Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ALALAHANIN MO SIYA

7Alalahanin mo siya bago manumbalik sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating
hininga ay magbalik sa Diyos na may bigay nito. Mangangaral 12:7

The official name of this celebration is the Commemoration of All the Faithful
Departed. Another name is the Feast of All Souls. It is also known as the Day of the
Dead. The people in the town pay respect and remember the souls of all friends and
loved ones who have died. (https://thegnostictruth.wordpress.com/catholic-
stories/all-saints-souls-day/)

Ito ay natatanging pagdiriwang na ginaganap tuwing ika -1 o ika -2 ng Nobyembre.


Ang mga tao ay nagpupunta sa lugar kung saan inilibing ang mga patay nilang
minamahal. Pagpapakita ito ng mataas na respeto sa mga nauna nang namatay.
Gayundin naman, habang ginagawa ito ay ating inaalala ang manlilikha na
nagkaloob sa atin ng buhay at may kakayahang bumawi nito sa anumang oras.
Kaya naman, pinapaalalahanan tayo ng may akda sa Mangangaral, 'Alalahanin mo
siya bago manumbalik sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating hininga ay
magbalik sa Diyos na may bigay nito. '

“Alalahanin mo Siya” ang hamon sa bawat isa lalo na sa mga mananampalataya ng


Diyos. Hamon din na ang “pag-alaala sa Kanya” ay hindi lamang tuwing araw ng
mga patay kundi dapat natin itong gawin habang tayo ay nabubuhay.

Ipinapaalala din sa atin ng Mangangaral na “alalahanin mo Siya” bago manumbalik


sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating hininga ay magbalik sa Diyos na
may bigay nito. Itinuturo nito sa atin na (una), tayoý babalik sa alabok! Ibig sabihin
nitoý may hangganan ang ating buhay dito sa lupa. Hindi tayo permanenteng
maninirahan dito. Kaya naman, itinuturo sa atin na mag impok tayo ng mabubuting
bagay hindi para sa ating buhay dito sa lupa kundi sa ating walang hanggang buhay
pagkatapos ng kamatayan. (Pangalawa), ang ating hininga ay babalik sa Diyos.
Itinuturo nito sa atin na ang ating katawang lupa ay magiging alabok ngunit ang
ating hininga ay babalik sa Diyos na nagkaloob nito.

Aming Diyos, amin inaalala ang aming mga minamahal na nauna nang namatay. Panalangin
namin na maging instrumento ito upang Ikaw ay maalala din namin. Turuan Mo kami na
manumbalik sa Iyo at maunawaan na ang aming buhay dito sa lupa ay may hangganan.
Amen

Pastor Jhumar Serafines

You might also like