Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

SEFI 101

Introduksyon sa
Pag-aaral ng Wika
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

DESKRIPSYON NG KURSO

Tinatalakay sa kursong ito ang palatunugan (ponolohiya), palabuoan (morpolohiya) at palaugnayan


(sintaksis) ng Wikang Filipino. Kasama nito ang paghahambing ng istruktura ng Filipino at ang unang
wika ng mga mag-aaral. Nakapaloob dito ang isentibong pag-aaral ng Wikang Filipino na may pokus sa
bahagi ng pananalita at istruktura ng wika

BUNGA NG KURSO

Inaasahang matatamo ng mga mag-aaral sa kursong ito ang mga batayang kaalaman sa
istuktura ng wikang Filipino at nagagamit din nang may wastong pag-unawa ang mga konseptong
pambalarila sa mabisang pakikipagtalastasan.

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Matapos ang pag-aaral ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Masuri at magamit nang may kahusayan ang iba’t ibang anyo at kayarian ng wika.
• Makakamit ng kaalaman hinggil sa kalikasan, kahalagahan at katangian ng Wikang Filipino.
• Makapagtatamo at napaghuhusay ang kaalaman sa kaangkinan ng wika,
• Makagagawa ng mga mahuhusay na pangungusap na may pagsasaalang-alang sa balarila
NILALAMAN

ARALIN 1 PAGSULYAP SA KASAYSAYAN AT PAG-AARAL NG WIKA

ARALIN 2 ANG WIKA AT ANG DEBELOPMENT NG WIKANG FILIPINO

ARALIN 3 PONOLOHIYA / PALATINIGAN


Pagbigkas ng mga Tunog
Mga Sangkap ng mga Tunog
Punto at Paraan ng Artikulasyon

ARALIN 4 MORPOLOHIYA
Pagkilala sa Morpema at mga Uri nito

2
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Pagbabagong Morpoponemiko

Iba’t ibang Uri ng Asimilisasyon

ARALIN 5 PANGUNGUSAP AT SINTAKSIS


Pagbuo ng Pangungusap
Mga Parirala at Sugnay na Pangungusap

3
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

ARALIN 1
PAGSULYAP SA KASAYSAYAN AT PAG-AARAL NG WIKA

Bunga ng Pagkatuto

• Napaghahambing ang katuturang historical sa mga pag-aaral ng wikain sa Pilipinas batay sa


pinagmulan at katangian nito.
• Nakasusuri ng iba’t ibang naging pag-aaral hinggil sa pag-unawa sa wika.

A.Simu-simula ng Wika. Naniniwala ang mga antropologo na ang wika ang mga kaunaunahang tao sa
daigdig, kung mayroon mang wikang masasabi noon, ay isang uri ng wikang halos katulad ng sa mga
hayop. Kung sabagay, kung totoo ngang mga unang tao ay hayop din kundi lamang dahil sa kanyang
nalinang na wika at kultur na tanda ng kanyang pag-aangkin ng higit na mataas na uri ng talino kaysa
alinmang hayop sa daigdig.
Iba’t iba ang paniniwala ng mga ng mga palaaral tungkol sa kung marami o iisa ang
pinagmulan ng mga wika sa daigdig. Ang mga bagay na ito’y tulad lamang ng iba’t ibang
paniniwala tungkol sa pinagmulan ng tao. Kaya nga’t kung tayo’y maniniwala na ang mga tao
sa buong daigdig ay nagbuhat sa iisang angkan lamang, masasabi rin natin na ang iba’t ibang
wika sa daigdig ay nagbuhat din sa iisang angkan. Subalit kung ang kabaligtaran nito ang ating
paniniwala, natural lamang na tanggapin din nating hindi iisa ang pinagmulan ng iba’t ibang
wika na ngayon ay laganap sa buong daigdig.
Kung Bibliya (ef. The Way 1972) naman ang ating pagbabatayan tungkol sa kung sa kung
papaano lumaganap ang wika, sa Genesis 11:1-9 ay ganito ang nasasaad:
Pagkatapos ng delubyo o malaking baha, ang mga angkang nagmula kay Noah ay
dumami at lumaganap pagawing silangan. Noong panahong iyon ay isang wika lamang ang
sinasalita ng lahat ng tao. Sa patuloy na pagahahanap ng mga tao ng mabuting pook na
mapaninirahan ay natuklasan nila ang lupain ng Babilonya. Doon sila nagsimulang magtatag
ng isang lunsod. Nagsimula rin silang magtayo ng isang mataas napakataas na templong-tore
na halos umabot sa langit, wika nga. Ang nasabing templong-tore ay isang bantayog na
sumasgisag sa kanilang palalo at walang-hanggang paghahangad.
Nang bumaba sa kalupaan ang Diyos ay Nakita Niya ang templong-toreng itinatayo ng
mga tao. Iniisip Niya na kung patuloy na magkakaroon ng isang wika ang mga tao, sila ay
mananatiling nagkakaisa at maaaring dumating ang panahon na wala nang maging katapusan
ang kanilang pagiging labis lalong paghahangad. Ang nasabing tore ay palatandaan ng palong
paghahangad ng mga tao na mapalapit sa Diyos, at kapangyarihan.
Kaya’t ginawa ng Diyos ay binigyan Niya ang mga tao ng iba’t ibang wika upang sila’y
hindi magkaunawaan. Nang hindi na nagkakaunawaan ang mga tao ay nagsimula na silang
magkawatak-watak at kumalat sa buong daigdig. Ang lunsod at templong-tore na kanilang

4
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
itinayo, mula noon ay nakilala sa tawag na Lunsod ng Babel at tore ng Babel na ang ibig sabihin
ay “City of Confusion” at “Tower of Confusion” sapagkat doon nakaranas ang mga tao ng
pagkalito, pagakakagulo, at pagkakawatak-watak nang sila’y bigyan ng Diyos ng iba’t ibang
wika.
Anupa’t sa mga aklat ay marami pang mababasa tungkol sa iba’t ibang teorya kung
papaano nagsimula at lumaganap ang wika. Nariyan ang tinatawag na teoryang “bowwow,”
teoryang “dingdong,” teoryang “pooh-pooh,” at kung anu-ano pa na may kalabuan,
kaya’tmahirap paniwalaan.
May mga pagkakataon na ang ilan ay nagsasagawa pa ng eksperimento. Di umano, si
Psammitichus, hari ng Ehipto noong unang panahon, ay nagpakuha ng dalawang sanggol at
pinaalagaan ang mga ito sa isang pook na walang marinig na usapan ng mga tao upang alamin
kung anong wika ang kanilang matutuhan. Ang unang nabigkas diumano ng dalawang bata ay
ang salitang bekos, isang salita sa wikang Phrygian (isa na ngayong patay na matandang wikang
Indo-Europeo) na ang ibig sabihin ay bread. Dahil doon ay nagbigay ng kongklusyon si haring
Psammitichus na ang dalawang bata, kahit walang naririnig na wikang Phrygean ay matuto rin
nito. Nagbigay rin ng kongklusyon ang nasabing hari na ang wikang Phrygean ay mas una at
mas matanda sa wikang Egyptian. Katulad ng ibang teorya at paniniwala, napakhirap
paniwalaan ang nagging mga kongklusyon ng nasabing hari sa kanyang eksperimento.

Mga Prinsipal na angkan ng wika. Ang pagkilala at pagpapangkat-pangkat ng halos 5,000 wika sa
daigdig ayon sa kani-kanilang pinagmulan ay hindi biru-birong gawain. Sa payak na paglalarawan, ang
ganitong gawain ay naisasagawa ng mga antropologo at dalubwika sa pamamagitan ng
pagtutuladtulad sa iba’t ibang wika upang alamin kung ang mga ito ay may pagkakahawig, kundi man
pagakaktulad, sa palatunugan, sa palabuuan, sa palaugnayan at sa talasalitaan o leksikon. Ipinalalagay
ng mga palaaral na ang dalawang wikang may pagakakatulad o pagkakahawig sa nabanggit na maga
lawak ay mga palatandaan na ang dalawang wika ay magkaangkan.

Binabakas din ng mga antropologo ang kasaysayan ng paglaganap ng tao sa daigdig, ang paguugnayan
ng mga tao na may kinalamansa kanilang pagkakalakalan o pulitika, ang heograpiya, at iba pa na may
kaugnayan sa pagbakas ng pinagmulan ng iba’t ibang wika. Kung nasakop ng isang bansa halimbawa,
ang isang bansa noong unang panahon, natural lamang na asahan na ang wika ng nanakop ay pinairal
sa sinakop. Gayundin, ang pagakakalapito pagakakalayo ng mga bansa, ang mga dagat, mga bundok
na nakapagitan sa mga ito ay mga salik na isinasaalang-alang sa pag-uuri-uri ng mga wika. Ang
pagbakas sa kasaysayan ng mga wika ay masasabing nakabalik lamang ng mga wika ay masasabing
nakabalik lamang ng mga 6,000 hanggang 8,000 taon dahilan sa kawalan ng mga datos na
mapanaligan. Sa katotohanan, ang pagbakas sa ibang wika ay ni hindi nakaabot sa nakaraang 2,000
taon.

Kahulugan ng Wika
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura, ayon kay Henry
Gleason.

5
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Mga katangian ng wika.


 Masistemang balangkas
 Sinasalitang tunog
 Pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
 Ginagamit sa komunikasyon
 Pantao
 Nakaugnay sa kultura
 Natatangi
 Nagbabago
 Malikhain

6
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
GAWAIN 1

Panuto: Sundin ang direksyon sa bawat bilang:

1. Sumulat ng tig-iisang praktikal na halimbawa sa bawat katangian ng wika.

2. Ibigay ang kahulugan ng bawat sumusunod at ipaliwanag ang kaugnayan nito sa


kasaysayan ng wika.

Bekos
Pooh pooh
Tore ng Babel
Hindu
Angkan ng wika

7
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

ARALIN 2
ANG WIKA AT ANG DEBELOPMENT NG WIKANG FILIPINO

Bunga ng Pagkatuto

1. Nailalahad at napahahalagahan ang naging kasaysayan ng wikang pambansa, mula sa Tagalog, Pilipino
hanggang Filipino hanggang wika ng pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino.
2. Nakikilala at naipaliliwanag ang mga pangyayaring nakaapekto sa debelopment ng wikang Filipino

8
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

9
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
.

10
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

11
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

12
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

13
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

14
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

GAWAIN

1. Gumawa ng timeline kaugnay sa tinalakay na kasaysayan ng wikang Filipino.

2. Itala ang iba’t ibang pangulo at ang kanilang mga ipinatupad na batas na ipinatupad
kaugnay ng wika.

15
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

ARALIN 3
PONOLOHIYA

Bunga ng Pagkatuto

1.Nababatid ang katuturan ng palatunugan batay sa gamit at paggamit nito.


2.Nakapagbibigay ng pang-akademikong pagsusuri hinggil pahambing na pag-aaral ng iba’t ibang
modelo ng palatunugan/pagtingin at maging teorya.

PONOLOHIYA – Tumutukoy sa maka-agham nap ag-aaral ng makabuluhang tunog na kinikilalang


ponema.

Ponema – pinakamaliit nay unit ng tunog na may kahulugan.

Ponemang Segmental – ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra upang
Mabasa at mabigkas.

Katinig – ipinakikita ang mga ponemang ito batay sa paraan at punto ng artikulasyon at ang mga ito
ay may tinig (m.t) o walang tinig (w.t). Ito ay binubuo ng b, d, g, h, k, l, m, n, p, r, s, t, w, x, y at ng.
Punto ng Artikulasyon – bahagi ng bibig kung saan nagaganap ang pagbuo ng katinig.

Paraan ng Artikulasyon – paraan kung paano nalilikha ang mga katinig.

Ang Tsart ng mga Ponemang Katinig ng Filipino

PUNTO NG ARTIKULASYON
PARAAN
ARTIKULASYON Panlabi Pangipin Panghilagid Pangngalangala Glottal
Palatal Velar
Pasara
w.t. pb t kg ?
m.t. d
Pailong m n
m.t. n

16
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Pasutsot n
w.t. s

Pagilid

m.t. l

Pakatal r

m.t.

Malapitang

m.t. w

Patinig – ito ang itinuturing na pinakatampok na bahagi ng pantinig. Ang limang patinig ng Wikang Filipino ay
ang a, e, I, o, u.

TSART NG PONEMANG PATINIG

HARAP SENTRAL LIKOD (PINAL)


(MIDYAL)
(INISYAL)

MATAAS /i/ /u/

GITNA /e/ /o/

MABABA /a/

Mala-patinig- mula sa loob ng kahon sa tsart ng ponemang katinig makikita ang /i/ na kapag binigkas ay
nagiging /iy/ at ang /ey/ ay /ey/ sa huling dalawang tunog na /y/. Ang /u/ ay nabibigkas ng /uw/ at /o/ ay
nabibigkas ng /ow/. Sa makatuwid ang mga tunog na /y/ at /w/ ay tinatawag nating malapatinig.

Diptonggo – magkasamang pantinig at katinig sa isang pantig. May pitong diptonggo sa Filipino: ay, ey, ou,
uy aw, ow, iw.

17
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Halimbawa:

Bahay, kahoy, kalabaw, saliw

Klaster o kambal katinig – ito ang magkasunod na katinig sa isang pantig.

Halimbawa:

Trabaho, pluma, krimen, gripo

Pares-Minimal – ito ay pares ng salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad ang bigkas maliban sa
isang ponema sa parehong posisyon.

Halimbawa: pala – bala, kula – gulay, mesa – misa

Ponemang Malaya Nagpapalitan – pares ng salita na katatagpuan ng magkaibang ponema sa magkatulad na


kaligiran ngunit hindi nakaaapekto o nakapagpabago sa kahulugan ng salita.

Halimbawa:

estruktura – istraktura nasyonal - nasyunal politika – pulitika

kalsada – karsda

Ponemang Suprasemental – ksraniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat kundi mga simbolo
lamang upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.

Diin – paglakas o paghina ng pagbigkas ng isang salita

• Uri ng Diin

malumay – háyop, babáe, úlo


- tumataas ang tinig sa ikalawang pantig buhat sa hulihan
- nagtatapos sa patinig at katinig
- walang tuldik malumi – batá, sipí, punó

- may tuldik na paiwa (‘)


- nagtatapos sa patinig lamang
- may impit sa huling pantig ng salita mabilis – matá, buhók, pisngi

- may tuldik na pahilis (‘)


- nagtatapos sa patinig at katinig
- mabilis ang pagbigkas at walang impit maragsa – dugô, mukhâ, dukhâ

- nagtatapos sa patinig lamang


- mabilis ang pagbigkas at may impit sa huling pantig

18
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
- ginagamit ang tuldik na pakupya (^)

Tono, Intonasyon, Punto – tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita

cHalimbawa: 3

a. ma gan da
2 1

2 3

ma gan da

b. Maganda si Angel
2 1

2 1 3

Maganda si Angel

Hinto, Antala – saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang ibig na sabihin.

Halimbawa:

Hindi, ako ang nagsabi.

Hindi ako ang nagsabi.

19
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
GAWAIN

Gawain:

Panuto: Sundin ang direksiyon sa bawat bilang:

1.Sumulat ng mga sariling halimbawa ayon sa mga sumusunod at ipaliwanag ang ibig mong
ipakahulugan: (tig 3 halimbawa)
a. Hinto- (3 halimbawang pangungusap na may hinto, ipaliwanag ang kahulugan ng pangungusap
upang makita ang kaibahan ng kahulugan nito sa antala.

b.Antala- (3 halimbawang pangungusap na may antala, ipaliwanag ang kahulugan ng


pangungusap upang Makita ang kaibahan ng kahulugan nito sa hinto.

2.Suriin ang mga sumusunod na mga salita at isulat sa patlang ang titik kung A-diptonggo, B-klaster o
kambal katinig, C-pares-minimal, D-ponemang malayang nagpapalitan, Eponemang suprasegmental, at
F-ponemang segmental:

_____1.diin- _____6.paksiw
_____2.riles- diles _____7.keyk
_____3.diptonggo _____8.buto
_____4./ba.ta’/-child _____9.karamay- kadamay
/bata’/- to sacrifice
_____5.plakard

10. Isulat ang pangungusap na nasa ibaba ayon sa tono, intonasyon o punto. Ipaliwanag ang kahulugan
ayon sa iyong kahulugan.

Pangungusap: Masipag si Luisa. ___________________________

20
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

ARALIN 4
MORPOLOHIYA

Bunga ng Pagkatuto

1.Nalalaman ang batayang kaalaman hinggil sa pag-aaral ng mga morpema katuturan at


kahalagahan nito.
2.Nakapagtatala ng sariling pagkilala sa bahagi ng pag-aaral nito.
3.Nakapagbabahagi bilang paunang pagbuo sa pagsipat/pagtingin sa palabuuan.

MORPOLOHIYA

- Maka-agham na pag-aaral ng mga morpema.


Anyo ng Morpema
• Morpemang Binubuo ng Isang Ponema Halimbawa: lolo – lola abogado – abogada
manong – manang

• Morpemang Binubuo ng Panlapi Halimbawa:


Unlapi [ mag- ] + [ aral ] + mag-aral
Gitlapi [ k ] + [ um ] + [ ain ] = kumain
Hulapi [suway] = [ in ] = suwayin

• Morpemang Binubuo ng Salitang-Ugat Halimbawa:


Bayan, ganda, bata

Kayarian ng Morpema

• Payak – salitang-ugat lamang Halimbawa:


Bahay, laro, uso
• Inuulit – ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit.

21
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Halimbawa:
araw-araw, isa-isa, baha-bahagi, minu-minuto

• Maylapi – binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi na maaaring sa unahan, gitna
hilihan, kabilaan, o laguhan.
Halimbawa:
Nagtanim, tumakbo, iwanan, pagsumikapan

• Tambalan – dalawang salitang pinagsama upang makabuo ng isa lamang salita na nawawal ang
gitling kapag nagkaroon ng ikatlong kahulugan.
Halimbawa:
Bahay-kubo, dalagang-bukid, bahaghari

Pagbabagong Morpoponemiko

• Asimilasyon – pagbabagong nagaganap sa /nj/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng


ponemang kasunod nito.
Halimbawa: b at p = m pangpaaralan = pampaaralan
d, l, r, s at t = n panglaro = panlaro

• Asimalasyong Di-Ganap – bukod sa pagbabagong nagaganap sa pinal na morpemang -ng o


ponemang /nj/na nagiging /n/ o /m/ dahil sa sumusunod na tunog, wala nang iba pang pagbabagong
magaganap sa anyo na salita.
Halimbawa:
[ pang- ] + [ panitikan ] = pangpanitikan pampanitikan.
[ pan- ] + [ talon ] = pangtalon
Pantalon

• Asimilasyong Ganap – bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /nj/ ayon sa punto ng


artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponemang ng nilalaping salita
dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.
Halimbawa:

22
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
[ pang- ] + [ palo ] = pangpalo pampalo pamalo
[ pang- ] + [ tali ] = pangtali pantali panali

• Pagpapalit-ponema – mga ponemang nagbabago o nagpapalitang sa pagbubuo ng salita.


Halimabawa:
/d/ - /r/ madapat marapat
/h/ - /n/ tawahan tawanan

• Metatesis – kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa /l/ o/y/ ay ginitlapian ng [in], ang ang
/l/o/y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng posisyon.
Halimbawa:
I + [ -in ] + ipad = linipad nilipad l + [ -in ] + uto = linuto niluto

• Paglilipat-diin – may mga salitang nagbabago ang diin kapag nilalapian.


Halimbawa:
basa + [ -hin ] = basahin laro
+ [ -an ] = laruan

• Pagkakaltas ponema – kapag ang hulinhd ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa


paghuhulapi.
Halimbawa:
takip + [ -an ] = takipan takpan bili
+ [ -han ] = bilihan bilhan

• Reduksyon – ito ay paglalagom ng salita Halimbawa:


tingnan mo tamo
tayo na tena

23
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

GAWAIN
Panuto: Sundin ang direksiyon sa bawat bilang:

1.Kumuha ng kopya o lirycs ng Pambansang awit ng Pilipinas. Mula sa awit na iyon piliin at isulat
ang mga salita na payak, inuulit, maylapi at tambalan.

PAYAK INUULIT MAYLAPI TAMBALAN

2.Sumulat ng tig-dadalawang halimbawa ng mga salita ayon sa mga Pagbabagong Morpoponemiko


na hindi kasama sa mga naibigay na sa modyul.

24
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

25
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

26
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

27
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

28
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

29
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

30
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

31
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

32
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

33
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

34
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
ARALIN 5
PANGUNGUSAP AT SINTAKSIS

Bunga ng Pagkatuto

1.Natutukoy ang iba’t ibang isyu hinggil sa pagbuo ng pangungusap.


2.Nakapagsusuri ng mga pag-aaral sa palaugnayang sintkas ng pangungusap maging sa mga
kakailanganing sangkap sa mabisang pagbuo nito.

35
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

36
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

37
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

38
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

39
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

40
SEFI 101: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

SANGGUNIAN:

Carpio, Perla S. et al. (2012). KSAF: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. JIMCYZVILLE


Publications. Lungsod ng Malabon, Pilipinas:

Tee, John. (2018). Kasaysayan ng Wikang Filipino. Iloilo Science and Technology Univer

Santos, Lope K. (1944). Balarila ng Wikang Pambansa (2nd ed.) Lungsod ng Maynila: Kawanihan
ng Palimbagan. Sentro ng Wikang Filipino.1999

Tanawan, Dolores et al. (2007). Istruktura ng Wikang Filipino. Lungsod ng Cabanatuan, Pilipinas:
Jimcy Publishing House

41

You might also like