Ass 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1. A.

Nakikita ang hegemonya sa paghiram ng wika kung ang hihiraming wika ay wikang ginagamit
o naiintindihan ng lahat. Isa sa halimbawa nito ay ang paghiram ng mga salitang Ingles upang
gamitin sa pakikipagtalastasan sapagkay ito ay nauunawaan ng halos lahat ng mamamayan hindi
lang sa Pilipinas maging sa buong mundo. Pinaniniwalaan ng karamihan na ang paggamit o
paghiram ng wikang Ingles ay nagpapakita ng pagiging mataas sa lipunan.

B. Makikita ang hegemony sa populasyon ng mga ispeker sa paraang mas madami sa mga
nagiging ispiker ay mula sa mataas na antas ng lipunan o mga taong may napatunayan o
narating sa buhay. Mas nakakahikayat ang ispiker na may mataas na pinag – aralan o
napatunayan na ang kakayahan sa iba’t ibang larangan. Karamihan din sa mga ispiker ay mga
kinikilala sa lipunan sa iba’t ibang aspeto kagaya ng edukasyon, pulitika at iba pa.

C. Makikita ang hegemonya sa pagtatalaga ng pambansang wika sapagkat ang itinatalagang


pambansang wika ay iyong ginagamit at naiintindihan ng mas marami sa isang bansa.
Binibigyang konsiderasyon ang bilang ng mga nakakapagsalita ng wikang itatalaga. Halimbawa
nito ang dayalektong Tagalog na mas naiintindihan ng marami hindi lamang sa rehiyon ng Timog
Katagalugan na itinalagang wikang pambansa.

2. Sang – ayon ako na ang wikang Filipino ay sapat upang kumatawan sa mga wika sa Pilipinas
subalit naniniwala din ako na kailangan itong dagdagan. Katulad ng ibang bansa na may iba’t
ibang dayalekto, nararapat din na kilalanin at pag – aralan ang ibang dayalekto sa bansa. Dapat
na magkaroon ng isang wikang pambansa na nagmula sa iba’t ibang dayalekto sa Pilipinas na
pinagyaman upang lahat ay maintindihan ito.
3. Ang Ingles ay wikang banyaga at kailanman ay hindi dapat maging wikang pambansa sapagkat
ang itatalagang wikang pambansa ay dapat na mula sa sariling bansa. Maaaring mas
naiintindihan ng iba na hindi marunong magsalita sa wikang Filipino ang wikang Ingles sapagkat
natututunan ito lalo na sa paglawak ng teknolohiya subalit hindi ito dahilan upang ang Ingles ay
maging wikang pambansa. Isa dapat sa mga dayalektong katutubo ang maging wikang
pambansa.
4. Nalalagay ang mga wikang katutubo sa pagkalipol sapagkat kakaunti na lamang ang populasyon
na nakakaintindi at gumagamit nito. Sa pag – unlad ng teknolohiya ay mas ginagamit ang wikang
Ingles na pinaniniwalaang naiintindihan ng lahat. Isa pa sa dahilan nito ay walang programang
magpapanatili o magpapaunlad sa paggamit ng mga wikang katutubo.
5. Hindi dapat panatilihing bukas ang ating wika sa impluwensya ng mga dayuhan sapagkat ito ay
magiging dahilan upang mabago ang mga katutubong dayalekto sa ating bansa. Totoong dapat
nating maunawaan at matutunan ang mga wikang banyaga upang makasabay sa pag – unlad ng
mundo subalit hindi natin dapat na palitan ang ating wika. Isa sa pinaniniwalaang tanda ng isang
maunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng sariling wikang naiintindihan at ginagamit ng lahat.

You might also like