Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ARALIN 1: IBONG ADARNA MAHAHALAGANG TALA

 Noong unang panahon ay may isang haring hinahangaan dahil sa kaniyang maayos na pamumuno
sa kahariang Berbanya. Haring Fernando ang kaniyang pangalan at asawa niya si Reyna Valeriana.
 Matuwid siyang hari at palaging pinangangaralan ang kaniyang mga anak ng tama at wasto.
 Tatlong magigiting na prinsipe ang kaniyang mga anak; Sina Don Pedro (Ang panganay), Don Diego
(pangalawang anak) at Don Juan (bunso).
 Isang gabi, nanaginip nang masama si Haring Fernando. Napanaginipan niyang nililo
(pinagtaksilan/ niloko) at pinaslang ang kanyang anak na si Don Juan. Ang bangkay ng kaniyang anak ay
hinulog sa balon. Labis na nagdamdam ang hari sa panaginip na iyon, hindi siya makakain at siya’y
nangayayat. Nagpatawag ng pinakamagagaling na medico o manggamot ngunit hindi nito matukoy ang
kalikasan ng sakit ng hari. Labis na nagdalamhati ang kaniyang asawa at maging ang kaniyang mga anak.
Isang manggagamot ang nakatukoy ng sakit ng hari, sinabi niya na ito ay sanhi ng masamang panaginip, at
ang maaring makapagpagaling dito ay ang awit ng Ibong Adarna.
 Matatagpuan sa kabundukan ng Tabor ang Ibong Adarna, dumadapo ito sa puno ng Piedras Platas
tuwing gabi upang humimlay. Nang marinig ito ng hari, inutusan niya ang panganay na anak na si Don
Pedro upang hanapin ang Ibon at dalhin sa kanilang kaharian. Sumunod naman ang panganay na anak
dala ang kaniyang kabayo. Tatlong buwan niyang nilakbay ang kaparangan upang maglakbay hanggang sa
isang araw, namatay ang kaniyang Kabayo.
 Wala siyang nagawa kundi dahan-dahang lumakad papuntang bundok. Sa bundok na ito ay
kaniyang nakita ang mayabong na puno ng Piedras Platas. Napakaganda ng dahon nito sadyang katangi-
tangi. Naisip ni Don Pedro na dito muna mamahinga, sumagi rin sa kaniyang isip na baka dito’y minsang
namahay ang ibon. Lumipas ang takipsilim (paglubog ng araw), ngunit nagtataka si Don Pedro sapagkat
walang dumadapo sa puno. Nagkataon namang sa kaniyang pagtulog ay siyang pagdating ng Ibong
Adarna. Pitong ulit itong umawit at pitong ulit ding nagpalit ng balahibo, sa sobrang himbing ng tulog ni
Don Pedro, hindi niya namalayan na sobrang liwanag at ganda ng Piedras Platas noong pagkakataong iyon.
Matapos umawit ay umipot ang Ibon, napatakan si Don Pedro na namamahinga sa ilalim ng puno at
naging bato.
 Samantala, labis nag-aalala ang kaharian ng Berbanya sa hindi pagbabalik ni Don Pedro, lingid
(hindi alam) sa kanilang kaalaman ang nangyari dito. Sunod na inutusan ng hari si Don Diego, nais nila na
mahanap si Don Pedro at makuha ang lunas (gamot) sa karamdaman ng hari. Sumunod naman ang anak
at tinahak niya ang bundok, ilog at gubat upang matunton ang Tabor. Habang siya ay hapo at
namamahinga, namatay naman ang kaniyang Kabayo. Hindi nagtagal at sinapit din ni Don Diego ang
kabundukan ng Tabor. Labis siyang nabighani sa kagandahan ng puno ng Peidras Platas.
 Nagtaka rin siya kung bakit wala kahit na isang dumadapo dito at nakita niya ang isang malaking
bato sa ilalim ng puno. Dahil na rin sa pagod, nagpahinga muna si Don Diego sa ilalim ng puno, hindi niya
namalayan ang pagsapit ng gabi at ang pagdating ibon. Habang mahimbing na natutulog si Don Diego,
umawit nang muli ang ibon, Pitong (7) beses at Pitong ulit ding nagpalit ng balahibo. Pagkatapos nito ay
muling dumumi ang ibon at napatakan din si DonDiego. Pareho ang sinapit ng magkapatid. Naging bato
sila.
ARALIN 2: IBONG ADARNA-MAHAHALAGANG TALA

 Habang naiinip sa paghihintay, lalo namang lumulubha (Lumala) ang kalagayan ni Haring Fernando. Nais niyang
ipahanap ang dalawang anak na nawawala ngunit nagdadalawang-isip siyang utusan ang kaniyang bunso. Naalaala
niya ang masamang panaginip na sanhi ng kaniyang karamdaman. Tatlong taon na ang nakalipas at hindi pa
bumabalik sina Don Pedro at Don Diego. Hindi alam ng mga taga-Berbanya na naging bato na ang dalawa matapos
maiputan ng ibong Adarna.
 Nagpaalam si Don Juan sa ama. "Ama ko, nais kong hanapin ang lunas (gamot) sa inyong karamdaman. Ayokong
Iumubha pa ang inyong karamdaman." Tutol man ang amang hari, iginawad nito ang bendisyon sa bunsong anak na
lilisan (aalis). Sa kaniyang paglalakbay, hindi gumamit ng kabayo si Don Juan. Baon niya'y limang tinapay at ang
pananalig sa Birheng Maria. Tuwing lilipas ang isang buwan sa kaniyang paglalakbay, kinakain niya ang isang tinapay.
Lumipas ang apat na buwan at iisang tinapay na lamang ang natitira para kay Don Juan.
 Sa pagpapatuloy ng kaniyang paglalakbay, nakasalubong niya ang isang kahabag-habag (kaawa-awa) na matandang
ketongin. Nalumpo na ang matanda dahil sa sakit nito. Humiling ito ng limos kay Don Juan. Ibinigay naman ni Don
Juan ang natitira niyang tinapay sa matanda. Labis na nagalak ang matanda. Nais niyang suklian ang ipinakitang
kabutihan sa kaniya. Tinanong niya si Don Juan kung ano ang pakay sa paglalakbay.
 Naikuwento ni Don Juan ang kaniyang amang haring may sakit at ang dalawa niyang kapatid na tatlong taon ng
nawawala. Nagbigay ng mahahalagang payo ang matanda sa butihing si Don Juan: huwag daw dapat mahumaling sa
punong Piedras Platas. Pagkatapos, nais ibalik ng matandang leproso ang ipinalimos na tinapay ni Don Juan. Hindi
iyon tinanggap ni Don Juan at ipinagpatuloy pa niya ang paghanap sa bundok Tabor.
 Muling naglakbay si Don Juan hanggang sa makita niya ang tahanan ng Adarna. Naalaala niya ang bilin ng
matandang leproso na "tumanaw sa ibaba." Nakita ni Don Juan ang isang dampa. Sinadya ni Don Juan ang dampang
iyon at bumungad sa kaniya ang isang ermitanyo. Inaya siyang pumasok ng matanda at pinaghanda siya ng pagkain.
Nagtaka si Don Juan sa nakitang tinapay. Pamilyar iyon dahil ito baon niyang tinapay na ibinigay matandang leproso.
Ikinuwento ni Don Juan ang kaniyang pakay (layunin) sa pagpunta sa Lugar at Ibinahagi ng ermitanyo ang sikreto
tungkol sa Ibong Adarna—ang pag-awit nito, may antok na maidudulot ng malambing na awit,ang pag- ipot ng ibon
pagkaraang umawit ay Pitong ulit, at ang pagiging bato ng naiputan.
 Pagkaraan, binigyan siya ng labaha at Pitong dayap ng Ermitanyo. Sa bawat pag-awit ng Adarna, dapatay hiwain ni
Don Juan ang kaniyang palad at pigaan ng dayap. Sa pagpatak niyon, maiiwasan ni Don Juan ang mahimbing at
makakayanan din niyang umiwas sa ipot ng ibon. Binigyan din siya ng matingkad na sintas ng ermitanyo bilang
pantali sa Ibong Adarna kapag nahuli niya. Nagpaalam na si Don Juan at nagbalik sa may Piedras Platas. Nang
dumating ang lbong Adarna, sinunod niyang lahat ang payo ng ermitanyo.
 Nang magsimulang umawit ang Adarna, kinuha ni Don Juan ang labaha at sinugatan ang palad. Pagkaraan ay piniga
niya ito sa nagdurugong sugat upang hindi siya makatulog. Tama ang sabi ng ermitanyo: pitong ulit na umawit ang
Adarna. Naiwasang mahimbing ni Don Jaun at nakaiwas siya sa ipot ng ibon. Pagkatapos ay naghintay pa si Don Juan
ng sandali upang matiyak na tulog na ibon. Nang tiyak na siya, agad niyang sinunggaban at ginapos. Sa galak niya,
dinala niya ang nahuli sa ermitanyo. Isinilid nib sa hawla ang ibon. Pagkaraan, inutusan ng crmitanyo na mag-igib ng
tubig at buhusan ang dalawang bato sa ilalim ng puno. Sinunod ito ni Don Juan at mahimalang bumalik sa dating
anyong tao ang mga kapatid niyang sina Don Pedro at Don Diego.
 Labis ang katuwaan ng magkakapatid hanggang sa maalala nila ang kanilang amang nakaratay. Dali- dali siyang
nagbalik sa bahay rig ermitanyo. Doon sila'y nagsikain at nagdiwang sa tagumpay ni Don Juan. Nang matapos ang
piging, ginamot ng crmitanyo ang mga sugat sa palad ni Don Juan. Agad naman itong naghilom. Sa paglisan ng
magkakapatid, nagsabi ang ermitanyo. "Magkasundo kayong tatlo, wala sanang may magtaksil.” Sa kanilang
paglalakbay pauwi ng Berbanya, nag-isip ng kataksilan si Don Pedro. Kinausap niya si Don Diego upang ipabatid ang
planong paslangin (patayin) ang sariling kapatid. Natakot siyang makukuha ni Don Juan ang lahat ng papuri at
paghanga sa pagkakahuli sa Adarna at sa pagpapabuti sa amang hari. Noong una ay tumutol si Don Diego ngunit
nang lumaon ay pumayag na rin itong bugbugin ang kapatid, huwag lang itong papatayin. Pinagtulungan nilang
suntukin at tadyakan si Dun Juan. Nang makita nilang bulagta na at hindi na halos humihinga, inangkin nila ang
hawla at saka tinunton ang landas patungong Berbania.
 Dumating sa Berbanya ang magkapatid na taksil. Ipinagmalaki nila ang Ibong lunas sa karamdaman ng amang hari.
Ngunit maikli lang ang ipinainalas na kasiyahan ni Haring Fernando. Napuna niyang hindi kasama ang bunsong anak
na si Don Juan. Ayaw ring umawit ng Ibong Adarna. Napansin ng lahat na namamanglaw(nalulungkot) ang Ibon.
Nanlulugo na ito't pumangit ang itsura. Dinaramdam nito ang pagkawala ng kaniyang may-ari na si Don Juan. Nais
nitong kasama si Don Juan sa pag-awit upang gumaling ang hari. Samantala, lugong-lugo si Don Juan sa paggapang
sa damuhan. Maga ang kaniyang katawan, bali ang mga tadyang. Siya'y gutom na gutom at uhaw na uhaw.
Tumangis (umiiyak) siya sa Mahal na Birhen.
 Sabi niya’y, kung siya ma'y mamatay, nawa'y mailigtas naman ang buhay ng amang nag-aagaw- buhay. Sa kaniyang
pagdurusa sa paggapang sa gutod, naalaala niya ang inang walang kamalay- malay sa paghihirap ng bunsong anak
Muling nanalangin si Don Juan sa Inang Mahal na Birhen. Pagkaraan nito, lumitaw ang isang matandang lalaki.
Ginamot nito ang sugatang si Don Juan. At parang isang himala biglang nakatindig si Don Juan at muling nanumbalik
ang kaniyang lakas. Nabigia si Don Juan sa nangyari sa sarili. Bigla niyang nawika, "Tila Diyos ang matanda."
Nagpasalamat si Don Juan at nais niyang makagantisa tulong na iyon. Hindi tinanggap ng matanda ang alok ni Don
Juan. Sa halip, siya'y nangaral na wala dapat ipalit ang isang pagtulong o pagdamay sa kapuwa. Nagpaalam na ang
dalawa sa isa't isa upang makabalik nang muli sa Berbanya Don Juan. Batid ng matanda na hinihintay na si Don Juan
ng amang hari.
ARALIN 3: IBONG ADARNA-MAHAHALAGANG TALA
 Kay bilis ng paglalakbay ni Don Juan dahil naisa niyang makabalik sa Berbanya. Nasindak naman ang
magkapatid sa maaring mangyari.
 Nang dumating siya sa palasyo, agad naming pinuntahan ni Don Juan ang may sakit niyang ama.
 Nang makita ng Adarna Si Don Juan, namayagpag ito sa hawla at biglang gumanda ang balahibo nito.
 Bigla namang umawit ang Ibong Adarna. Matamis, kawili-wili ang tinig.
 Tumitig ang Ibon sa monarkang si Haring Fernando. Sa pag-awit nito, sinabi nito ang lahat ng lihim: na
nabigo (hindi nagtagumpay) ang unang dalawang anak at naging bato; na si Don Juan ang nagligtas sa mga
kapatidna naging bato; na nagtiis si Don Juan na hiwain ang palad upang mahuli lamang siya; na nanaig ang
inggit kay Don Pedro kaya nila binugbog si Don Juan; nakaya hindi siya umawit ay dahil labis niyang
dinamdam ang nakapanlulumong sinapit ni Don Juan sa piling ng dalawang kapatid.
 Sa huli, sinabi ng ibong Adarna na matapat si Don Juan. Pagkatapos ng awit na iyon ng ibong Adarna, muling
nagbalik ang kalusugan at kasiglahan ni Haring. Fernando. Agad niyang nilapitan at hinagkan ang ibon at ang
bunsong si Don Juan.Agad pinulong ni Haring Fernando ang kaniyang mga kawal.
 Napagkasunduang ipatatapon ng dalawang taksil na anak at babawian ng lahat ng karapatan bilang anak —
ng hari. Nahabagsa hatol na iyon si Don Juan. Humingi siya ng tawad alang-alang sa kaniyang dalawang
nakatatandang kapatid.
 Natupad naman ito nang pumayag ang hari. Muling nanumbalik ang sigla sa kaharian. Naging mahinahon
ang
 lahat. Labis naman ang aliw at oras na iniuukol ng hari sa ibong Adarna. Sa katunayan, inatasan niya ang
tatlong anak na magsilbing bantay sa ibong nagligtas sa kaniyang buhay. Ngunit may masamang balak na
naman si Don Pedro.
 Nais niyang makaganti kay Don Juan dahil sa kahihiyang sinapit niya sa harap ng ama at ng buong kaharian.
 Niyayaniya ang kapatid na si Don Diego na sila ang magsabay sa pagbantay at sabay ring mamahinga. Kung
gayon, kahit hindi pa oras ng pagbabantay ni Don Juan ay mapipilitan ito sa delikadong gawain. Labis ang
kaniyang antok sa oras ng pagbabantay na iyon. At nang siya'y makatulog, palihim na pinawalan nina Don
Pedro at Don Diego ang Adarna.
 Nang magising si Don Juan, nakaramdam siya ng labis na takot.
 Kaya bago pa man dumating ang liwanag ng umaga, lumisan (umalis) na si Don Juan. Nang
magising si Haring Fernando, laking gulat niya nang makitang wala na ang ibong Adarna. Galit
niyang ipinatawag ang mga anak ngunit dalawa lamang sa mga ito ang dumating.
 Nagbanta ang hari na huwag maglihim pero agad namang sinisi ng dalawa ang bunsong kapatid. Si
Don Juan daw ang bantay nang makawala ang ibong Adarna.
 Ipinahanap ng hari sa dalawang prinsipe ang bunsong anak. Umalis ang dalawa at nangakong iuuwi
ang kapatid na si Don Juan.
 Nangahapo (napagod) at namayat na ang dalawa sa paglalakbay at paghahanap. At nagbunga
rinang kanilang tiyaga nang makita nila ang kapatid sa kabundukang Armenya.
ARALIN 4: IBONG ADARNA-MAHAHALAGANG TALA
 Niyaya ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan na mamalagi na lamang sa Armenya.

 Nagsama ang tatlong magkakapatid sa paraisong iyon. Sa kanilang paglilibot bundok Armenya, natagpuan nila ang
isang balon. Kaakit-akit ang balong gawa sa marmol at may mga gintong nakaukit.
 Agad namang bumaba si Don Pedro ngunit hindi niya ito natagalan dahil may kung anong sumasaksak sa kaniyang
dibdib (kinakabahan siya).
 Sumunod naman si Don Diego. Ngunit agad naman itong umakyat dahil di niya ito kaya. Pagkaraan, si Don Juan
naman ang sumubok. Taglay niya ang tapang upang labanan ang hindi maipaliwanag na lalim at dilim ng balon.
 Hindi sumuko si Don Juan sa pagtuklasng natatanaw na kailaliman ng balon. Nang marating niya ito, nagulat siya sa
nang pook na yari sa kristal.
 Dito'y may palasyong gawa sa ginto at pilak Sa kaniyang paglalakad, nakasalubong niya ang maritag na si Donya
Juana. Nabighani si Don Juan at siya'y nagpahayag ng paghanga kay Donya Juana.
 Walang ano-ano ay dumating ang higante. Hinarap niya ang ntabangis na higante at hinamon ng isang labanan.
Mabuti na lamang, napatay ni Don Juan ang higanteng iyon. Pagkaraan noon, inaya ni Don Juan ang nililiyag na si
Donya Juana upang lisanin ang kaharian sa ilalim ng balon. Nais nang magbalik sa kaharian sa Berbanya si Don Juan
upang ipakilala niya sa magulang ang nailigtas na prinsesa.
 Ngunit bago pa man sila makalabas, nasabi ni Donya Juana na may maiiwan siyang bunsong kapatid, si Prinsesa
Leonora. Nais ni Donya Juana na sunduin ni Don Juan ang kaniyang kapatid.
 Ngunit nagbabala ito na binabantayan ang kapatid niya ng serpiyenteng may pitong ulo, na kapag pinutol ay muli
namang magsusugpong. Labis man ang pangamba matibay naman ang loob ni Don Juan upang sagipin ang prinsesa
sa natatanaw na palasyo.
 Nang marating ni Don Juan ang magarang palasyo, labis siyang napahanga sa mga hiyas at sa gintong lantay na
materyal nito. Sa ganda rin ng nasabing prinsesa, napaibig si Don Juan, Nagtapat siya ng pagsinta at ito nama'y
tinanggap din ng Prinsesa Leonora.
ARALIN 5: IBONG ADARNA-MAHAHALAGANG TALA

ARALIN 5: IBONG ADARNA-MAHAHALAGANG TALA

 Naglaban si Don Juan at ang serpiyente walang anumang sugat na natamo ang kaliksihan ni Don
 Juan natalo ni Don Juan sang Serpyente.
 Nailigtas ni Don Juan si Leonora at dali- dali silang lumisan mula sa palasyo. Hindi na nag-aksaya ng oras
sina Don Juan, Donya Juana, at Prinsesa Leonora. Agad silang umahon mula sa kailaliman ng balon. Gulat
na gulat ang magkapatid na sina Don Pedro at Don Diego. Lalo silang nagselos sa ipinakitang kagitingan at
kapalaran ng kapatid na bunso.
 Bukod sa pagkainggit, nakaramdam si Don Pedro ng pagnanasa kay Leonora. Sa kanilang paglalakbay
papuntang Berbanya, naalala ni Leonora na naiwan niya ang singsing na diyamante sa palasyo sa ilalim ng
baton.
 Nagpresenta si Don Juan na balikan upang kunin ang mahalagang bagay ng kaniyang sinisinta.
 Nagpatali muli siya upang bumaba sa balon.
 Ngunit nang siya ay pababa na ay kaagad na pinutol ni Don Pedro ang tali at tuluyang nalaglag si Don Juan
sa loob ng baon.
 Pinilit ni Don Pedro sina Leonora at Juana na pumunta sa Berbanya kasama nila.
 Narating na nina Don Pedro, Don Diego, Donya Juana, at Donya Leonora ang Berbanya. Laking lungkot ng
hari nang makitang wala roon ang anak na bunso. Totoong may ipinahihiwatig ang kaniyang panaginip.
Maaari ngang napahamak muli si Don Juan. Ipinahayag nina Don Pedro at Don Diego na hindi nila
 nahanap si Don Juan. Sa halip, dalawang donya ang kanilang nailigtas mula sa kailaliman ng balon.
Nagsinungaling silang dinaig nila ang higante at ang serpiyente upang mapalaya ang dalawang prinsesa.
 Natuwa ang hari sa narinig na kagitingan ng mga anak. Ibinigay niya ang kaniyang pagsang-ayon
namaipakasal ang mga anak sa dalawang kasamang mga binibini. Pinili ni Don Pedro si Leonora at nailaan
naman kay Don Diego si Donya Juana.
 Nang marinig ni Donya Leonora ang planong iyon, magalang siyang humiling kay Haring Fernando na wag
muna ituloy ang kasal nila ni Don Pedro. Idinahilan niyang may
 panata siyang huwag munang mag-aasawa sa loob ng pitong taon mula nang maulila siya sa ama't ina.
 Pagkaraan ng panatang iyon, maaari na siyang magpakasal.

You might also like