Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit kumulang pitong libo at isang daang mga pulo.

Sa mga
pulong ito ay naninirahan ang iba’t ibang pangkat ng tao na may sari – sariling kultura. Mayroong higit sa
dalawanpung pangkat etniko ang naninirahan sa bansa. Sa kadahilanang bawat isa ay mayroong
kulturang isinasabuhay, naging isang multikultural na estado ang Pilipinas. Ibig sabihin nito ay may iba’t
ibang idelohiya o mga pinaniniwalaan ang bawat pangkat sa kanikanilang lokalidad. Subalit
makatutulong ba ang pagiging isang multikultural upang makabuo ng isang bansa? Ang multikultural ay
nangangahulugan ng pinagsasama samang magkakaibang ideolohiyo, kultura, nakasanayan, at tradisyon
na bumubuo sa kultura sa isang komunidad.

Masasabing ang isang nasyon ay maituturing na bansa kung ito ay mayroong mamamayan,
pamahalaan, soberanya at teritiryo. Hindi kabilang dito ang pagkakaroon ng iisang lipon ng kulturang
patuloy na isinasabuhay. Sa kadahilanang ito, hindi kailangan burahin ang mga pangkat etnikong kultura
upang makabuo ng isang bansa. Maaaring ang isa sa maga dahilan upang ikonsidera ang pagbubura ng
mga pangkat etniko ay upang umunlad ang bansa sapagkat ito ay magiging sentralisado. Subalit
mapapabulaanan ito sa kadahilanang ang bawat rehiyon sa bansa ay may kakayahang mamuhay at
mapaunlad ang kanilang lokalidad.

Sa aspetong pagiging kabilang sa iisang bansa, hindi sagabal na hiwahiwalay o may kaniya –
kaniyang kultura ang iba’t ibang pangkat etniko sa bansa upang maituring na kabilang sila sa iisang
nasyon. Ipinaliwanag ni Anderson sa kanyang artikulo na maaring magkaroon ng tinatawag na “imagined
communities” kung saan ang mga bumubuo ng bansa ay walang pisikal na ugnayan subalit
nararamdaman nilang kabilang sila sa iisang bansa sapagkat ito ay nasa isip at damdamin lamang.
Maaring magkaisa sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nalimbag na teksto na nasusulat sa wikang
naiintindihan ng lahat kagaya ng dyaryo.

Nararapat ding pangalagaan at paunlarin ang mga etnikong kultura sapagkat ang mga ito ay
sagisag at pinagkakakilanlan ng mga mamamayan bilang kasapi ng isang bansa. Nararapat na mayroong
pagkakakakilanlan ang mamamayan ng isang bansa upang maituring itong isang nasyon. Dahil dito, ang
mga kultura ng etnikong grupo ay dapat na maipasa pa sa mga susunod na henerasyon. Ito ay isang
hamon sapagkat sa kasalukuyang panahon na patuloy na umuunlad ang teknolohiya, marami sa mga
mamamayang kabilang sa mga pangkat etniko ang pinipiling makisabay sa mga pagbabago na
kinakalimutan ang sarili’t kinalakhang kultura.

Isa sa maaaring gawin upang masiguro na hindi mawawala ang mga etnikong kultura at
makatulong ito sa pagsasabansa ay ang pagpapaunlad ng edukasyon. Kung ang mga mamamayan ng
isang bansa kabilang na ang mga etnikong grupo ay may sapat na kaalaman, magkakaroon sila ng
maayos na hanapbuhay at makatutulong sap ag – unlad ng ekonomiya na magpapaunlad naman sa
buong bansa. Sa kanilang pag – aaral ay hindi kailangang kalimutan nila ang mga nakasanayang kultura,
bagkus ay matutunan pa nila itong paunlarin. Matututunan din nila ang kultura ng iba pang pangkat
etniko sa bansa na magiging susi upang maintindihan nila ito at igalang.

Hindi kailangang burahin ang pangkat etnikong kultura, sa halip, dapat itong pagyamanin upang
magamit sap ag – unlad ng bansa.

You might also like