Literature and Politics - Readings

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FRIALDE, EDNA C.

MAF-PANITIKAN
Matapos kong basahin ang akda ni Yong Jie na Literature and Politics; mas lalo kong napagtibay
ang ilang kaparehong ideya na aking pinaniniwalaan na nilahad din ng may akda. Kumuha ako
ng ilang punto na tumatak sa aking isip at mga ideya na nais ko pang bigyang paliwanang. Una,
ang panitikan ay may natatanging ganap sa pagiging kinatawan ng mga taong hindi nabibigyang
pansin o naisasantabi sa lipunan dahil may kapangyarihan itong magbigay tinig sa uri ng taong
nabanggit. Ang literature ay nagbibigay opurtunidad sa mga tinig ng mga taong karaniwang di
pinakikinggan sa lipunan marahil dahil sa kakaibang paniniwala at prinsipyo. Ito ay maaring ang
minorya, kababaihan, Kabataan, may mga kapansanan o mga LGBTQ+A. Sa tulong ng panitikan,
nailalahad ang kanilang kuwento at sila ay nabibigyang pagkakataong makilala, maparangalan at
unawain ng ibang tao sa lipunan. Sa tulong ng panitikan, maari itong magdulot ng simpatya
galing sa mga mambabasa. Sipatya sa kalagayan ng mga taong nilahad sa akda na maaring
magdulot ng kamalayan at pagtanggap sa iba’t ibang mamamayan. Ang literature ay
nakatutulong din sa pagbasag ng steryotayp upang mas maunawaan ang kultura, kilos o gawi ng
isang pangkat ng tao sa Lipunan na hindi ganoong nauunawan o may malaking pagkakaiba sa
usaping paniniwala, tradisyon at ilang maling bansag sa naturang pangkat. Sa pamamagitan ng
mga panitikan at literature, nagkakaroon ito ng kapangyarihang ilantad ang mga bagay at
malalalim na usapin tungkol halimbawa sa kawalang katarungan at paglabag sa karapatang
pantao. Ang pinamalapit na maihahalimbawa ko rito ay ang dalawang nobela ni Rizal. Ang Noli
Me Tangere at El Filibustersimo. Ang dalawang nobelang ito ay nagbigay boses sa maraming
Pilipino upang isiwalat ang mga katiwalaang nangyayari noong panahon ng kastila. Gayundin
naman ang akdang Florante at Laura ni Francisco Balagtas. Batid natin na ang akdang Florante at
Laura ay hindi lamang umikot sa pag-iibigan ng dalawang tauhan ngunit ito ay tumatalakay sa 4
na himagsik nan ais bigyang pansin ni Balagtas. Kabilang dito ang himagsik sa Mababang uri ng
panitikan, Himagsik laban sa hidwaan sa relihiyon, laban sa maling pagpapalaki ng magulang at
Himagsik laban sa malupit na pamahalaan.
Makikita rin ang pagsisilbing boses ng literature sa mga taong walang kakayahang magpahayag
ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagsisilbing kinatawan ng ilang bilang ng tao/ sektor ng
Lipunan. Halimbawa na rito ang mga miyembro ng ilang pangkat etniko particular ang Lumad
ethnic group, bilang mga tao na nakatira sa malayong lugar, wala tayong ideya kung ano nga ba
ang nangyayari at estilo ng kanilang pamumuhay ngunit kung mayroong isang panikitan na
maglalahad ng kanilang pamumuhay at ibang kultura ay mas mauunawaan natin ang kanilang
lahi. Ang panitikang ito ay maaring maglahad ng kuwento at magsilbing representasyon ng mga
nangyayari sa kanilang tribo. Lubos din itong nasaksihan nito lamang nakaraang presidential
election.
Naging talamak at natural na ang paggamit ng social media upang makapaglahad ng saloobin.
Noong nakaraang eleksyon, maraming mga Pilipino ang nagging bukas at Malaya sa pagsulat ng
kanilang nararamdaman, opinion, suhestyon at paninindigan. Sa ganitong paraan, nagging
lunsaran ang panitikan upang magbigay boses sa maraming Pilipino particular na ang nasa edad
15-27 taong gulang. Marami ang nakilahok sa mga kampanya at ilang panghihikayat kung anong
Partido o sinong kandidato ang nais nilang suportahan.
Isang facebook post mula sa aming kakilala na si Leigh Ann Legaspi na naging halimbawa sa
paggamit ng literature (particular na banner/ placard na ito sa nakaraan unity walk para sa
kampanya ni Dating Pangalawang Pangulo Leni Robredo. Paalala: Hindi ko na sinama ang
buon facebook post)
Kung titignan naman sa kabilang anggulo ay makikitaan ang paggamit ng panitikan sa Politika.
Ang napakaraming banner, panawagan na nagsulputan na nagamit upang maging
makapagpahayag ng pagsuporta at pagsalungat sa isang kandidato noong eleksyon/ tuwing
eleksyon. Isa sa pa sa mga nasabi ng may-akda na aking sinang-ayunan ay ang linyang “The ear
of politics thus registers the roar of the gathered masses and is sensitive to the whisper of the
privileged.” Ang linyang ito ay nagpapakita kung paano nakaapekto ang dalawang salik (ang
pangkaraniwang mamamayan at mga elite/privileged) sa mga political na usapin at
pagdedesisyon. “roar of the gathered masses” ito ay kumakatawan sa malawakang panawagan
ng masa. Maaaring kabilang dito ang paglalahad ng opinion, mga panawagan, pagrarally,
pagwewelga at iba pang kaganapan na nagpapakita ng kanilang paglalahad ng saloobin tungkol
sa isang particular na usapin o isyu. Samantalang ang “whispers of the priviledge” naman ay
tungkol sa kakayahan ng may kapangyarihang magmanipula, magbigay impluwensya, Ang mga
ito ay patunay na maaaring magkaroon ng politika sa lahat ng bagay at sa kahit na saang
pagkakataon, patunay rin na kalakip ng politika ay panitikan dahil panitikan ay lunsaran ng
pagpapahayag ng danas, saloobin at damdamin.

You might also like