Filipino Grade9 Module Quarter2 Week3-4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paranaque

FILIPINO 9 - IKATLO AT IKAAPAT NA LINGGO


KWARTER 2
Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya
Panitikan : Ang Puting Tigre
Gramatika at Retorika : Pagpapahayag ng Emosyon o
Damdamin

Mga Kasanayang Pampagkatuto


F9PB-IIc-46 Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga
tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos

F9PU-IIc-48 Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter
ng isa sa mga tauhan nito

F9WG-IIc-48 Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin.

Layunin

Pagkatapos pag-aralan ng mag-aaral ang modyul na ito sa loob ng dalawang


linggo, inaasahan na natuto siya ng mga kompetensing nakapaloob dito at naikintal sa kanyang
puso ang saloobing nais iparating nito.

Balikan Natin
Tungkol saan ang araling ito?
May mga nakikita ka bang Koreano o Koreana dito sa ating bansa? Bakit kaya sila
dumarami rito?

Ano ano kaya ang pagkakatulad natin sa kanila at ibig na ibig nilang magparoo’t parito?
Magbigay ng mga patunay.
Sa araling ito, malalaman natin ang pagkakatulad ng mga Koreano at Pilipino kaya
kinagigiliwan natin ang isa’t isa. Atin nang umpisahan ang paglalakbay sa “Lupain ng
Mapayapang Umaga”
Ang pabula ay isang anyo ng panitikan na nagmula sa salitang Griyegong muzos na ang
ibig sabihin ay myth o “mito”. Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip at ang mga
tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na sumasagisag o kumakatawan sa mga
katangian o pag-uugali ng tao. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula”
dahil sa bantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.
Sa loob ng isang minuto, gawin ang mga sumusunod:

3 Magbigay ng tatlong bagay na pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang bansang


Korea.
2 Magbigay ng dalawang bagay o lugar na nais mong makita sa bansang Korea.

1 Magbigay ng isang tanong tungkol sa bansang Korea na nais mong hanapan ng sagot.

1
Unawain Natin
Magsimula na tayong maglakbay sa Silangang Asya.
Ang bansang Korea ay isa sa mga bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Ito ay dating
tinatawag na Choson na ang ibig sabihin ay “Lupain ng Mapayapang Umaga” Sa kasalukuyan,
nahahati sa dalawa ang Korea, ang Hilagang Korea At Timog Korea na mayroong magkaibang
ideolohiya at sistema ng pamahalaan ang naghahari sa dalawang bansa. Gayunpaman,
masasabing ang kanilang kultura at paniniwala ay hindi nagkakalayo. Ang mga bansang ito ay
kapwa nagpapahalaga sa pamilya na ang kapakanan ng bawat kasapi ng mag-anak ang
pinakamahalaga higit sa ano pa mang mga bagay.
Sa pabulang iyong babasahin ay ginamit ang karakter ng isang malakas at mabangis na
tigre na siyang pambansang hayop ng Timog Korea.

ANG PUTING TIGRE


Sa malayong lugar sa kabundukan ng Kumgang sa Korea, may naninirahang mag-ina
roon. Siya ay naulila na sa ama sapagkat ang kanyang ama ay hindi na bumalik sa kanilang
tahanan mula ng ito umalis upang mangaso at hanapin ang puting tigre upang ito ay paslangin.
Ang tigre ay naninirahan sa kabundukan ng Kumgang. Ito ay malaki at mabagsik. Ang
tigre ay mayroong kasamang uwak na siyang nagtuturo rito ng mga bibiktimahin nito. Ang tigre
at ang uwak ay bumababa sa kabundukan. Wala itong pinipiling bibiktimahin mapa hayop man o
tao.
Ang batang naulila ay lumaking may malaking galit sa tigre kung kaya ipinangako nito na
kanyang papatayin ang tigre upang ipaghiganti ang kanyang ama. Nang ang batang lalaki ay
tumuntong ng edad na labinlima, ito ay nagpaalam sa ina na kanyang papatayin ang puting tigre
sa kabundukan. Pinayuhan nito ang anak na mag-isip muna. Nangako ang lalaki sa ina na kaya
niyang hanapin ang puting tigre. Pumayag ang ina sa isang kondisyon. Kailangan niyang magawa
ang mga kakayahan ng kanyang ama upang siya ay payagan nito. Nabigo ang anak sa unang
pagsubok na pinagawa ng kanyang ina. Kung kaya ang kanyang plano ay naudlot at kanyang
ipinagpaliban. Kinakailangan niyang magsanay. Sa loob ng tatlong taon ang lalaki ay nagsanay.
Nang matapos ang kanyang pagsasanay ipinakita niya ito sa kanyang ina, nagulat ang ina at
nakayanan niya itong gawin kung kaya’t sinabi uli nito ang isa pang kakayahan ng ama nito.
Sinubukan muli ng lalaki ang kakayahang ito ng kanyang ama ngunit siya ay nabigo kung kaya
siya ay muling nagsanay ng tatlong taon upang magawa ito.Sa kanyang pagbabalik sa ina,
ipinakita niya ang kanyang kakayahan. Lingid sa kanyang kaalaman, ang mga pinagawa sa kanya
ng kanyang ina hindi naging kakayahan ng kanyang ama. Ginawa lang nito iyon upang ang
kanyang isipan ay mabago ngunit dahil sa kanyang pagpupursigi, ang mga kaalamang ito ay
kanyang nakamit. Walang nagawa ang kanyang ina kundi pumayag sa nais niya. Pumunta siya
sa kabundukan.
Sa kabundukan nakilala niya ang isang matandang babae na nagpapatuloy ng mga
mangangaso sa kanyang tahanan. Siya ay tinanong nito kung ano ang kanyang pakay doon at
kanya sinabi ang pakay. Binalaan siya ng matandang babae. Sinabi ng matanda na natatandaan
nito ang kanyang ama at muling narinig niya sa matanda ang mga kakayahan ng kanyang ama.
Kung kaya ang binata ay nagsanay muli at bumalik sa matandang babae ngunit sinabi uli ng
matanda ang isa pang kakayahan ng kanyang ama. Kung kaya ang binata ay nagsanay muli at
bumalik sa matandang babae. Napagtagumpayan niyang magawa ang pagsubok na iyon. Kung
kaya ang binata ay hindi na napigilan ng matandang babae.
Matiyagang hinanap ng binata ang puting tigre. Isang araw habang siya ay kumakain
mayroong isang pulubi ang lumapit sa kanya upang humingi ng makakain at ito ay kanyang
binigyan. Tinanong niya kung ano ang kanyang pakay. Sinabi niya rito ang kanyang pakay. Sinabi
ng pulubi na kayang - kaya siyang paslangin ng tigre.
Ngunit desidido ang binata sa kanyang pakay. Sinabi niya rito na kailangan niyang gawin
iyon para sa kanyang ama. Kung kaya sa huli pinayuhan siya ng matanda na maging maliksi at

2
mapangmasid. Sinabi nito kapag nakakita siya ng maliit na puting tuldok kinakailangang barilin
niya ito nang walang mintis kung hindi, masasayang lamang ang lahat ng kanyang pinaghandaan.
Nagpatuloy ang binata sa paghahanap. Naramdaman ng tigre na mayroon siyang
kalaban.
Isang araw, habang nag-aabang ang tigre ng bibiktimahin, nakita ng binata ang puting
tuldok at agad niya itong binaril. Pinuntahan niya ang kanyang binaril. Nakita ng binata ang
nakahandusay na tigre. Agad niya itong pinatay. Doon nakita din ng binata ang isang dalaga na
walang malay. Dagli niya itong pinainom ng tubig. Nagulat ang dalaga at agad na nagpasalamat
sa kanya at ikinuwento kung paano siya napunta roon. Sa kanilang pagkukwentuhan nakarinig
siya ng anas ng isang tao. Kanila itong pinuntahan. Nakita nila roon ang isang matandang lalaki
sa isang sulok. Nalaman ng binata na iyon pala ang kanyang ama. Puno ng galak ang binata at
kanyang pinasalamatan ang Panginoon. Kanyang nasabi na kung may ninanais ka at
pagsisikapan mo itong makamtan ay higit pa sa iyong inaaasahan.
Nagdiwang ang mga hayop sa kabundukan. Nagagalak sila sa nagawa ng binata. Hindi
naglaon napaibig sa isa’t isa ang binata at ang dalaga. Sila ay ikinasal. Ang kanilang mga
magulang ay naging saksi rito. Itinuro nila sa kanilang mga anak ang naging karanasan nila sa
puting tigre.

SAGUTIN NATIN:

Gawain 1: Pag-unawa sa binasa


1. Ano ano ang mga katangian ng binata sa pabulang binasa?
2. Bakit lumaking ulila sa ama ang binata? Ano ang nangyari sa kanyang ama?
3. Saan niya nais pumunta nang magpaalam siya sa kanyang ina? Ano ang kanyang pakay?
4. Pinayagan ba siya kaagad ng kanyang ina? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Bakit ba kinatatakutan ng lahat ang puting tigre?
6. Makatwiran ba ang hindi pagsasabi ng katotohanan ng kanyang ina tungkol sa kahusayan
ng kanyang ama sa pagbaril? Ano ang iyong palagay dito?
7. Naging madali ba ang kanyang pag-alis patungo sa kabundukan? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
8. Mababakas ba sa mga ikinikilos ng binata ang takot sa tigre? Magbigay ng patunay sa
iyong sagot.
9. Sumagi ba sa isip ng binata na huwag na lang tumuloy papuntang kabundukan ng
Kamgang? Pangatwiranan ang iyong sagot.
10. Sino pa ang tauhang pumigil sa binata sa pagtugis niya sa puting tigre? Ano ano ang
kanilang mga dahilan?
11. Kung ikaw ang binata, itutuloy mo pa rin ba ang iyong balak sa kabila ng pagpigil ng ilang
tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.
12. Ano kaya ang sikreto ng binata kung bakit siya’y nagtagumpay?
13. Sa iyong palagay, ano anong mga pagpapahalaga ang maituturing na susi ng tagumpay?

Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Bilugan ang letra ng tamang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa
pangungusap.
1. Maraming kuwento ang aming narinig tungkol sa mabagsik na tigre.
A. malaki B. malakas C. mabangis
2. Nagsanay nang husto ang binata upang mapaghandaan ang paghaharap nila ng
kalaban.
A. nag-ensayo B. nagsumikap C. nagpursigi
3. Pilit nyang pinag-igihan ang kanyang ginagawa upang matiyak ang kanyang
tagumpay.
A. pinaghandaan B. pinagbutihan C. pinag-isipan
4. Wala siyang oras na inaksaya. Ginugol niya ang bawat oras sa paghahasa sa
kanyang sarili.
A. sinayang B. pinalampas C. inisip

3
5. Ang kanyang kalaban ay walang sinasanto kaya’t dapat handa ang makakalaban
nito.
A. walang pagod B. walang pinipili C. walang sawa

Ilapat Natin
Gawain 3: Iguhit Natin
Mula sa mga tauhan ng pabulang nabasa mo, gumuhit ka ng isang hayop na sumisimbulo
sa iyong pagkatao. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong hayop. Gawin sa sagutang papel.

Gawain 4: Iugnay Natin


Magbigay ng mga salita/ kataga/ pangungusap na may kaugnayan sa salitang nasa bilog
batay sa pabulang nabasa.

Pabula

Suriin Natin

Gawain 5: Magsaliksik Tayo

Magbigay ng iba pang pabula mula sa ibang bansa sa Asya. Suriin at alamin kung ano
ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nila sa pabulang nabasa mo. Gamitin ang “Graphic
Organizer” na nasa ibaba upang itala ang pagkukumpara.

Bansang Pamagat ng Pagkakatulad sa Pagkakaiba sa Pabulang


pinagmulan Pabula Pabulang binasa binasa
Ng Pabula

Gawain 6: Story Ladder

Isulat sa bawat baitang ng hagdan ang mahahalagang pangyayari sa pabulang “Ang


Puting Tigre “
WAKAS

KAKALASAN

KASUKDULAN

TUNGGALIAN

SIMULA

4
Pagsasanib sa Gramatika/Retorika
Basahin at suriin:

Marahil nakakita na kayo ng kahindik-hindik na pagmamalupit sa walang kalaban-labang


mga hayop. Katulad ng mga asong pinapalo ng tubo, asong kinakaladkad ng motor at marami
pang paraan ng pagmamalupit. Ay naku! talaga namang nakadidismaya.
Ano naman ang nararamdam ninyo noong nakita ninyo si Kabang na natapyasan ng
mukha dahil sa pagtatanggol niya sa anak ng kanyang amo?

Siguro ay napagbuntong-hininga kayo at nagsabing. Yehey! Mayroon na tayong asong


bayani. O kaya naman ay Grabe! Nakalulungkot ang nangyari sa kanya, nakakaawa.

Ano naman kaya ang mararamdaman ninyo kapag nakakita kayo ng mga asong
nakadamit at nakaayos na parang mga laruan, katulad ng mga toy poodle, shitzu at iba pa? Tiyak
na mapapabigkas kayo ng Aww! Nakakagigil sila sa tuwa!

Iyan at marami pang uri ng hayop ang nagbibigay sa atin ng iba-ibang emosyon o
damdamin. Nagpapasalamat ako dahil sa kasalukuyan ay malawak na ang ating kamalayan
tungkol sa tamang pagturing natin sa mga alaga natin.

Pag-isipan at pag-usapan
1. Ano ang kalagayan ng mga ibang hayop sa ating lipunan?
2. Ano ang nararamdaman mo para sa kanila?
3. Ano ang maaari mong gawin upang mapalawak pa ang kamalayan ng ibang
tao tungkol sa tamang paraan ng pag-aalaga ng hayop?

Balikan mo ang salita o pangungusap ng nakasulat nang mariin. Ang mga ito ay
nagpapahayag ng iba’t ibang emosyon o damdamin. Sa puntong ito ay babalikan mo ang
iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin upang magamit mo ito sa pang
araw-araw na pakikipagtalastasan.

Tandaan Natin

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin


Maraming emosyon o damdamin tayong nararamdaman habang binabasa ang pabula.
Maaaring hindi pare-pareho sapagkat iba-iba naman ang pananaw ng bawat tao. Mayroon ding
iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon upang epektibo nating maiparating ang ating
nararamdaman. Ating alamin ang iba’t ibang paraan upang magamit natin ito sa pang araw-
araw na buhay.
Ang mga sumusunod ay ang mga iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at
emosyon:

1. Mga Pangungusap na Padamdam- Ito ay mga pangungusap na pagpapahayag ng


matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng bantas na tandang padamdam
(!).
Halimbawa: Ay nandyan na ang mabangis na tigre!

2. Maikling Sambitla- Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: Yehey! Naku! Huwag! Lagot!
(Maaari ring isama ang sambitlang ito sa parirala o sugnay upang maging higit na
tiyak ang damdamin o emosyong nais ipahayag.)

5
3. Mga pangungusap na nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang
Tao- Kadalasan, ito’y mga pangungusap na may anyong pasalaysay kaya’t
mahihinuhang hindi gaanong matindi ang damdaming ipahahayag subalit maaari rin
itong maging pangungusap na padamdam na nagsasaad naman ng matinding
damdamin.
Halimbawa:

a. Kasiyahan: Natutuwa ako sa pagdating ng binatang sumalba sa aking buhay.


b. Pagtataka: Bakit hindi siya nagsasawang tumulong sa iba?
c. Pagkalungkot: Ikinalulungkot ko ang ginawa ng mabangis na tigre.
d. Pagkagalit: Galit ako sa pagmamalupit ng tao sa mga mahihina.
e. Pagsang-ayon: Tunay ngang nakabubuti ang pagsasama-sama.
f. Pagpapasalamat: Salamat sa iyong pagdating.

4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan


Halimbawa:
Nakalulungkot isiping ang tauhan ay sumakabilang buhay na.
Kahulugan: pumanaw

Subukin Natin:
Panuto: A. Bilugan ang maikling sambitla sa bawat pangungusap. Isulat ang damdaming
ipinapahayag sa patlang bago ang bilang.

nasaktan Humanga kasiyahan


pagkainis Pagkatakot pagkadismaya

____________1. Grabe! Nahilo ako sa dami ng taong dumating upang panoorin ang
pagtatanghal. Sana hindi na lang ako pumunta.
____________2. Aray, natapakan ang paa ko! May sugat pa naman ako.
____________3. Awwww ! Napakaganda ng kaniyang ginawa.
____________4. Yehey! Ikaw ang nanalo.
____________5. Ngek! Hindi iyan ang pinabibili ko.

B. Bumuo ng tig dadalawang pangungusap gamit ang mga mga iba’t ibang
paraan ng pagpapahayag ng damdamin at emosyon

1. Mga Pangungusap na Padamdam


2. Maikling Sambitla
3. Mga Pangungusap na nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao

Ngayon ay handang-handa ka na para sa mga pagsasanay. Gamitin mo ang iyong mga


natutuhan sa ating aralin upang masagutan ang mga pagsasanay na mababasa sa susunod na
pahina.

6
Tayain Natin

ARALIN 2
ANG PUTING TIGRE
PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN

Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin kung anong emosyon o damdamin ang nais ipahiwatig sa bawat
pangungusap.

____________ 1. Pasensiya na pero ayaw kong makisali sa gawaing masama.


____________ 2. Ano ba! Huwag ka ngang makialam.
____________ 3. Naku po! May lumilitaw yata rito.
____________ 4. Natutuwa ako at nakinig ka rin sa aking mga payo.
____________ 5. Sana nga! Magkaroon ng katuparan ang aking pangarap.

Pagsasanay 2
Panuto: Suriin kung anong paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin ang mga
sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.

A. Mga pangungusap na padamdam


B. Maikling Sambitla
C. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o saloobin ng
isang tao.
D. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi
diretsahang paraan.
__________ 1. Sunog!
__________ 2. Mataas na ang sikat ng araw.
__________ 3. Labis akong nagagalak sa pagpapalang tinatamasa mo.
__________ 4. Wow! Ang ganda ng tanawin.
__________ 5. Mukhang may damit pang mas bagay sa iyo kaysa sa suot mo.

Pagsasanay 3
Gamitin ang mga nakatalang emosyon o damdamin sa pagsulat ng mga pangungusap tungkol
sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Damdamin: galit
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Damdamin: lungkot
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Damdamin: pagkadismaya
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

7
4. Damdamin: pagod sa sunod-sunod na balita tungkol sa pagmamalupit sa hayop
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Damdamin: tuwa dahil sa pagkakaroon ng kamalayan na itigil na ang pang-aabuso sa


hayop
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Pagsasanay 4
Panuto: Sa loob ng kahon sa ibaba, sumulat ng isang diyalogo tungkol sa kalagayan ng mga
hayop bilang mga alaga sa inyong bahay. Gagamit ka ng mga pahayag na nagpapakita ng iba’t
ibang emosyon o damdamin.

Likhain Natin

Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Isagawa ito nang buong husay.

Pinuno ka ng Human Resource Department ng isang kompanya. Magsasagawa


ka ng paligsahan sa pagsulat ng pabula bilang isa sa mga bahagi ng workshop. Ang
bawat isa ay dapat pumili ng isang hayop na sumisimbulo sa isa sa mga katangian dapat
taglayin ng isang mahusay na empleyado. Ang napiling hayop ang gagawin ninyong
tauhan sa isusulat na pabula. Dapat isaalang-alang sa paghuhusga ang mga sumusunod
na pamantayan.

RUBRIK SA PAGMAMARKA

A.Orihinalidad 3
B.Pagiging malikhain 3
C.Pagkakabuo ng kuwento 2
D.Pagkakalahad ng mensahe 2
Kabuuan 10

You might also like