Filipino 9-Pangatnig-Quiz

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Filipino 9

Pangatnig
- Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap.

Halimbawa: Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga
kababaihan.

(Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng mga salitang edukasyon at kamulatan.)

Halimbawa: Sila'y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng
pamilya.

(Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng dalawang sugnay. Ang unang sugnay ay sila'v karamay sa suliranin. Ang
ikalawang sugnay ay kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.

May dalawang panlahat na pangkat ng mga pangatnig:

(1) yaong nag-uugnay ng magkatimbang na yunit

(2) yaong nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit.

Sa unang pangkat, kabilang ang mga pangatnig na at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit, atbp. Ang mga
pangatnig na ito ay nag-uugnay ng mga salita, parirala, at sugnay na magkatimbang o mga sugnay na kapuwa
makapag-iisa.

Sa ikalawang pangkat naman ay kabilang ang mga pangatnig na kung, nang, bago, upang, kapag o pag, dahil sa,
sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, sana, atbp. Ang mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng dalawang sugnay na
hindi timbang, na ang ibig sabihin ay pantulong lamang ng isang sugnay.

- mula sa Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco, 2003

Pangalan:_____________________________________________ Seksiyon: ______________________

Pagsasanay:
Basahin ang talataan. Pagkatapos ay itala ang mga pangatnig na ginamit at surin
kung magkatimbang o di-magkatimbang.
Sa pagharap sa maraming hamon sa buhay, kailangang-kailangan ang edukasyon
sa pagpupunyaging makamit ang ideyal na kapayapaan, kalayaan, at
panlipunang katarungan. Hindi sa dahilang ang edukasyon ay mapaghimalang
gamot o mahika na magbubukas sa mundong ideyal kundi ito'y isa sa
pangunahing paraan upang mapagyaman ang higit na magkakatugma at
malalim na uri sa pagdebelop ng tao para mabawasan ang kahirapan,
eksklusyon, kamangmangan, pang-aapi, at giyera. Batay sa report sa UNESCO ng
Internasyunal na Komisyon sa Edukasyon para sa ika-21 danton, malaki ang
maitutulong ng ma polisiya sa edukasyon upang makabuo nang higit na
mabuting daigdig.
-halaw sa "Edukasyon: Ang Kinakailangang Utopia"

Pangalan:_____________________________________________ Seksiyon: ______________________

Pagsasanay:
Basahin ang talataan. Pagkatapos ay itala ang mga pangatnig na ginamit at surin
kung magkatimbang o di-magkatimbang. Ilagay sa kwaderno ang iyong sagot.