; at
2. habang bumababa ang presyo, tumataas nag demand.

Ang ceteris paribus ay nangangahulugan na hindi nagbabago ang ibang mga salik.
Samakatuwid, ang presyo ang tanging salik na nagpapabago sa demand. May isang
paksa na nakalaan sa pagtalakay sa mga iba pang salik na nakapagpapabago sa
demand.

PAGYAMANIN PA
Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na
pangungusap. Isulat ang mga tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita.
1. _ _ _ A _ _ tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin
ng mga mamimili.
2. _ _ _ A _ _ _ _ _ _ A _ _ nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa
pagitan ng presyo at quantity demanded.
3. _ _ _ _ A _ _ D _ _ _ _ _ grapikong paglalarawan ng presyo at quantity
demanded.
4. _ _ _ E _ _ _ _ _ _ I _ _ _ ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay
hindi nagbabago.
5. _ N _ _ _ _ _ _ _ _ _ T nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita
kapag mas mahaba ang presyo.

ALITUNTUNING PANGKAALAMAN

A│PAGBUO SA TALAHANAYAN.
Buoin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagsulat sa mga kailangang impormasyon.
Gamitin ang QD = 250 – 5P sa pagbuo ng talahanayan.

B│I-DEMAND, ITALA, at IKURBA


Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong klase sa P.E. Nagkataong may
tinda sa kantina na buko juice. Ilang baso ng buko juice ang handa at kaya mong bilhin
sa presyong Php6, Php8, Php10 hanggang Php14 kada baso? Itala ito sa kolum ng Q D.
Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat presyo upang mabuo
ang demand schedule.

Ipagpalagay na ang demand function mo ay QD = 50 - 2P. Pagkatapos nito ay


ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mga
pamprosesong tanong sa ibaba.

Lista Ng Mga Pinagkukunag Ng Impormasyon, Ideya, At Datos


Abueg, L. C. (2021). Ekonomiks 9 Ang Pilipinas at ang Sandaigdigan. St. Augustine Publication Inc.
Flores, H. J., & Ferrer, J. C. (2017). Kalakaran sa Ekonomiks. St. Bernadette Publishing House Corporation.
Lopez, J.M. M., Lozanta Jr., A. A., Gutierrez, M.C. T., & Vargas, H. P. (2017). Kronika 9 Ekonomiks. SalesianaBooks by
Don Bosco Press, Inc.

4
ARALING PANLIPUNAN 9 │Aralin 6
PANGALAN: ____________________________________ PETSA: _____________
SEKSYON: ____________________________________ PUNTOS: _____________

ALITUNTUNING PANGKAALAMAN

A│PAGBUO SA TALAHANAYAN. Buoin ang talahanayan sa pamamagitan ng


pagsulat sa mga kailangang impormasyon. Gamitin ang QD = 250 – 5P sa
pagbuo ng talahanayan.

PUNTO QD PRESYO
(sa kilo) (₱/sa bawat kilo)
A. 0 50
B. (1.) _________ 45
C. 50 (2.) _________
D. (3.) _________ 35
E. 100 (4.) _________
F. (5.) _________ 25

SOLUSYON
1.
QD : ______
P : ______ 2.
QD : ______
P : ______

3.
QD : ______ 4.
P : ______ QD : ______
P : ______

5.
QD : ______
P : ______

B│I-DEMAND, ITALA, at IKURBA

5
Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong klase sa P.E. Nagkataong may
tinda sa kantina na buko juice. Ilang baso ng buko juice ang handa at kaya mong bilhin
sa presyong Php6, Php8, Php10 hanggang Php14 kada baso? Itala ito sa kolum ng Qd.
Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat presyo upang mabuo
ang demand schedule.

Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 50 - 2P. Pagkatapos nito ay


ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mga
pamprosesong tanong sa ibaba.

Demand Schedule para sa baso ng Buko Juice

Presyo ng Quantity
Bawat Demanded
Piraso (QD)
6

10

12

14

SOLUSYON:

Pamprosesong Tanong:
1. Ilan ang quantity demanded sa presyong Php6.00?
________________________________________________________________

2. Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded nang tumaas ang presyo mula
Php8.00 papuntang Php14.00? Ipaliwanag ang sagot.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang isinasaad ng batas ng demand batay sa


nabuo mong demand schedule at demand curve.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

You might also like