Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Dr.

Fernandez ipinahayag ang Quality Education

Isinagawa ang press conference na naglalayong maisulong ang kalidad ng edukasyon sa bansang
Pilipinas. Dinaluhan ni Dr. Jocelyn D. Fernandez,pangulo ng Philippine Elementary School Principals
Association (PESPA) bilang isang speaker na idinaos sa New Corella Central Elementary School, ika-2 ng
Marso 2024.

Katuwang ang PESPA sa mga aktibidad na inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon. Binigyang – diin ang
patungkol sa MATATAG Agenda na siyang isinakatuparan ng DepEd upang matuldukan ang pangunahing
suiranin sa sektor ng edukasyon.

“PESPA’S collaboration lead and supports the implementation of the MATATAG Agenda by impowering
the school leaders. Improving educational outcomes and advancing the well being of Filipino learners,”
pahayag ni Dr. Fernandez.

Dagdag pa niya na hindi dapat ipagsawalang bahala ang MATATAG Agenda at bigyang pansin ang
acronym na G na nagsasaad na Give support for the teachers to teach better.Bigyang halaga ang
Bansang Makabata,Batang Makabansa.

“Our rule in the Philippine Education System we are a team partners in supporting the Department of
Education. MATATAG Agenda which is focus on the malasakit and pagmamahal sa Diyos at Bayn access
to quality education,transformational leadership, and accountability governance in the Philippines
Education System,”tugon niya.

Ayon sa ChildHope Philippines,Access to quality education in the Philippines continues to face persistent
challenges.In 2019,while 82.4% of Filipino aged 25 and above completed primary education,the
completion rate sharply dropped to 30.5% for secondary education and further decreased to 24.4% for
bachelor’s degree.

Alinsunod,sinasabing pangunahing suliranin ay ikinababahala kung ang pag-uusapan ay ang sektor ng


Edukasyon sa Pilipinas kaya napagplanuhan na ipatupad ang MATATAG Agenda kabilang na dito ang
Catch-Up Friday.

Katuwang ang PESPA sa mga gawain para maging maayos at mababatay sa maayos na kalidad ng
edukasyon ang bansang Pilipinas, hinihikayat ang mga mamamayan na makiisa para mapaunlad at
masugpo ang suliraning kinakaharap ng mamamayang Pilipino.
Dr. Layaguin, binigyang pansin ang LGBTQIA+

Sa layuning mabigyang-pansin ang patuloy na pangungutya ng karamihan sa mga membro ng


LGBTQIA+, idinaos ang Press Conference sa gabay ng speaker na si Dr. Adones P. Layaguin na ginanap sa
New Corella Central Elementary School, Marso 2,2024.

Sa nasabing PressCon, tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang organisasyong tinatawag na


LGBTQIA+ upang mabigyang pansin ang nararamdaman ng mga membro sa nasabing organisasyon.

“LGBTQIA+ are advocating for equality, justice, and accepting our indesrscending of diversity inclusion,
their presence in our communities or our presence in the community enriches us all. Reminder as a
importance of embracing the differences and celebrating our individuality by promoting acceptance and
fostering by love,” saad ni Dr. Layaguin.

Dagdag pa niya, marami pa ring mga LGBTQIA+ ang nakakaranas ng diskriminasyon sa lipunan at
makakatulong ito sa pagsulong ng kanilang kalayaan sa paghahayag ng kanilang damdamin.

Hinihimok ang mga mamamayan na maging sensitibo sila sa kanilang sinasabi upang maiwasang
makapanakit ng damdamin.

You might also like